Chapter 8
ANO SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO?
Nanigas ang aking leeg nang marinig ang malamig at buong boses sa likod ko. Ang daliri ko ay nagkandarapa sa pagta-tap. Sa wakas, kahit nanginginig ay nahagip ko na rin ang back nang mariin. Bumalik na sa wallpaper ang screen.
Pasalampak na tumabi sa akin sa stage si Miko. "Hoy, bakit nasa 'yo cell phone ko?"
Napalunok ako nang mapatingin sa kanya. Naka-T-shirt lang siya at ang kanyang polo ay nakasampay sa kanyang balikat. Magulo ang buhok niya, pawisan ang makinis na leeg niya na ngayo'y pinupunasan niya ng panyo. Pero kahit mukha siyang pagod, mukha pa rin siyang mabango. Ah, hindi lang mukha, kundi mabango pa rin talaga.
Ikiniling niya ang ulo dahil sa pagtataka sa pagkakatulala ko. "Hoy? Ice ka lang?"
Napaurong naman ako, dahilan upang bumaba lang ang paningin ko sa leeg niya. Napunasan niya na iyon ng pawis, kaya doon na ako sa nakabukol niyang Adam's apple napatitig. Sa lalamunan niyang naaalala kong ilang ulit umalon habang nakakagat labi siya roon sa video clip!
"Hoy?" tawag niya na nagpabalik ng paningin ko sa kanyang mukha. "Bakit nga ganyan ka? Para kang nakakita ng guwapo, ah. Pero satrue lang."
Chill lang. Chill lang siya habang ako rito ay nagririgodon ang dibdib sa kaba. Hindi puwedeng ganito. Si Miko ito, si Miko lang. Guwapo lang ito, pero abnoy ito! Hindi porke't nakita ko na iyon ay dapat mag-iba na ang aking tingin sa kanya!
"A-ano, tumunog kasi ang alarm ng phone mo kanina." Inabot ko sa kanya ang phone niya na tinanggap niya naman. "A-ayaw tumigil sa pagtunog kaya napilitan akong kunin sa bag mo para i-off ang alarm."
"Ahhh..."
Kumuyom ang mga kamao ko sa pagsambit niya. Bakit kailangang ganoon? Naalala ko na naman tuloy iyong pag-ungol niya sa video sa phone!
"'Tagal ko ba?" tanong niya. "Nasaan na pala sila? Umuwi na?"
Sa dami ng tanong niya ay wala man lang akong nasagot, kaya sinilip niya na naman ang mukha ko. Napaiwas naman ako ng mga mata. Hindi nga lang sapat na umiwas lang, kaya nagmamadali na akong tumayo mula sa pagkakaupo sa harapan ng stage.
"Oy, alis ka na?" Napatayo na rin siya pero walang pagmamadali. Nagpagpag siya ng school pants habang sa akin nakatingin.
"Yup, uuwi na ako." Tinalikuran ko na siya at tinungo ang hagdan pababa sa stage.
Ang bilis ng mga hakbang ko pero nakahabol pa rin siya. Sumabay siya sa akin sa paglalakad. Ang kanyang bag ay nakasuot na sa kanya habang ang hinubad na polo ay hawak-hawak niya. Sa pagkakataranta ko sa paghakbang ay muntik pang tumama ang aking mukha sa balikat niya.
Takang-taka naman si Miko sa ikinikilos ko. Tatanungin niya sana ako, mabuti na lang dahil may babaeng palapit sa amin. Tinatawag siya nito. "Nhie!"
"GF ko," sabi niya sa akin kahit hindi ko itinatanong.
Iyong babae ay huminto sa harapan namin. Maganda. "Nhie, bakit ang tagal mo?" Malambing ang boses, malambing din pati ang titig kay Miko. Pero lahat iyon ay naglaho nang mapatingin ito sa gawi ko.
Hinawakan naman ako ni Miko sa ulo. "Pinsan ko."
Doon lang ulit nagbalik ang ngiti ng babae. Tumingin sa akin at mahinhin na kumaway. "Hi po!"
