Chapter 10

"BAKA GUSTO MO NA AKONG BITIWAN?"


Napadilat ako sabay bitiw kay Miko. Mga ilang minuto ko rin siyang yakap bago ako natauhan. Bakit ko nga ba kasi siya niyakap?! Sa sobrang touched ko na nandito siya, nayakap ko tuloy siya bigla.


Napaubo naman si Miko at saka tumikhim. "Ano, tara na? Baka abutan pa tayo ng traffic." Nauna na siya sa aking maglakad papunta sa labasan.


Napatakbo naman na ako pasunod sa kanya. Sumakay na kami ng jeep. Kasabay namin ang mga papasok sa Epza. Nang magbabayad na kami ng pamasahe ay napaisip pa ako. Ililibre ko ba si Miko? Sasamahan niya ako kaya di ba na dapat ay ilibre ko siya?


Kakasya naman ang pera ko dahil nasa two thousand din ang aking nakuhang ipon sa alkansiya. Naglabas na ako ng twenty two pesos at ipinaabot iyon sa kasakay namin sa jeep na malapit-lapit sa driver. "Bayad po, dalawang Tejero."


Pagdating namin sa Tejero ay maliwa-liwanag na ang langit. Si Miko ay dumaan pa sa may tindahang nasa gilid. Bumili siya ng Halls na candy. Habang bumibili ay nakamasid ako sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala na talagang sasamahan niya ako ngayon. Na magsasayang siya sa akin ng panahon.


"Hoy, ano pang hinihintay mo? Pasko?"


Touched na talaga ako e, kaso lang antipatiko pa rin talaga. Inirapan ko siya at nauna na akong sumakay sa nakapilang baby bus pa-Baclaran.


Ordinary small bus lang ang lahat ng baby bus. Sa may bandang dulo kami pumuwesto. Iyong upuan na tagdalawan bago makarating sa likuran. Ako ang pinauuna niya kaya katabi ako ng bintana, tapos siya sa tabi ng aisle. Siya tuloy iyong nababangga ng mga dumadaan sa gilid.


Nang maningil na ang konduktor ay naka-ready na ang bayad ko. Nagbayad agad ako pagdaan sa amin. Paglingon ko kay Miko ay nakatitig siya sa akin. I smiled sweetly at him. "You're welcome."


Narinig ko ang pag-tsk niya. Nagbukas siya ng candy saka humalukipkip at sumandal sa sandalan. Ang hood ng suot niyang jacket ay nakasaklob sa kanyang ulo. Mukhang matutulog siya.


Nang umandar naman na ang baby bus ay tumingin ako sa bintana. Kahit ordinary lang at hindi naka-aircon ay ayos lang pala. Ang sarap byumahe nang ganitong oras. Malamig ang hangin lalo na dahil mabilis ang takbo ng baby bus.


Dahil siguro hindi ako gaanong nakatulog kagabi dahil sa kaba ay inantok ako. Sumandig ako malapit sa bintana. Para akong hinihele ng pag-uga ng baby bus at ng malamig na hangin mula sa labas. Pipikit lang dapat ako, pero natuluyan.


Napasarap ang aking tulog, kaya hindi ko napansing umiinit na pala. Maaga pa rin naman at malamig pa rin ang hangin, pero nagsisimula nang tumaas ang araw. Sa sarap din ng aking tulog ay hindi ko napansin na may dumukwang sa akin para ibaba nang kalahati ang takip ng bintana aking tabi.


Nang lumiko ang bus ay napabaling ang ulo ko sa kabila. Hindi na ako nakasandig ngayon sa gilid ng bintana. May mainit na kung ano pa ang humawak sa aking pisngi para alalayan ako na hindi bumagsak. Hmn, mas sumarap ang tulog ko dahil mas kumportable na ang aking bagong sinasandigan.





"BACLARAN! BACLARAN!"


Hindi pa ako magigising kung hindi pa sumigaw ang konduktor. May tumulak sa ulo ko. "Hoy, gising!"


Pupungas-pungas ako na nagmulat ng mga mata. Paglingap ko sa paligid ay nagsisibabaan na ang mga kasakay namin sa baby bus. Tumingin ako sa bintana, nasa Baclaran na kami!


