KABANATA 27

KABANATA 27 : DECIDE

NATAPOS ANG party na wala akong natanggap na kahit na anong pagtawag o paglapit ni Grant sa akin.

Sa totoo lang naiinis na ako sa kanya, I don't know maybe he's pretending or something, pero talagang nakakainis siya!

Naiinis akong umupo sa shotgun seat ng kotse ni Chad at nagpahatid sa bahay, pasado alas dose ng madaling araw natapos ang party kaya medyo inaantok na rin ako.

"Thank you for tonight Chad, send my regards and apologies to your wife."I said.

"Don't worry hindi naman magagalit si Shantal, she knows you better than me." He said and gave me an assuring smile.

I rolled my eyes.

"Whatever, thanks again!"sabi ko at saka na pumasok sa bahay.

Mag-isa lang ako dahil nga sa wala ang mga anak ko at nag-sleep over kila Kendall, actually walking distance lang naman ang bahay niya rito since nasa isang private village kami.

"Manang pakidalhan po ako ng coffee sa taas ilagay niyo nalang po sa side table ko, magccr lang ako."sabi ko.

"Opo ma'am."sagot naman ni Manang sa akin.

Naglakad na ako patungo sa banyo at nagbabad sa bathtub, matapos mag half bath nagsuot na ako ng komportable kong damit pantulog at sinuklay suklay ang buhok ng may makita akong note na nakadikit sa salamin ko.

'You're gorgeous.'

Basa ko sa note, pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid at napansing nakabukas na naman ang bintana.

Nangilabot ako dahil pangalawang araw na niya itong ginagawa, what if mag pa install ako ng cctv camera dito sa may bintana? Napaka creepy naman ng anonymous na lalaking to.

Isinarado ko ang bintana at saka na nagsalit ng kape na nasa tea pot saka na ininom iyon.

Alam kong sabi nila na mas matatagalan ka sa pagtulog kong iinom ka ng kape sa gabi pero hindi ko alam nakasanayan ko narin kasing uminom pero paminsan minsan lang naman.

Matapos magkape ay hindi parin ako dinadalaw ng antok kaya naman nagbasa na muna ako ng pocket book, yung story ni Raoul at Soleilsa costa leona series? Gusto ko kasi yung plot non tsaka ang ganda basahin.

Mayamaya naramdaman kong bumigat ang talukap ng mata ko hanggang sa makatulog ako.

Zzzzzz...

**

GRANT'S POV

"WHY DIDN'T you tell her kanina couz?" Maggie asked me.

I sip my coffee and put the tea cup in the saucer bago ko siya tiningnan.

"I need more time to think for a better plan to tell her the truth and-" she cuts me off.

"Gosh! It's been 5 years na! Hindi ka ba naaawa sa asawa mo? Have you seen her always going where the yatch explode? She's crying for freaking sake Grant! Have mercy on her naman!" Puna nito.

Yes, i did survive after that incident, nakatalon ako seconds bago sumabog ang yate and Britney siya mismo ang nagsabing tumalon na ako dahil may bomba sa yate.

Britney she's a good person, naging sunod sunuran lang siya ng mommy niya, her mommy envy her brother so much kasi sa kanya ibinigay ang kompanyang pinaghirapan ng mga magulang nila.

Sabi nga rin ni Britney na may mahal siyang iba at umaakto lang siyang maging masama at maging flirty sa harap namin para masiyahan sakanya ang ina na walang ibang ginawa kong hindi pagsabihan ng mga hindi magagandang salita ang pamilya ni Avi.

She never envy Avi, she loves her cousin matagal niya nang kilala si Avi pero ayaw siyang palapitin ng ina niya dahil sa kinamumuhian niya ang pamiyang yun.

Nung araw na sumabog ang eroplano, akala niya talaga ay mapapasakanya na ang kompanya na pinalago ni Papa, pero agad iyon nawala sa kamay ng nagdesisyon si Avi na siya ang magmamanage sa company ng daddy niya.

Early that day before yung sa yatch, i saw her tried to untied Dylan from the rope in his hands pero na huli siya ng ina at sinampal kaya siya napadapa sa lupa habang sapo ang pisnge.

Sumunod lang naman ako sa yatch para iligtas siya, she doesn't need to obey her mother all the time may sariling buhay rin naman siya at hindi nakadepina palagi sa ina niya ang buhay niya, pero na huli ako dapat sabay kaming tatalon pero nagulat ako nang itulak niya ako dahilan para mahulog ako.

I feel sorry for her, she only want is to her mother's love and care na hindi naman ibinigay ng mommy niya sakanya.

For 5 years namuhay ako kasama ang pinsan ko, they saw sa dagat kong saan  ako nagpalutang-lutang they were in their trip that time what a coincidence nga talaga.

"I want to think of a better plan to tell her all of this nang hindi kami nag-aaway Magggie."Sabi ko.

