Chapter 2

TULALA AKO HABANG HILA-HILA NIYA ANG AKING PULSO.

Para akong isang papel na nagpapatangay lang sa kanya kung saan man niya ako balak dalhin. Sa bilis ng paglalakad ng mahahabang biyas niya, ay magkandasubsob ako sa paghabol sa kanya, subalit kataka-taka dahil wala akong makapa na ni katiting na inis sa dibdib ko.


Mabibilis ang mga hakbang namin pero parang ang bagal ng paligid. Kahit ang paghaplos ng malamig na hanging panggabi sa aking balat, paglipad ng ilang malalayang hibla ng aking buhok, at mga iilang nakakasabay namin sa daan ay tila gumagalaw sa marahang paraan.


Nakalayo na kami, nasa may madilim na plaza na, sa tapat ng malaking munisipyo. Wala na gaanong katao-tao, tapos na ang misa, at kahit ang natatanaw kong Franks N' Burgers booth ay sarado na. Doon niya ako binitiwan. Ang kamay niya na inihawak sa aking pulso ay ngayo'y nakasapo na sa kanyang noo. Tila siya namomroblema habang nakayuko.


Nakatingala lang naman ako sa kanya dahil hanggang leeg niya lang ako. Matangkad nga talaga siya. Malaki ang kamay niya, mahahaba ang mga daliri, at kahit madilim ay kitang-kita ko kung gaano katangos ang ilong niya.


Humahanga na ako nang matigilan dahil sa pagkislap ng kung ano. Ah, oo nga pala, meron siyang hikaw sa ilong niya. Isang dot silver nose ring. And that ruined everything! Napasimangot ako at saka umatras sa kanya palayo.


Nang tumingin siya sa akin ay nagsalubong ang mga kilay niya nang makita ang reaksyon ko. Sa gulat ko ay pinamewangan niya ako. "Hoy, Nene, alam ba sa inyo iyong pinagagawa mo?"


Kumibot ang sentido ko. "What?!"


"Egul, englisera," paungol na sabi niya.


Nangunot naman ang noo ko. "What egul?"


Tumingin ulit siya sa akin pero naglalaro na sa kislap ng mga mata niya ang pagkaaliw. Nainis naman ako, kasi bakit naguguwapuhan pa rin ako sa kanya, kahit ang angas ng dating niya?!


"Ge, uwi na, Nene. Baka hinahanap ka na sa inyo."


Nene? Did he just call me 'Nene'?! Hindi porke't mas matangkad siya ay mas matanda na siya! Alam ba niyang Grade 8 lang siya at 9 ako?!


"Uwi na," sabi niya ulit sabay wasiwas pa ng kamay niya para itaboy ako. "At 'wag ka nang magdidikit ulit doon kay Dessy. May hangin tuktok niyon."


"She's my cousin."


"Then uncousin her."


"What?!"


Imbes na sagutin ako ay napahawak siya sa bibig niya nang may mapagtanto. "Shet, napa-english ako!"


Baliw ba siya? Naglakad na siya papunta sa sakayan ng jeep. Naglakad na rin ako dahil iisa lang naman ang daan, at hindi dahil sa gusto ko siyang sundan. Pasipol-sipol naman siyang naglalakad habang nakapamulsa sa suot na cargo shorts.


Nang malapit na kami sa hintayan ng jeep ay iisa lang ang nadoon at papuntang Pala-Pala pa. Walang lingon sa akin na sumakay siya roon. O di ba? Ang ungentleman niya!


Ayaw ko sanang sumakay rin, kaso wala na akong natatanaw na nagdaraang tricycle at ibang jeep. Ayaw ko namang magpaiwan dito. No choice na sumakay na rin ako. Nasa may bandang pinto siya ng jeep sa aking pagpasok, kaya nadaanan ko siya, pero ni hindi man lang siya sa akin tumingin.


Nakabukaka siya sa kinauupuan habang nakahalukipkip, at nakasandal ang ulo. Iyong akala mo ay nasa bahay lang. Bahagya pang tinatapik niya sa sahig ng jeep ang kanyang kaliwang paa. Cool lang kahit anong oras na. Mukhang sanay gumala ng gabi. Tipikal na nasobrahan sa layang estudyante.


Tatlo lang pala kami na pasahero sa loob ng jeep, dahil nga nakauwi na ang mga nagsimbang-gabi kanina. Iyong isa ay kahilera ko, na nasa bandang likuran ng driver. Nakapikit ito at mukhang tulog. Dim ang ilaw sa loob ng jeep. May rap song na tugtog kaya parang kumakalabog mga speaker sa kinauupuan namin.