Naunang tumayo si Miko sa akin. Nang tingalain ko ay hindi siya sa akin nakatingin. Bumagsak na ang hood ng jacket niya sa kanyang balikat, at sa pagkakatagilid niya ay nakita ko na namumula ang kanyang tainga.


Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya. Pagbaba namin ay naglabas ako ng cell phone. Naka-off iyon just in case contact-in ako nina Mommy. Io-on ko na sana nang may pumitik sa noo ko. Pagtingala ko ay ang nakasimangot na si Miko.


"Itago mo iyang phone mo, nasa Baclaran tayo," he said in a flat tone. Pagkatapos ay nauna na naman siya sa aking maglakad. Hmp, sungit!


Napatakbo naman ako pasunod sa kanya. Huminto siya sa nagtitinda ng mineral water. Pabili na siya nang kalabitin ko. "May baon akong water. Wag ka nang bumili."


Nakataas ang isang kilay niya nang lumingon sa akin.


"We are not sure if that is really mineral," sabi ko pa. Nilabas ko ang aking tumbler mula sa bag. May cup ito sa ibabaw kaya puwede siyang uminom. Babanlawan ko na lang kapag ako naman ang iinom.


Iaabot ko na iyon sa kanya nang magsalita siya. "Sa 'yo na iyan. Matibay naman sikmura ko." Tapos bumili pa rin siya roon sa nagbebenta ng mineral water. Iyong pinakamalaki pa.


Concerned lang naman ako, e. Bahala nga siya riyan, hmp!


Tumawid na kami para hanapin ang sasakyan papunta sa Masville. Kinailangan pa naming magtanong-tanong. Mabuti na lang dahil kasama ko si Miko, siya iyong tagatanong. May nagturo sa amin na sumakay raw kami ng pa-Sucat. I paid for the fare again.


Nakarating kami ni sa Massville, Sucat, Parañaque City. Malaking lugar kahit karamihan ng kalsada ay makikipot, sanga-sanga, maraming pasikot-sikot. Buhay na buhay ang lugar. Parang kahit mapaumaga o hating-gabi ay hindi nauubos ang tao rito.


Ang hirap alamin kung saan ba kami magsisimula. Simula pa lang, pero parang gutso ko nang pinanghinaan.


"Alam mo ba kung saan dito sa Masville iyong pinaka lugar kung nasaan iyong hinahanap mo?" tanong sa akin ni Miko.


Nakalabi na umiling ako.


"Anak ng tinapa! Ang laki nitong lugar, Zandra!"


"The guy's name that I am looking for is Zed."


"Zed ano?"


Umiling ulit ako. "Uhm, I don't know."


Napaungol siya sabay tapik sa kanyang noo.


Hinila ko ang laylayan ng hoodie niya. "Uhm, but I know his face. I can describe him."


Napahagod siya ng mahahaba niyang daliri sa kanyang buhok. Nakailang buga siya ng hangin bago nagsalita. "Okay, sige, tara."


Sumunod naman na ulit ako. Bakit ba kasi hindi ko naisip na napakaimposible maghanap sa ganito kalaking lugar nang kulang ang impormasyon? Sa katigasan ng ulo ko, sige lang ako nang sige. Pero aatras na ba ako? Ayaw ko. Nandito na ako. Itutuloy ko na, kaya bahala na.


Nagsimula na akong magtanong-tanong sa mga nagtitinda sa gilid-gilid. "Hello po, may kilala po ba kayong Zed?"


Wala. Wala raw kilala ang mga ito. Nagtanong ako sa iba pa. Hanggang makapasok kami sa makipot na daan na katabi ng wet market. Lakad lang ako nang lakad. Kapag may napipisil na mapagtanungan, pinagtatanungan ko agad.


Pati si Miko ay nakitanong na rin sa mga nakakasalubong namin. "Magandang umaga po, baka may kilala po kayong Zed. Lalaki po."


Hindi ko napigilan ang mapangiti habang nakatingin sa kanya. Lahat ay pinagtatanungan niya na rin.


I thought he was going to leave me, but he stayed. Kahit mukha kaming tanga katatanong, hindi rin siya sumusuko. Hanggang sa makarating na kami sa Masville Elementary School.


Inabot na kami ng tanghali. Mataas na ang sikat ng araw, masakit na sa ulo, at mainit na sa balat. Pawisan na rin si Miko. Hinubad niya na ang suot na hoodie, at isinampay sa kanyang balikat. "Pst, doon muna tayo."


