Chapter 46
I HEAR YOU'RE TAKING THE TOWN AGAIN...
Having a good time with all your good-time friends...
I don't think that you think of me...
You're on your own now and I'm alone and free... ♫
NAPAKISLOT AKO NANG BIGLANG NAMATAY ANG TUGTOG. Nagpapatugtog kasi iyong isang pasyente rito sa public ward ng ospital. It was a big hospital in General Trias that I was lucky enough to get into after passing the Nurse Licensure Exam. Ito ang aking pangatlong buwan. Mahirap pero tamang pagsisikap lang.
Okay naman sa trabaho. May mababait, may okay lang, at meron ding mapapaisip ka kung nasobrahan ba sa bait o kinulang.
Kahit nakakapagod, gusto ko ang aking trabaho. Gusto kong maging nurse, gusto ko ring kumita ng pera, at gusto kong patuloy na matuto, dahil alam kong araw-araw, may matututunan akong bago. Hindi puwedeng wala. Ayokong wala.
"Thank you, Nurse Ganda," sabi sa aking ng walong na taong gulang na batang lalaki na nakahiga sa hospital bed.
Inaalisan ko ito ng suwero. Na-dengue ito pero ngayon ay magaling na. For discharge na. Nasa cashier na ang nanay nito at nagbabayad ng bill.
"Palakas ka, ha?" nakangiting sabi ko naman dito. "Maglinis palagi ng katawan, matulog nang maaga, and of course, avoid junk food and eat only nutritious meals to boost your immune system."
"Iyan, Junior, makinig ka sa maganda mong nurse," sabat naman ng tatay nito sabay kindat sa akin.
Bata-bata pa ang tatay, siguro ay nasa early forties pa lang, at may itsura naman, at panay parinig kanina pa na maganda raw ang trabaho nito. Maganda nga, sa sobrang ganda ay sa public ward lang ang anak, at ang misis pa nito ang kandahirap kaiisip sa hospital bill, kung saan kukuha ng ipambabayad.
"Nurse, taga saan ka ba?" tanong pa nito. "Baka ma-miss ka nito ni Junior. Pag ano, dalawin ka—"
"Hindi na po, sir." Umiling ako. "For sure, makakalimutan na ako ng anak niyo dahil higit sa kanino mang nurse o babae, tiyak na mas magaling mag-alaga ang nanay niya na asawa ho niyo."
"Naku, e iba pa rin kapag maganda ang nurse—"
"Mas maganda ho ang asawa niyo, kaya nga nabuo ang junior niyo di ba ho, tatay?" May diin sa salitang 'tatay'. "Alagaan niyo po at babantayan ang anak niyo. Mas kailangan niya po kayo."
Tinalikuran ko na ang mag-ama para wala nang masabi pa ang tatay. Baka kasi matulad pa kahapon, na habang umiiyak ang asawa nito dahil sa kalagayan ng anak, ay abala naman ito sa pagsunod sa akin sa hallway ng ospital upang kunin ang personal number ko. Sa mga ganoong sitwasyon, pag-iwas talaga ang solusyon.
Hindi dapat maging mabait at maging marahan, dahil may mga taong mahirap maka-gets, at iyong iba na ayaw lang talagang maka-gets, kaya kailangan mong prangkahin. Madali lang naman talagang makaiwas kung gugustuhin.
Hindi sa pagmamaganda, pero gumanda nga yata talaga ako. Ewan ko. Basta, hindi lang ito ang nagtangka sa akin. Mula nang manganak ako ay parang lalo pa yatang dumami ang nagba-baka sakali sa akin. Sa pisikal ay nanaba ako at bumilog ang balakang ko. Nag-mature din ang itsura at sabi nga nila, hindi na ako mukhang malditang nene.
Mula rin nang bumalik ako sa amin sa Pinagtipunan, nakasama ko na ulit si Mommy ay umayos na rin ulit ang kulay ko, nagkabuhay na at hindi na maputla. Siguro ay vitamins ko talaga ang sermon at pagna-nag ni Jesela Asuncion.
