Chapter 22
GOOD JOB?! So what we did was just a lesson on how to seduce Arkanghel? And I did a good job? Then should I be proud?
Naghiwalay kami ni Miko kinabukasan sa may kanto papasok sa street namin sa Pinagtipunan. Wala kaming imikan. Hinubad ko ang jacket niya saka ko siya tinalikuran.
I didn't what got into me, but I was so pissed. Pagkauwi sa bahay ay kahit malamig, naligo ako agad. Sa pagsa-shower ay doon na ako humikbi.
Hindi naman ako nandidiri. Hindi rin ako galit sa nangyari. It was just that I got frustrated by something I wasn't sure about. I was so frustrated that I couldn't understand myself.
Pagpasok ko sa kuwarto ay nag-check ako ng phone. May mga text pala ako. Puro congratulatory message. Isa roon ang tila gumising sa aking naliligalig na damdamin. A text from Arkanghel.
Baby Arki:
Grats, Za.
Shorter than the other texts I received, but still, the boy I liked greeted me. Wala na akong pakialam kung pinilit lang ba si Arkanghel ng mama niya, o nagkusa siya. What mattered was because of his text, I was reminded of the little dream I had for the two of us.
MIKO AND I NEVER SAW EACH OTHER AGAIN AFTER THAT NIGHT.
Ako ay naging busy sa kung anu-anong bagay at siya ay nag-text sa akin na isinama raw siya ng daddy niya pauwi sa Manila. Doon siya nagbakasyon.
Pagsapit ng June, nag-enroll na ako sa DLSU Dasma sa tulong ng perang ipinadala ni Kuya Zed mula sa Canada. Si Miko naman ay sa Gov pa rin kasama sina Arkanghel. Graduating naman na sila ngayong taon.
Kahit sa ibang school na ako at hindi na kami nagkikita ni Miko, hindi kami nawalan ng communication. Kahit tamang 'musta' at 'okay lang' ang palitan namin ng text at chat.
At first it was like that, maybe he didn't have anything to say to me, but it was different now. Nag-iba na, bigla-bigla na lang siyang nag-a-update.
Pariwarang Friend:
Magkaklase kaming apat nina Arkanghel, pero basag trip adviser namin. Pota pinaghiwa-hiwalay kami ng seatplan.
Siya, si Arkanghel, si Isaiah, at Asher. Nagkasama-sama pala sila sa iisang section. Iyon ang update ni Miko sa akin. Maliban pa sa iba pang update niya na may kinalaman si Arkanghel.
Yup, Miko was updating me about Arkanghel. I didn't ask him for it but he was doing it. Maybe he was guilty of what we did. He knew I liked his friend, yet he touched me that night.
And I guess, I should feel guilty too. I let Miko touch me kahit hindi naman siya ang gusto ko. Or maybe isipin ko na lang ang huli niya sa aking sinabi. Na iyong ginawa namin ay isang practice lang talaga.
COLLEGE. DLSU. BSN.
Ngayon ay walang masyadong ginagawa, kaya naisip kong dumalaw sa dati kong school noong high school, sa Gov. Madali lang naman pumunta roon kasi malapit lang sa bahay namin dito sa Pinagtipunan.
Nakapasok ako dahil breaktime. Maluwag naman kasi ang guard sa gate. Ang dahilan ko pagpasok ay may dadalawin akong dating teacher. And upon entering, I immediately looked for Arkanghel.
Nandito ako to say sorry to my Baby Arki. Hindi ako nakapagtagal sa kanila noong birthday nito kahapon, dahil nagpauwi agad si Mommy. Kesyo maputla at di raw kasi masarap iyong luto ni Tita Roda na spaghetti.
Kinulit ko si Miko sa text kung nasaang lupalop ngayon si Arkanghel, nag-reply naman siya, nandoon daw ngayon sa canteen ang Baby Arki ko.
Nang makita ko si Arkanghel na mag-isa sa table habang umiinom ng Coke ay tinabihan ko agad sa upuan. "Hi, my baby!"
Instead of wondering why I was here, Arkanghel just looked at me lazily. Saglit lang ang tamad na ekspresyon nito, dahil bigla na lang nangislap ang mga mata. Nagtataka naman ako kaya sinundan ko kung ano ba ang tinitingnan nito. And there, I saw a familiar pretty chubby face.