"Hi." Sinagot ko naman. Tama rin ang sinabi ni Miko na pinsan niya ako. Pinsan para iwas issue.
Niyuko ako ni Miko habang hawak pa rin ako sa ulo. "Una ka na?"
"O-oo, sige." Pasimple kong tinabig ang pagkakadakma ng malaking kamay niya sa ulo ko. Tumalikod na ako sa kanila.
Nang nasa gate na ako ay hindi ako nakatiis na hindi lumingon. Sumama na si Miko roon sa babae. Sa dami na ng naging girlfriend niya na paiba-iba kada linggo, normal na lang at hindi na bago ang ganito. Wala lang din naman sa akin dahil sino ba siya?
Magbabawi na ako ng tingin nang bigla siyang lumingon sa akin. Nagtama ang mga mata namin. Umiwas ako saka tumalikod na ulit. Kung ano man ang naging reaksyon niya ay hindi ko na nakita pa.
PAANO KO IYON MAKALILIMUTAN?!
Anong oras na pero hindi pa rin ako makatulog. Sa tuwing pipikit kasi ako ay nakikita ko ulit iyon. Iyong mahabang parang manipis lang nang kaunti sa kahoy na dos por dos, kulay maputla, at ang dulo ay namamaga na parang sa ulo ng mushroom.
Isa pa sa gumugulo sa aking tanong, ay paano niya naisipang gawin iyon? Sobrang boring ba ng buhay niya? O baka naman normal lang iyon? Normal lang ba talaga iyon?
Bumalikwas ako ng bangon. Hinagilap ko sa drawer ang aking phone. Hindi ako matatahimik hangga't hindi naiibsan ang curiosity kong ito. Pagka-connect sa WiFi ay nag-Google ako. Nag-type ako sa search bar, at nang maglitawan na ang images ay muntik ko nang maibato ang aking phone sa pagkawindang ko.
Oh, my gosh! Bakit ganoon?! Bakit magkakaiba ang itsura?! Iba-ibang kulay, iba-ibang size, tapos karamihan pa ay hindi pretty!
Napasubsob ako sa unan. Doon ako impit na sumigaw. Tiningnan ko ulit ang images, tapos sumubsob ulit sa kama para sumigaw. Mga 10x ko siguro ginawa, pero hindi pa rin ako makalma-kalma. Shocking kasi talaga itsura ng iba! May baluktot, may parang sabog, tapos meron pang kulay talong! Ew!
Bigla ko tuloy na-miss iyong kay Miko. Although his thing was shocking too, but at least, it was not that traumatizing.
It looked dangerous too, but unlike the others, the sight of his thing was pleasing. Parang mushroom na namamaga at namumula ang dulo, but in a pretty way. I think lagyan ko lang ng ribbon sa head ay hindi na iyon ganoon ka-scary.
Right, to detox my eyes from the scary images that I saw on Google, I should focus on the memories of Miko's thing on my mind. So, Miko, let me just think of your mushroom for tonight!
"BAKIT ANG LALIM NG EYEBAGS MO?"
"Faye, I saw something in my dream." Hinarap ko ang aking best friend. Magkatabi kami sa upuan. Na-late ako ng gising dahil sa dream na iyon kaya pagdating sa school ay deretso agad ako sa room.
"Anong something?" Isinara ni Faye ang binabasa niyang Daily Bread book.
"A pink mushroom."
"Wow, it must be cute! I want to see it too!"
Oo nga pala, mahilig si Faye sa mushroom. Bukod sa favorite food niya, type na type niya ring mag-collect ng colorful mushroom keychains. Ewan ko ba, pero bigla na lang akong nainis kay Faye.
"Never mind, Faye." Itinulak ko na siya pabalik sa kanyang binabasa. Naglabas na lang din ako ng libro para magbasa. Magre-review ako kahit wala namang exam.
Late kaming nakauwi dahil nag-cleaners kami ni Faye, kaya sabay kaming lumabas. Sa gate kami maghihiwalay dahil magkaiba naman ang daan namin pauwi.
