Chapter 52

"PET PEEVE."


Bumukol ang dila ni Francis sa loob ng kanyang pisngi. Nagtatagisan sila ng titig ni Miko sa isa't isa. Walang kumikilos sa kanila kahit nakaharang kami rito sa kalsada na tapat ng Emergency lobby.


May ambulance na parating. May pasyente yata dahil mabilis ang patakbo, at doon dadaan sa kinatatayuan ni Francis, pero matigas din talaga bungo nito, wala itong balak umalis kung di pa ito binusinahan.


Napa-tsk naman si Miko. "Ingat, repa. Paru-paro ka agad kapag nadale ka niyan."


Madilim ang mga mata ni Francis nang maglakad pabalik. Bago pa sila magkainitan ay humarang na ako. "Please, naghihintay iyong Grab driver," sabi ko. Dahil kanina pa nakabukas iyong backseat ng kotse. "Kung magkukumustahan pa kayo rito, bahala kayo. Pero uuwi na kami ni Baby Mateo."


Bigla namang hinagod-hagod ni Miko ang likod ng karga-kargang bata para ihele ito, kahit natutulog naman. "Repa, paano, kailangan na palang umuwi ni baby," nakangiti niyang sabi kay Francis.


"Francis, umuwi ka na muna," sabi ko rin sa lalaki. Naglakad na ako papunta sa Grab car habang hila-hila ang laylayan ng suot na hoodie ni Miko na ngayon ay nakatali na lang sa kanyang bewang. "Bilisan mo, wag nang lingon nang lingon," gigil na sabi ko sa kanya na parang bata ang aking sinisita.


Nang nasa may Grab car na kami ay pinauna niya akong pinasakay sa backseat. Naghintay ako na ibigay niya sa akin si Baby Mateo pero hindi niya ginawa. Sa halip, sumakay rin siya sa tabi ko. Hindi siya sa unahan naupo. As in tatlo kami sa backseat. Kalong niya ang bata na naalimpungatan.


Hinele-hele niya ulit ito at tinapik-tapik nang marahan sa hita. "Shhh, tulog ulit para lumaki na."


Sumubsob naman muli ang bata sa kanyang balikat. Hinagod-hagod niya ang likod nito, hanggang saglit lang ay tulog na ulit. Hindi ko sila natagalang tingnan. Ang paningin ko ay aking ibinato sa labas.


Sa puyat at pagod ay napapikit na rin. Hindi ko namalayan na nakaidlip na. Kung di lang nagtanong iyong driver kung papasok ba sa street namin, ay hindi pa ako magigising. Nasa Brgy. Pinagtipunan na pala kasi kami. Napadilat ako at ganoon na lang ang paglayo ko nang ma-realize na nakasandig pala ako sa balikat ni Miko!


Hila-hila pa ng munting kamay ni Baby Mateo ang buhok ko. Nainis yata sa akin ang anak ko dahil naki-share ako sa sandigan nito. Ang init-init ng aking pisngi. Bakit hindi man lang kasi ako ginising ni Miko?!


Pagtingin ko sa kanya ay deadma lang naman siya. Nakakainis lang, bakit hinayaan niya akong sumandig sa balikat niya at doon matulog? May anak lang kami, pero di kami close!


Pag-uwi sa bahay ay baba agad ako dahil hindi ko na matagalan iyong tensiyon sa pagitan namin. Sinalubong kami ni Mommy sa gate. "Ano, okay na ba ang apo ko?"


"Opo."


Si Miko ang may bitbit sa bata kaya pumasok din siya sa loob. Kung nagulat si Mommy na kasama ko si Miko ay mas nagulat siya dahil karga-karga ni Miko ang kanyang apo. Bubukas-sara ang bibig ni Mommy pero walang mabuong salita.


Sa kuwarto ay nagbukas ako ng humidifier para makahinga si Baby Mateo nang maayos. Nilapag ni Miko ang bata sa kama at pinalibutan ng unan. Si Mommy naman ay patingin-tingin lang. May gustong sabihin pero hindi pa rin masabi-sabi.