Sussie or Susana Alcaraz. This girl again. Naalala ko na kinakausap ito noon ni Arkanghel, pero nawala na ito ng ilang taon. Bumalik na pala ito ng Cavite ngayon?!
Hindi kami close ni Sussie. Ilang beses lang kaming nagkalaban sa mga quiz bee noon kapag pinagsasama lahat ng level. Palaging ito ang nananalo. Ano ang nasa loob ng isip nito? What if niyayabangan na pala ako nito?!
I still acted friendly. "Sussie, nandito ka na pala ulit sa Gov!"
Lumapit ako rito at ibineso ko ito. Wala itong nagawa nang hilahin ko ito papunta sa upuan namin ni Arkanghel. Dinaldal ko. Bahala itong mapikon para lumabas ang tunay na ugali.
"Saan ka na nag-aaral?" tanong ito na mukhang wala lang masabi sa akin.
"Sa La Salle, Dasma," sagot ko na proud. Ano ka ngayon, Sussie, ha? Feeling mo ba ikaw lang ang rich? My parents could afford to send me in a private university!
Although, my older brother in Canada was actually the one paying my tuition, I just wanted to brag a little. Alam ko kasi na may kaya sina Sussie. Maraming paupahan at may negosyo ang tatay nito sa Malabon.
Inusina ko ito nang inusisa. Para mapilitan itong magkuwento. I was waiting for her to brag about their businesses, sa mga paupahan ng mga ito, puwesto sa palengke, at ilan pang negosyo, pero iba ang lumabas sa bibig nito.
"Naaksidente, naputulan ng binti and na-coma ang tatay ko." The reason why they moved to Bulacan was because her aunt died and her grandparents were sick. Minalas pang naaksidente rin ang tatay nito at na-comatose.
Lahat ng obligasyon ay naiwan kay Sussie sa bata nitong edad. Ilang taon na ito lahat ang naging tagaluto, tagalaba, tagalinis, at maging tagaalaga sa may sakit nitong tatay, lolo, at lola. All around ito at caregiver pa, at lahat iyon ay habang nag-aaral ito.
Naghirap na rin sila dahil naibenta na ang mga negosyo rito sa Cavite. Ngayon na patay na rin ang lola nito at kahit paano'y nakakatayo na ulit ang tatay nito, kaya bumalik na sila dito para magsimula ulit.
Bigla akong nakaramdam ng panliliit. Sa dami ng gusot ko sa buhay, hindi pa rin iyon aabot sa pinagdaanan ni Sussie. In short, mas kaawa-awa ito sa akin. At nakikita ko sa kulay abong mga mata ni Arkanghel ngayon ang simpatya para dito.
Simpatya na hindi ko nakuha mula kay Arkanghel noong ako ang may problema. I knew I was being immature and bitchy, but that made me hate Sussie even more!
SUMALI AKO SA CHEERING SQUAD. Pangarap kong makasali talaga sa ganito, at nakikita ko rin ang pagpa-practice na magandang pamatay oras.
Para palagi akong busy at may dahilan na umuwi ng gabi. Ayaw ko kasi na umuwi agad sa amin. Walang update sa akin si Miko tungkol kay Arkanghel kaya naisip ko na pumunta na lang ulit sa Gov.
Walang tao sa bahay pagkauwi ko. Nagbihis ako. Pink na baby top at Jeggings na black. Nag-make up din ako bago naglakad na papuntang Gov. First break ng mga estudyante nang pumasok ako sa loob.
Sa canteen ako pumunta dahil wala sa bench ang magto-tropa. Ang nakita ko lang doon ay sina Miko at Isaiah na naglalaro sa phone. Lumapit ako.
"Huy, Zaza, napapadalas ka!" bati sa akin ni Isaiah nang makita ako.
"Kasali ako sa cheering squad. May practice kami today. Sumalisi lang ako ng takas."
Natawa si Miko. "Grabe takas mo ah, from Dasma to Pinagtipunan."
Inirapan ko si Miko kahit sa cell phone niya siya nakatingin. "Wala na kasi akong balak bumalik. Nauubos ang lakas ko Nauubos lakas ko roon, wala na akong time for baby."
Napasimangot ako. Nakakabuwiset sila ni Isaiah, dahil puro sila cell phone kahit alam namang nandito ako!
Nang hanapin ko si Arkanghel ay si Isaiah ang sumagot. "Nag-jingle. Saka baka dumiretso na rin ng silay kaya hindi pa nabalik."
