Chapter 10

BAGSAK ang balikat na binaba ng isang binata ang dala nitong tray sa lamesa na kinalingon ng mga kasamahan nito.
"What's wrong with you?"
Inayos ng binata ang suot na long sleeve bago ito nag simula kumain. Tinapunan lang din nito ng tingin ang nag tanong dito.
Halata sa binata na wala itong gana kumain pero pilit pa rin ito kumakain lalo na kung maraming gawain ang kailangan nito asikasuhin.
"Seryoso, anong problema mo?" mahahalata sa tono ng kasamahan ng binata ang pagkainis.
"Hayaan niyo siya kung ayaw niya sabihin," sabat pa ng isang binata.
Kinuha naman ng binata ang biniling apple juice at sinipsip ito. Nang maubos nito ang inumin ay nilukot nito ang lalagyanan ng juice at binagsak sa tray.
"I'm done eating," anito pagkatapos ay kinuha ang dalang tray at iniwan ang mga kasamahan.
PINATITIGAN ng binata ang sunflower nasa braso nito kung saan ginamitan ng pentel pen.
Hindi lang ang bulaklak ang naka lagay sa balat nito dahil makikita rin ang ilang matsa ng pintura sa ilang daliri nito.
Bagsak na sinara nito ang locker door nang matapos ito mag bihis. Halatang nagulat ang mga kasamahan nito nasa locker room din.
Nasa isip ng mga ito ay kanina pa walang sa mood ang binata at ilang beses pabagsak na binabagsak ang mga nahahawakan nitong bagay.
PAGPASOK pa lang sa coffee shop ay agad na bumungad ang mabangong amoy ng arema ng kape sa buong coffee shop.
Malawak ang lugar at may second floor ito. Makikita ang ilang mga estudyante nakapwesto sa loob na may mga dalang notebook at laptop.
Tahimik at tanging maririnig lang ay tunog ng jazz sa malaking speaker nakadikit sa itaas na dingding ng coffee shop.
"That would be one sixty-five all."
"Ok." Inabot niya ang wallet sa likuran bulsa ngunit nanlaki ang kaniyang mata na wala siya makapa. Sinubukan niya kapain ang bawat bulsa ngunit wala siya makuha.
Kahit isang papel na pera ay wala man lang nakatago sa bulsa ng kaniyang slacks.
"Sir?"
"One moment please." Kinapa-kapa niya pa rin ngunit wala talaga. Naiwan niya ba ang wallet sa dorm?
"Excuse me?" Nilingon niya ang binata nasa likuran niya. Nadatnan niya si kupido nakapila sa kaniyang likuran.
Suot nito ang uniporme sa soccer. Napansin niya na may long sleeve rin na uri na uniform ang mga ito. Madalas niya kasi makita ang short sleeve lang ng mga ito kapag umiikot ito sa oval.
"Ako na lang muna mag bayad ng kape mo. Bayaran mo na lang ako mamaya, Ash."
"Natandaan mo name ko?" Tumango ito habang inaabot ang card nito sa cashier. "Yeah— and please one ice coffee and one strawberry frappe," saad pa nito sa cashier.
Umusog pa siya kaunti para bigyan ito ng pwesto. "Thank you—"
"I'm Bleu Alvarez." Inabot nito ang kamay sa kaniya. Hindi na siya nag alangan na abutin ang malambot nitong kamay.
"Thank you, Bleu. I'll pay you later and sorry about sa daliri ko." Parehas na dumako ang kanilang mata sa kaniyang daliri.
Natawa ito. "It's okay. Hindi talaga maiiwasan 'yan."
Nang marinig nila ang order nila ay sabay na nila ito kinuha at lumabas ng coffee shop.
"Sinabi mo pa."
"What club are you from?"
"Oh! Art club. Mapapansin mo naman sa mga daliri ko," parehas silang natawa ng masabi niya ito.
"Have you met your soulmate?" biglang tanong nito sa kaniya. Umiling siya. "No, I haven't but I guess they know."
"Yeah— hmm, I got to go. The captain is really needing his sweet right now."
Umikot ang mata niya. They both laughed. "Sure, and I'll pay you when I see you."
"Don't worry, Ash. Enjoy your coffee."
