Chapter 48
IT HAD BEEN A WHILE SINCE I LAST SAW HIM.
Michael Jonas Pangilinan. I instantly thought about him upon waking up the next day. I thought what happened last night was just a dream. Akala ko ay hindi totoo na nagkaharap at nagkausap kami.
Kahit naman kasi pumupunta siya rito noon, hindi rin naman kami nagpapang-abot. Magpang-abot man ay hindi rin kami nagkakaharap. Hindi siya nagtatangka na lumapit o makipag-usap. Last night was the first time he stepped on our property and waited for someone to come out to him. It was also the first time he talked.
Kagabi ko na lang ulit narinig ang boses niya na parang mas naging buo at lumalim pa yata. Kagabi ko na lang din ulit siya natitigan, bukod sa parang lalong tumangkad, lumapad ang balikat, lumalim ang boses, ay hindi na siya ngumingiti. Even his eyes had lost their shine.
Kagabi lang din pala siya ulit nagpakita dahil nawala siya. That man didn't come for about six months. Even on Mateo's first birthday at Jollibee, there was no sign of him. Not that I was looking for him, Mommy had just noticed that he wasn't coming anymore.
Wala akong idea kung ano ang nangyari sa kanya o ano ang pinagkaabalahan niya during those months na nawala siya, at hindi ako interesado. Ang importante lang ay hindi pumapalya ang sustento niya linggo-linggo.
He'd probably just graduated college by now. Maybe he had also found a job since his financial support for Mateo had increased. Twenty thousand weekly. Hindi na tama dahil sobrang laki.
I made a mental note to ask Mommy to talk to him about the financial support. He didn't have to send too much. Hindi pa naman nag-aaral si Mateo at may trabaho rin naman ako. Hindi ko kailangan ng malaki, okay na ang sakto lang.
"KANINO KA BANG NAGMANANG BATA KA?!"
Pababa pa lang ng hagdan ay naririnig ko na ang nauunsyaming boses ni Mommy. Her one-year-old only grandchild must have done something again.
"Aba o, ngingiti-ngiti ka pa talaga, ah? Nilaro mo ang gatas mo at ikinalat, tapos akala mo madadala mo ako sa pagpapa-cute mo? Hindi! Hindi mo ako makukuha sa ganyan!"
Bitbit ang aking shoulder bag ay bumaba na ako. Bihis na ako, with my nursing scrubs, white shoes, at naka-bun na buhok. Papasok na ako sa pinagtatrabahuang ospital dito sa GenTri.
Naabutan ko ang maglola na magkaharap. Si Mommy ay kunsumido, habang ang bilugan at maputing batang nasa crib naman ay nanlalagkit ang itsura, pero ligayang-ligaya pa habang pinabubula ang gatas sa munting nitong bibig.
"Brrr!!!" May sounds pa noong pinasirit ni Baby Mateo ang gatas para ikalat sa sahig. Muntik pa ngang tamaan si Mommy kung di lang agad nakailag.
Lalo namang nangunsumi si Mommy. "Ikaw na bata ka, kanino ka ba nagmana, ha? Hindi naman ganyan ka-pasaway ang mommy mo noong baby pa! Ikaw, parang di kompleto ang araw mo na wala kang nagagawang kalokohan! Naku, tatanda ako nang maaga sa 'yo!"
Niyakap ko mula sa likod si Mommy. "Mommy, nagpasaway na naman po ba ang cute na iyan?"
"Anong cute? Kata-cute kamo 'yan! O tingnan mo, kaliligo lang pero nanlalagkit na naman! Pinaligo ng magaling na batang iyan ang gatas niya!"
"Sorry, Mommy," nangingiti ko pa ring sabi. "Hayaan niyo po, bukas off ko na. Kami naman ang magtutuos ng cute na ito."
Dinampot ko ang tsupon sa sahig na wala nang laman saka nilapitan ang batang lalaki sa crib, para pisilin ang matambok at makinis na pisngi nito na nanlalagkit sa gatas. "You, naughty baby!"
