Chapter 27
MY SLEEPING HANDSOME.
Isinara ko talaga ang bintana at kurtina para hindi makapasok ang init at liwanag, kaya hindi pa rin feel sa kuwarto ko kahit mataas na ang sikat ng araw sa labas. Kaya ito, tuloy-tuloy ang tulog ni Miko.
Nakatulog din naman ako ng ilang oras, nakababa nang bandang 10:00 a.m. para magpakita kina Mommy at Daddy, para maligo, at kumain na rin ng breakfast. Pagbalik ko sa kuwarto ay tulog pa siya, kaya nag-make up muna ako.
I picked up his phone after making myself pretty. 2 percent pa ang battery kaya binuksan ko ulit at kinalikot para tuluyan nang ma-lowbat. Dahil wala namang bago kaya di na ako tumingin pa sa gallery. Ang nandoon lang naman ay kundi mga photo na lang ng pinag-aaralan nila sa university ay collection ko ng selfie.
Speaking of selfie, quits lang naman kami. Kung mahilig akong maki-selfie sa phone niya ay mas malala siya sa phone ko. Nasa 500 plus yata ang selfie niya sa aking gallery na puro pa-cute lang naman.
Sa chat at text inbox ay may mga message sa kanya, at alam ko namang may mga girls doon, pero ang importante ay hindi niya nire-reply. Napangiti ako lalo nang makita na nasa top ang convo namin, dahil naka-favorite ako. Ako ang naglagay niyon doon, but at least, he didn't remove it.
My number was saved in his phone as 'My UV'. Gasgas na raw kasi iyong 'sunshine'. Marami nang gumagamit. Kaya ibig sabihin ng My UV ay 'My Ultra Violet Rays'.
Meaning, he was not a sunshine protector, kaya pinalitan ko na rin ang pangalan niya sa aking contact ng: 'My Ozone Layer'.
Naalimpungatan si Miko nang umupo ako sa gilid ng kama. Pikit pa ang isa niyang mata nang tumingin sa bintana kung saan malapit din doon ang wall clock. "Shit, tanghali na!"
Bigla siyang napabangon pero agad ding napahiga. Bumadha ang gulat sa mukha niya nang malamang nakatali sa headboard ang mga kamay niya. Matamis ko naman siyang nginitian. "Good morning, Michael Jonas."
Halo-halo na ang gulat at pagtataka sa mga mata niya. "Pota, bakit ako nakatali?!"
Matamis pa rin naman akong nakangiti. "Wala lang. Para di ka umalis agad. Madalas kasi na wala ka na pag gumigising ako, e."
"Zandra, tanghali na!"
Hindi naman nagbago ang tamis ng ngiti ko. "I know."
"Anong oras na, gising na mga magulang mo, pati mga kapitbahay niyo!"
"I know that too."
"Anong 'I know', 'I know' ka riyan?!" Kung hindi lang siguro siya nakatali ay baka natuktukan niya na ako. "Paano ako aalis?!"
"Dito ka muna. Safe ka naman dito sa kuwarto ko. Don't worry, pupunta sina Mommy and Daddy sa restobar namin sa tanghali kaya aalis din sila. Mag-text ka na lang muna sa inyo na gabi ka na uuwi. May duty naman ang mommy mo kahit Saturday, di ba?"
Sa haba ng sinabi ko ay nakanganga lang siya sa akin.
"Oh, dinalhan pala kita ng almusal." Inginuso ko iyong tray sa bedside table. Ang naroon ay two pieces of pandesal, a bowl of sopas, and a cup of coffee. I waited for Mommy and Daddy to finish eating before sneaking some food for him.
"E paano ko iyan kakainin? Nakatali ako? Ano iyan, dadasalan ko para lumipad sa bibig ko?"
"Oops, sorry!" Napabungisngis ako saka siya ginapang para kalagan.
Bumangon siya nang malaya na siya mula taling manipis na lubid. Minasahe ang kanyang mga pulso na bahagyang namula dahil sa higpit ng pagkakatali ko.
Habang kumakain siya sa kama ay nakatitig lang ako. Walang kurap. Kahit bagong gising, tayo-tayo pa ang magulo niyang buhok, may bakat ng unan ang makinis na pisngi, feeling ko ay wala pa ring mas guguwapo pa sa lalaking ito. Or maybe because I had completely gone crazy?
Pagkatapos niyang kumain ay niligpit ko agad ang kinainan niya. Pagbalik ko ay nakatayo na siya. Naka-boxers pa rin pero may suot nang t-shirt. Nang tumingin sa akin ay nakasimangot. "Kanina pa masakit pantog ko. Nadyi-jingle ako."
