Chapter 15


---TRIGGER WARNING:This chapter contains scenes of k*dnapp*ng, vi*lence, dr*gs, etc., that some readers may find disturbing

------------



WHERE AM I?!


Matigas ang kinahihigaan ko, hindi ako makagalaw dahil may tali ako sa kamay, at nang maramdaman ang pagsakit ng aking sikmura ay doon ko naalala ang nangyari. May humarang sa akin sa dilim nang papunta ako sa convenience store. Someone hit me in the stomach, and I lost consciousness.


Nanuot sa gulugod ko ang takot. I was kidnapped. I wanted to scream, cry, and beg for help, but I knew it would only put me at greater risk. My captors might panic and harm me.


Natatakot ako pero sinikap kong mas paganahin ang isip. Hindi agad ako dumilat. Nakiramdam ako sa paligid. May mga tao, hindi ko alam kung ilan, nag-uusap-usap sila. "Bakit ba hindi sumunod si Chung dito? Ano raw ba ginagawa?"


"Lasing na lasing daw. Ang sabi lang, may nakita raw kanina sa plaza na ikina-badtrip nang husto, kaya ayun, naglasing nga. Di tuloy makakapunta rito."


"Tangina naman, e. Pag siya sinasamahan, tapos tayo di niya masamahan?! Sana man lang nagbigay na lang ng kahit pang-inom natin. Tingnan mo, kinailangan pa tuloy nating magnakaw sa convenience store kanina para lang may alak tayo rito."


"Ang masaklap pa niyan, nahuli tayo ng cashier, kaya nakapaglabas tuloy ng balisong nang wala sa oras itong si Arnie! Tangina, ipanalangin na lang nating hindi tayo nakuhanan kanina ng CCTV!"


"Itigil niyo na iyan. Ang mahalaga, nakuha natin itong siyota ni Pangilinan."


"E pupunta ba talaga rito si Michael Jonas kung papupuntahin natin? Sigurado ba kayo na di niya matitiis iyang babaeng iyan? E di ba ang dami-dami niyang babae? Bakit naman siya isusugal ang sarili para sa isang iyan?"


Kumuyom ang mga kamao ko habang nananatili akong nakapikit.


"Pero iba ang isang iyan. Ang dami ng dumaang babae sa kanyang gago siya, pero diyan pa rin sa babaeng iyan siya bumabalik."


What? How could they say that? Hindi ba nila alam na magpinsan kuno kami ni Miko?!


May lumapit sa akin at bigla na lang dinaklot ang buhok ko. "Miss, gising ka na, di ba? Wag ka nang magpanggap!"


Dumilat ako at sumalubong sa akin ang tuyot na mukha nong lalaking payat na nakasulubong namin noong nakaraan sa sapa pa-bilyaran. Apat sila rito na mga lalaki. Lahat din sila ay namumula ang mga mata.


Lumingap ako sa paligid. Nakalugmok ako sa sahig na nalalagyan ng lumang linoleum. Nasa isang bahay kami na yellow na bombilya ang ilaw, ang pader ay kalahating bato at kalahating pawid, parang bahay pahingahan sa gitna ng isang bukiran.


Sa mesita na kaharap ko ay may mga paper bag ng isang convenience store, dalawang bote ng Redhorse, sigarilyo, at lighter. Meron din doon mga tuyong dahon at pakete na ang laman ay tila tawas. Again, the fear came over me. They weren't simply dr*nks; they also used ill*gal dr*gs!


Ano bang balak nila sa akin? Makakauwi pa ba ako sa amin?! O matutulad ako sa mga nababalita sa TV?! Nagsisisi na talaga ako dahil bakit pa ako lumabas ng gabi?!


Iyong dumaklot sa ulo ko na payat ay itinaas ang aking mukha upang mapatingala ako. "Alam mo bang malaki ang atraso sa amin ng boyfriend mo?"


Boyfriend? Nang mag-sink in sa akin ang sinasabi nito ay umiling ako. "No! If it's Miko you're talking about, he's not my boyfriend!"