Ang daddy ko naman ay nasa Canada pa rin. Umuwi lang saglit kasunod ni Mommy, tapos ay umalis ulit. Ngayon ay working na sa Canada with my older half-brother, Kuya Jed. Noong una ay may mga tampo sa akin, katagalan ay halos buwan-buwan na akong padalhan ng kung anu-ano. Hindi ko na kailangang bumili ng damit, bag, sapatos, make up, at skincare, dahil salitan sina Daddy at Kuya Jed sa pagpapadala sa akin. Nagkaroon ako ng instant supplies.
Hindi rin ako nai-stress sa bayarin dahil bukod sa may suweldo ako, dahil nagpapadala monthly si Daddy kay Mommy para sa mga gastusin. Pinagkakasya ni Mommy para sa bahay at water bill ang padala ni Daddy. Ang sagot ko naman ay Internet, electricity bill, at grocery.
Sa bahay pala ay doon pa rin kami nakatira. Hindi na natuloy ang paglipat ng bumili sa bahay namin dahil hindi nakapag-fully paid iyong bumili. Kinailangan daw kasing magpaopera. Nagkaroon na lang ng kasunduan na ibabalik namin ang inunang bayad nito. Iyon ngayon ang hinuhulug-hulugan namin ng thirty thousand monthly.
Bukod pa pala sa mga iyon, meron ding dumarating sa akin na pera linggo-linggo. It was around three to five thousand weekly for the first months of the year, but it increased to ten thousand weekly starting last month. Kung saan at kanino man galing ang perang iyon, mukhang nakaluwag-luwag na ito para lumaki ng ganoon ang pinapadalang pera linggo-linggo.
Hinamig ko ang sarili sa pinupuntahan ng aking iniisip. Bumalik ako sa aking itsura na masasabi kong presentable na ulit. Iyon nga, kasabay ng pagbalik ng self confidence ko, ay paisa-isang sulpot ng mga lalaking nagba-baka sakali sa akin.
Pero poporma pa lang sila, sinosopla ko na. Una, ringtone ko sa phone ang ni-record kong paulit-ulit na litanya ni Mommy na: "Nagkamali ka na, balewala ang pagkakamali mo kung hindi ka pa matututo. Aba, mga kapitbahay lang natin na tsismosa ang matutuwa kapag napariwara ka!"
May point o wala, mahal ko si Mommy, kaya gaano man kasakit at katinis siya magsalita, ay pinahahalagahan ko na ngayon ang lahat ng sinasabi niya.
Kaya iyong mga sumusubok magpalipad hangin sa akin, ay hanggang subok na lang. Hindi ko kailangan ng atensyon o pagmamahal ngayon ng kahit sinong lalaki, dahil sapat na ang pagmamahal ko sa aking sarili. Kaya ko na ito.
I had no intention of losing myself again to pursue a love that was not meant for me. Because if a love was truly for me, it would come to me naturally, without the need for me to lose myself to have it.
Masaya ako ngayon sa buhay ko kasama ang aking mabungangang mommy, pero mahal naman ako. Mahal din ako ni Daddy at Kuya Zed, na tinanggap ulit ako matapos kong magkamali.
May isa pa palang dahilan. Aanhin ko pa ang mga lalaking iyan? Meron na ako sa bahay. Seloso pa pati iyon. Ma-late nga lang ako ng uwi, nakasimangot na iyon. Nanunulis na ang nguso tapos di na ako papansinin. Takot kaya ako pag nagtatampo iyon.
Napangiti na ako at ginanahang magtrabaho nang maisip ito. Ah, gusto ko nang makauwi para makita ito, mahalikan, mayakap. Syempre, mapanggigilan.
END OF DUTY. Pumasok ako sa locker para kunin ang gamit ko. Sa loob ay may dalawang nurse na naghihintay sa akin. Nagsikuhan ang mga ito nang makita ako.
"Try mo na, malay mo," sabi ng isa doon sa isa. Quin ang pangalan. Kasabay ko itong pumasok dito sa ospital pero hindi naging ka-close.