Nagpaalam ako saglit na maglilinis ng katawan, baka kasi nadala ko na lahat ng virus sa ospital. Dapat malinis ako pag nahiga sa kama. Si Mommy ang naiwan muna sa kuwarto. When I came out, Miko was still on the stairs.


He looked up at me. I wasn't sure whether he was going to say anything to me, but his lips did not open to speak.


"Salamat." Ako na iyong nagsalita. Nandoon na sa 'salamat' ko iyong para sa lahat ng ginawa niya mula sa pagdala kay Baby Mateo sa ospital hanggang sa pag-uwi. Nandoon na rin iyong pagpaparating ko sa kanya na puwede na siyang umalis.


Hindi siya manhid dahil naramdaman niya agad ang gusto kong iparating. He nodded. I thought he was leaving, but he asked me something else. "Papasok ka pa ba niyan?"


Tiningnan ko lang siya kasi hindi ako nakakakita ng sense kung sasagutin ko ba ang tanong niya. Kahit ano pang gawin ko, hindi niya naman kailangang malaman. Kung tungkol naman sa magbabantay kay Baby Mateo, nandito naman ang mommy ko.


Nilampasan ko na siya sa aking pagbaba sa hagdan nang magsalita ulit siya. "Wala ka pang tulog at pahinga."


Patuloy ako sa pagbaba sa hagdan na parang walang narinig.


"Kulang ka sa tulog, bagsak ang immune system mo. Baka kapag pumasok ka sa ospital, ikaw naman ang magkasakit."


Tuloy-tuloy pa rin ako sa pagbaba. "Paki-lock na lang ang pinto paglabas mo."


"Zandra." Mababang-mababa ang boses niya. "You know that you don't have to work..."


That was when I turned to him. Blangko ang mga mata ko. "Hindi ako baldado para hindi magtrabaho. Hindi rin ako nag-aral at nagtapos ng college para lang umasa sa ibang tao."


"I'm not saying you can't work forever. Ang sinasabi ko lang, siguro puwedeng habang baby pa sana si—"


"Okay lang kami," putol ko sa sinasabi niya. "So far, we are okay. Nahahati ko naman iyong sarili ko. Nandiyan din naman ang mommy ko, kasi iyong mommy ko, kahit nagalit sa akin iyan noon, binalikan niya pa rin ako. Hindi kami iniwan. Mommy was always there to support me, especially while I was struggling as a first-time parent on my own."


Napayuko siya.


"You, aren't you busy?" I asked him coldly. "Why are you still here? Wala ka bang pinagkakaabalahan? O hindi ka ba hinahanap sa inyo ng mommy mo? Hindi ka umuwi kagabi, kaya baka alalang-alala na iyon sa 'yo. Baka pinapa-blotter ka na niyon sa sobrang pag-aalala."


Tahimik na nakayuko pa rin siya.


"Okay lang naman kami rito kaya umuwi ka na sa inyo."


"Hindi ako sa Bacao ngayon umuuwi."


"Hindi ko tinatanong."


Nang mag-angat siya ng paningin ay para akong sinugatan sa lungkot na nasinag ko sa mga mata niya. Para saan iyon?


"Hindi ko tinatanong, ang sinasabi ko, umuwi ka na. Kahit saan ka pa umuwi, basta umuwi ka na." Pagkasabi ay tinalikuran ko na siya.


Bahala siya kung kailan siya aalis, basta umalis siya. Pumasok na ako sa banyo sa kusina at naglinis ng katawan. Ilang beses akong naghilamos dahil hindi maalis sa isip ko iyong lungkot na aking nakita sa mga mata ni Miko. Nakakainis lang dahil para saan iyon? Ngayon pa niya naisipang malungkot. Bakit ngayon lang? Ano iyon, late reaction?


Nagtagal ako ng thirty minutes para talagang wala na siya. Paglabas ko ng banyo ay wala na ngang tao sa sala. Umalis na nga siya. O e di aalis din naman pala, ang dami pang dama.


Dapat matuwa ako na umalis na siya, pero bakit parang bigla akong nanghina nang hindi ko na siya makita? Ah, siguro ay hindi lang ako nagulat. Ganoon naman talaga siya, mabilis umalis.