Malapit na kami sa gate nang matanaw ko si Miko na nakatayo sa malapit sa bench. Doon talaga ang tambayan nila. Nagsi-cell phone siya. Nang ilagay niya ang phone sa bulsa ay tumingin siya sa akin. Lumipat ang paningin niya kay Faye tapos bumalik ulit sa akin.
Si Faye naman ay nakatingin din, pagkatapos ay nagbawi rin agad ng paningin. Nang umalis ito ay natagpuan ko ang sarili na humahakbang papunta kay Miko.
"Gusto mo ba iyong kasama ko?" tanong ko sa kanya. Formal na formal ang aking mukha habang nakatingala sa kanya.
Napahimas siya ng baba at nag-isip nang kaunti bago sumagot, "Okay lang."
"Anong okay lang?" Ang ganda kaya ng best friend kong si Faye, at hindi iyon basta okay lang!
Napasimangot naman si Miko. "Bakit, kung gusto ko ba siya ay anong gagawin mo?"
Uhm, ano nga ba? "Nothing." Tinaliman ko ang titig sa kanya. "Bawal siya. She's not only my classmate, she's also my one and only best friend. Saka, matalino iyon! Masipag mag-aral!"
"Ano ngayon kung matalino?" tamad niya namang tanong. "May mga ex naman ako na taga higher section, may college student pa nga na dean's lister sa PUP, La Salle, at Lyceum."
"Hindi lang matalino si Faye! Matino rin siya at mabait!"
"Aw." Napakamot siya ng hintuturo sa kaliwa niyang kilay. "May ex din pala ako na member ng choir sa church nila. Puwede na ba iyon?"
Napapadyak na ako. "Hindi! Hindi pa rin puwede! Basta, matalino, matino, at mabait ang best friend ko! Bawal siyang ligawan ng katulad mo!"
Humalukipkip naman siya habang pinaniningkitan ako ng mga mata. "Bakit, ano ba iyong katulad ko?"
"You know what I mean! Ganyan, walang patutunguhan!"
Hindi naman siya kumibo. Seryoso ang mga mata niya na nakatingin sa akin. Na-offend ba siya?
Dumating na ang mga kaibigan niya. Sina Isaiah lang at Arkanghel. Wala si Asher. Si Isaiah ay binati ako habang si Arkanghel ay tinanguan lang ako.
"Mga repa, una na ako," paalam ni Isaiah. "May inuutos pa sa akin si Mama." Nakipag-fist bump ito kina Miko at kay Arkanghel, tapos ngumisi sa akin bago umalis.
Sumunod na rin na nagpaalam si Arkanghel. "Uwi na ako, magsasaing pa ako sa amin."
"Arki, wait—" Bago ko pa nga lang mapigilan si Arkanghel ay nakatalikod na ito sa akin. Napapadyak na lang ako. Pero ano bang laban ko sa sinaing? Responsibility nito iyon bilang isang mabuting anak.
Si Miko sa gilid ko ay walang pasabi na naglakad na rin papunta sa gate. Hindi nagpaalam, hindi ako pinansin. Mukhang na-offend nga kanina sa akin. Nakonsensiya naman ako kaya hinabol ko siya.
Sa bilis ng hakbang niya ay hiningal ako bago siya maabutan. Nahagip ko ang laylayan ng shirt niya. "Miko!"
Tamad siyang tumingin sa akin. "O?" suplado niyang tanong, pero hindi naman niya pinalis ang pagkakahawak ng kamay ko sa shirt niya.
Tiningala ko siya. "Wag ka muna umalis." Napahawak ang isang kamay ko sa aking dibdib dahil sa paghingal. "Galit ka ba?"
Nagsalubong na naman ang makakapal na kilay niya. "Bakit ako magagalit?"
Hinila ko siya sa gilid dahil nababangga na kami ng mga estudyanteng palabas ng gate. Nagpahila naman siya.