"Thanks, Bleu!" Nag salute pa siya rito. Tumawa naman ito at nag jog pababa sa oval kung nasaan ang soccer field.
Pabalik na sana siya nang mahinto siya. Sumalubong ang nakakunot na noo ni Carter sa kaniya.
"Get out of my way."
"Excuse me? Ang lawak ng daan sa gilid?"
Mas pinanlisikan siya nito ng mata. Ano ba talagang problema nito? Kung galit siya dahil niloloko niya ang buong school. Pwede naman siya nito isumbong kung ayon lang ang ikakatahimik nito.
"Not because I haven't told anyone. Doesn't mean I agreed with you."
"Seriously, Carter? Pwede mo naman akong isumbong. Kung ayan lang pinuputok ng butchi mo!"
Nagulat ito sa kaniyang outburst. Tinaasan siya nito ng kilay pagkatapos ay bigla ito tumawa.
What the fuck?
Humawak pa ito sa tiyan habang patuloy ito tumatawa nang tumatawa. Mas lalo siya nainis dito pero hindi lumagpas sa paningin niya ang suot nito.
He was wearing a long sleeve soccer jersey. Parehas sa suot ni Bleu maliban na lang ay may half gloves ang dalawang kamay ni Carter.
"Pwede ka na tumigil tumawa."
"I'm sorry. 'Yong mukha mo kasi nakakatawa."
"What?! You're a jerk, alam mo ba 'yon?"
"I know but whatever," umayos na ulit ito ng tayo. Bigla nag bago ang facial expression nito.
"So, Ashley—"
"What the fuck!" Mabilis siya nakalapit dito at tinakpan ang bibig. Tumingin din siya sa paligid. Tangina, may mga estudyante.
"What's your problem?!" singhal niya rito. Hindi niya namalayan na sobrang lapit pala ng mukha nila sa isa't isa.
Titig na titig ang kulay brown nitong mata sa kaniya. Kambal ito ni Cooper pero nang matitigan niya ito ng malapitan. Hindi pala identical ang dalawa.
Mas nangungusap ang mata nito kahit he never stops glaring at her. May ilang freckles din ito sa pisngi at ilong na hindi man lang niya napansin no'ng una.
"You. You're my problem."
Mabilis niya binitawan ito. "Ok. Naiintindihan ko. Ano bang gusto mong mangyari?"
"Be my slave."
"Fuck you! Ano ka, bata?"
"Isang mura pa, malapit ko na silihan 'yang bunganga mo."
What? Hindi niya mapigilan na tumawa bigla. "You're effortlessly funny, Carter. Ang gulo mo kausap."
"I'm not kidding."
"Sure, you're not. Bye na!" Aalis na sana siya nang hablutin nito ang damit niya. Bumalik tuloy siya sa pwesto niya kanina.
"I'm not done talking."
"Ano ba kasi 'yon?"
"Dahil, I hate lying and you're making me lie. You have to be my slave for the whole semester."
She sighed. What's with him and the slave thing?
"Ok. If that's making you help me."
"I'm not helping you."
"Yes, you are, bye na!" Tumatawa na mabilis siyang tumakbo palayo rito. Kumaway-kaway pa siya rito.
Ang cute ng kambal. She loves to be their little sister.
NANG sumapit ang araw ng sabado ay maaga siya nag asikaso para kitain si Kayden.
Kikitain din nila sina Law at Win-win. Sa kanila mang gagaling ang susuotin niyang damit na pang babae at hindi siya makapaghintay na makita ulit ang dalawang best friends.
It was weekend. Meaning, free days nila sa school. They can go outside or visit their families.
"Cooper! Paki-bilisan naman. Baka dumating na do'n si Kayden. Mahuli pa tayo," sigaw niya sa roommate. Nasa loob pa rin kasi ito ng bathroom.
She was stomping her feet habang nakatitig sa orasan nakadikit sa dingding ng kanilang silid nang bumukas ang pinto sa bathroom.
"I'm done, okay? Hindi ka naman excited niyan?"
"Anong excited? Kinakabahan ako, tanga!"
Masamang tumingin ito sa kaniya nang marinig siya mag mura. Parehas sila ng kambal nito.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin ito at sabay silang lumabas ng dorm. Nag paalam din sila kay Rick na lalabas at baka gagabihin sila ng uwi.