Ang tugtog ay American rap na Ridin' ni Krayzie Bone of Bone Thugs n' Harmony. Alam ko iyon dahil madalas na pinapatugtog sa restobar namin. Kahit hindi mo alam iyon ay makikita mo ang sarili tumatango dahil sa nakakadalang beat.


Tryna catch me ridin' dirty

Tryna catch me ridin' dirty

Tryna catch me ridin' dirty


Nagulat ako nang marinig ang mahinang pagsabay niya sa tugtog. Mahina at kalma lang, pero ang swabe ng boses niya. "They see me rollin'. They hatin', patrollin', and tryna catch me ridin' dirty."


Kaharap ko siya kaya hindi maiiwasang hindi mapapatingin sa kanya ang aking mga mata. Although the light was dim, it did not hinder me from seeing his handsome appearance. He was really handsome. Kung magbabago lang sana siya at titino. And if only I had the chance to pull out his nose ring, I would do so right immediately!


Nagbawi na ako ng tingin. Ayaw ko nang pamroblemahin ang aking sarili sa problema ng ibang tao. I was not born in this world to fix anyone.


Nagbayad na ako ng pamasahe. Dumukot na rin siya ng purse sa bulsa niya. At dahil ako iyong bandang nasa gitna ay sa akin siya tumingin. "Oy, paabot."


Paabot? Ako ang pag-aabutin niya ng bayad niya? Bakit hindi siya ang umusod para magbayad sa driver?! Pero wala rin akong nagawa kundi tanggapin ang bayad niya, kahit nagpupuyos ang loob ko. Last naman na ito. Ayaw ko nang magkaroon ng kahit anong scene kasama ang lalaking ito!


Sa Malabon ay may pila pa ng tricycle sa kanto. Nauuna na naman siya sa akin sa pagbaba. Parang hindi niya alam na bumaba ako kasunod niya, o wala siyang pakialam. Okay lang naman. Wala rin akong pakialam sa kanya.


Doon ako pumunta sa pila ng tricycle pa-Pinagtipunan. Siya naman ay huminto sa kanto. Hindi ko alam kung may balak bang umuwi o ano. Mukhang wala pang balak, dahil mayamaya ay naglabas siya ng kaha ng sigarilyo. Saglit lang ay para na siyang kapre doon na bumubuga ng usok.


Hindi na pinuno ang tricycle na sinasakyan ko dahil parang wala na ring sasakay. Ako na lang tuloy mag-isa rito sa likuran ng driver nang umandar na ang tricycle. Pagliko niyon ay dumaan sa tapat niya, at sakto na nasa likod ako ng driver. Nakaharap ang puwesto ko sa kanya.


Nakasimangot ako at akmang magtatakip ng ilong nang biglang saktong pagdaan namin, at saka niya ibinuga ang usok sa hangin. Hanggang makalampas kami sa kanya ay nanlalaki ang mga mata ko, habang siya naman ay nakahabol ng tingin habang nakangiti ang mga labi sa akin!





"MAYAMAN NGA KAMI O MAHIRAP?"


Lunes. Nasa room na ako at wala pang sunod na subject teacher. Katabi ko si Faye, ang kaibigan ko since Grade 7. Maiksi ang buhok niya, bilugan ang mukha, at cute ang mga mata. Mabait din siya kaya gusto ko siya. Turo ng Mommy ko sa akin na importante raw ang pagpili sa kakaibiganin. Kaya pumili nang mabuti.


Pumili ka ng mabait at sa kanya ka magsasama palagi, dahil nakakahawa ang ugali. Imbes na bad influence kayo sa isa't isa, ay mas okay ang good influence kayo, at hilahin niyo ang isa't isa pataas. Mas maganda ang stress-free na buhay. Hindi ka papangit.


Nakasalalay sa sasamahan mo kung ano ang kapupuntahan mo. Ito ay 95% true. Choosing friends, was like investing in a business, it required careful consideration. You must invest wisely. Do not waste your precious time on people who would only drain you. Instead, be with people that are good for your mind, health, and soul.


"What, Faye? Mayaman ba ako o mahirap?" ulit ko sa tanong, sabay hawi ko sa aking bagong salon na buhok, taas ng aking isang bisig na may suot na bagong relo, at saka ngumiti upang i-flex ang natural pink lips ko.


Matapos akong tingnan ay nag-thumbs up si Faye sa akin. "Syempre, mayaman!"


Napabungisngis ako. "Tama!"


