FINAL CHAPTER
FINAL CHAPTER
AVAH SIENNA ANDRADA
"Are you really sure?"
"Oo nga."
Magkahawak ang aming kamay habang nagsisimulang maglakad sa likod ng mansyon nila. Kasama namin si Pebbles na ngayon ay nangunguna sa nilalakaran namin.
The sun is high in the sky, and its warm rays feel so good on my skin today. Kagabi ko pa siya kinakausap tungkol kay Sienna. Gusto kong makita ang libingan nito dahil nabanggit niya sa 'kin na nandito lang din ang kanyang puntod.
"I'm really worried. Do you want me to take the e-bike out of the garage so we don't have to walk?" tanong niya habang magkahawak pa rin kami ng kamay.
Umiling ako. "Sabi ni Doc mas maganda raw na mag-lakad lakad ako kesa sa palaging nakaupo at nakahiga."
Nasa bandang dulo pa ng bahagi nitong nilalakaran namin ang libingan ng unang asawa nito. At the end of this wide land owned by Atlas are tall trees along with various kinds of plants, it pretty much looks like a forest.
Simula nang umabot sa anim na buwan ang tiyan ko ay bumili pa 'tong si Atlas ng ebike na 4 wheels para gamitin namin kapag gusto kong maglibot-libot sa likod ng bahay nila.
Bihira ko na lang magamit 'yon dahil mas prefer ko talaga ang maglakad, kaya ngayong 36 weeks na ang tiyan ko, mas gusto niya na gamitin na lang namin ang binili niyang ebike.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "I want to meet her, Atlas. Ilang beses ko na rin na binabanggit sa 'yo na gusto ko siyang makita pero iniiwasan mo 'yon."
"I just don't want to hurt you again, you know. Hindi ko alam na baka mamaya masaktan—"
"Shh..." tinapat ko ang daliri ko sa kanyang labi. "It's okay, Atlas. I think mas mainam na makita ko siya kahit wala na siya, 'di ba? I thought it would be kind of rude if I didn't meet her, especially since I already met Hexia and Helios."
Hindi ko naman tinatanggi na nagselos, nagalit, at nainis ako. Pero narealize ko na hindi ako mapakali hangga't may ganitong nararamdaman ang puso ko. Parang ang bigat kung may sama ng loob akong nararamdaman para sa kanya.
Wala na nga yung tao pero napagiisipan ko pa ng ganito.
We walked through tall trees before reaching a fairly large open field, where Sienna's grave was. The open field was surrounded by trees.
Si Pebbles ay pumunta agad doon at naghanap na ng mga kahoy na puwede niyang laruan.
"Careful," nakaalalay si Atlas sa 'kin habang naglalakad kami papunta roon.
Hindi ko maalis ang aking paningin sa puntod nito hanggang makalapit kami. May mga bulaklak na bagong nakalagay roon. It seems like they put new flowers there every day.
Matagal akong nakatingin sa puntod nito bago ko maramdaman ang paghawak ni Atlas sa aking braso at pinaupo sa dala nitong folding chair.
"Are you really sure?" tanong niya.
Sienna Zevallos
Wala sa sariling bumaba ang tingin ko sa palasingsingan ko sa kaliwa kong daliri. After finding out the gender of our baby, Atlas and I got married a month later.
It's just an intimate wedding, pero hindi ako papayag na wala kaming wedding portrait kaya sinabi ko talaga 'yon kay Atlas. Naka-display sa master bedroom namin 'yon dahil gusto kong nakikita ang picture namin kapag pumapasok ako sa kuwarto namin.
Ginanap lang sa likod ng mansyon ang wedding namin. Si Elara lang ang napapunta ko sa side ko dahil kahit naman na gugustuhin kong papuntahin ang isa kong close na pinsan ay hindi na lang dahil iniisip ko yung sa trabaho ni Atlas. Baka ma sabit pa 'to at mahirap 'yon kung sakaling mangyari.
I am now Avah Sienna Andrada-Zevallos.
Ang weird lang sa pakiramdam na makitang may kapangalan ka tapos nasa harapan mo yung puntod. Pakiramdam ko parang nakikita ko lang yung sarili kong puntod.
"Avah... Are you really sure?" muling tanong ni Atlas.
Umangat ang tingin ko sa kanya na ngayon ay nakatayo na pala sa gilid ko.
"Nandito na tayo, Atlas. Alangan namang babalik pa tayo sa mansyon."