Naupo muna kami sa may waiting shed para magpahinga. Si Miko ay nilalaklak na ngayon iyong kanyang mineral water kanina. Inilabas ko na rin ang water tumbler ko para uminom. Uhaw na uhaw ako.


Pagkainom ay inayos ko ang pagkakatali sa aking buhok at nagpunas ako ng panyo sa aking leeg. Bumaling ako kay Miko sa tabi ko, ipinapaypay niya na ngayon sa sarili iyong flyers na nakuha niya kanina sa may palengke. Mukhang init na init kasi namumula siya.


I couldn't help but to look at Michael Jonas. Kung pagod ako, mas pagod siya. Mas marami siyang pinagtanungan sa akin kanina. Noong nagpahinga ako saglit ay siya'y patuloy pa rin sa pagtatanong. Na-appreciate ko iyon.


Inilabas ko ang aking sandwich sa bag. Dalawa iyon na ginawa ko kaninang madaling araw. Inabot ko sa kanya ang isa. Napatingin naman siya roon.


"Tag-isa tayo," nakangiting sabi ko.


Kinuha niya na naman kaya ang saya-saya ko. Tahimik kaming kumain sa waiting shed. Nagpahinga na rin kami ng ilang minuto. Mainit pero mabuti na lang na paminsan-minsan ay humahangin kaya kahit paano, napi-preskuhan kami.


12:45 ay tumayo na kami. Inilabas ko ang aking payong habang si Miko naman ay isinuot ulit ang hoodie niya. Nagsimula na ulit kaming magtanong-tanong.


Pahinto-hinto, pasilong-silong, haggang sa lahat na yata ng tindahan sa parteng ito ng Masville ang aming napagtanungan. Pati mga bata na nakakasalubong namin sa daan ay tinanong na rin namin kung may kilala silang Zed na lalaking matangkad, maputi, matangos ang ilong—at medyo hawig ko.


4:00 p.m. nang sa wakas magbunga ang pagtatiyga namin. "Ah, si Zed?" Isang lalaking nasa mid forties yata ang edad ang sa wakas na suwerteng nakakakilala sa taong hinahanap namin.


"Opo! Kamukha ko po!" Napalakas na ang boses ko dahil sa desperasyon. I was really tired.


Napatitig sa akin iyong lalaking tambay. "Ay, oo, kamukha mo nga si Zed!"


Si Miko ay hinila ako papunta sa likod niya, at siya ang humarap sa lalaki. "Boss, kilala niyo nga ba iyong Zed?"


"Oo." Tumango iyong lalaking tambay. "Anak ni Ate Cecilia. Namatay na si Ate Cecilia last year pa, sakit sa bato ang ikinamatay, tapos si Zed naman ay balita sa looban na magka-Canada na."


"Puwede niyo pong ituro kung saan nakatira si Zed?"


"Sige, sumunod kayo. Alam ko ay lumipat siya ng apartment pero kalapit lang din ng dati nilang inuupahan bago namatay ang mama niya." Naunang maglakad iyong lalaki. Pumasok ito sa makipot na eskinita.


Alumpihit pa kami ni Miko kung susunod ba kami. Dahil nga desperada ako na makita si Zed ay sumunod kami sa lalaki, pero hindi pumayag si Miko na hindi siya ang mauuna.


Mas maraming kabahayan sa loob ng eskinita, marami ring tambay sa daan, may mga nag-uusap-usap na nanay, may nagkukutuhan pa, at mga naglalarong bata. "Excuse po," panay naman ang pasintabi ko habang nadaan kami. Kapiraso lang kasi talaga iyong espasyo rito.


Sa pinakadulo ay may mga nakasampay na damit. Ito raw iyong apartment kung saan nakatira iyong Zed. Ang tunay na pangalan ay Cedrick. Kabado pa ako dahil baka ibang tao ang matagpuan namin, pero nang marinig ang apelyido ay magkahalong emosyon ang naramdaman ko. Relief dahil ito nga si Zed, at lungkot dahil may isang hinala ko pa ang aking napatunyan.


'Zed' o Cedrick Asuncion ang pangalan ng lalaking iyon.


