CHAPTER 1

TAKE NOTE: (this is the first installment of gorqyieds series, however you can read this series as STAND ALONE, hope you enjoy it!)

Started: July 10, 2020
End: September 7, 2021

note: this story is edited and revised version.

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

CHAPTER 1

DELAIHLA FRIA HATT

8 years ago...

Ilang beses na ako nagpabalik-balik sa cabinet at sa duffle bag na nakapatong sa aking kama para ipasok ang mga iilang damit doon. Hinihingal na ako sa sobrang pagod. Pabagsak akong naupo sa monoblock chair at tinignan ang bag.

I think that's enough. Puwede naman akong bumili ng mga damit kapag nakahanap na ako ng trabaho.

Napalingon ako sa gilid nang marinig na may nag-text sa aking cellphone na nakapatong sa maliit na lamesa. Inabot ko iyon at tinignan kung sino ang nag-text.

Cattalina:

Daisy! Hinihintay pa rin kita sa simbahan but you're not there. I gave you an invitation card so you could attend our wedding. I wish you were there a while ago. Nasa reception na kami ngayon kaya please pumunta ka naman dito kahit saglit lang.

Napalunok ako at naramdaman ang pagkirot sa aking dibdib. I didn't deserve to be Cattalina's friend. I betrayed her but look at her... she's still here. She is still my friend.

She knew me as Daisy but not as Delaihla Fria Hatt. Pero ngayong alam niya na ang totoo kong pagkatao ay tanggap niya pa rin ako... kaibigan pa rin ang turing niya sa akin.

Cattalina:

I miss you, Daisy. I know you're hiding again... alam kong iniiwasan mo ako. I forgive you, okay? Just don't cut me off. Ikaw lang ang friend ko na love na love ko.

Napabutong hininga ako at napatingala sa kisame ng maramdaman ang luha kong nagbabadyang tumulo. I even promised Cattalina that I'm going to visit her as long as we don't cut our connection but I guess promises are meant to be broken.

Kumuha ako ng maliit na pin sa lumang drawer at tinusok sa lalagyanan ng sim card para matanggal 'yon. Nang mailabas ay tinapon ko iyon sa basurahan at kumuha ng bago.

I just want to start a new life, malayo sa mga taong kilala ko... malayo sa kanila. Pinangako ko na sa sarili ko na magbabagong buhay na ako ngayong nakaalis na ako sa pagtatrabaho kay Dinoques. Gusto ko nang itama lahat ng mga pagkakamaling nagawa ko noon.

Hindi pa naman huli ang lahat, hindi ba?

Pinasok ko ang cellphone sa duffle bag at lumabas sa kuwarto para makakain na ng hapunan nang biglang may kumatok sa pintuan. My body became alert, and my steps were light until I reached the closed door.

"Delaihla, I know you're here."

Napantig ang aking tenga ng marinig ang pamilyar na boses. Napalunok ako at nagkukumahog ang tibok ng aking puso sa sobrang bilis... hindi dahil sa kaba.

Pinihit ko ang doorknob at binuksan ang pinto. Tumambad sa aking harapan si Dominic.

"What are you doing here? Paano mo nalaman na nandito ako?"

Bumaba ang tingin ko sa sout nitong puting polo longsleeve na medyo nagusot na at naka itim din itong vest. Namumula ang kanyang mukha na ikinakunot ng aking noo.

Malayo ang lugar nila Cattalina sa lugar na pinuntahan ko ngayon kaya impossible na malaman niya aga—I knew it.

"Pina-track mo 'ko, Dom?" seryoso kong tanong sa kanya.

"Cattalina wants to see you. It's her wedding today; inutusan niya ako na sunduin kita para makapunta ka kahit sa reception lang," he answered.

Umiling ako. "I will not go."

Tinalikuran ko siya at naramdaman ko na sumunod ito papasok sa loob ng bahay. Nagtungo ako sa open kitchen at pasimpleng nilingon ito. Nililibot niya ang paningin sa kabuuhan ng apartment. Hindi rin naman ako magtatagal dito—

"I miss you..."

Natigilan ako sa pagsasandok ng kanin nang marinig ang sinabi nito.

"And you're drunk," pambara ko sa kanya.

"I still love you."

"And you're crazy."

"You're just in denial, Delaihla."

Mariin akong napapikit at padabog na binaba ang hawak kong sandok ng kaldero at nilingon ito. Nahigit ko ang aking hininga ng mapansin na nasa likuran ko na pala siya. Hindi ko naitago ang panlalaki ng aking mga mata habang nakatingala.

"We were nothing back then, Dom. Stop acting like we were in a relationship before," matigas kong sagot.

"I love your hair."

I scoffed. Malakas ko siyang itinulak at nilagpasan, naglakad ako patungo sa maliit na lamesa para ipatong iyon, pero hindi ko na nagawa nang maramdaman ang kanyang kamay sa palapulsuhan ko at hinila paharap sa kanya.

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay naramdaman ko na lang malambot nitong labi sa akin.

"I miss you so much," he whispered at my lips.

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

I fucked up.

Halos mabasa ang t-shirt na sout ko habang iniinom ang tubig kasabay ng morning pill. Nang matapos ay mabilis ang aking kilos na binitbit ang duffle bag at hindi nilingon si Dom na tulog pa rin sa kama.

Gusto kong sabunutan ang aking sarili dahil sa nangyari kagabi. Sinarado ko ang pintuan ng apartment ng makalabas at iniwan siya roon. Wala nang ibang dahilan pa para mag-usap kami.

I need to get out of here... away from them to start a new life.

I want a fresh start in my life.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top