He just sighed and crouched down, staring at Sienna's grave.
"I really want you to come here so you can see her grave, but I'm thinking maybe you're not ready yet. It's good that you brought it up, but I'm still not sure if I want to say yes."
Hinawakan ko ang kanyang kamay at ningitian siya.
"Narealize ko na ang panget kung may bigat sa dibdib ko tungkol sa kanya, Atlas. That's why I want to come here to at least acknowledge her, because I feel like it would be rude not to. Handa ako kilalanin kayong lahat at isa na rin si Sienna roon."
Naramdaman ko ang paglapat ng kanyang kamay sa malaki kong tiyan at hinahaplos 'yon. Napabuntong hininga pa siya bago ako lingunin na may maliit na ngiti sa kanyang labi.
"I'm happy to hear that," he whispered. "Good thing you're the one who thought of visiting here. At least I know you're ready to meet her now."
Hindi maalis ang bigat sa dibdib ko kung hindi ko mabibisita ang puntod ni Sienna. Parang 'yon na lang ang hindi ko pa nagagawa para maging maayos na ang lahat.
Parehas kaming natigilan ng maramdaman ang marahan na pagsipa ng anak namin sa loob ng tiyan ko. Nagkatinginan pa kaming dalawa bago bumaba ang paningin sa tiyan ko.
"Our baby girl is active today," malambing na wika ni Atlas.
Yumuko ito at hinalikan ang tiyan ko sa sout kong maternity dress na kulay light purple.
"Bakit feel ko na magiging daddy's girl 'tong anak natin?" natatawa kong wika.
Mahina siyang natawa. "I don't mind if she's going to be a daddy's girl."
Nagtagal kami rito ng mga ilang minuto. Sakto na kahit mataas na ang araw ay hindi pa rin 'yon masakit sa balat dahil mahangin ngayon sa puwesto namin. Tahimik lang akong nagmamasid sa puntod ni Sienna at dinadama lang ang tahimik na kapaligiran.
Ang tahol ni Pebbles ang narinig ko kaya napalingon ako sa aking gilid. Nakita ko siya na may bitbit na isang bulaklak na hindi ko alam kung saan niya nakuha 'yon.
"Pebbles, where did you get this?" tanong ko sa kanya.
Tinahulan niya lang ulit ako at lumapit sa puntod ni Sienna bago maupo sa tabi nito. Napailing na lang ako sa ginawa niya.
"Thank you, Pebbles," malambing kong wika sa kanya.
Sumandal ako sa sandalan nitong folding chair na dala ni Atlas at tinignan ang asawa ko na ngayon ay may kausap sa cellphone nito. Nang magtagpo ang aming mga tingin ay tinaas ko ang aking kamay at binigyan 'to ng flying kiss na agad niya naman sinala pagkatapos ay dinala sa labi.
Siguro kung nakikita nila Helios 'tong pagsasakay ni Atlas sa trip ko baka mapangiwi na lang 'to.
Napapailing na muling bumaba ang paningin ko sa puntod ni Sienna at pinatong ang bulaklak doon.
"Sienna... Atlas used to blame himself for your death, and I'm glad that's no longer the case now. I just want to say thank you for letting Atlas love again... He finally let himself love again. Atlas deserves to be loved... " mahina kong wika. "I know you already find your peace there."
"Avah..."
Mabilis akong kapalingon ng marinig ang boses ni Atlas.
"Why?"
"They're already in the living area. Hexia and the newborn baby are already there."
Agad na lumawak ang ngiti sa 'king labi at dahan-dahang tumayo. Agad niya akong inalalayan at binitbit ang folding chair.
Binalingan ko ng tingin ang puntod ni Sienna sa huling pagkakataon bago linungin si Atlas.
"Talaga ba!? Tara na!" naeexcite kong wika at tinawag si Pebbles. "Let's go, Pebbles!"
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
A few years later...
I finally gave birth to our eldest daughter, my beautiful baby Sire. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang panganay naming anak na naglalaro kasama ang anak ni Hexia sa isang mini tent na tinayo ni Helios, may mga desinyo rin 'yon na pang halloween para bumagay sa ganap namin ngayon.
Our daughter is already 2 years old now and we're already expecting baby number 2. Dahil lumalaki na ang pamilya naming lahat dito, napagisipan ni Atlas na magkaroon ng family gathering tuwing linggo, at nasaktuhan no'n ngayon november na halloween kaya nagkaroon ng halloween party para sa mga bata.
