CHAPTER 15

CHAPTER 15

DELAIHLA FRIA HATT

"I got you," malambing na banggit ni Dom.

Muli akong naubo bago magsalita. Binuhat niya ako pabalik sa kama at maingat na nilapag. Nanubig ang mata ko nang makitang umiiyak pa rin si Aksana.

"Huwag ka nang umiyak, Axe." Hindi ko alam kung naiintindihan niya ang sinabi ko. Gumagaralgal na ang boses ko.

"Fria. . ." humihikbi-hikbing imik ni Aksana.

Hindi ko na napigilang umiyak. Hinayaan ko lang na dumaloy ang pinipigilan kong luha. Inubo na naman ako, napapahilot sa aking sintindo.

"Hey. Why are you crying?" may pag-aalalang tanong ni Dom, sinusungkit ang aking luha gamit ang kanyang mga daliri.

"C-can you stop her from crying?" Itinuro ko si Aksana. "Mahihirapan siyang makahinga k-kapag wala siyang tigil s-sa pag-iyak."

Tumango si Dom at pinuntahan si Aksana. Kinarga niya ang bata saka hinagod ang likod nito, tila ba mayroon pang ibinubulong. Nanatili akong nakatingin sa kanila hanggang sa tumahan na si Aksana.

Unti-unting kumalma ang ingay sa paligid. Kalaunan ay marahang ihiniga ni Dom si Aksana sa kama. Mahimbing na itong natutulog, namumula pa rin ang ilong at pisngi.

Nagsalubong ang mga mata namin ni Dom saka siya pinaunlakan ng isang tipid na ngiti.

"S-salamat," sambi ko at napaubo.

Dom let out a soft smile.

"Are you hungry? I cooked you some macaroni soup." There was a glint in his eyes.

Pagkabanggit na pagkabanggit niya noon ay bigla namang tumugon ang sikmura ko.

"Y-yeah," I answered, flustered. "I need to eat."

Tumango siya at inalalayan akong makatayo. Doon ko pa lang napansin na iba na ang pajama na suot ko. Nakatakip na rin ako ng jacket.

"Pinalitan mo ba ako ng damit?" mahiya-hiya kong tanong habang naglalakad tungo sa hapag-kainan.

He gently nodded before pulling out a seat for me. Agad niya rin akong nilapagan ng isang mangkok ng mainit na sopas.

"Pawis na pawis ka kasi noong nakita kita," he started explaining. "That's why I changed your clothes. Aksana can't even dress you because she was crying, remember?"

Nanginginig kong hinawakan ang kutsara, damang-dama ang panghihina. Ni hindi ako makasandok nang maayos mula sa aking mangkok.

Dom heaved a sigh. "Here. Let me feed you." Kinuha niya ang kutsara mula sa kamay ko at sumandok ng sopas.

Hinipan niya 'yon saka nilapit sa akin. Ngumanga naman ako.

"Ouch! It's hot," asik ko, lalamunan ay gumagaralgal.

"Oh—I-I'm sorry." Hindi naman siya natigil sa pagpapakain sa akin.

Sa pangalawang pagkakataon ay sumandok muli siya ng sopas, pero siniguro niya munang mahihipan niya iyon nang maayos.

He looked at me with eyes of concern before speaking once more.

"She is really worried about you," pagtukoy niya kay Aksana.

My lips drew a flat line. "I know."

Napabuntonghininga si Dom saka ako pinainom ng tubig. Iniabot niya na rin sa akin ang gamot para makainom na ako noon.

"P-paano ka pala nakapunta rito?" usisa ko.

"Aksana called me. I thought it was you, but when I heard her sobs, I immediately went here." Tumayo siya at sinimulang ligpitin ang pinagkainan.

Aksana called him? Baka nakita niya sa contacts ko 'yong name ni Dom.

"Huwag mong sabihing pinatabi mo siya sa akin kagabi? Baka m-mahawahan siya," nag-aalala kong sabi.

He shook his head. "No. Magkatabi kaming natulog sa baba ng kama. Buti na lang at may foam doon."

Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi niya. Tumayo na ako at dahan-dahang naglakad pabalik sa kwarto. Marahan din akong inalalayan ni Dom. When we got there, I immediately sat on my bed. Naupo naman si Dom sa nakalatag na foam sa lapag.

"By the way," he started. "Nagbigay ng grocery si Cattalina. I arranged them all in your fridge."

I let out a flat smile. "Thank you," ang tanging naitugon ko saka naupo sa nakalatag na foam.

Pahiga na sana ako nang bigla namang tumabi sa 'kin si Dom. He made me lay my head on his lap. Napapikit ako nang bigla niyang hinilot ang ulo ko. Marahan. May paglalambing.

"Good?"