"Bakit hindi si Arkanghel ang habulin mo. Nasa may pila pa iyon ng tricycle pa Pasong Kawayan. Habulin mo, maaabutan mo pa."
"Okay lang." Itinaas ko ang aking isang kamay. Hindi ko aabalahin si Arkanghel sa pagsasaing nito, dahil baka mapagalitan pa ito ng mama nito. "Ikaw ang gusto kong kausapin. Kasi alam kong na-offend ka sa sinabi ko kanina. I'm sorry."
"Na-offend? Saan? Doon sa sinabi mong hindi ako puwede roon sa best friend mo?" Hinawakan niya ang kanyang dibdib na tila pinapakiramdam ang sarili. "Sa pagkakaalam ko, matigas mukha ko, e. Pero bakit parang na-offend nga yata ako?"
Nag-panic naman ako. "You mean, na-offend ka nga?!"
Tumingin siya sa akin. "Oo nga, na-offend pala ako. O ano ngayon ang gagawin mo?"
"Kaya nga ako humingi ng sorry, di ba?"
"Sorry lang?"
"Ano ba dapat?" Kung magpapalibre siya ay wala akong panlibre dahil thirty lang ang baon ko, at ubos na iyon kanina pa.
Napahimas si Miko ng baba, tapos parang biglang nakaisip ng kung anong ideya. Iniharap niya sa kanya ang bag niya at may kinuha sa loob. Notebook iyon. Akalain mo, may notebook din pala siya. Inabot niya iyon sa akin. Notebook sa Filipino. "Sa last page, may assignment kami. Gawin mo."
Laglag ang panga ko. "Ano?!"
Binuklat niya ang notebook. Huminto siya sa pahina kung saan makikita ang tila kinahig ng manok niyang sulat-kamay. Nabasa ko pa rin naman ang iilan, tungkol sa Mitolohiya. May sampung mga tanong doon na kailangang sagutin. Basic knowledge lang naman ang iba, pero ang iba ay kailangang i-research kung bago lang sa pandinig mo.
"Sagutin mo, kunin ko sa 'yo bukas." Pagkasabi'y pinisil niya ang pisngi ko at iniwanan na akong nakatanga. Agh! Naisahan ako!
GINAWA KO RIN NAMAN ANG ASSIGNMENT NI MIKO. Ayan, patas na kami kung talagang na-offend ko man siya kahapon. Inagahan ko ang pasok para maibigay na sa kanya ang notebook niya, kaso ay wala pa siya. Parang ang lungkot tuloy tingnan ng bench dahil wala pa siya roon.
Pumunta na lang muna ako sa room para ilagay ang bag ko sa upuan. Nandito na rin pala ang best friend kong si Faye. Maaga naman talaga si Faye palagi, pero iba ang aga niya ngayon.
Habang inaayos ko ang aking bag ay nararamdaman ko ang pagtingin-tingin sa akin ni Faye. "Zandra, bakit palagi kang nagpupunta sa may bench? Dahil pa rin ba iyon sa guy na type mo? Iyong Arkanghel na grey ang mga mata?"
"Oo," sagot ko sa lahat ng tanong niya. Nakakapanibago lang dahil ngayon na lang ulit nagtanong sa akin si Faye tungkol kay Arkanghel.
Noon ay palakuwento ako kay Faye ng tungkol kay Arkanghel, pero ayaw niyang makinig. Ayon kasi sa kanya, hindi raw stable ang high school love. Dala lang daw ng kapusukan ng mga menor de edad, akala mo lang in love ka, pero nadala ka lang talaga ng pressure, curiosity, o kaya ay na-brainwash ng mga love song.
"Ano nga, Zandra, siya pa rin ba ang gusto mo?" masigasig na tanong na naman ni Faye. "Hindi nagbago, iyong Arkanghel pa rin ang gusto mo, di ba?"
Tumango ako. Hindi naman talaga nagbabago ang pagkakagusto ko kay Arkanghel. Buo na rin ang mga plano ko sa aming dalawa. Magiging friends, best friends, M.U., tapos pagka-graduate ay magiging in a relationship, na ang ending ay marriage.