Ayon sa nakatambay sa labas ay umalis daw si Zed kanina kaya walang tao sa inuupahan nito. Naghintay naman kami ni Miko sa labas. Sa paghihintay ay inabot din yata kami ng mahigit isang oras. Nang bumili si Miko ng chips at softdrinks sa tindahan ay tinanong siya ng tindera kung ano ang sadya namin sa apartment.


"Si Zed ba kamo? Naku, bukas pa," sagot ng tindera. "Inaanak ko iyon. Best friend ako ng mama niya. Ano bang kailangan niyo?"


Sumingit ako sa tindahan. "Gusto ko po siya sanang makausap. Importante po."


Napatitig sa mukha ko iyong tindera, pagkuwan ay napataas ang isang kilay. "Teka, may kamukha ka. Kamukha mo si Jesela!"


Jesela? She knew my mom?


"Akalain mo nga naman, o." Ngumisi sa akin ang babae. "Halo sa mukha mo ang mukha ni Jesela at Zoren, ah. Mukhang nagmamahalan nang malala ang mga magulang mo."


Hindi ko pinansin ang sinasabi ng tindera. "Nasaan po si Zed? Kailan po ba siya babalik?"


"Bukas pa. Pupuntahan daw niya ang girlfriend niya. Nagpaalam sa akin kanina at ibinilin ang mga sinampay niya dahil baka abutin daw ng ulan."


Bumagsak ang balikat ko. Hindi alam nito kung tagasaan ang girlfriend ni Zed. Sigurado naman daw na uuwi bukas ang lalaki, dahil sa susunod na araw ay aalis daw ulit para naman sa outing ng mga ka-street nila.


"Anong plano mo?" tanong sa akin ni Miko noong papalabas na kami ng Masville. Naka-pedikab na kami at magkatabi kami sa loob.


"I can't just go back to Cavite. Tiyak na alam na sa amin ang pagtakas ko. Hindi na ako makakaalis ulit. Baka ma-grounded na ako. At wala na ring mas magandang tyempo pa na mabalikan ko si Zed kundi bukas. Hindi ko alam kung kailan ito pupunta ng Canada."


"May pasok na tayo bukas, paano iyan?"


"Puwede ka nang umunang umuwi para makapasok ka. I will stay."


Napapalatak siya ng dila.


Tiningala ko siya. "I know where to find Zed now, so I will be fine."


"Hindi iyon. Saan ka mag-stay sa magdamag?"


"Uhm, motel?" maliit ang boses na sagot ko.


Nagsalubong naman ang mga kilay niya. "Seryoso ka?"


"Do I have a choice? I have to stay here, but wala akong kakilala rito. Sayang iyong punta ko kung uuwi pa ako. Dapat makausap ko si Zed bukas anuman ang mangyari."


"Tsk." Napahagod na naman siya sa kanyang buhok.


"I'm fine, Miko. Seriously, puwede mo na akong pabayaan."


Tumunog ang tiyan ko. Napatingin siya roon. "Kain muna tayo. Mamaya na natin pag-usapan 'yan." Inalalayan niya ako pababa sa pedicab. "Saan mo gusto? May karinderya, pero kung 'di mo trip, puwedeng fastfood."


Kung magtanong siya ay parang libre niya. Lumabi ako. "Jollibee."


"Okidoks." Hinawakan niya na ang backpack ko at hinila na ako papunta sa Jollibee na tanaw na namin mula rito.


Quarter to 6:30 p.m. na kami nakakain. KKB. Tag isang order kami ng manok tapos parehong may extra rice. Gutom na gutom kami pareho dahil sandwich lang iyong kinain namin sa tanghalian, chips lang noong meryenda, tapos inom-inom na lang ng tubig.


"So anong balak mo niyan? Di ka talaga uuwi ng Cavite?" tanong niya habang nakapangalumbaba sa mesa at nilalaro ang straw ng Coke niya.


"Oo. Dito muna ako." This was my plan anyway. Mag-i-stay ako kung kinakailangan, kahit pa kabado ako na mag-check in sa motel mag-isa.


"Okay, saan mo ba trip mag-check in?"


"Ha?"


Tumayo na siya. "Tara na sa So Clean, So Good."