"Sus, alam ko namang nagde-deny lang kayo." Ngumisi ito. "Kilala ko na mula pa noon si Michael Jonas, alam kong walang pinsan iyong gagong iyon. Pero nagpanggap kayong magpinsan para itago ang tunay na relasyon niyo."


Sumipol iyong isa. "Hayup, hindi lang pala fake taxi ang meron, may fake cousin din!"


"But so what?" tanong ko na halo-halo na ang inis at takot. "So what kung kami ng Miko na iyon o hindi? Ano namang pakialam niyo?!"


"Dahil kailangan ka namin para mapapunta si Michael Jonas Pangilinan dito. Dahil kating-kati na kaming basagin ang bungo niyang maangas na siyota mo!"


They took me in order to lure Miko?! And they thought that guy would really come here for me?!


Gusto kong matawa. Kulang sila sa research. Hindi nila alam na itinaboy na nga ako ng lalaking iyon dahil may bagong girlfriend siya! Ayaw niyang maistorbo ko sila ng kung sino man ngayong bago niya! Tapos iisipin nila na pupunta rito iyon para iligtas ako? Hah, really funny!


"Ano bang kasalanan niya sa inyo?!" pasigaw kong tanong. Bakit kasi ako nadadamay dahil lang sa kalokohan ng lalaking iyon?!


"Nakipagbanatan sa amin noong nakaraan, at tangina nong isang tropa ng siyota mo, hindi lumaban nang patas! Sinagasaan isang tropa namin kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin makalakad!"


Humigpit ang pagkakasabunot sa akin nong payat. "Narinig mo iyon? Malaki atraso sa amin ng tropa ng siyota mo, kaya siyempre, gaganti kami!"


Hindi ko gaanong makuha ang dahilan nila, pero isa lang ang nababatid ko. May atraso si Miko at sina Isaiah sa kanila kaya gaganti sila. "Kung may problema kayo sa tropahan ni Miko, bakit si Miko lang ang ginagantihan niyo ngayon?" hindi ko napigilan na itanong.


Iyong payat ang sumagot sa akin, "Dahil bago kami maging tropa ni Chung, naging tropa muna namin iyang siyota mo. Sa amin siya dati sumasama, pero iniwan niya kami sa ere para trumopa sa mga kaibigan niya ngayon na puro mukha lang, pero mga supot naman!"


What? That was only the reason? Uunahin nila si Miko just because of their pettiness?!


"Hindi lang naman iyon ang dahilan," sabat ng isang lalaki. "Napakaangas kasi ng siyota mo. Nag-text iyan sa amin. Tangina ang gago lang, kung gaganti raw kami, sa kanya na lang. Kasi baka mabitin daw siya. Na kesyo hindi niya raw kakailanganin ng tropa dahil kaya niya kami kahit siya lang."


"O ngayon, e di uunahin namin siya." Tumawa iyong payat. "Nag-text na ako, sinabi ko na pumunta siya rito mag-isa kung ayaw niyang may mangyaring masama sa 'yo."


Napapiksi ako. "Ewan ko sa inyo, ang cha-chaka niyo na, ang pe-petty niyo pa!"


"Petty? Ano iyon?" Nagtanungan ang mga ito. "Baka pet lover?"


Iyong isa naman ay nagalit. "Pota, sinasabi niya bang mukha tayong animal?!"


Ahg! Imbes matakot sa mga ito ay nabubuwiset lang ako! Kung makakawala lang ako rito, gusto kong kalmutin ang mga skin nilang na-dry na kakainom at kakagamit!


Habang naghihintay ang mga ito ay binusalan muna ako. And ew! Ang baho nong bimpo na ibinusal sa akin! Parang nilabhan na hindi naarawan!


Nagsimula silang mag-inuman na may kasamang kuwentuhang pang-bangag. "Pre, tangina ng tropahan talaga niyan ni Michael Jonas. Mga guwapong-guwapo sa sarili, amputa!"


"Sinabi mo pa! Lalo na iyang si Michael Jonas. Feel na feel na guwapings siya, e tangina naman di naman siya tinitigasan gago siya!"