Ang nabunot naming theme ay cowboy, samantala kela Hexia naman ay disney prince and princess. Binalingan ko ng tingin si Atlas na ngayon ay kinakausap si Helios.
He's wearing a white long-sleeve polo with the sleeves rolled up to his arms, making his arms look almost like they might burst out. He partnered it with a brown vest with gold buttons on top.
He's also wearing dark blue jeans with a leather belt, and the gold buckle on his belt is shining. There's a brown leather gun holster attached to his waist. Hindi rin nakaligtas sa akin ang suot nitong cowboy shoes at isang pulang panyo na nakatali sa leeg niya na nakatupi na pa-triangle.
Since the sun is really bright today, he's wearing the cowboy hat we got from Austria Mall last week.
Bagay na bagay sa kanya ang costume nito. His stance looked even more confident. I didn't realize I was already biting my lip while watching him. God... why does my husband look so handsome, delicious, and hot at the same time?
I love pepper and salt na talaga. He often dyes his hair black, so the few white strands in his hair and beard stand out. But overall, he really looks handsome in my eyes.
My husband still looks handsome to me.
Despite his age, Atlas manages to have a healthy lifestyle. Paminsan minsan ay naabutan ko itong nag-woworkout sa gym area kasama si Helios. Minsan naman ay nakikisali ako sa kanila, naglalakad lang ako sa treadmill habang pinagmamasdan siyang mag-ehersisyo.
Pakiramdam ko palagi akong nag-o-ovulate sa tuwing nakikita ko siyang nag-wo-workout. He still manages to maintain his figure, tamang tama lang ang pagiging muscular nito at malaking points pa na ang tangkad niya.
"I've been catching you staring at me for quite a while now."
Ngumisi ako at niyakap siya. "You look so handsome."
"You too, my wife looks beautiful," papuri nito pabalik. Yumuko siya at mabilis na hinalikan ang aking labi.
"Parang gusto ko ulit magpabuntis sa 'yo. Bagay na bagay sa 'yo yung nakuha nating theme," bulong ko sa kanya at ngumiti.
Mahina siyang natawa at hinaplos ang tiyan ko sa suot kong puting polo. Parehas lang kami ng suot dahil gusto ko couple kami. Ang naiba lang ay ang nakalagay kong panyo sa leeg dahil kulay bright orange 'yon.
"You're already 3 months pregnant with our second child, Avah," natatawa niyang tugon sa akin. "Tapos gusto mong buntisin ulit kita?"
Hindi ko na rin tuloy mapigilan na matawa. "E'di after nitong baby number two," pagbibiro ko.
"My wife is so silly," natatawa niyang wika bago ako yakapin.
Inangkla ko ang aking kamay sa batok nito at niyakap siya habang nakayuko ito at nakayapos naman sa aking beywang. Para tuloy kaming sumasayaw kahit na walang tugtog.
"If we're going to have sex later, don't get rid of these clothes," mahina kong wika sa kanyang tenga habang nakayakap pa rin sa kanya.
"Uh huh. Yes, Ma'am," tugon nito.
Pinikit ko ang aking mata at nakayakap pa rin sa kanya.
"Fuck me while you're wearing your cowboy costume," pahabol ko.
I heard his chuckle and kissed my cheeks. Siya na ang kumalas sa pagkakayakap namin sa isa't isa at mariin na tumititig sa akin.
"So you're into role-playing now, huh?" tanong niya sa 'kin.
"Pregnancy hormones," palusot ko at inirapan siya. "Ayaw mo ba? Okay lang naman kung ayaw mo, hindi naman ako namimilit."
Napailing na lang siya at yumuko para mabilis na halikan ang aking labi.
"We'll try everything, kahit ano pa 'yan," natatawa niyang wika. "My baby mama is craving me again."
"Asa!"
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
"Where is he!?"
Hinihingal at walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko pababa sa 'king pisngi habang nanginginig ang aking kamay sa hawak kong letter na iniwan ni Atlas.
Nanginginig ang aking balikat dahil sa pag-iyak. Nasa unang palapag ako ng hagdanan habang nakahawak sa railings ng hagdanan at nakatingin kela Red, Helios, at Hexia na nasa sala.
"Mommy... why are you crying?"
Kahit na nanlalabo ang paningin ko ay nilingon ko si Sire na inosenteng nakatingin sa 'kin.
"Baby, can you go to your Ate Dems' room? Mommy will go there later, okay?" lumuluha kong wika.