Lumabas kami ng Jollibee bandang 8:00 p.m. na. Sumakay kami ng jeep at bumaba sa isang motel na kulay pula. Nanliliit ako dahil ito ang unang beses na pumasok ako sa ganitong lugar, tapos lalaki pa ang kasama ko. Feeling ko ay pinagtitinginan ako ng lahat, kahit hindi naman. Nakaka-praning lang.


"Miko, wait, hindi ba puwedeng tag-isang room tayo?"


"Puwede naman. Tapos kung may papasok sa 'yo sa loob, sigaw ka na lang."


"W-what?" Napalunok ako. Bukod sa takot ako na matulog sa ibang lugar dahil baka haunted iyong room ay natatakot din ako na baka nga bigla akong pasukin ng kung sino. Kahit gaano ka-safe ang lugar, kung merong masamang loob na magtatangka ay delikado pa rin ako.


Nang magbo-book na si Miko ay pumigil ang kamay ko sa pulso niya. Nakataas ang isang kilay na nilingon niya ako. "Ano na naman?"


"A-all right, sa isang room na lang tayo." Mas safe nga naman kung magkasama na lang kami, kaysa iyong nag-iisa ako, tapos kababae ko pang tao.


Tumaas ang sulok ng bibig niya. "Okay, basta mag-behave ka."


Nag-book na kami. Deluxe rooms na lang ang available. Medyo mahal kaysa sa standard room. Isang room ang kinuha namin. Si Miko ang nagbayad.


Nang nasa elevator na kami paakyat ay kinalabit ko siya. "Mag-aambag ako." Nakakahiya kasi dahil siya nga iyong nagbayad. Nasa isang libro rin iyong room rate namin hanggang bukas ng umaga.


"Sinagot mo naman pamasahe kanina. Libre mo na lang breakfast bukas." Siya ang nagbukas ng pinto pagkarating namin. Ang dali niya nahanap iyong room. Tapos pagpasok sa loob ay binuksan niya na iyong ilaw.


Malaki pala talaga ang deluxe room. Iisang kama lang ang meron. Twin size. May maliit na mesa, TV, at telephone. Malamig dahil bukas na ang aircon. Ibinaba niya ang bag niya sa mesa. "Ikaw na unang maligo."


"Ha?"


Tinaasan niya na naman ako ng kilay. "Bakit? Hindi ka ba nanlalagkit? Maghapon tayo sa arawan. Lumayo ka sa akin kung di ka maliligo, ayaw ko ng katabing mabaho."


"A-ah, s-sige, maliligo na ako!" Bitbit ang aking bag na nanakbo na ako sa banyo.


Pagka-lock ng pinto. Nagmasid-masid muna ako. The bathroom was spotless. There were also toiletries like shampoo, conditioner, toothbrush and toothpaste. Naghubad na ako at sumahod sa shower, nang hindi alintana na meron akong kasamang lalaki sa labas.


Mga kalahating oras yata akong nagtampisaw sa tubig. Ang sarap kasi talagang maligo matapos ang nakakapagod na araw. Pagkatapos sa shower ay nag-blower pa ako ng buhok. Paglabas ko ay suot ko na ang aking partnered purple pajamas. Fresh na fresh na ang pakiramdam.


Si Miko ay nakaupo pa rin sa gilid ng kama habang titig na titig sa TV. Cartoons lang naman ang pinapanood pero parang tensyon na tensyon. Nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ng banyo ay parang saka lang siya nakahinga-hinga. "Ang tagal mo, akala ko sa loob ka na matutulog."


Inismiran ko naman siya. "Syempre, matagal talaga maligo ang mga girls, 'no!"


Nang tumingin siya sa akin ay bigla siyang natawa. "Ano iyan? Bakit kulay talong ka?!"


"Excuse me! This is purple!"


"Parpol, whatever." Tumayo na siya bitbit ang bag niya. "Tabi, ako naman maliligo."


Nakakainis, napaka-abnormal talaga. Pagpasok niya sa banyo ay napabaling ako sa mesa. Meron doong dalawang bottled juice, dalawang sandwich, tapos dalawang chips. Um-order siya?


Paglingon ko sa kanya ay naisara niya na ang pinto ng banyo. Napanguso naman ako at sumampa na sa kama. Ang sarap mahiga dahil ang lambot ng foam. Wait, napabangon ulit ako. Paano pala kami matutulog kung iisa lang ang kama?!