Seryoso?! Ganito talagang klase ng usapan?!


"Gago, totoo nga! Naging siyota iyon ng twenty-eight-year-old kong pinsan, niyaya raw niya sa apartment niya! Gago, nong sinakal daw niya iyong ratbu, malambot pa raw sa marshmallow! Hiyang-hiya raw e! Tangina, biglang nanakbo!"


Nagtawanan ang mga ito.


"Tangina nga niyon! Dinadaan lang yata sa papalit-palit ng siyota, para hindi halata na  hirap siyang tigasang gago siya! Dang daming condom sa wallet, pero di naman nagagamit! Design lang, amputa!"


Tiningnan ako nong payat na ngayon ay kulay talong na sa kalasingan. "E bakit di natin dito tanungin sa english spokening niyang siyota?!"


Iyong bulwat ang namumulang mga mata ay tumingin sa akin habang nakangisi, sa ngipin ay may tinga pa. "Totoo ba, Miss? Di tinitigasan siyota mo?"


Nagpapasag ako. Pakialam ko kung tinitigasan si Miko o hindi? Ew, duh!


But, about that, I don't think so. May napanood kasi ako at based doon sa napanood ko, hindi naman marshmallow. In fact, it was hard like a wood. You know, masakit siguro pag ginamit panaksak.


Nagusot ang mukha ko sa naisip. Nagtawanan naman iyong mga langong bangag. Na-misinterpret yata ang pagsimangot ko.


"Mukhang hindi rin satisfied itong si Miss. Kung ganoon ay totoo nga ang tsismis, hindi tinitigasan si Michael Jonas!"


"Hayaan mo, igaganti ka namin! Puro mukha lang naman talaga iyon, e katulad ng tropahan niya. Pare-pareho lang iyang mga gagong iyan, dapat tinuturuan ng leksyon para magtanda!"


"Malas lang talaga ni Michael Jonas at doon siya na-tropa. Kung trumopa na lang din siya sa atin at naging tropa siya ni Chung, e di sana sarap buhay siya! Laging may libreng alak!"


"May free supply pa ng Mary Jane! Plus extra income pag nakabenta nong mahiwagang vetsin niya!"


Nagtawanan na naman matapos mag-apiran ang mga lasing na nga, mga lango pa. Wala nang patutunguhan ang mga pinag-uusapan.


Tamad na nakatingin na lang ako sa kanila habang nagsasaya sila. Apat sila at hindi ko alam ang mga pangalan kaya papangalanan ko na lang para hindi tayo malito. Iyong payat na panay ngisi sa akin ay si Chaka No. 1, iyong bulwat ang mapupulang mga mata ay si Chaka No. 2, iyong palamurang panay talsik ang laway ay si Chaka No. 3, at iyong huli na kanina pa kamot nang kamot sa puwet ay si Chaka No. 4.


3:45 a.m. sa lumang wall clock nang gumegewang na tumayo si Chaka No. 4. Iihi raw sa labas. Nasilip ko ang napakadilim na labas pagbukas nito ng yerong pinto. Mukhang nasa gitna nga kami ng bukiran. Mukhang mahihirapan akong makatakas.


Tatakas ako rito, kahit mag-isa lang ako. Wala akong ibang maaasahan kundi ang sarili ko, kaya magpapakatatag ako. Pagpaplanuhan kong mabuti ang gagawin. Hindi ako pahuhuli nang buhay!


Sumunod dito si Chaka No. 3. "Bantayan niyo muna iyang si Miss. Mamaya natin pag-iisipan gagawin diyan pag nandito na siyota niya. Mas masaya kapag may audience!"


Si Chaka No. 1 na lalo nang namayat at natuyot ang itsura ay lumapit sa akin. Nag-squat sa harapan ko habang titig na titig sa akin ang namumulang mga mata. "Narinig mo iyon, Miss? Magsasaya tayo mamaya pagdating ng siyota mo!"


Napausod naman ako dahil halo-halo ang amoy ng hininga nito. Amoy alak, amoy chicharon, amoy suka, at amoy kaning panis!