Kanina na tulog ako ay nakuha ng cute na ito ang phone ko. Antok na antok pa kasi ako kaya hindi ko nabalik sa drawer noong mag-alarm, ayun nginatngat. Mabuti na lang dahil nililinis ko ang aking phone gabi-gabi. Kakakalikot ay naalis nito ang wallpaper ko.
Nag-panic si Mommy dahil tuloy pa rin si Mateo sa pagpapabula ng gatas sa bibig. "Zandra, lumayo ka at baka pati ikaw ay mabasa! Ako na ang bahala riyan!"
Pinandilatan ko naman ang batang lalaki. "Pst, Mateo, aalis na si Mama kaya behave ka kay Lola, okay?"
"It's 'mamu' not 'lola'!" sabat ni Mommy. Ayaw na ayaw nitong magpatawag ng lola dahil nakakatanda raw. Mamu lang daw dapat.
Pero sadyang malakas din mang-asar ang nag-iisa nitong apo. "Bobaaa!"
"Lola hindi boba!" Napasigaw na si Mommy.
"O e di lola nga," natatawa ko namang sabi.
"No!" irit ni Mommy. "Mamu pala!"
"Bobaaa! Bobaaa!" Pero hindi na natigil ang apo sa katatawag nito. "Baaa! Brrr!!!" Kada sabi pa ay may kasamang pa-bazooka ng gatas gamit ang bibig.
Napasabunot na lang si Mommy na naman sa sariling buhok. "Hindi na ako nakabalik ng Canada kakaalaga sa 'yong bubwit ka, tapos binu-bully mo pa ako rito!"
"Mommy, about sa pagbalik mo pala sa Canada. May e-mail na bago. Na-check mo na po ba?" kinukuha na siya ulit ni Daddy as tourist. Nakagawa na ng paraan si Kuya Zed, nakagastos na, kaya sayang kung di siya makakabalik. Alam ko rin naman na gusto niyang bumalik.
Nabubuwiset na siya sa mga kapitbahay na pinariringgan siya palagi na dito na raw siya tatanda sa Pilipinas. Na malolosyang na raw siya kaaalaga sa anak ko. Ang taas-taas daw kasi ng lipad niya, kaya ito, kinarma siya. Ako raw iyong karma, dahil binigyan ko siya ng apo nang maaga.
Umiling si Mommy. "Paano naman ako aalis? Sino ang mag-aalaga rito sa bubwit na ito? Wala akong tiwala sa ibang tao na mag-aalaga. Baka mamaya, makulitan at ibitin lang ito patiwarik. Hmp!"
Napangiti ako. Ganyan lang si Mommy na puro reklamo, pero saksi ako kung gaano niya kamahal ang anak ko. Siya na nga halos ang nag-alaga sa bata dahil saglit na lang ang pag-review ko noon, tapos deretso board exam na, and when I passed, I immediately started working.
"Don't worry, Mommy, hindi naman po ako papayag na kumuha lang ng basta-basta sino riyan para mag-alaga kay Mateo. I will make sure na ang iha-hire ko ay may concern at mapagpapasensiyahan talaga ang baby ko."
"Dapat lang, dahil masusungalngal ko talaga kapag sinaktan itong bubwit na ito!"
Nagpaalam na ako dahil baka ma-late na ako sa duty. Sa biyahe ay pinoproblema kung saan ba ako hahanap ng sinabi ko kay Mommy. Saan ako hahanap ng kukuning mag-aalaga kay Mateo pag alis ni Mommy pa-Canada?
TOMORROW WAS MY OFF. Tuwing mag-o-off ako ay nae-excite talaga ako, kasi ibig sabihin, bonding na naman kami ng cute kong baby boy. Ito na lang talaga ang kaligayahan ko sa buhay.
I also planned to let Mommy rest tomorrow. Bibigyan ko ito ng pampa-salon para ma-pamper nito ang sarili bukas ng maghapon. Bahala na rin itong mamasyal muna para makapag-unwind pagkatapos.