"Yeah," tugon ko, halos pabulong. "It feels good."

Namayani ang katahimikan habang abala si Dom sa paghilot ng ulo ko. Ngunit naudlot agad ang katahimikang 'yon nang bigla akong nagtanong.

"Dom?" He just hummed a question mark. "Can I have Cattalina's number?"

Isang tipid na ngiti ang sumilay sa kanya. "Sure."

Nagpasalamat ako saka pumikit ulit. Tila umikot ang aking isipan nang bigla kong sariwain ang mga bagay na may kinalaman sa aming dalawa ni Dom. Alam kong tila saglit lang ang lahat, pero bakit tila sobrang laki ng epekto niya sa 'kin?

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko nang maalala rin na siya ang nagpalit ng damit ko. What's wrong with me!? Marami nang nakakita sa katawan ko pero kapag siya. . . Ewan ko ba!

Dinilat ko ang mata ko at tiningnan si Dom. Bumilis ang tibok ng puso ko nang magsalubong ang mata namin. Ang paghilot niya sa aking ulo ay nauwi sa paghaplos ng buhok ko.

"Dominic," I whispered while looking at his eyes.

"Sleep. You need rest," tugon niya, patuloy pa rin sa pagsuklay ng buhok ko.

Tumango na lang ako at muling ipinikit ang mga mata ko. Namayaning muli ang katahimikan sa buong kwarto na siyang bahagyang nasira nang marinig ko ang mahinang pag-awit ni Dom.

"I really like the color of your hair."

Napamungot ako sa kanyang sinabi. "Really?"

"Yeah. . . Pati kay Aksana. Nakakaagaw ng pansin."

"Hmm. . . Alam mo bang kaya laging binu-bully si Aksana kasi ganito ang kulay ng buhok niya? There's nothing wrong with being a redhead, right?"

Bahagyang natigil ang paghagod ni Dom sa buhok ko. Dumilat ako upang tingnan siya.

"It really hurts. . . Nang makita ko siyang kinukulayan niya ng black na pentel pen ang buhok niya. . ." Nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata ko. Hindi ko maikubli ang sakit na naramdaman ko nang sariwain ko ang pangyayaring 'yon.

"S-She really did that?" Tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Yes." Kusang tumulo ang aking munting luha pababa sa aking pisngi nang muli kong ipinikit ang aking mga mata.

Naramdaman ko ang pagpunas ni Dominic sa aking luha gamit ng kanyang daliri. Marahan niyang hinilot muli ang ulo ko.

"Shhh. . . Stop crying. Just sleep, Delaihla. You need to rest."

I nodded. "Thank you, Dom."

"I'm right here."

Namayani ang katahimikan. Hindi naman ako ganito kalala kung lagnatin—parang ngayon nga lang ako naging ganito. Ang bigat ng buong katawan ko pati na rin ang ulo ko. Maski lalamunan ko, sobrang kati.

Namamaos na rin ang boses ko. Buti na lang din at naisipan ni Aksana na tawagan si Dom. Hindi ko talaga alam na lalagnatin ako. Naaawa ako kay Aksana dahil pinag-alala ko pa siya.

"I still love you."

Naputol ang lahat ng iniisip ko kasabay ng pamamanhid ng buong katawan ko. Umalingawngaw sa aking isipan ang mga salitang 'yon, sinusubukang paniwalain kung boses ba ni Dom ang umimik no'n.

Naestatwa ako sa pagkakahiga. Nang idinilat ko ang aking mga mata ay sinalubong ko kaagad ang sa kanya.

"W-what did you just say?"

"I still love you, Delaihla," muli niyang sambit habang nakatingin sa aking mga mata.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Maski mga laman-loob ko ay parang walang mapaglagyan ng galak.

Tangina.

"I thought—"

"Just give me a second chance, please. Tapos na ang namamagitan sa Yroctis at Gorqyieds. You're free from Dinoques. Wala nang hahadlang sa—"

"Puwede bang hinay-hinay ka lang sa pagsasalita? Lalong sumasakit ang ulo ko sa pinagsasabi mo," sikmat ko at dahan-dahang naupo.

Inalalayan niya ako sa pag-upo. Nagkatitigan kami nang ilang segundo hanggang sa hinawakan niya ang kamay ko. Bumaba ang tingin ko doon pagkatapos ay umakyat pabalik sa kanya.

"Please, give me a second chance. Magiging masaya na tayo ni Aksana," seryoso niyang wika.

Binalingan ko ng tingin si Aksana na mahimbing na natutulog habang yakap ang stuffed toys na binigay ni Dom. Hindi ko alam pero sa tuwing nakakasama na namin si Dom, kinakabahan ako—lalo na para kay Aksana.