Si Chaka No. 2 ay lumapit na rin. Ginapangan ako ng kilabot dahil sa malagkit nitong titig sa nakahantad kong mga hita dahil sa maiksing suot na shorts.


Takot na takot na ako, pero hindi ako papayag na mahawakan nila ako. Di bale nang matuluyan ako, basta lalaban ako sa hangga't kaya ko. At kung malalaman man ni Miko ang mangyayari sa akin ay bahala na siya! Sana patulugin siya ng konsensiya niya! Oh, how I hated him!


Hindi talaga siya dumating! Talagang pinabayaan niya na ako! Sabagay, uunahin nga naman niya iyong bagong girlfriend niya kaysa sa akin, kaya nga sinabihan niya ako na wag na muna siyang lapitan, di ba? He didn't want to offend his new girlfriend!


Tumunog ang phone ni Chaka No. 2. He grinned at the text he read. "The wait is over, mga boi! Dumating na ang special guest natin!"


Napaangat ang mukha ko. Ha? Kumabog nang malakas ang dibdib ko. Sino raw ang dumating?


Was it Miko? Was it really him? If it was him, why did he come here? Was it to save me? But why?! Di ba ayaw niya na nga akong lalapit sa kanya? Wag ko na nga raw siyang guluhin, di ba? Ayaw niya na akong makita! Kaya bakit pa siya pumunta?!


Sinunod niya ba na dapat mag-isa lang siya? Hindi ba siya nag-iisip? Kahit batak siya sa basag-ulo, ay dehado pa rin siya dahil apat ang naghihintay sa kanya rito!


O baka talagang sabik lang siya na makipagbasagan ng ulo? Tama, bored siguro siya at nangangati na makipagbugbugan, kaya  malamang na hindi talaga ako ang dahilan kung bakit siya nandito. Sa naiisip ay kumirot ang loob ng dibdib ko.


Dinaklot ni Chaka No. 1 ang buhok ko. "Nandito na si Michael Jonas! Sabi ko na nga ba 'di ka matitiis niyang siyota mo! Ano, kinilig ka ba, ha? Sagot!"


What an idiot! May busal lang naman ako sa bibig kaya paano ako makakasagot?!


Mabuti pa si Chaka No. 2 may common sense. "May busal kasi, alisin mo muna, pre."


Nang maalis ang busal sa bibig ko at galit na tiningala ko sila. "Bunch of idiots! Feeling niyo naman nandito 'yan para iligtas ako? Nandito lang 'yan kasi wala 'yang magawa sa buhay!"


Si Chaka No. 1 ay hinarap ko dahil dito ako gigil na gigil kanina pa.


"Pag ako talaga nakaalis dito, I swear makukulong kayo! Especially you, bad ka na nga, chaka ka pa! Dapat talaga nasa kulungan 'yang ganyang behavior at mukha, at hindi pagala-gala!"


Namula naman ang mukha nito. Akma akong sasampalin. "Aba't buwisit kang babae ka, ha!"


Pero ang pagdapo ng palad ni Chaka No. 1 sa akin ay hindi natuloy. Pabalibag na bumukas ang pinto na gawa sa yero.


"ITULOY MO NANG MAUBOS IYANG NGIPIN MO SA SUNTOK KO."


Hindi lang sina Chaka no. 1 at 2 ang shookt, kundi pati ako!


Mula sa wasak na pinto ay pumasok ang matangkad na lalaki. Naka white shirt, cargo shorts, grey Nike slides, may kumikinang na silver na hikaw sa kilay at sa matangos na ilong, at ang kanyang kaliwang kamao ay may nakasuot na bakal na tinatawag na asero. Si Miko!


Ang mga mata ay kasing lamig ng simoy ng hangin na mula sa labas, pero nang bumaling sa akin ay pumungay. "Ayos ba, Madam? Pang Male Lead na ba o nakukulangan ka pa riyan?"