"Hindi ka pa puwedeng bumaba. Nasa sala sina Mommy at Daddy." Dadaan kasi sa sala bago makarating sa banyo sa kusina.
"E, paano? Alangang sa bintana mo ako umihi? Baka isipin ng mga mga magulang mo sa baba, may kinakasal na tikbalang. Maaraw tapos naulan."
"I-shu-shoot mo sa paso ng halaman, para hindi tumama sa lapag," masayang suhestiyon ko. May mga paso ng halaman sa ibaba ng bintana ko, kapag doon niya inasinta, walang maririnig na ebidensiya.
"Seryoso ka?"
"Bakit, hindi ka ba confident na asintado ka?"
Nalukot ang matangos na ilong niya. "Hindi iyon! Paano kung may makakita sa aking dumaraan?!"
"Mataas na ang araw kaya wala nang naglalakad sa labas. Saka look out mo naman ako. Tatakpan din kita ng kurtina para iyong ano mo lang iyong nakalitaw. Wala nang makakahalata niyon kahit may maparaan pa."
Ilang beses pang nalukot ang kanyang mukha pero sa huli ay hindi na rin niya kinaya dahil ihing-ihi na siya. Tumayo na siya sa may bintana at nang makitang walang katao-tao sa tapat ng bahay namin ay inilabas niya na ang kanina pa nakabukol sa loob ng kanyang boxers. Napaiwas naman agad ako ng tingin kahit pa nakita ko na iyon kanina—at nahawakan pa.
Ganoon nga ang ginawa niya. Iyong ano lang iyong nakalitaw, nakalawit sa bintana, tapos pilit niyang inasinta iyong lupa sa paso sa ibaba, habang ako naman ang look out. Para akong mai-stroke dahil ayokong magbaba ng tingin, kaya mabuti na lang dahil ang bilis niyang matapos. Napatingala siya at napaungol.
Napapikit na lang ako noong nagpagpag na siya. Pinag-alcohol ko siya pagkatapos. Nakasimangot pa siya nang bumalik sa kama. Balak niyang mag-cell phone pero napaungol nang makitang dead bat siya. Hindi ko talaga ichinarge.
Maghahalungkat na siya sa drawer ko nang magsalita ako. "Naiwan ko sa locker sa school iyong charger ko." Pero ang totoo ay itinago ko.
Napaungol siya sabay subsob sa unan. Sumampa naman ako sa kama at lumapit sa kanya. Nang ipasok ko ang aking isang kamay sa loob ng shirt niya ay napabalikwas siya.
Matamis na ngumiti ulit ako. "Pagod ka sa biyahe kagabi, tapos kaunti lang tulog mo kaya puyat ka, malamang pa na pagod ka buong week sa pagpasok sa school. Mamasahiin sana kita."
"Mamasahiin mo ako?" hindi makapaniwala na tanong niya, pero naghubad na agad ng shirt. Gulat-gulat pa pero excited naman.
"Yup!" Pinadapa ko na ulit siya at saka siya sinimulang masahiin. Bawat haplos ko at hagod sa likod niya ay kandaungol siya.
"Ahhh, diyan, diyan, masarap diyan. Ah, diyan, diin mo diyan. Shit, ahhh...!"
Sarap sa sarap siya. Kung may makakarinig lang sa kanya ay baka isipin na kung ano na ang ginagawa ko sa kanya. Pagkatapos sa likod ay pati mga kamay niya, minasahe ko rin. Hinagod ko ng taas-baba ang mga mahahaba niyang daliri kaya kandatirik ang kanyang mga mata sa sarap.
Pagsapit ng tanghalian ay sabay kaming kumain. Sinabi ko kina Mommy na may tinatapos akong schoolwork kaya sa kuwarto ako kakain. Ang ulam namin ay fried chicken. Kung dati ay nagugulangan kami ni Miko sa balat ng manok, ay ngayo'y ibinigay ko ang balat ng akin sa kanya.
He was surprised but I smiled sweetly. "Naka-lowcarb diet kasi ako kaya umiiwas ako ngayon sa balat ng chicken, dahil ma-carbs."
Nagtataka pa rin siya pero hindi na umimik. In-enjoy na lang na marami siyang balat ng chicken. Pati pala sa drinks ay sa kanya ko lang ipinainom ang isang baso ng Cola Cola. Hindi ako nakihati o nakiagaw.
Pag-alis nina Mommy sa tanghali ay nakaligo na siya sa banyo. Paglabas niya ay sinalubong ko agad siya ng tuwalya para tuyuin ang kanyang buhok. Yumuko naman siya kahit nagtataka.