Alam kong may karapatan siya pero parang hindi pa ako handa. Alam ko naman kung ano ang pakay ko sa kanya—na dapat doon lang ako mag-focus at wala nang iba.

Napabuntonghininga ako saka muling nahiga sa kanyang hita. Nanatili kaming nakatingin sa isa't isa. Kumunot ang noo ko nang bigla niyang nilapit ang mukha niya sa akin.

Agad akong napairap at itinulak kaagad palayo ang mukha niya.

"Mina-magnet na naman ba ng labi ko ang labi mo?" asik ko, halos pabiro.

Natigilan siya sa sinabi ko, tumataas ang gilid ng kanyang labi.

"Yes," he chuckled. "I want to taste your lips. They look so. . . invigorating."

Inirapan ko siya saka muling pumikit. Narinig ko ang pagtawa niya at tila mayro'n pang sinasabi na hindi ko na maintindihan.

"Dominic," I softly called out to him, to which he hummed. "Pumapayag na ako." I slowly opened my eyes, meeting his. Kumunot ang kanyang noo.

"Anong pumapayag?" naguguluhan niyang tanong.

I giggled. "Hindi mo talaga gets?"

Umiling siya. "Ano ba 'yon?"

"Bahala ka—"

"Goddamn it, woman!" he exclaimed, "I get it!"

Marahas ko siyang tinapik, "Ano ba? Magigising si Aksana!"

Napatingin tuloy ako kay Aksana na malalim pa rin ang paghinga. Sobrang himbing ng tulog niya.

Natikom ni Dom ang kanyang bibig.

"Sorry." Inirapan ko siya sa pangalawang pagkakataon ngunit nginitian lamang niya ako saka at hinagod ang buhok ko.

"Thank you, Delaihla." His voice gently caressed my ears.

Tipid akong ngumiti bilang tugon.

"You don't know how much you made me happy. Magpahinga ka na muna. I'll take care of everything around here."

Isiniksik ko ang ulo ko sa kanyang mga hita at hinayaang lamunin ng antok ang sarili. Bago pa man ako tuluyang humimbing ay muli ko siyang narinig.

"I love you."

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

Three days had passed and my fever has now subsided. Sa buong tatlong araw na nilalagnat ako, hindi ako iniwan ni Dominic. Inabutan pa nga siya rito ni Stephanie nang makabalik na siya. Laking pasalamat ko na lang din na nakabawi ako ng lakas, sakto sa family day event nina Aksana sa school.

Huminga ako nang malalim, nakatitig sa telepono bago naglakas-loob na pindutin ang number ni Cattalina. Nilapat ko ang cellphone sa aking tenga. Hindi naman nagtagal at mayroon kaagad na sumagot mula sa kabilang linya.

"Hello?" I almost froze at the sound of her voice. "Who's this?"

"C-Catt. . ." I gulped, "Si Delaihla ito—I mean Daisy—"

Natigilan ako nang marinig ko ang impit niyang tili.

"Oh my goodness! Daisy, it's you! Kumusta ka na?"

Napangiti ako nang marinig ko ang masaya niyang tono. Tumawa ako bago nagsalita.

"W-We're doing good!" I was almost at a loss for words. "Ikaw? Kumusta ka naman? Kumusta na 'yong mga anak mo?"

There was a slight giggle coming from the other line.

"Oh, they're both fine! I missed you, Daisy," malambing niyang tugon.

Ngumiti ako sa harap ng salamin na animo'y nasa harapan ko siya.

"Me too. I missed you."

"Kanino mo pala nalaman ang number ko?"

"Kay Dominic. Hiningi ko," halos tipid kong tugon.

Tumikhim muna ako nang bahagya bago muling nagsalita. "Gusto ko lang magpasalamat. 'Yong binigay mong grocery. . . sana hindi ka na nag-abala pa."

There was a sudden pause from the other line. "Huh? Anong grocer—"

My eyebrows crunched in the middle when the call immediately got cut. Sinubukan kong i-redial ang numero niya pero hindi ko na siya ma-contact. Napabuntonghininga ako.

"Fria! Halika na. Nand'yan na si kuya Dom!" sigaw ni Aksana galing sa sala.

"Oo! Parating na," tugon ko.

Aking hinablot ang bag ko saka lumabas na ng silid. Nagkasalubong pa kami ni Stephanie. Nagpalitan lamang kami ng mga ngiti bago ako nagpaalam na aalis na kami. Agad ko na ring pinuntahan si Aksana sa sala.

Nakasout siya ng jogging pants na black na siyang tinernuhan ng team t-shirt nila na kulay gray na may pangalan ng school na nakatatak sa gitna.

"Tara na," nakangiti kong wika.