Sa locker room ng ospital ay nakasabay ko ang ilang nurse din dito. Iyong isa ay tinatawag na 'momsh' dahil mas ahead sa amin at meron nang tatlong anak. Hindi ako nakikisali sa usapan nila pero naulinigan ko ang pinag-uusapan. Iniwan na pala ito ng kinakasama.
"Wala naman akong laban kasi hindi kami kasal," sumisigok na sabi nito.
Niyakap ito ng mga co-nurse din namin. Hindi ko alam na matagal na pala ako sa kanilang nakatingin lang. May nakakausap, dumadamay, at nagpapayo, mga bagay na nahiling ko noon na sana ay meron din ako. Napailing na lang ako nang mapaisip na naman.
"Okay lang, kaya ko namang buhayin mag-isa ang mga anak ko," anito. "Hindi ko kailangan ang tulong niya. Bahala na siya sa bago niyang babae! Magsama sila!"
Lumabas na ako ng locker room. Nangangalahati na ang duty nang makita ko ulit ang nurse na ito. Bangag na habang nag-aayos ng mga gamot dahil sobra-sobra na ang OT. Kailangan daw kasi kumayod dahil mag-isa na lang ito.
Noong pag-out ko naman ay sumakto na sabay pa kami. Nakasabay ko ito sa hintayan ng baby bus. Nakita ko na lang ang sarili na nilalapitan ito. Nagtataka naman ito. Walang intro-intro na nagsalita ako. "Ask for child support."
Napatanga ito sa akin.
"Kahit hindi kayo kasal ng ex mo, kahit hiwalay na kayo, at kahit may iba na siya, may pananagutan pa rin siya sa 'yo dahil inanakan ka niya. Hindi lang isa, kundi tatlo pa."
"Hindi ko siya kailangan," mariing sagot nito nang makabawi sa gulat. "Kaya ko ang mga anak ko kahit walang tulong niya."
"Focusing on your anger and pride will only cause you to suffer. Letting your ex off the hook just because you are angry is an injustice, not only to you, but also to your children. Karapatan ng mga bata ang masuportahan ng tatay nila, may kuwentang lalaki man ang tatay nila o wala."
Napayuko ito.
"Obligation is obligation, and if a man thinks otherwise and tries to flee, let him be educated and punished according to the law. Wag mong solohin ang bigat habang siya ay nagpapakasarap. Hindi dapat i-spoil ang mga lalaking iyan at hayaan na magbuhay-binata o magpamilya ulit ng panibago. Lalaki lang ang mga ulo niyan at magpaparami ng lahi, kasi alam nilang hindi sila obligado."
Para sa akin, iyon na nga lang ang ambag ng mga lalaking 'hit and run', kaya bakit paliligtasin? At kung magdadahilan dahil ayaw magsustento, e di idemanda. Ipatanggal sa trabaho at kung walang trabaho ay paghimasin ng rehas sa selda, tutal wala naman palang silbi, di ba?
Nang may dumaan na baby bus ay sumakay agad ang kasamahan kong nurse. Naiwan naman ako na mag-isa sa gilid ng kalsada. Napailing ako. Bakit nga ba ako nakikialam sa buhay nito? Bakit ako apektado?
Ah, siguro dahil nakikita ko rito ang aking sarili dati. Dumaan din kasi ako sa punto na gusto kong itapon sa labas ng pinto ang sustento ng ama ng anak ko. I too had a moment where I didn't want to accept anything from that man.
Iyong galit ko, iyong frustration, at iyong pride, lahat iyon ay naghalo-halo. Ang sabi ko pa ay kaya ko naman at hindi ko siya kailangan. But, I realized na kung hindi ko tatanggapin ang financial support, e kami lang din ng baby ko ang kawawa. Ako ay nagpapakakuba sa pagtatrabaho at hindi nakakasama ang anak ko, habang siya ay walang inaalala kundi sarili niya.