Nakanganga pa rin ako sa gulat. Iyong gilid kasi ng mapupulang mga labi niya, merong sugat. Mukhang napalaban na siya sa labas.


Nang makabuwelo si Chaka No. 2. Sinugod siya gamit ang basag na basyo ng alak. Bago nga lang siya malapitan nito ay natadyakan niya na sa sikmura. Pabalibag na sumadsad ito sa lapag.


Sa lakas ng tadyak ni Miko rito ay kandasuka ito. Hindi lang ang ininom at pinulutan ngayon ang inilabas, pati na rin yata ang almusal nitong kaninang umaga!


Hinagod niya ng kamay ang kanyang buhok saka dumura sa lapag. "Akala niyo talaga kaya niyo ako? Di ba sabi ko na? Pang-warm up lang kayo!"


Si Chaka No. 1 ay daklot-daklot pa rin ang buhok ko nang hilahin ako. "Sige, subukan mong lumapit, yari sa akin itong siyota mo!"


Bumangis naman ang mukha ni Miko. "Tangina ka, alam mo bang nag-iisang pinsan ko iyan sa mundo?! Tapos hahawakan mo lang ng dirty fucking hands mo?!"


"Pinsan? Di ba siyota mo ito?!"


"Pinsan nga, bingi ka ba? Nabingi ka na kakahithit mo? Saka nag-sanitizer ka man lang ba muna ng hands na dirty person ka?!"


Lumapit si Miko, at nang nasa harapan na namin siya ay nagtatagis ang mga ngipin niya na nagsalita. "Close your eyes, dear cousin!"


Pumikit naman ako. Kasunod niyon ay paglagabog sa paligid ko. Parang may nagtanggalan na kung ano. Sa aking pagdilat ay nakita ko na lang sa linoleum na sahig ang tatlong pirasong ngipin ni Chaka No. 1!


"Ew," ungol ni Miko kasi nabasa ang kamao niya. "Natalsikan ako ng ano bang english ng laway?" baling niya sa akin.


"Saliva," sagot ko naman.


"Ayun! Ew kadiri pota, natalsikan ako ng dirty saliva!" 


Mula sa pinto ay pumasok ang tatlong lalaki. Iyong isa ay namumukhaan ko, iyong malaking lalaki na kausap ni Miko noon sa bilyaran. Iyong ang pangalan ay Bimbo.


Humihingal-hingal pa ito. "Tangina mo naman, Michael Jonas. Sabi ko, magsabi ka, pero sugod ka agad. Ano iyong dalawa sa labas? Ikaw lang bumanat mag-isa sa mga iyon?!"


"Wag kang mag-alala, men, buhay pa naman iyong mga iyon. Pinagpipi-pitik ko lang nang slight."


"Tangina mo sa slight," paungol na lang na sambit ni Bimbo.


Ito ang naglabas kay Chaka No. 1. Na ngayon ay toothless na.


Napag-alaman ko rito na mag-isa lang pala si Miko talaga na pumunta, pero sununod sa kanya itong si Bimbo, pagkatapos ay tinawagan ang mga tropa niya na taga ibang lugar. Mga taga Pabahay. 


Nakapagtataka lang dahil bakit wala ang tropahan nila nina Isaiah? Bakit ibang tropa niya ang naririto?


Si Bimbo ay tinapik siya sa balikat. "Teka, hindi mo pala ba ito ipapaalam kina Isaiah Gideon?"


"'Di na," sagot niya.


"Paano pag binalikan ka ulit ng iba pa sa mga iyan?"


Ngumisi si Miko. "Malabo na. Kahit pa tropa ko, hindi na nila kakantiin, dahil babaliin ko na sungay ng leader nila." Bumaling siya sa mga nakatambay na lalaki sa labas. Iyong mga taga Pabahay na mga tropa niya rin. "Salamat, mga repa."


Nakipag-apir sa kanya ang pinaka-leader yata ng mga ito. "Ikaw pa ba, pretty boy!"