Tumayo na siya at hinawakan ang kamay ko. Inakay ko siya tungo sa labas ng bahay at pinuntahan ang kotse ni Dominic na naka-park sa labas ng gate. Nakaabang na siya sa amin sa labas ng kanyang sasakyan. Pinagbuksan niya ng pintuan si Aksana sa backseat at ganoon din sa akin.

"Excited na ako! Maraming palaro roon, kuya Dom!" daldal ni Aksana habang bumabyahe kami papunta sa kanyang school.

"Really? Okay. . . Maglalaro tayo roon," tugon ni Dom.

Pareho kaming naka gray V-neck shirt ni Dom. Sa tuwing mapapalingon ako sa kanya, hindi ko lubos mapigilang isipin ang mga bagay na naitulong niya sa akin habang nilalagnat ako.

Pareho niya kaming inasikaso ni Aksana noong mga nakaraang araw na 'yon. Buti na lang din at magaling mang-uto ng mga batang umiiyak 'tong si Dom dahil parang nanghihinang umiiyak lagi si Aksana sa tabi ko tuwing nasisilayan niya akong inuubo't sinisipon.

"Oy! Fria, kanina pa kita tinatawag, eh!"

Nabalik ako sa aking ulirat nang marinig ko ang pagmamaktol ni Aksana. Binalingan ko siya ng tingin.

"Bakit?"

"Sabi ko, bilhan mo ako ng ice cream doon. P'wede ba?" tanong niya.

Ngumiti ako at tumango. "Oo, basta huwag kang malikot."

"Oo naman! Thank you, I love you," nakangiti niyang wika.

"I love you too. Panay ka 'I love you' nang 'I love you.' Mahal kita, okay?" hahagi-hagikhik kong sabi.

Tumawa siya at palarong inirapan ako pagkatapos. Napailing na lang si Dominic sa amin. Nagkatinginan kami nang bahagya dahilan upang bumaba ang tingin ko sa kanyang kamay na siyang gumapang tungo sa aking palad.

"Hoy, ikaw ah! Bakit mo hinahawakan ang kamay ng ate ko? Porket kaibigan na tayo ginaganyan mo na ate ko. Panain kaya kita?" asik ni Aksana.

"Bunganga mo Aksana, ah. Masama 'yan," seryoso kong wika.

Inirapan niya ako at sumandal sa kanyang upuan.

"Bakit mo hinahawakan kamay ng ate ko, Leaving? Hindi mo naman siya gerlpren," maktol na tugon ni Aksana.

Napailing na lang ako. Bumabalik na naman ang bansag niya kay Dominic. Baka napipikon na rin si Dom, hindi niya lang siguro pinahahalata.

"I'm courting your sister," natatawang sambit ni Dom.

Ngumuso si Aksana. "Anong courting? Mukha bang pinagbabasketbolan ate ko?" asik nito.

Napahilot na lang ako sa aking sintido habang si Dom ay napahalakhak. Iginilid ni Dom ang sasakyan sa paradahan ng school ni Aksana. Hinarap niya si Aksana saka ngumiti.

"Ang sabi ko, nanliligaw ako sa ate mo. P'wede ba?"

Tiningnan naming dalawa ang magiging reaksyon ni Aksana. Nanatili siyang nakahalukipkip at pilit na ipinapasok sa kanyang utak ang sinabi ni Dom.

"Sige." Lumiwanag ang mukha ni Aksana. "Ayaw ko naman kay Jerome na mabaho, eh. Buti ka pa, ang bango-bango mo pero siya hindi. Mabaho siya," sambit pa niya.

Pinanlakihan ko ng mata si Aksana dahil sa pinagsasabi niya tungkol sa dati kong manliligaw—na lagi akong pinipilit na sagutin siya noon kahit na ayaw ko.

"Who's Jerome?" usisa ni Dom.

"Let's say. . . just a somebody. 'Bayaan mo na. Past is past," tugon ko saka binitbit ang aming mga gamit. "Tara na? Baka nagsisimula na ang program," anyaya ko.

Binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan at pinuntahan si Aksana.

Maingat ko siyang binuhat pababa saka hinawakan ang kanyang kamay. Hinintay lang namin na lumabas na si Dom. Biglang umangat ang dugo tungo sa aking pisngi, nakararamdam na ng hiya dahil pinagtitinginan kami ng mga tao. Nang lapitan ako ni Dom ay nilahad niya ang kanyang kamay sa akin.

"Let's go?" Tinanggap ko 'yon at ngumiti. Pareho naman kaming napatingin kay Aksana na biglang humiyaw.

"Arat na!"

Kumunot ang noo ni Dom. "What's. . . arat?"

Napailing na lang ako, napahahagikhik. "Don't mind her. Let's just go," tanging tugon ko na lang saka sila parehong inakay papasok ng school.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top