I went upstairs after double checking the door lock. Pagpasok sa kuwarto ay naabutan ko roon si Mommy na nakatulala. Ni hindi pa nga niya ako mapapansin kung hindi pa ako tumikhim.


"Ah, nandiyan ka na pala, Zandra." Natataranta siyang tumayo. "Tabihan mo na itong anak mo. Magpahinga ka na muna."


Nagtataka ako kay Mommy dahil ang inaasahan ko ay uusisain niya ako tungkol kay Miko, pero parang iwas na iwas pa siyang makausap ako. Ni hindi man lang nagbanggit ng kahit ano. Nagmamadali pa siyang lumabas ng kuwarto. Nagkibit balikat na lang naman ako.


Tinabihan ko si Baby Mateo sa kama. Payapa na ang paghinga ng baby ko. Nakatagilid, bahagyang naiipit ang isang chubby na pisngi. May bula pa ng laway sa munti nitong bibig. Minsan ang mapupulang mga labi ay parang sumisipsip ng invisible na nipple. Ang sarap panggigilan.


Kitang-kita ang mahahabang pilikmata nito dahil sa pagkakatagilid, mas na-emphasize din iyong tulis ng matangos na ilong. Then I suddenly frowned when I remembered someone with the same facial features as my baby. Hindi ko naman ikinakaila iyong matinding resemblance, pero mas pogi ang baby ko.


Hinalikan ko ito sa noo. "Ikaw ang pinaka-pogi para kay Mama, ha? Ikaw lang at wala nang iba."


Humagikhik ito kahit tulog. The laugh was so cute, the voice was so small.


My gaze on the sleeping child softened as a warm feeling filled my heart. "Baby, nagkita na kayo ng papa mo, nakarga ka na rin niya, hinele ka pa..." Hinaplos ko ang manipis pang buhok nito. "Papa mo iyon, baby. Nakilala mo ba ang papa mo?"


Umungot ito at nagpatuloy sa pagtulog. 


"Baby, mahal na mahal kita. Alam ko hindi sapat iyong pagmamahal ko lang, pero gagawin ko ang lahat para kahit paano ay sumapat. Tandaan mo palagi, para kay Mama, ikaw ang pinakamahalaga. Ikaw ang lahat-lahat."



KAHIT HILO SA PUYAT AY NAGTRABAHO PA RIN AKO. Iyong mga katrabaho kong nurse na nakakita sa akin kagabi ay hindi nakapagpigil na tanungin ako. Kung totoo raw ba na may baby na ako.


Hindi nga kasi ako palakuwento. Ang tingin sa akin ng lahat, maldita ako. Hindi lang kasi ako basta tahimik, matapang din iyong dating ng mukha ko.


Kahit iyong schoolmate ko sa DLSU-Dasma ay shookt, kilala nga kasi akong maarte at maldita. Dalawang taon lang iyong nagdaan mula nang maka-graduate kami, tapos wala akong boyfriend ng buong college days, syempre gulat siya na may one-year-old na agad ako ngayong anak.


Iyong ibang co-nurse ko naman ay curious kung meron ba akong kinakasama. Ayun, may nagtanong na. "Zandra, boyfriend mo ba iyon matangkad na lalaking, maputi, at guwapo, kagabi?"


"Iyon ba iyong baby daddy mo? Kamukha ng baby mo, ang tulis ng ilong nila pareho tapos ang guguwapo."


Kahit hindi nila ako ka-close ay naglakas-loob na silang tanungin ako for the sake of curiosity. Tumango ako sa huling tanong, at iyong una at mga sumunod pa ay deadma ko na.


"Akala ko BF niya iyong laging sumusundo sa kanya na moreno na guwapo rin. Palagi iyong nakabaang diyan sa lobby tuwing gabi."


Nilampasan ko na sila dahil wala na akong balak sumagot. Judge na lang nila ako. Nagkape ako para labanan iyong antok. Iyong aking break time naman ay ini-idlip ko sa lounge.


Hindi rin ako gaanong nakaidlip sa lounge dahil nagkukuwentuhan iyong dalawang kasabay kong naka-break. Iyong ka-work ko pala na nambabae ang partner, iyong tungkol sa ka-live in nitong nambabae ang topic. Noong una di ba ay ayaw humingi ng sustento, pero ngayon ay nagbago na ang isip.