No matter how many times I asked Faye this same question, she still gave the same answer. Hindi lang siya ang may alam na mayaman ako, kundi pati ang mga kaklase namin. Hello? Palagi kayang bago ang mga gamit ko, karamihan din dito ay nakakasama namin sa simbahan, nakikita nila pag naghuhulog ng donation ang mommy ko ay palaging five hundred pesos na buo!


Hindi rin lingid sa kaalaman ng lahat na parents ko ang may ari ng mini resto bar dito sa Pinagtipunan. May car din kami, lumang vios pero well-maintained, na minsan ay naihahatid ako kahit diyan lang ang bahay namin sa tabi. Hindi lang ako maihatid ngayon kasi tumirik iyon noong isang linggo. But at least, may car kami!


"Mayaman ka at maganda, Zandra. Pero, mas okay kung matalino rin, kaya hala, mag-aaral ka! Magbasa ka na ng next lesson, go!" Pagkasabi'y nagbasa na rin siya ng kanyang libro.


Napalabi na lang ako, pero nagbasa na rin. Kasi pag hindi ako nagbasa para sa advance lesson, ay baka hindi na maging super perfect, di ba? Pretty, rich, and slightly smart na lang. At ayaw ko ng ganoon! Kaya ito, mag-aaral na ako!


Natapos ang araw na wala namang aberya. Nilagay ko na sa block ang number ng first ex-bf ko na si Hugo Emmanuel Aguilar. Hindi na rin naman na ito nagtangka pa contact-in ako matapos noong nangyari sa likod ng simbahan.


Tungkol naman sa pinsan kong si Dessy, ginawa ko ang sinabi ng lalaking humila sa akin noong gabing iyon, I 'uncousined' her na.


Maaga kaming pinauwi today kaya umuwi na ako. Sinundo ako ng daddy ko gamit ang car namin. Maayos na pala iyon ulit. Proud ako na sumakay sa car, at hindi agad nagbaba ng salamin hanggang makalabas sa makauwi sa amin.


Uhm, another reason pala ay sira pala ang aircon kaya dapat lang talaga na bukas ang salamin. But, so what? Hindi naman need mag-aircon pa. Hello? One block lang iyong layo ng house namin sa school!


Pagbaba sa harapan ng bahay namin ay sinalubong agad kami ni Mommy. Ang mga kapitbahay namin ay nakatingin na lang habang may inggit sa mga mata. Tinitingala nila ang pamilya namin dahil nga sa masyadong perpekto nga. Mayaman kami, nagmamahalan, at meron pa kaming mabubuting kalooban.


Nagpalit na muna ako ng uniform bago bumaba sa kusina. Nag-bake si Mommy ng carrot cake para sa meryenda. Naabutan ko sila na nag-uusap na ni Daddy habang naghahanda ng mesa.


Umuungot si Mommy kay Daddy. "Love, magkano ang kita ng bar ngayon? Kaya bang makabili ng bagong microwave? Luma na kasi iyong gamit natin. Ang uso na ay iyong de pindot at hindi na iyong de ikot. Nakakahiya pag may dumating na bisita, at makita nila."


Napakamot ng ulo si Daddy. "Kaya naman, love. Pero kailangan na ba talaga? Marami kasi tayong bills ngayong buwan. Patong na ang bayaran sa kuryente natin, baka hindi natin kayanin."


Kandanguso si Mommy. "Nagana pa naman, kaso nga luma na. Sige na, love, bili na tayong bago, ha? Magkakapera pa naman tayo, eh. Mabait tayo sa kapwa, kaya marami pa sa ating darating na biyaya. Hindi tayo mawawalan. Tiwala lang."


"O sige na nga," sumusukong sabi ni Daddy. "Ikaw talaga, pasalamat ka love na love kita."


Napahagikhik naman si Mommy sabay yakap kay Daddy. "Thank you, love! The best ka talaga! Saka pala, ibinili rin kita ng bagong necktie, para pag nagsisimba tayo, mas lalo kang magmukhang kagalang-galang at mayaman!"


Nang dumating ako ay kumain na kami ng meryenda, habang masayang pinag-uusapan ang nangyari sa amin ngayong araw. Yes, ito kami. Isang perpektong pamilyang mayaman, nagmamahalan, at may busilak na kalooban.





KINAGABIHAN. Patulog na kami nang magkaroon kami ng bisita. Kaiinom ko lang ng gatas sa kusina nang makita ko ang mag-ama na nakaupo sa sofa. Ang atensyon ko ay higit na natuon sa binatilyong sa aking tingin kaedad ko. Guwapo ito.


Nakatagilid ito sa gawi ko, subalit kitang-kita ang magandang hugis ng ilong at panga nito. Nakayuko ito at noong tumingala ay para lalo akong natulala. Ang binatilyo ay may kulay abo na mga mata!