Kaya kahit kaya kong buhayin ang anak ko mag-isa, tumatanggap pa rin ako ng sustento sa lalaking iyon. Puwede lang siyang huminto sa sustento kapag 18 na ang anak ko, kaya magdusa siya. May 17 years pa!
May pumalakpak sa gilid ko. Gulat ako na napalingon. Isang matangkad na lalaki roon ang nakatayo. Nakangiti ang mga labi na nasisinag pa rin ang kapulahan kahit hindi rito masyadong maliwanag.
Huminto siya sa pagpalakpak at humakbang palapit. "Nice speech."
"Bakit ka na naman nandito... Francis?"
Napakamot siya sa kanyang makinis na pisngi. "Bago mo ako sermunan kasi ang kulit ko, can you hear me out first?"
Bumuga ako ng hangin at humalukipkip. Matigas talaga ang isang ito, e. Naniniwala na talaga ako sa English proverb na 'Birds of a feather flock together'
"Zandra, luluwas ako sa QC bukas. Bukod sa meeting sa company, kailangan din ako sa site ng four days. I'm going to miss you, that's why I want to see you now."
Naka-work from home si Francis, may kinalaman sa encoding ang work niya sa pagkakaalam ko, sa Aguilar Construction siya sa Quezon City nagtatrabaho.
"Nakita mo na ako, okay na ba?" tamad kong sabi.
Ngumiti siya muli. "Yeah. Thanks."
"At wala ka pa ring aasahan."
Ang ngiti niya ay nauwi sa ngiwi. "Still, thanks because you have not yet filed a restraining order against me."
Sa isip-isip ko ay baka malapit na.
Ganito lang naman si Francis, may times na sumusulpot para ihatid ako pauwi. Madalas niyang ginagawa kapag late na ang out ko. Sinaway ko siya kaya siya dumistansiya, pero hinahatid pa rin ako pauwi. Hinayaan ko na lang din kasi nakakatakot umuwi minsan kapag talagang malalim na ang gabi.
Hindi rin naman siya nakakailang dahil hindi naman siya nagsasalita. Tamang sabay lang sa akin kaya parang wala rin akong kasama. Iyong kahapon lang talaga siya biglang nagbanggit.
Francis 'Angke' Molina mentioned my son for the first time. It was like a heads-up and a declaration in one, implying that he was finally ready to cross the line.
Maghihiwalay kami sa may Malabon na ulit. Papunta na ako paradahan ng tricycle nang magsalita siya. "Zandra, nagpakita na ba siya sa 'yo?"
Huminto ako at nilingon siya. There was no reason to lie so I answered him truthfully, "Yes."
Matapos ang ilang buwan na hindi pagpapakita, bumalik na ang tinutukoy niya.
Napayuko siya ng ilang sandali bago muling sinalubonga ng mga mata ko. "I'm sorry if I am putting you in an awkward position. Siguro ang tingin mo sa akin ay matigas ang mukha ko, kasi kahit hindi kami ganoon kadikit, kilala niya tropa ko."
"Does he know?"
"Siguro. Alam ng tropa ko. Sinabihan nila ako. They warned me that you are off limits."
Naningkit ang mga mata ko. May gusto akong sabihin pero hindi ko na tinuloy. Tinalikuran ko na lang si Francis at sumakay na ako sa tricycle na pa-Pinagtipunan.
Nakababa na ako sa kanto ng street namin ay may kung ano pa rin sa dibdib ko na gustong kumawala. Nagrerebelde ako sa isiping wala na ang lalaking iyon sa buhay ko, pero markado niya pa rin ako.
Nakasimangot tuloy ako habang naglalakad. Mabuti na lang dahil wala nang katao-tao sa paligid dahil anong oras na. Kahit iyong maliit na tindahan sa dulo ng makitid na kalsada ng street na ito ay sarado na.
Malapit na ako sa amin nang mapahinto ako sa paghakbang. Nahigit ko ang aking paghinga dahil sa nakikita. A tall man was leaning against our gate. Wearing a black cap, white shirt, and black jeans. At his feet were slides that were also black.