Nainis ito dahil buhay-binata na talaga ang ex-partner, kaya dala ang birth certificate ng mga anak na sumugod ito sa HR ng kompanya ng ex-partner nito. Para less kuskos balungos ay direktang nagpakaltas na lang ito sa bawat sahod ng lalaki. Kung magre-resign naman daw iyong lalaki ay susundan nito sa kahit saang kompanya lilipat. At kung hindi na magtatrabaho ay ipapa-barangay.


Napaisip ko kung may kinalaman ba ako sa pagbabago ng isip nito, dahil kinausap ko ito noong nakaraan. Napailing ako, meron man o wala, malaki naman na ito at meron nang sariling desisyon.


Hindi na ako nakaidlip pa. Napaisip na lang ako habang nakapikit. Naiisip ko kung paano pag dumating iyong time na magkaroon na ng anak si Miko sa ibang babae. Hindi naman malabo iyon dahil healthy siya. Libreng-libre siyang magkalat ng lahi niya.


Hindi ako galit, wala lang iyon sa akin kahit pa magkaroon siya ng iba-ibang panganay. Wala akong pakialam kahit kada baranggay rito sa General Trias o gusto niya ay kada lugar sa Cavite, ay magkaroon siya ng anak. Bahala siya sa buhay niya.


Ang hindi okay ay iyong siguradong mahahati na ang budget niya. Baka lumiit na ang sustento niya kay Baby Mateo. Pero okay lang din naman basta sapat pa rin ang mabibigay niya at hindi hihinto. Puwede lang siyang huminto sa sustento kapag eighteen na si Mateo. Sustento na lang ang mapapala ng anak ko sa kanya, kaya hindi ako papayag na pumalya pa siya.


O di ba? Nagiging katunog ko na ng reasoning si Mommy sa pera. Ganoon pala iyon, ano? Maiintindihan mo pala talaga ang magulang mo kapag magulang ka na rin.


Bahala si Miko na mambabae, basta wag siyang makalimot sa sustento. Siguro nga may idini-date na iyon ngayon. Knowing him. Hindi naman siguro siya papa-bakante. Sana lang ay kung sino man ang maging babae niya, sana boto ang mommy niya. O kaya sana, ipaglaban niya. Wala lang, parang tanga lang kasi kung iiwan na naman niya.


Pero what if nga no na hindi naman magkalat ng lahi si Miko? What if iisang babae lang ang sunod na maanakan niya? At iyon na rin ang pakakasalan niya? What would happen to his child to me?


Masusustentuhan niya pa rin, yes, pero siguradong hindi lang budget ang mahahati, kundi pati ang atensyon niya. Of course, lamang na iyong anak niya sa asawa niya, dahil iyon ang makakasama niya, iyon din ang fruit of love nila. Wow, fruit of love, huh? He would love another child from another woman? Really?


Ang pait-pait niyon sa panlasa ko. But so what? I could love my child too. Umabot ng isang taon si Baby Mateo na hindi naman nakikita ni Miko. Okay naman ang bata. So I shouldn't waste my time thinking about unimportant things. Pero hindi na naging okay pa ang mood ko, hanggang sa matapos ang aking duty.



PAG-OUT KO AY MAY TEXT SI MOMMY. Tumawag daw pala si Daddy. Tinatanong kung may nakuha na akong babysitter dahil may petsa na ang alis ni Mommy. Sa katapusan na ng buwan. Malapit na. Iyon ang dapat na pinoproblema ko at hindi mga bagay na walang kuwenta kagaya ng pag-aasawa at pag-aanak ni Miko sa iba.


Ngayon, saan ako kukuha ng babysitter agad-agad? Ang hirap pumili at magtiwala.


Nasa baby bus ako nang makatanggap naman ng text mula kay Francis. Tinatanong kung pumasok ako. Wala raw itong work. Nag-leave. Dito raw muna ito sa Cavite. Nag-reply ako, sabi ko ay nakasakay na pauwi. Kakausapin ko pa rin ito, pero di pa nga lang ngayon. May iba akong pinoproblema na mas mahalaga.