Dahan-dahan siyang tumango at pilit na inabot ang aking kamay. Pinahawak ko sa kanya ang kamay ko, at naramdaman ko na niyakap niya 'yon bago siya magtungo sa nanny ni Demetria para umakyat sa taas.
"Red!" tawag ko sa kanyang ngalan.
"Where's Atlas!?" galit kong wika sa kanya. "You're his right-hand man, right?!"
"Avah, calm down. Yung baby," nagaalalang wika ni Hexia.
I kept sobbing one after another while holding my seven-month pregnant belly. Nanghihina na napaupo ako sa sofa habang lumuluhang napatingin ulit sa hawak kong papel.
Nagising na lang ako na wala na siya sa tabi ko... nagising na lang ako na hindi ko na ramdam ang presensya nito.
"Si Atlas... Bakit siya umalis? Where's Atlas?" sunod sunod kong tanong, nanginginig na ang aking balikat dahil sa pagiyak kong hindi ko na makontrol.
"Why he didn't tell me about this!" galit kong wika at basta na lang nilapag ang papel sa lamesa. "He accepts the punishment of the organization that you're all working for!"
"Avah... we already know about that. Nauna kaming sabihan ni Atlas patungkol sa punishment ng organization," dinig kong sambit ni Helios.
Napahawak ako sa aking dibdib ng maramdaman ang pagkirot no'n. Bakit hindi niya sinabi? Bakit hindi niya sinabi sa akin—
"He probably didn't tell you about that dahil alam niyang hindi ka papayag," wika ni Red. "Atlas is in Greece now and he's taking the scorch of betrayal for you. Kung makakabalik siya rito, mainam na siya na lang ang tanungin—"
"Anong kung!?" naiinis kong wika sa kanya.
Ewan ko ba rito kay Red, nakakainit ng ulo ang mga pinagsasabi niya sa 'kin ngayon. Kahit na hindi ko nakikita ang sarili ko sa harap ng salamin ay alam kong namumula na ako sa galit at inis.
"Para mo na rin sinabi sa 'kin na mamamatay si Atlas doon! Hindi mangyayari 'yon kasi hindi niya pa nakikita 'tong isa pa naming anak!" galit kong singhal at tinuro ang malaki kong tiyan.
Nakita ko na hinawakan ni Hexia si Red at may sinabi roon pero hindi ko na 'yon narinig pa. Masyado akong nakafocus sa kaba, galit, sakit, at takot na nararamdaman ko.
"Bakit kasi kailangan pa ng gano'n?!" I said frustratedly, mabilis kong pinalis ang luhang lumandas sa aking pisngi. "Sino ba ang pinakapinuno niyo, huh? Bakit may pa punishment pa kayong nalalaman!" naiinis kong wika.
"My husband is old for that bakit... bakit... paano kung hindi niya kayanin 'yon? Paano kung hindi na siya bumalik sa 'kin? sa 'min? Bakit kailangan umabot sa gano'n?" hindi ko na alam kung anong mga salita na ang lumalabas sa 'king bibig dahil sa nararamdaman ko.
"Too old? eh bakit..." bigla sambit ni Helios at bumaba ang tingin sa malaki kong tiyan na para bang pinaparating na matanda na si Atlas at bakit nabuntis pa ako!
Ako ang nainsulto para sa asawa ko!
Mabilis kong pinalis ang luha sa aking mata at matalim siyang tinignan. "Ibang usapan na ang tungkol diyan. Magaling pa rin si Atlas sa ganyan kahit na—"
"Avah!" pagpigil ni Helios sa 'kin.
Lumuluhang tumawa ako dahil sa naging reaksyon nito, mukhang sinusubukan lang nila pagaanin ang loob ko, pero maya-maya ay muli na namang napaluha dahil sa pagaalala kay Atlas.
Ang daming mga bagay-bagay na pumapasok sa aking isipan para kay Atlas. Natatakot ako dahil paano kung hindi na talaga siya makabalik?
Hindi ko alam kung ilang minuto akong lumuluha sa harapan nila at akala mo naman ay sa paraan na 'yon ay maibabalik nila ang asawa ko rito. Sinamahan ako ni Hexia sa kuwarto para ihatid ng mahimasmasan. Pagkatapos ay naramdaman ko na lang na tumabi sa akin ang anak ko at niyakap ako.