Pagbalik sa kuwarto, kahit maayos na ang kama ay pinagpag ko pa bago siya maupo. "Diyan ka lang," utos ko, at kumuha ng blower sa drawer. Blinower ko siya at sinuklayan. Hindi pa ako nakuntento, pinulbuhan ko pa siya na parang baby.
Ginupitan ko rin siya ng kuko kasi medyo mahaba na. While sitting on the bed, I also brought him a tumbler of cold water to keep him hydrated. Ngayon ay hindi na lang pagtataka ang nakabadha sa mukha ni Miko, kundi takot na. Oh, how cute!
Ito na iyon. Hindi na ako mabubuwiset pa sa kanya dahil ito na iyon. Kinuha ko ang mga kamay niya na dahilan para mapapiksi siya sa gulat.
Nanlalaki ang mga mata niya sa akin. "Gagi, nakakatakot ka na..." usal niya na may nginig pa.
Hindi ko naman pinansin ang reaksyon niya, sa halip ay seryoso akong tumitig sa kanya. "Miko, let's do this!"
Kumiling ang ulo niya. "Ha? Ano?"
"You don't have a girlfriend right now, do you?" deretsang tanong ko. "Hindi ka na naggi-girlfriend ngayon, ako na lang ang babae sa buhay mo, maliban sa mommy at lola mo. Wala rin akong kinikitang lalaki sa school ko, at halos tayo ang magkasama pag umuuwi ka ng Cavite. Kaya bakit hindi na lang natin pangatawanan ito?
"Miko, nagawa mo namang tumino kay Faye noon, di ba? Magagawa mo rin iyon ngayon para sa akin. Be a good person, student, and a boyfriend to me, so I can finally introduce you to my parents!"
Laglag ang panga niya.
I knew he was shocked. It was understandable. Nabigla siya dahil ako ang nauna. Sa dami kasi ng past relationships niya ay baka wala na siyang confidence para magtapat sa akin, posible ring hindi pa siya fully aware sa feelings niya or nasa denial stage pa siya, kaya ito at tinulungan ko na siya. Kung hihintayin ko kasi siya ay baka abutin pa kami ng siyam-siyam.
Ginulo ko ang buhok niya. "You don't have to say anything to me right now."
Tulala pa rin siya sa akin.
Nginitian ko siya na mula sa puso ko. "Miko, what important is, the feeling is mutual. Let's just work this out, alright?"
Hanggang sa umuwi na si Miko kinagabihan ay hindi na siya nakapagsalita pa. But, at least, nasabi ko na ang aking gustong sabihin. Aware na siya. At gusto rin naman niya ako, kaya wala namang magiging problema. Di ba?
BAKIT WALANG PARAMDAM SI MICHAEL JONAS PANGILINAN?!
May mutual understanding na kami. Alam niya na ang gusto ko at wala siyang reklamo. Gusto niya rin dahil, obviously, gusto niya rin ako.
Everything was smooth sailing; even though we hadn't discussed our relationship yet, we were good, but the fact that we lived so far apart was starting to pose issues. Miko was in Manila and I was in Cavite, which made our situation complex.
Noong una ay pumupunta pa rin naman siya tuwing weekend, ginagawa pa rin namin iyong madalas naming ginagawa, iyon nga lang ay walang pag-uusap. May problema sa bahay nila kaya umuuwi rin siya agad.
Naging busy rin ako sa studies sa sumunod na taon dahil graduating na. Hindi na rin pumupunta si Miko dahil nagsimula na akong mag-OJT sa ospital, kaya kahit gabi ay wala ako sa amin. Kapag naman nasa amin ako ay natataon naman na hindi siya makakauwi ng Cavite.
Inisip ko na lang busy rin siya dahil third year na. Ang hirap nga naman mag-uwian mula Manila to Cavite linggo-linggo. Pero ano man lang ba iyong i-chat niya ako pag free time niya? Para akong tanga na nakatitig sa bagong pangalan niya na naka-saved sa phone ko. 'My Ozone Layer'.
Ngayon ay nangangahalati na ang taon, pero ang huling convo namin ni Miko sa chat at text ay noong March pa. Palagi akong naghihintay sa tuwing magbi-beep ang phone ko, para lang malumbay kasi hindi pala galing sa kanya.
How could Miko go so long without contacting me? I'd tried messaging him first so many time, but he was not replying either. What on earth was keeping him so busy that he couldn't even reply to me?
Hindi na ako nakatiis. Tinawagan ko na siya. Limang ring na sunod-sunod. Lahat iyon hindi niya sinagot. Tulala ako sa phone ko pagkatapos. Just what was this? How could someone who liked you go so long without hearing from you?
O may gusto nga rin ba talaga sa akin si Miko? O all this time, nag-iilusyon lang ako rito?!
JFstories
#BadLoverbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top