"MOMMY?" Pumasok ako sa loob. Nagulat ako nang makita si Mommy sa sala na nagkakape habang nanonood ng TV. Bakit nandito pa siya? Sino ang kasama ni Baby Mateo sa kuwarto?


"O, nakauwi ka na." Napatayo siya at biglang lumikot ang mga mata. "Akala ko ay mayamaya ka pa."


"Mommy, bakit nandito ka? Saka tulog na ba si Baby Mateo? At iyong kinausap mo sa kamaganak natin na gustong maging babysitter, nagkausap na po ba ulit kayo?" sunod-sunod kong tanong habang nag-a-alcohol ng mga kamay.


Hindi pa ako sa kanya nag-beso o nagmano dahil galing ako sa labas, baka may nadala akong virus kaya kailangan ko munang maglinis ng katawan. Pumunta muna ako sa banyo. Deretso ako palagi roon at naroon na rin ang bihisan ko. Paglabas ko ay nasa tuktok na ng hagdan si Mommy. Sinilip niya yata si Baby Mateo.


"Zandra, hindi tutuloy iyong kausap kong kamaganak natin na gusto sanang mag-babysitter. Hindi kasi ako sigurado na talagang aalagan niyon ang apo ko." Kung mahigpit ako sa pagpili ay mas lalo si Mommy. Natatakot siyang ipagkatiwala si Baby Mateo sa kung sino.


Umakyat na rin ako. "Paano po iyan, My? Sa katapusan na ang alis mo. Puwede akong mag-leave, pero ilang araw lang. Kailangan ng mapag-iiwanan sa bata at dito sa bahay—"


"Meron na."


"Talaga po? Akala ko ay wala pa. Sino po? Kilala ko ba?"


Tumango si Mommy at muling lumikot ang mga mata. "A-ang kailangan lang naman ay iyong siguradong may concern at mapapagpasensiyahan ang apo ko. Iyon ang mahalaga..."


"Oo nga po," masayang sabi ko. Natuwa ako nang malamang nakahanap na pala si Mommy. Hindi na ako mamomroblema pa kaiisip. "Okay lang po ba sa kanya stay in?"


Tumango si Mommy. That was good. At least, may maiiwanan na talaga ako sa bahay.


"Mommy, okay lang din ba kung for probation muna unang suweldo niya? Tataasan ko na lang after one month kapag okay siya. Tapos, kung kaya niya rin ng ilang gawaing bahay, magdadagdag ulit ako ng panibagong suweldo."


"O-okay lang naman siguro."


"Sino pala, Mommy? Kilala ko nga po ba? Kamaganak ba natin?"


Umiling si Mommy.


"Ha, hindi kamaganak? Pero kilala ko?"


Tumango si Mommy.


"Okay po. Isa po ba siya sa mga amiga niyo?" Pero sa pagkakaalam ko ay nag-cut off na siya sa mga kaibigan niya mula nang pag-tsismisan siya ng mga ito, tungkol sa pagkakabuntis ko right after maka-graduate, at sa pagiging instant yaya niya sa apo.


Umiling ulit si Mommy. Nangunot na ang noo ko. Eh sino iyong sinasabi niya na kilala ko na may concern at sigurado siyang mapagpapasensiyahan si Baby Mateo?


Bumukas ang pinto sa kuwarto ko. Ganoon na lang ang pagnganga ko nang makita ang matangkad na lalaking lumabas mula roon. Naka-plain white shirt, stripe pajama, at house slippers. Tila kagigising lang. Gulo-gulo pa ang buhok!


Hindi lang sa ayos niya ako nawindang, higit lalo sa sagot niya. "AKO."


Nang bumaling ang namimilog kong mga mata kay Mommy ay hindi na makatingin sa akin si Mommy. Kinukutkot na niya ng kanyang kuko ang pader para lang makaiwas sa akin!


Ang buo, kalmado, at baritonong boses na lang ni Miko ang muling narinig ko. "Ako na ang mag-aalaga kay Baby Mateo since wala akong trabaho. Don't worry, negotiable ang suweldo."


jfstories

#BadLoverbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top