Wala akong ritong ka-close. Mga tamang kabatian lang. Wala rin naman akong kaaway, pero mukhang magkakaroon ngayon.
Lumapit naman sa akin iyong siniko ni Quin. Si Nala. Sa ngiti nito ay parang alam ko na. "Zandra, puwede bang i-cover mo muna shift ko ngayon? Anniv kasi namin ni BF."
Wala ngayon iyong isang bago naming co-nurse na madalas nilang pasaluhin ng shift, dahil nahihiyang tumanggi. No choice tuloy sila kundi sa akin sumubok ngayon.
"Zandra, pretty please? Ilang monthsary na kasi na palagi akong late sa date namin ni BF, gusto ko sanang bumawi ngayon. Ang kaso, nataon pa sa duty ko iyong date namin. Ikaw muna ang sumalo sa akin, ah—"
Hindi ko na ito pinatapos. "I'm sorry but I can't."
"Zandra, didn't you hear me? Kailangan ko ngang umuwi agad ngayon! Ibi-break na ako ng BF ko kapag na-late na naman ako—"
"Hindi ba kayang intindihin ng boyfriend mo ang trabaho mo? Kung hindi, dalawang lang iyan. Magpalit ka ng trabaho o magpalit ka ng boyfriend na maiintindihan ang trabaho mo."
Napatanga si Nala sa akin.
"Kailangan ko nang umuwi." Pagkasabi'y kinuha ko na ang aking bag sa locker.
Nagpapadyak ito. "Zandra, ngayon lang naman, eh! Wala ka namang BF! Saka saglit ka lang nag-duty ngayon, ah! Hindi ka mapakiusapan?!"
"Hayaan mo na nga," narinig kong sabi ni Quin. "Ganyan talaga iyan. Rich kid kasi kaya walang paki sa overtime!"
Tuloy-tuloy ako sa paglabas ng locker room na parang walang narinig. Wala akong pakialam kung sa tingin nila na wala akong pakikisama. Hindi naman sila ang nagpapasuweldo sa akin. I didn't need to please anyone either because boundaries were more important to me.
Kung noong high school at college ay maarte ako na minsan ay wala na sa lugar, puwes ngayon maarte pa rin pero lumulugar na. Puwede akong mag-'yes' or 'no' kapag hinihingan ng pabor, pero alin man doon ang sagot ko ay dapat respetuhin. Hindi uubra sa akin ang guilt tripping.
Pag ako ang kailangan ng mag-overtime ay hindi naman ako naghahanap sa akin ng sasalo. Gaano ko man kagustong umuwi, ay hindi ako nagrereklamo. Ang daming taong walang trabaho kaya pinahahalagahan ko lang ang akin.
AT EXACTLY 10:00 PM. Palabas na ako sa lobby nang kusang mapahinto ang mga paa ko. Bakit? Tanong ko rin. Kasi hanggang ngayon ay hindi ko maarok sa isip kung bakit. Isang matangkad na lalaking ang natatanaw ko ngayon na nakatayo sa lobby, na tila may hinihintay na kung sino.
Sino?
The man was slightly bent down, holding a phone in his left hand and his right hand was in his sweatshirt pocket. Even with the hoodie on, the man's sharp nose stood out, allowing me to recognize him.
Why? Why was this person here again?!
Bago pa mag-angat ng paningin ang lalaki ay mabilis na nakatalikod na ako. I hurriedly walked to the Emergency. May daan doon palabas at puwede ako roong sumimple.
Sa Emergeny nakasabay ko sa daan ang dalawang stretcher na may nakahigang dalawang lalaking nasa mid 40's siguro at kapwa duguan. Narinig ko sa mga nag-iiyakang misis at anak ng mga ito na nagsaksakan daw ang mga lalaki matapos magkaasaran sa inuman. Palampas na ako nang matanaw na may mga pulis sa entrance ng Emergency.
I fought the urge to back off because I needed to go home. I reminded myself that I didn't know those police officers, so there was no reason for me to panic. Kaya lang ay ang hirap. Hindi ako mapakali kapag nakakakita ako ng pulis!