"Mommy... don't cry na, please. Sire is worried for you and for my baby sister," malambing ang kanyang boses ng magsalita.
Pakiramdam ko parang mas lalo lang yata akong naiyak dahil sa kanyang sinabi. Hinaplos ko ang bilugan niyang mukha at yumuko para halikan ang kanyang noo. Kitang kita ko ang mata niyang nakuha kay Atlas, bilugan din ang mata nitong kulay abo.
Matangos ang kanyang ilong. Mala labanos din ang kutis ng kanyang balat kaya natural na mapula ang kanyang labi lalo na ang kanyang pisngi. Para siyang girl version ni Atlas, mas lalo ko lang tuloy namiss ang asawa ko.
"Sorry kung nakita mong gano'n si mommy kanina, Sire. How did you feel a while ago?" nanginginig ang boses ko ng tanungin siya habang sinusuklay ang kanyang buhok.
"I was scared kanina, mommy. Kasi you looked mad and you were crying a while ago. Please don't be mad na, mommy. Sire is really scared," tugon niya habang nakatingin ng diretso sa 'kin.
I nodded slowly and caressed her small face. "Okay mommy will not be mad anymore. I'm sorry, my baby."
"Apology accepted, mommy," mabilis niyang tugon.
Agad niya akong niyakap kaya niyakap ko siya pabalik. I hum her favorite lullaby song—incy wincy spider para makatulog na siya.
"Mommy..."
"Hmm? What is it, Sire?" malambing kong tanong sa kanya.
"Daddy will come back, right?"
Agad akong natigilan sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang kanyang tanong. Kahit ako hindi ako sigurado kung babalik siya pero may parte pa rin sa puso ko na babalik siya.
Bumaba ang tingin ko nang bigla siyang umahon muna sa pagkakasubsob sa 'king dibdib.
"Daddy talked to me last night before he left us in the morning," she whispered. "He promised me that he will come back here but he doesn't tell me kung kailan."
Napalunok ako at mapait na ngumiti sa kanya bago tumango. "I'm sure that your daddy will come back here. Nag-promise siya sa 'yo and he said that—"
"All his promises will never be broken," siya na ang tuloy ng aking sasabihin.
Nangingilid ang aking luha at hinaplos ang mukha niya bago yakapin at halikan ang kanyang noo para patulugin ito.
'Yon na lang ang tangi kong panghahawakan na babalik siya sa amin dahil nangako siya sa bata. Hindi niya sinisira ang mga pangako na sinasabi niya kay Sire kaya alam kong uuwi siya.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
"Hmm... hmm..."
Ala sais pa lang ng umaga ay gising na agad ako para paarawan si Reia, my one-month-old baby. Nakadapa siya sa 'king dibdib at parehas kaming nasa balkonahe ng kuwarto namin ni Atlas. May maliit lang na siwang sa sliding glass door para marinig ko si Sire sa kuwarto dahil natutulog pa rin ito kasama si Pebbles.
Bahagyang nagiisway-sway ang aking katawan dahil sa paghele ko kay Reia nakatingin sa malawak na lupain sa likod ng mansyon.
"You will be going to meet your father, Reia," mahina kong wika sa 'king anak. "I promise that. Your father promised your Ate Sire that he will come back."
Tatlong buwan na ang nakalipas... tatlong buwan na ang nakalipas pero wala man lang Atlas na umuwi. Para akong masisiraan ng ulo sa tuwing iniisip ko na baka hindi na siya babalik.
Nang pinanganak ko si Reia ay pakiramdam ko 'yon na yata ang malungkot para sa 'kin dahil wala siya. Si Ria ang nagpaanak sa 'kin dito dahil gusto kong mag-water birth dahil gano'n din ang ginawa ko kay Sire. si Hexia ay nando'n din sa mismong araw kung kailan ako nanganak.
Naaappreciate ko ang moral support nila... na pinaramdam nila na hindi ako nagiisa pero pakiramdam ko ay parang may kulang pa rin habang nanganganak ako. Nasanay lang yata ako na kasama si Atlas.
I love how Atlas assures me that I can do it. I love how his voice soothes me, and somehow, because of him, the pain of giving birth eases. Alam kong hindi niya ramdam kung gaano ako nasasaktan kapag nanganak na, pero grabe ang assurance niya na kaya ko ito.
Na mairaraos ko ang panganganak sa anak naming dalawa.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na yata ako nagdadasal araw-araw para sa kanya... na sana maging maayos siya roon. Na sana uuwi siya sa amin.