"Silay?" ulit ko. Nakangiti pero alam kong hindi maganda ang ngiti ko. "Sinong sinisilayan?"
Napapalatak si Miko. "Tangina, Isaiah! 'Di ko talaga gamay 'tong si Pharsa!"
Tumawa si Isaiah. "Iyak ka na."
Naiinis na kinalampag ko naman ang table para kunin ulit ang pansin nila. "Sino nga, boys? Naku, ha? Kapag 'yan hindi pretty, hindi ako papayag." Nakangiti ako pero gigil na.
Dang it, Miko! Bakit wala akong alam?! Bakit wala siyang report sa akin about Arkanghel? Magti-text or chat lang naman siya, hindi niya pa magawa!
Sinikap kong tumawa. "Si Susana Alcaraz ba?" tanong ko kahit sigurado na ako. Kahit nararamdaman ko ang pagkulo ng aking dugo.
Speaking of Sussie, nahagip ito ng peripheral vision ko. Naririto rin ito sa canteen. Padaan sa gilid namin.
Nang kumpirmahin sa akin nina Miko at Isaiah na ito nga ang babaeng gusto ni Arkanghel ay nagpaalam na ako. Lumabas ako ng canteen. Nang malapit na sa bench ay binagalan ko ang aking lakad. She was following me. Sussie.
"ZANDRA, NANDITO KA."
Alanganin ang tunog ng boses ni Sussie. Kilala siya na mataas masyado, pero bakit ngayon ay para siyang basang sisiw sa harapan ko? Parang nahihiya pa siya nang lapitan ko.
Or maybe I was just mistaken. What if sa loob-loob ay niyayabangan niya na pala ako? Baka pinagtatawanan niya ako na talo niya na nga ako sa quiz bees noon, matatalo niya pa ako sa boy na gusto ko ngayon?
Nagkausap kami saglit. Kahit parang gusto niyang umiwas ay hindi ko siya binigyan ng pagkakataon. I opened up to her as if we were close, but my true intention was to make her realize her place.
Nakatingin lang sa akin si Sussie, nakikinig, pero hindi nagsisinungaling ang nakikita kong pait sa mga mata niya. And that fueled me to provoke her more.
"ZA!" BIGLANG MAY SUMIGAW.
Sabay kaming napatingin kay Arkanghel na nakatayo na pala sa hindi kalayuan. Hindi namin namalayan ang pagdating nito.
Napatingin si Arkanghel kay Sussie, pero umiwas ang babae ng mga mata. Itinulak ko si Arkanghel sa dibdib bago niya pa malapitan si Sussie.
"Ano ba, Za?!" Sa huli ay napikon na si Arkanghel. Pulang-pula siya hanggang leeg. "Bakit ba kasi absent ka na naman sa school mo? Ako na naman pagagalitan ng mommy mo, sasabihin na pinapunta kita rito!"
Nang iwan niya na ako para sundan si Sussie ay saka ako parang binuhusan ng malamig na tubig. Tigagal ako habang nakahabol ng tingin sa papalayong si Arkanghel.
May biglang pumalakpak sa likod ko. Paglingon ko ay nakatayo pala roon Si Miko. Wala siyang kangiti-ngiti at hindi mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip niya.
"Astig ka roon, ah," sabi niya na patag ang tono at walang emosyon ang mga mata.
Wala na iyong kaninang walang pakialam habang naglalaro sa cell phone kasama si Isaiah. Ganito kapag kami na lang dalawa.
This useless jerk. All my frustration went straight to him. "Why didn't you tell me about Susana Alcaraz?!" sumbat ko.
Nakatingin lang siya sa akin. Dang! Galit na padabog akong umalis.
Ang usapan, lahat ng ganap kay Arkanghel ay sasabihin ni Miko sa akin! Pero ilang araw na siyang walang report! Anong silbi niya kung hindi niya iyon gagawin?!
MY 19TH BIRTHDAY.
Nagpadala si Kuya Zed ng pera para panghanda ko. May handa kami pero hindi ganoon karami, dahil wala naman ako inimbita. Wala akong ka-close sa mga bago kong schoolmates.
Si Mommy lang ang nag-enjoy dahil nagpuntahan ang mga tita ko at kumare nito. Masaya si Mommy sa paulit-ulit nitong topic: Ang pagma-migrate ng pamilya namin soon sa Canada.