Napabalik agad ako sa kusina. Naroon pa si Mommy at nagpupunas ng mesa. "Mommy, sino iyong binatilyo sa sala?!"


"Arkanghel ang pangalan niya." Huminto si Mommy sa ginagawa para tingnan ako. "Pinsan siya ni Isaiah, na kinakapatid mo rin, dahil isa rin siya sa inaanak namin ng daddy mo."


"Bakit po sila nandito ng papa niya?" interesadong tanong ko.


"Ano pa nga ba? E di mangungutang. Hay, hindi pa nga sila bayad sa utang nilang 2k noong nakaraan, umuutang na naman sila ng 1,500 ngayon."


Tumingin ako ulit sa may sala kung nasaan si Arkanghel. Ha? Nangungutang sila ng papa niya sa amin? Ibig sabihin ay mahirap lang sila?


Tinapik ni Mommy ang balikat ko. "Anak, nangungutang na naman sila kahit pa hindi sigurado kung kailan sila magkakaroon ng pangbayad. Pero dahil mabubuti tayong tao na may busilak na kalooban, ay papautangin natin ulit sila. "


Nakaalis na sina Arkanghel at ang papa niya nang umakyat na rin ako sa hagdan. Bago pa ako makataas ay naulinigan ko pa sina Mommy at Daddy na nag-uusap.


"Ano, 2K ulit ang inutang?!" gulat at malakas ang inis na boses ni Mommy. "Akala ko ba ay 1,500 lang?!"


"Love, ibabalik din naman daw sa katapusan pag naka-delihensiya si Pare. Kailangan lang daw talaga ngayon, dahil wala pa rin palang bagong sapatos at mga gamit sa school si Arkanghel, e noong isang linggo pa nagpasukan."


Napapalatak si Mommy. "Hay, naku. Aanak-anak kasi, tapos hindi naman pala kayang ibigay ang pangangailangan ng anak!"


Niyakap ni Daddy si Mommy. "Love, 'wag ganyan. Kasisimba lang natin noong linggo. Saka,  di ba? Hanggang kaya nating tumulong, tutulong tayo."


Lumambot na ang ekspresyon ni Mommy. "Oo nga pala, love. Nakalimutan ko na tayo pala ay mabubuting tao. At hindi lang tayo dapat kilala na isang perpektong pamilya, dapat kilala rin tayo bilang pamilyang may busilak na puso at matulungin sa mga kapwang dukha!"


"Tama, love. Saka, para sureball na sa langit tayo mapupunta, kaya dapat, stay kind." Tapos sumulyap sa akin si Daddy sa hagdan at kumindat.


Napahagikhik naman ako bago tuluyan nang umakyat. Pero noong gabing iyon ay hindi na nawala sa isip ko ang guwapong mukha ng Arkanghel na iyon.





ARKANGHEL DEL VALLE. Iyon ang pangalan niya. Grade 8 palang pala. Dito na rin sa Gov nag-aaral ngayong schoolyear. Grey pala talaga ang mga mata, pero wala namang lahi. Ang paliwanag ng parent nito ay dahil meron daw problema sa melanin ang iris nito si Arkanghel.


Ang guwapo nga talaga nito. Nakatira rin ito sa may Pasong Kawayan Dos. Iisang compound ng pinsan nitong si Isaiah. Guwapo rin si Isaiah, pero para sa akin ay mas guwapo si Arkanghel, dahil mas mukha itong matino. Okay na sana. Ang kaso lang, hindi ito mayaman.


Malungkot ako habang nakapangalumbaba sa mesa dito sa canteen. Lunchbreak ngayon. Ako lang mag-isa dahil ang kaibigan kong si Faye ay absent dahil sa LBM. Kumain ba naman kasi ng streetfood kahapon, kahit sinabihan ko na itong dirty iyon.


Nagmamagandang loob na nga ako, hindi pa ako sinunod. Ano ba kasing meron sa street food, ha? Alikabok? Overused na mantika? Talsik-talsik na laway ng mga bumibili? Naiisip ko pa lang ay ewww na agad—


Biglang may naupo sa katapat kong mesa. Isang lalaki na naka-T-shirt lang at ang polo ay nakasampay sa kaliwang balikat. May silver na hikaw sa gilid ng matangos na ilong, may silver din na hikaw sa magkabilang tainga, at may suot din itim na headband!


And what was that?! May hawak siyang transparent plastic cup; ang laman ay iyong small egg na coated ng yellow! If I was right, they were calling that food kwek-kwek! A street food!