Malawak na napangiti si Faye. "Kaya pinakikisamahan mo ang mga kaibigan niya dahil sa kanya, di ba?"
Tumango ulit ako. Saan ba talaga papunta ang sinasabi ni Faye? Pero wala na siyang follow up question pa. Ngingiti-ngiti na lang siya sa kinauupuan.
Tumayo na ako para pumunta sa bench. Bitbit ko ang note book sa Filipino ni Miko. Palabas pa lang ako ng pinto nang sundan ako ni Faye. Nakangiti siya sa akin. "Mag-CR ako, sabay na tayo."
Sa bench ako habang si Faye ay pumunta sa banyo. Nakaupo lang ako habang yakap-yakap ang notebook ni Miko habang naghihintay. Nasaan na ba siya? Bakit ang tagal niya? Tinanghali ba siya ng gising? I-text ko na kaya?
Mga ilang segundo pa bago ko natanaw si Miko na papasok sa gate. Titingin din naman siya rito, pero para akong sabik na nagkakakaway agad. Parang tanga lang, dinaig ko pa iyong nagsusundo sa airport.
Pero iyong hiya ko ay nabawi naman nang mapatingin na siya sa akin. Kumaway rin siya at nanakbo na palapit sa akin, kahit puwede namang maglakad lang.
Basa-basa pa ang buhok, mukhang pagkaligo ay bihis at pasok agad. Naaamoy ko pa sa kanya ang sabon na gamit niya, parang Irish Spring. Nang ngumiti ulit ay lumitaw ang mapuputi niyang ngipin. "Hi, nagawa mo assignment ko?"
Napahawak ako sa aking baba para pasimpleng isara ang nakanganga kong bibig. Inabot ko na sa kanya ang notebook. "Mmn."
Binuklat naman niya. "Angas ah, ganda ng sulat tapos may highlighter pa. Baka naman maging Top 1 ako nento sa room, ah!"
Nangingiti ko siyang hinampas. "Baliw."
Tapos na mag-CR si Faye. Nagtaka ako kung bakit dito ito sa bench dumaan gayong may mas maiksing daan sa likod namin. Huminto pa ito para tawagin ako na hindi naman nito dating ginagawa. "Zandra, di ka pa papasok?"
Napatingin din tuloy rito si Miko. Sa gulat ko ay nginitian ni Faye ang lalaki. Napatingin naman si Miko sa akin, as if waiting for my reaction. And he witnessed how my expression changed. From being calm to puzzled, and then irritated.
Narinig ko ang mahinang pagsipol niya. Wala naman doon ang pansin ko, kundi sa isiping bakit pala ako nairita bigla sa best friend ko?
"Ah, Faye, mayamaya na ako babalik sa room," sabi ko kay Faye. Ewan ko ba, basta gusto ko na itong umalis agad.
Hindi naman agad umalis si Faye. Nakangiti pa rin nang tingnan si Miko. Napatingin tuloy ako kay Miko, kasi alam ko na type niya si Faye, kaya nagtaka ako kasi hindi siya mukhang natutuwa. Wala lang. Or was he just pretending?
Si Faye naman ay lalong nanamis ang pagkakangiti. "Zandra, iyan ba iyong Arkanghel?"
Ha? Ano raw? Palagi kong ipinapakita ang photo ni Arkanghel kay Faye, bukod pa sa ilang beses ko na rin ditong personal na itinuro si Arkanghel, kaya paano nito napagkamalang si Arkanghel si Miko?!
"Hindi, Miss." Si Miko ang sumagot para sa akin. "Iba si Arkanghel."
"Ah..." Mahinhin na natawa naman si Faye. "Sorry, akala ko ikaw iyong 'gusto' na guy ni Zandra. Hindi pala ikaw."
"Faye, susunod na lang ako sa room," sabi ko. Mariin na ang bigkas.