Wala akong maihaharang sa pagitan namin dahil dalawang piraso lang ang unan. Ayaw ko naman siyang patulugin sa lapag dahil siya ang nagbayad nitong room, at mas lalong ayaw ko ring matulog sa lapag, ano. Maybe it was okay. We were not only friends, we were also cousins!


Ako naman ang nanood ng TV habang nasa banyo siya. Kumuha ako ng chips tapos kumain habang nanonood. Tawang-tawa ako dahil comedy iyong cartoons, nang bumukas na ang pinto ng banyo.


Nabitin ang pagsubo ko ng chips sa aking bibig pagkakita ko sa kanya. Bagong ligo, naka-pajama na rin, baby blue PJ, plain white shirt, at iyong white slippers ng motel. Inalis niya iyong hikaw niya sa kilay at ilong, kaya mukha siyang matino. Tapos basa pa ang buhok na kinukuskos niya ng puting tuwalya, mukhang preskong-presko, at ang bangu-bango!


Ang bango-bango? Wait, we used the same shampoo, right? So why noong ako ang gumamit ng shampoo kanina ay hindi naman ganito kabango? Tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.


Naisubo ko bigla iyong chips, sabay irap sa kanya. "Ang tagal mo rin kayang maligo!"


"At least, hindi inabot ng almost one hour," sabi naman niya. Hindi talaga papatalo.


Kumuha rin siya ng chips at bottled juice, saka sumampa sa kama. Doon siya sa kabilang gilid. Sumandal siya sa headboard at nakinood. Nanood naman din ulit ako. Chill lang.


Mga kalahating oras na, nood pa rin kami. Ubos na namin ang mga chips namin, pati ang bottled juice. Kahit parang hindi ko na naiintindihan iyong pinanonood namin na cartoons. Pero nood pa rin ako. Kunwari chill pa rin, kahit ang totoo ay parang may kung anong naghahabulan sa loob ng dibdib ko.


Si Miko ay seryoso na rin habang nakatingin sa TV nang sulyapan ko. It was as if he was no longer watching but simply staring at the TV. Inaantok na kaya siya? Baka inaantok na siya, pero nahihiya lang siya sa akin mauna. Napanguso ako, as if naman may hiya siya.


Nakatitig na ako kay Miko nang hindi ko namamalayan. Dim na ang ilaw namin, tapos iyong liwanag ng TV ay hindi naman gaanong nakakatulong, at ganito pala ang itsura niya pag ganitong dim. Ang mga mata niya ay parang ang amo-amo.


Bumaba ang paningin ko sa matangos na ilong niya, tuwid na tuwid iyon, mataas ang bridge at ang tulis ng tip, tapos iyong iyong mga labi niya, kahit hindi ganoon kaliwanag ay ang pula-pula. Mamasa-masa pa dahil siguro sa pag-inom niya ng juice kanina. Hanggang sa doon na lang talaga nakatuon ngayon ang aking mga mata.


Sa pagtitig ko sa kanya ay napansin ko ang basa sa gilid ng kanyang mga labi, may orange juice pa. Sobrang kaunti lang naman, pero hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung ano ang pumasok aking sa isip nang bigla ko iyong abutin ng aking daliri.


Gulat na napalingon naman siya sa akin. "What the fuck?!"


Napakurap ako din ako sa gulat. Ano bang ginagawa ko? Pero kasi iyong juice, e. When I looked at him again, his lips were now slightly parted. And as I got closer to him, those lips seemed to get even redder.

"Zandra." Narinig ko ang pangalan ko na binigkas niya sa paraang bagama't mahina ay maaligasgas at may diin.


Nang mag-angat muli ako ng paningin ay iba na ang emosyon sa mga mata ni Miko. Wala na iyong kaninang gulat, sa halip ay para na iyong nagliliyab. Pero bakit ganoon? Bakit parang mas gumuwapo siya sa paningin ko? Ah, no, matagal na siyang guwapo.


"Tangina, bahala ka nga," mariing usal niya.


Pagkatapos ay naramdaman ko na lang ang kanyang malaking kamay sa aking batok, at kasabay nang paglapit niya ay ang kanyang pagkabig sa akin. Sa sumunod na mga segundo ay nanlaki na lang ang aking mga mata dahil inangkin na niya ang mga labi ko!


jfstories

#BadLoverbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top