Palabas na ako, nakayuko, at mabibilis ang hakbang ng mga paa. Malapit na. Malapit na malapit na. Malalampasan ko na ang mga pulis at makakauwi na ako—"ZANDRA!"
Napaangat ako ng mukha at agad na nakaramdam ng pagkaubos ng dugo, nang makita ang malaking maton na babaeng nakasuot ng unipormeng pulis. Kabababa lang nito sa patrol, at ngayon ay sa akin nakatingin. Ang malaki at buong boses ng babaeng ito ang tumawag sa akin.
When I locked eyes with her, a chill ran through my entire body. Ang gulat naman sa mukha ng babaeng pulis ay nauwi sa maliit na pagngiti, ngiti na hindi ko hinihingi.
"Zandra, nandito ka pala naka-duty—" Hindi ko na ito pinatapos. Tumalikod na agad ako.
Nagmamadali akong bumalik sa loob ng ospital, walang pakialam sa paligid kahit kung sino-sino na ang nabubunggo ko. The only thing I wanted right now was to get away from that policewoman as quickly as possible.
Pabalik ako sa main lobby ng ospital. Nakalimutan ko na ang lalaking dahilan ng aking pag-iwas na dumaan doon kanina. Sumabay ako sa mga palabas. Nakahinga na ako nang maluwag nang nasa tapat na ng kalsada—nang muling mapahinto ang mga paa dahil sa lalaking ngayon ay nasa harapan ko.
Dang! I thought he had already left!
He stepped closer to me. A boyish smile rested on his naturally red lips. "Galit ka pa?"
My eyes narrowed at him. Bukod sa trabaho ay isa pa ang isang ang taong ito sa ikinakapagod ko. Araw-araw ay pagsubok ang pag-iwas sa kanya, dahil kahit prangkahin o murahin ko pa yata siya ay hindi siya tatablan. Ganoon yata kapag bata pa lang ay matigas na ang mukha.
"Zandra, I'm sorry." Napahaplos siya sa kanyang leeg. "I'm sorry. Hindi ko naman gusto talaga na umalis. Pero maniwala ka, binalikan naman kita."
Nairita ako pagiging cool niya lang na magpaliwanag.
Bumaba ang hoodie niya dahil sa paghaplos niya sa kanyang leeg. Napatingala siya at ang lalamunan niya ay ilang beses umalon.
Nang magbalik siya sa akin ng tingin ay natigilan ako. Mula kasi sa pilyong kislap ng mga mata ng lalaking kaharap ko, ay kakatwang napalitan iyon ng pagiging malamlam.
I averted my gaze and was about to leave him when he softly spoke, "Saan ka niyan?"
"Uuwi. My son is waiting for me."
Son. Iyong tinutukoy kong lalaki sa aking buhay na seloso ay anak ko. Ang hindi man plinano pero nagpabago sa buhay ko. Mahal na mahal ko ito. At kuntento na ako kaya hindi ko na kailangan ng kahit sino.
"I want to see him."
Napahinto ako at galit sa kanyang napalingon. "Naririnig mo ba sarili mo?!"
"Loud and clear. I want to see him, Zandra. Will you let me?"
Napabuga ako ng hangin. Kapag magkaharap kami, nakatuon siya sa palaging ako lang, sa akin lang, kaya nakakagulat na ngayon ay nagkaroon siya ng lakas ng loob na banggitin ang tungkol sa 'anak ko'.
Napanganga ako sa kanya at tila nabasa niya naman ang nasa isip ko. Ang ngiti sa mga labi niya ay nauwi sa ngisi. Like dang!
"Zandra, you have known me since high school; I would not be here if I were afraid of anything... or anyone."
Oo nga pala. Kahit sa maiksing panahon, nakilala ko naman siya kahit paano. Kaya bakit ba inaalala ko pa siya?
"I know you're fearless." Humalukipkip ako tiningala siya para salubungin ang kanyang mga mata. "But I only hope you understand the line you're crossing right now...
...Francis 'Angke' Molina."
#BadLoverbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top