"Okay." Nakangiti ito na bumaling ulit kay Miko. "Sorry, ah? Napagkamalan kita. Anyway, nice meeting you... Uhm? What's your name again?"
"Michael Jo—"
"Miko!" biglang agaw ko sa pagpapakilala ni Miko. "Siya si Miko. Sige na, Faye. Sunod na lang ako sa room!" Hindi ko sinabi ang real name, dahil mahirap na. Baka mamaya ay mag-krus pa ang landas nila sa social media. Inilalayo ko lang ang best friend ko mula sa isang lalaking babaero. Iyon lang iyon.
Umalis na si Faye pero nag-iwan pa ng huling ngiti. Nang wala na ito ay mabilis kong tiningnan si Miko kung nakahabol ba siya ng tingin sa babae, pero hindi. Busy na siya paglalaro sa laylayan ng necktie ko.
Really? Hindi niya talaga hinabol ng tingin si Faye? Akala ko ba type niya? Saka nginitian siya, hindi ba kinilig man lang ang tumbong niya?
Nag-angat siya sa akin ng tingin. Wala lang. Parang nagtataka pa kung bakit ako titig na titig sa kanya. Pati kislap ng mga mata niya ay inosente at wala talagang ideya.
Nag-bell na. Nagmamadali na ang mga estudyante sa paligid kaya tumayo na rin kami. Isinuot niya na ang polo niya sa ibabaw ng t-shirt, ako naman ay nakatitig lang sa kanya. Bakit ayaw tumigil ng mga mata ko?
Napansin niya naman ako, pero hindi niya ako tinukso. Kaswal lang siya kahit ang gilid ng mga labi ay bahagyang napapataas. "Di ka pa ba papasok sa room niyo, Zandra?"
"Ah, papasok na rin..." Dapat aalis na siya at aalis na rin ako. Ganoon palagi kami. Ako sa kanan, siya sa kaliwa. Pero ngayon ay parang ayaw ko siyang paalisin hanggang hindi ko naitatanong ang bumabagabag sa akin.
Paalis na siya nang pumigil ako sa bag niya. Nagtataka naman siyang napalingon sa akin. "Bakit?"
Lumunok muna ako. "Iyong si Faye, di ba type mo siya? Bakit hindi mo siya masyadong pinansin kanina? Dahil ba sa pinagsabihan kita kahapon?"
Nangunot ang noo niya.
"Siya mismo ang lumapit sa atin, kinausap ka, at nginitian ka pa nang ilang ulit."
Kumislap ang amusement sa mga mata niya. "Okay, ano bang dapat ginawa ko?" Pati tono niya ay tila naaaliw. "Di ba nga sabi mo, bawal? Bakit, puwede na ba?"
"H-hindi pa rin!" nabibigla kong sagot. "Bawal mo siyang magustuhan, ligawan, o kahit kausapin! Bawal mo rin siyang ngitian kahit siya pa ang naunang ngumiti sa yo!"
Tumaas ang isang kilay niya, pagkuwa'y nakapamulsa na tinalikuran niya na ulit ako. "Okay."
Nag-panic naman ako. "Miko, wait! Na-offend ka ba ulit?"
Wala siyang sagot bagama't huminto. Hindi ko makita ang reaksyon niya, kung galit ba siya o ano.
"Miko!"
"Ewan ko."
Napanganga naman ako. "Ha? Anong ewan mo?"
"Ewan ko kung na-offend ako."
Ewan niya? Puwede ba iyon?
Lumingon siya nang bahagya, at sa gulat ko, seryoso ang kanyang mga mata subalit nakangiti ang mapupulang mga labi niya. "Ang sabi ko, Zandra, hindi ko sure kung na-offend ako. Pero dahil cute ka, pag-iisipan ko."
Nakatalikod na ulit at nakaalis si Miko, pero ang ekspresyon niya ay naiwan sa isip ko. Iyong ngiti niya, para saan iyon? Napahawak ako sa aking dibdib, dahil para saan din ba ang nakabibinging kabog na ito ng dibdib ko?!
jfstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top