The only person I could invite was Arkanghel, but he didn't come. Maaga tuloy akong umakyat sa kuwarto at nahiga na lang sa aking kama. It was my birthday but I was not happy.
I took a selfie while lying on my bed. Should I post it? Nakangiti ako sa kuha, pero iba ang emosyon ng mga mata. But so what? Whether I was sad or happy, no one could tell and no one would care!
Wala namang may pakialam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Kaya pinindot ko na ang post matapos maglagay ng caption na: Thank you for all the birthday greetings. I love you all!
I said "I love you" to all of those who greeted me even though I didn't mean it. It was only fair since I knew they weren't sincere in wishing me a happy birthday either. Baka nga hindi rin nila maaalala na birthday ko ngayon kung wala silang natanggap na notification.
Doon sa post ko ay may mga humabol pang bati. Happy birthday na salita na may kasunod pang emoji. Paulit-ulit lang, mga greetings na halatang copy paste o naka-ready na kapag nag-type ka palang ng letter H.
I checked the greetings again. I wanted to see if anything could change my mood, pero wala. Parang robot lahat ng greetings. Iyong iba ay halata namang nakiuso lang sa pagbati dahil dumaan sa feed nila.
Binati naman ako nina Arkanghel, same with Isaiah at Asher, at dapat sumaya ako kasi halatang hindi copy paste or readymade ang bati nila, ang kaso ay bating tinamad naman. Sakto lang na HBD tapos wala man lang kahit isang pirasong emoji.
At least, Arkanghel greeted me, though. Kahit three letters lang, binati ako nito. Okay na dapat. Kaya lang, ang lungkot ko pa rin?
Ano ang kulang? Sino pa ang hindi bumati sa akin? Ah, right, Miko. My favorite enemy, dear fake cousin, and intimate trusted friend like an alter ego.
He didn't greet me. Siguro okay na rin kaysa batiin niya ako nang napipilitan lang siya.
Kilala ko si Miko, hindi niya gagawin ang isang bagay para i-please lang ako. Plastic man siya at maraming itinatago sa iba, pero sa akin ay palagi siyang totoo.
Lumabi ako at humiga ulit nang pabaliktad para titigan ang purple dream catcher sa itaas ng headboard. "But I still hate you for not greeting me happy birthday. Or do you even know that it's my birthday?"
Bandang 11:50 p.m., nagpapahinga na sina Mommy at Daddy sa room nila, ako na lang ang gising, malungkot na naghihintay na matapos ang araw na ito pagpatak ng alas dose, nang may biglang makarinig ng katok. A knock that came from outside my window instead of the door!
Napadilat ako sabay balikwas sa kama. Nakatulog na ba ako at nanaginip na o talagang may kumatok sa bintana ko?!
Pagtingin ko sa bintana ay nakasara ang kurtina. Kahit hawiin ko pa iyon, mataas itong second floor namin, kaya imposible na meron doong basta kakatok. Unless may akyat-bahay. Pero may akyat-bahay ba na nangangatok?!
I first thought that I was just hallucinating, but I heard a knock again. Naalala ko na nakabukas nga pala ang sliding window dahil nakalimutan ko kaninang isara. Meaning, kurtina lang talaga ang nananatili roong harang.
Kabado ako na lumapit doon habang hawak ang aking purple brush na basta ko lang nadampot. Akyat-bahay man or asuwang ang nasa labas, o kahit mumu, hahampasin ko nito!
My fingers were trembling when I touched the end of the curtain. Ready na akong manghampas ng brush at sumigaw, just in case. Pero lahat ng iyon ay hindi ko nagawa.
Bakit? Dahil nang hawiin ko ang kurtina ay nauna pang sumigaw ang aking puso nang masilayan ang mukha ng lalaking hindi ko lubos maisip na aking makikita.
Nakasampa siya sa pasimano ng bintana, nakakapit ang isang kamay sa itaas habang namumungay sa akin ang mga mata. "Late na ba? Happy birthday, Zandra."
Bigla na lang akong naluha. "Miko..."
Ngumiti siya sabay pasok sa loob ng kuwarto ko. Yumuko siya sa akin upang hagkan ako sa ulo. "Hindi ako si Arkanghel, pero pagtiyagaan mo muna ako."
jfstories
#BadLoverbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top