He bought it outside, for sure. Wala namang ganoong tinda rito sa canteen. Tinutusok-tusok niya iyon ng hawak na stick tapos isusubo nang buo. Hindi pa siya masaya, hinihigop niya pa iyong suka sa cup with sounds!


"Ewww!" Ang aking pandidiri ay hindi ko namalayang nagkatunog na pala. Sakto na medyo tumahimik sa paligid kaya sa kinamalamasan, ayun kanyang nadinig!


Napatingin siya sa akin!


Hindi ko alam ang gagawin. Idi-deny ko ba? Pero huling-huli niya na ako na sa kanya nakatingin! And my expression? For sure it was giving me away! What if he was offended? What would he do to me?!


Baka sapakin niya rin ako just like what he did to my bad influence slash ex-cousin Dessy? At paano kung dito niya ako sapakin?!


Should I go? Should I run? As in now? Punta ako sa guidance agad para isumbong siya? Pero hindi ako makakilos sa kinauupuan. Para akong naestatwa rito! Hindi naman tumayo iyong lalaki. Sa halip, chill na sumandal siya sa inuupuan at saka tinaasan ako ng kilay!


Hindi ko alam kung galit ba siya, kasi seryoso lang ang mukha niya. May mga babae na pumasok sa canteen, at tinawag siya pero ni hindi niya man lang tinapunan ng kahit katiting na pansin. Sa akin pa rin siya nakatingin!


"Hi, Babe Michael Jonas Pangilinan!" malambing na tinawag pa siya ng isa sa mga babae na dumating. Binuo pa ang kanyang pangalan at may paghaplos pa sa likod niya, pero tinabig lang niya ang kamay nito.


Nang dumami na ang mga pumapasok sa canteen, at nagsimula nang umingay ang paligid ay saka lang ako parang natauhan. Na kanina pa pala ako nakikipagtitigan sa lalaking ito na ang pangalan ay Michael Jonas Pangilinan!


Napatayo ako sa kinauupuan at nagmamadaling umalis ng canteen. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib na ngayon ko lang naramdaman. Siguro ganito talaga kapag nakakakita ka ng mga estudyanteng walang patutunguhan. Makakaramdam ka talaga ng awa, lalo na kapag meron kang mabuting kalooban.


Hindi na ako lumabas noong last break. Hindi ako nakaramdam ng kahit kaunting gutom. Naglalakbay ang aking diwa na pati pakikinig sa teacher ay hindi ko maayos na nagawa.


Kumakalam ang tiyan ko pagdating ng uwian. Dumaan muna ako sa canteen para bumili ng kahit anong makakain. Isang sandwich na hindi ko rin naubos dahil aking nakasabay paglabas si Arkanghel, na sandali kong nakalimutan, dahil doon sa Michael Jonas Pangilinan na iyon!


Ang lalaking ito, ang lalaking may maamong mukha at magagandang mga mata na kulay abo, ang lalaking mukhang mabait at matino. Ganitong lalaki ang gusto ko, at hindi iyong maloko!



Inihanda ko ang aking kimi subalit matamis na ngiti para kay Arkanghel. Malamang na kilala na ako nito, dahil galing ito sa amin kagabi. Imposible rin na hindi ako nito mapapansin. Wala pang hindi nakakapansin sa akin.


"Hi, Arkanghel..." malambing ang boses na bati ko rito.


Puno ng pag-aasam at kaba ang dibdib ko dahil ito ang unang beses na may binati ako nang ganito. Sinabayan ko pa ang aking ngiti nang paghawi sa buhok ko. Nag-retouch ako bago lumabas ng room, kaya siguradong fresh ang itsura ko ngayon.


Tumingin naman sa akin si Arkanghel. Nakahanda na akong tanggapin ang pagbati rin nito, para lang mapatanga dahil tumingin lang talaga ito, pagkatapos ay nagbawi na rin agad ng paningin. At parang walang nakita na nagpatuloy na ito sa paglalakad paalis!


Tigagal ako na nakahabol dito ng tingin, nang may bigla akong marinig na mahinang tumawa sa gilid ko. Paglingon ko roon ay napanganga ako nang makita ang isang lalaking prenteng nakaupo pabukaka sa may bench, habang ngumunguya ng bubble gum. Siya ulit. This annoying Michael Jonas Pangilinan!


He wasn't looking at me, but when he did, he gave me the most annoying smile, but in a flirtatious way. At nang bumukas ang mapupula niyang mga labi, ay ganoon na lang ang pag-iinit ng aking mukha sa hiya dahil sa mapang-asar na salitang binitiwan niya.


"Ay, kawawa."


jfstories

#BadLoverbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top