Mahimbing pa rin natutulog ang bunso naming anak sa dibdib ko habang nagpapaaraw. Sa mga minutong 'yon narinig ko ang bahagyang pag-slide ng glass sliding door sa aking likuran. Nagiging gawain na rin ni Sire ang pagsama sa 'min sa pagpapaaraw sa tuwing nakikita niya kaming gising.
"Good morning, Sire. Your baby sister is still sleeping kaya—"
Hindi ko natapos ang aking sinabi nang humarap ako dahil hindi si Sire ang nakita ko. Napatingala ako at hindi na napigilan ang pang-alpas ng luha sa 'king mga mata nang makitang si Atlas na ang nasa harapan ko.
"Avah..."
Hinayaan ko lang na tumulo ang mga luha ko pababa sa 'king pisngi. Tuloy-tuloy lang 'yon sa pag ayos habang nakatingin lang sa kanya habang karga ang bunso namin anak na mahimbing pa rin na natutulog.
Umangat ang aking kamay at hindi na napigilan ang pagdapo ng aking palad sa kanyang pisngi, hindi siya gumalaw sa kanyang kinatatayuan ng gawin ko 'yon. Tinanggap niya ang sampal na binigay ko sa kanya na para bang inaasahan niya na gano'n ang gagawin ko sa kanya.
Nanginginig na ang aking balikat at kamay ko dahil sa pag-iyak.
"W-why..." humihikbi at nanginginig ang boses ko ng sambitin 'yon. "Why y-you didn't tell m-me..."
Imbis na sagutin ako ay lumapit lang siya sa 'kin, he cupped my face, and that's when I felt his warm lips on mine. My tears kept falling as I closed my eyes. Matagal na magkalapat ang labi namin sa isa't isa habang lumuluha.
I could already taste my own tears as our lips still pressed together. Hindi kami tuluyang magkayakap dahil maiipit ang anak namin na tahimik pa rin natutulog sa 'king dibdib.
"I miss you..." he whispered and kissed my forehead. "I miss our kids," and kissed my nose. "I miss my family," finally he kissed my lips again. "I miss you so much, Avah."
Yumuko ito at hinaplos ang ulo ni Reia. Hinalikan niya ang ulo ng anak namin at agad na nanginit ang gilid ng aking mga mata habang pinagmamasdan siya.
"Wala ka nung pinanganak ko siya, Atlas," lumuluha kong usal. "I wish you were right beside me when I gave birth to her."
"I'm so sorry..." dinig kong wika nito sa 'kin. "I'm so proud of you, Avah. thank you, thank you so much for giving birth to our baby. How's your feeling? Hindi ka naman nabinat?"
Umiling ako habang lumuluha pa rin. "No, my delivery with Reia was easier compared to Sire's."
Hinawakan niya ang aking kamay, and he intertwined it. Sinalubong niya ang namamaga at namumula kong mga mata habang mariin na nakatingin sa 'kin.
"Thank god," para siyang nakahinga ng maluwag sa sinabi ko. "I also wish I had been by your side when you gave birth to our daughter."
Hinaplos ko ang kanyang pisngi. "I'm so scared. Akala ko namatay ka na o kung anong nangyaring masama sa 'yo roon. You promise to our Sire that you'll come back here. Kahit na minsan sumasagi sa isipan ko na baka hindi ka na makabalik sa amin, pinanghahawakan ko 'yong pangako mo sa anak natin."
Mas lalong sumikip ang aking dibdib ng makita ang kanyang luhang lumandas pababa sa kanyang pisngi. He lifted his hand and gently caressed my cheek, his eyes soft as he looked at me.
"I never broke my promise to Sire, Avah," he whispered. "It's already done... I accept the punishment and you and our child are safe now. Wala nang mangyayaring masama sainyong lahat laban sa kanila. I can say that you and our children are safe now."
Napangiti na lang ako at tumango ng maraming beses bago hapitin ang batok nito para siliin ng mainit na halik. Agad niyang tinanggap at tinugon ang halik na binigay ko. Naramdaman ko pa ang pagtulo ng mainit nitong luha sa 'king pisngi bago ipagdikit ang noo naming dalawa.
Finally, he's here.
And finally our family is complete.
I will no longer feel lonely because my husband, my other half, is here. Pakiramdam ko ay buo na ulit ako dahil nandito na siya.
Nakabalik na si Atlas sa 'kin... sa 'min.
THE END
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top