Ang porma ay parang tagarito lang o kaya ay galing sa mall. Saan ba siya galing? And what was he doing here? Again?!
Nang maramdaman ang presensiya ko ay saka siya umayos sa pagkakatayo. Nakapamulsa pa rin sa suot na jeans nang lumingon siya sa akin. Para namang may bumikig sa lalamunan ko nang magtama ang aming paningin.
Bakit ganito? Kahit malayo siya, ramdam ko ang bigat ng mga titig niya?! Then, he suddenly stepped closer.
Mga isang dipa ang layo sa akin bago huminto, yet I could still smell his scent. He smelled fresh and clean, much like he had taken a shower before coming here. There was also a faint scent of musk and wood, maybe from the men's cologne he had on.
"Anong schedule mo sa trabaho?" he asked me na parang normal lang niya akong tanungin.
He didn't have any emotions, he was just looking at me, medyo nakayuko sa akin kasi nga mas mataas siya, tapos naka-flats pa akong shoes kaya ang liit ko lalo.
Tumingala naman ako sa kanya at matapang na sinalubong ang mga titig niya. "Why do you have to know?"
"Walang nag-aalaga sa anak ko."
I frowned. I wanted to believe he was joking, but he was not. He was serious. Ito iyong seryosong side niya na kahit noon pa man ay hindi ko na kaya.
Bago pa ako mawala sa script, mabuti na lang at naalala ko na okay rin pala na nandito siya. Kakausapin ko na siya tungkol sa sustento. "About your financial support to Mateo, masyadong malaki. Ibabalik ko ang sobra sa 'yo."
Nakakairita dahil wala pa rin siyang reaksyon. Wala maski katiting na emosyon. Dang it!
Naglabas ako ng phone at nagbukas ng bank app para matapos na. "What's your bank account? I will wire it to you."
Imbes sumagot, inilahad niya ang malaking kamay sa akin. Napabuga naman ako ng hangin. Ibinigay ko na lang sa kanya ang phone para matapos na talaga. Hindi ko na kayang makaharap siya.
Hindi ko na matagalan ang side niya na ganito. Pagkakuha niya sa phone ko ay ang hindi naman siya mukhang nagta-type, parang nag-tap lang siya. Mayamaya ay naglabas din siya ng phone niya. "Di ko kabisado."
Humalukipkip naman ako habang naghihintay. Hawak niya sa kaliwang kamay ang phone ko tapos sa kanan ang phone niya. A few minutes later, I heard a beep from his phone. A notification indicating it received a file.
"Hey, what's that?!" Napasigaw ako at akmang babawiin na ang phone ko nang bigla niyang itinaas.
Kalmado pa rin siya habang nakataas ang kamay at nagta-tap doon, ang taas naman kaya hindi ko maabot kahit yata magtatalon ako rito.
May narinig ulit akong notification mula sa phone niya. Napipikon na ako. Ano ba kasi iyon?!
Mga limang beep din iyon ng notification bago niya ibinaba ang phone. Inis na inis na ako at naubos na ang poise ko kakahabol sa aking phone, na hindi ko maabot-abot kasi ang bilis lang niyang maiiwas iyon sa akin. Ano bang problema niya?!
"Give me back my phone!" gigil ko nang sabi. Gusto ko na siyang bayagan talaga.
Bago niya ibalik sa akin, inilayo niya at basta itinapat sa kanyang mukha. Nakarinig ako ng tunog ng shutter ng camera at pagkatapos ay nag-flash ang liwanag. I was shocked when he finally returned my phone as my blank wallpaper was now gone. Why? Because he had replaced it with his selfie!
Nang tumingala ako sa kanya ay ganoon na lang ang pagkatanga ko, dahil sa unang pagkakataon muli... nakita kong ngumiti ang kanyang mga labi.
Tigagal pa rin ako nang yumuko siya upang magpantay ang level ng aming mga mukha.
"Get used to my face from now on, Zandra. Dahil mula ngayon, palagi mo na ulit akong makikita."
jfstories
#BadLoverbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top