"Do whatever you want! Basta sa oras na magkita kami ng asawa mo ako na mismo ang magsasabi sa kanya whether you like it or not!" She said and rolled her eyes saka na umalis at nagtungo sa kwarto nito.

I sighed, maybe she's right. Tama na siguro ito.

Alam kong siya yung nakatingin sa akin kanina, pinigilan ko lang ang sarili kong hagkan ito at yakapin.

Siguro nagdududa na iyon, i forgot my mask, pati si Maggie na siyang kapares ko kanina sa party napagkamalan pa kaming mag-asawa.

For 5 years nakita ko kung anong pinagbago niya, she gave birth to a healthy baby thank god, and my son Dylan he's a grown up kid now.

Sa loob ng limang taon na yun wala ni isa sa mga araw na iyon na iniwan ko sila, nasa malayo lamang ako habang tinatanaw sila matagal ko nang gustong sabihin na buhay ako, gusto ko silang yakapin nang mahigpit, marami akong mga plano para sa amin.

And it broke my heart everytime na nakikita kong umiiyak si Avi, palagi ko siyang sinusundan kapag nagtutungo siya sa lugar kong saan huli niya akong nakita.

Alam kong hindi siya na niniwalang patay na ako dahil walang bangkay, and i am happy kasi kumakapit parin siya roon, sinasabi niya parin sa sarili niyang buhay pa ako at may pag-asa pa.

Nung araw na sumabog ang yate, at nang makatalon hindi ko alam kong ano na ang sunod na nangyari ang alam ko ay hindi ko na maigalaw ang isa kong paa dahil sa pinutol na iyon.

I'm now using an artificial leg, naputol ang kaliwang paa ko at dahil don nagdesisyon akong huwag na munang magpakita habang nagpapagaling, i even practice to use another voice na nagawa ko naman para hindi niya talaga ako makilala.

I smiled when i remember her hugging my tuxedo, nasa malayo ako non at nakatanaw sa kanya habang siya naman ay nasa terrace ng kwarto namin sa bahay kung saan ko siya dinala noon na nakatakas naman siya agad.

Nong una ko siyang makita nang ipakilala siya ni dad sa akin as my fiancé parang tumalon ang puso ko sa saya.

Matagal ko nang siyang kilala simula pa nung grade school kami, palagi akong binubully nung bata palamang ako kasi nga sa mataba ako at nakasalamin pa, i am a nobody that time.

Hanggang sa isang araw may umaway sa akin at kinuha ang pagkaing dala ko ng mga bullies doon, tinangka kong kuhanin ulit ng itulak nila ako at akmang susuntukin nang bigla siyang humarang at sinampal ang lalaking kumuha sa pagkain ko.

I can clear hear what she said that time.

"Nang aagaw kayo nang pagkain na hindi sainyo? Pinapakain ba kayo nang wasto ng mga nanay niyo at ang yayabang niyo kong umasta?!" Sabi niya rito at nakacross arms pa yan.

Starting that day, nagustuhan ko na siya pero naputol iyon ng ibinalita ng teacher niya na uuwi daw silang america.

That's when I decided to take a diet, pinilit ko ang sariling mag diet hanggang sa pumayat ako at mas lalo akong natuwa nang malamang siya nga ang fiancé ko.

Hindi niya na ako nakikila dahil sa pumayat at hindi na ako nagsasalamin.

Sa kasal namin iyon i was 24 that time while she's 21, she's very pretty i tried to act cold at tumalab naman naging hobby ko na iyon, ang pagiging istrikto at palaging mainitin ang ulo kunwari.

Umiling-iling ako, time flies so fast kung noon crush ko lang ngayon asawa ko na.

I scan her number on my new phone, nakuha ko ito sa isa sa mga employee niya sa companya na agad naman akong binigyan.

I texted her,

'Let's meet tomorrow, i wanna see you.'

I smiled at that thought, I've decided to tell her the truth tanggapin niya man oh hindi, pahirapan niya man ako kakayanin ko makuha ko lamang siya ulit

I waited for her reply, wala itong naging reply kaya naman nagdesisyon akong ilagay ang phone sa bulsa at nagpatuloy sa pag inom ng kape.

Ako rin yung naglalagay ng note sa kwarto namin, inaakyat ko ang kwarto namin para lang ilagay ang mga isinusulat kong note.

Inakyat ko ulit iyon kanina bago pa siya makauwi para ilagay ang note sa side table.

Ilang minuto na at di parin ako nakakatanggap ng reply.

Tulog na siguro yon? Tsineck ko ang cellphone ko, nung isang araw na inakyat ko ang kwarto niya i put a camera na kasing liit ng ball na binili ko kay Harper.

Si Harper lang ang nakakaalam na buhay ako, not even Primo or Uno.

Napakamot ako sa batok at nagdesisyon matulog na rin, may dapat pa akong ayusin bukas.

--

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top