"Umalis na rin kayo. Hina-hunting ng mga pulis iyong mga iyan, nagnakaw pala sa convenience store sa labasan, tapos nanutok pa ng balisong. Nakita sa CCTV. May nag-tip na narito ang mga gago, kaya iwan na natin bago pa tayo abutan ng mga lespu rito."


"Sakto, may droga sa loob. Dagdag kaso."


Nagkanya-kanya na silang alisan. Palakad lang kami papunta sa labasan. Tahimik lang ako habang nakayuko sa tabi ni Miko. Hindi ko magawang tumingin sa kanya.


Noong nasa highway na kami ay bumilis na ang lakad ko. Nakakailang hakbang na ako nang biglang pumigil ang kamay niya sa aking pulso. "Zandra."


Huminto ako pero hindi lumingon.


"Galit ka."


"Bakit naman ako magagalit?" malamig na tanong ko. "Nananahimik ako, bigla akong sapilitang dinala rito. Nadamay ako kahit iyong taong dahilan kaya ako nadamay ay wala naman akong kinalaman."


He was silent while still holding my wrist.


Nagpatuloy ako na hindi pa rin sa kanya lumilingon. "Ang funny lang, kasi pinalayo mo na ako sa 'yo, pero nadamay pa rin ako sa gulo mo. Pero thank you pa rin kasi dumating ka. Thank you kasi bored ka at may atraso rin sila sa 'yo, kaya pumunta ka pa rin dito."


Saka ko pa lang siya nilingon. Siya naman ngayon ang nakayuko. "Kaya kahit hindi talaga pagligtas sa akin ang ipinunta mo, at least ay nailigtas mo ako!"


Madilim dito sa parteng ito ng kalsada, may kalayuan ang sumunod na poste ng ilaw, tapos nakayuko pa siya, kaya talagang hindi ko makita ang ekspresyon niya. Ang tahimik niya pa na siguro ay dahil tama ako sa lahat ng sinasabi ko.


Ngumisi ako nang may tunog. "So iyon, thank you pa rin. Hindi na pala ako magso-sorry dahil sa abala, dahil  nag-enjoy ka naman sa pagbanat sa kanila, di ba? Sige, bye."


Tumalikod na ako para maglakad ulit pero hindi niya pa rin ako binibitiwan.


"Ano ba? Bitiwan mo ako, aalis na ako."


Lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa aking pulso habang nananatili siyang nakayuko.


"Miko, aalis na nga ako!" Napataas na ang tono ko.


I was pulling my hand when he suddenly pulled me. Isang hila lang, nasa loob na agad ako ng kanyang mga braso na ngayon ay yakap-yakap ako. Natulala ako sa ilalim ng mabangong leeg niya. "Miko..."


Walang salita naman na sumubsob siya sa balikat ko habang yakap-yakap ako.


Unti-unti na akong napahikbi. "I hate you," basag na sambit ko.


Hindi pa rin bumibitiw sa akin na sumagot siya sa mababa at mahinang boses, "Okay..."


Lalo akong napahikbi. "I really hate you!"


"Alam ko..."


"You're a stupid idiot!"


"Oo..."


I sobbed even more, and Miko embraced me even tighter. "Akala ko di ka na dadating! Natakot ako! Akala ko mamamatay na ako roon!"


"Puwede ba iyon?" mahinang tanong niya.


Nang magkaroon kami ng espasyo ay luhaan ako na tumingala sa kanya. "You told me to stay away from you!" sumbat ko. "Sabi mo wag na kitang didikitan! Siguro dahil bored ka na sa friendship natin! Expired na ang cousin card natin! Ayaw mo na sa akin!"


Malungkot ang mga mata niya. "Naniwala ka naman?"


"You..." I gasped in surprise as I drowned in his eyes. "Why are you like this? You're making me get ideas..."


The edge of his red lips rose. "English iyon, pero naiintindihan ko."


Ang mga kamay niya nakayakap sa akin ay bumaba sa aking bewang. "Miko..."


"Ibig kong sabihin, okay lang." Ngumiti siya na ikinanganga ko. "Kaya sige lang, kahit anong idea pa iyan. Zandra, okay lang."


jfstories

#BadLoverbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top