Naabutan nila si Samuel sa parking lot nakatayo sa harapan ng sasakyan nito. Nakasimangot na ito nang makalapit sila.
"Bakit ang tagal niyo?"
"Si Cooper ang tagal maligo. Nag dadasal pa ata 'yan sa loob ng kubeta."
Parehas silang natawa ni Samuel. Inis naman na inipit ni Cooper ang ulo niya sa bisig nito at marahan na kinutusan siya.
"Tara na mga bata!"
"Sus! Gusto mo lang makita si Law," asar ni Cooper. Binitawan na rin siya nito. Mabilis naman siyang tumakbo at pumasok sa passenger seat.
"Hoy, Ashl— Ash! Ako diyan sa unahan!"
Natatawa siya na binelatan ito. Kung nasa malapit lang din ito ay baka nakurot na rin niya ito. Ilang beses niya sinasabi na Ash ang itawag sa kaniya pero kapag nasa dorm sila. Nasasanay na itong tawagin siyang Ashley, kaya kapag nasa labas nadudulas ito.
SAMPUNG minuto lang ang biyahe nila papunta sa Mall at nakarating na sila rito. Mabilis niyang niyakap sina Law at Win-win nang makita niya ang dalawa.
"I missed you!" naiiyak niyang saad sa mga ito. Mas humigpit naman ang yakap ng mga ito.
"We missed you, too, beb!"
Umalis sila sa pagkakayakap ng tumikhim si Samuel sa gilid nila. Humalik naman agad si Law dito na kinaikot nila ng mata ni Win-win.
"Sino 'yang kasama niyo?" mataray na tanong ni Win-win.
Hinaltak niya sa braso si Cooper at pinalapit ito sa dalawa niyang kaibigan. "Girls! Meet my roommate Cooper."
"Hi, I'm Cooper and yes, alam kong babae siya."
Parehas nanlaki ang mata ng dalawa niyang kaibigan.
"What the hell, Ashley!" sigaw ni Law sa kaniya pero agad rin humina ng bigkasin nito ang pangalan niya.
"She's not really good at pretending." Kinurot naman niya sa braso ang tatlo nang sumang-ayun ang dalawa kay Cooper.
"I'm Law. Sam's soulmate." Yumakap pa si Law sa kasintahan. Papakilala na lang, kailangan pa may kasamang yakap.
"I'm Win-win and please take good care of our babe. She's a handful but you can manage."
Wala bang araw na hindi siya pag tutulungan ng mga ito?
SINAMAHAN siya nina Law at Win-win sa loob ng restroom. Tinulungan siya nito mag ayos lalo na ang peke niyang buhok.
Na-miss niya makita ang sarili na mahaba ang buhok.
"Bakit ka raw gusto makita ni Kayden?" tanong ni Law habang inaayos nito ang buhok niya.
"I don't know. Wala ba siyang sinabi sa inyo? Alam na ba niya?"
"Easy there, Ashley. Masyado ka nag iisip ng nega. Let's just enjoy this day," ani Win-win.
She let out a breath of air, she didn't know she was holding. Grabe 'yong kaba niya.
"Ok, let's do this!"
Tiningnan niya ang sarili sa salamin. She was wearing a baby pink dress and for the first time ulit, nakahinga ang kaniyang dibdib sa masikip na tela.
Naka white shoes na lang din siya. Hindi na siya nag abala pa mag sandals.
"Ayusin mo lakad at upo mo. Hindi ka lalaki ngayon," bilin ni Law sa kaniya bago sila lumabas ng restroom.
The two guys were waiting for them nang matapos sila. Titig na titig si Cooper sa kaniya. Pinagmasdan pa siya nito mula ulo hanggang paa then he smirked.
Nabato tuloy niya ito ng panyo na sinalo naman nito.
"Babae ka pala talaga," asar nito sa kaniya pagkatapos ay pinagtawanan siya, silang dalawa ni Samuel.
"Ang gago mo."
"Dapat talaga sinunod ko si Carter nang sabihin niya na mag dala ako ng sili kapag kasama ka."
Agad siya natigilan. "What?!" Sasapakin na sana niya si Cooper nang pigilan siya nina Law at Win-win.
"Ashley, umayos ka nga. Naka-dress ka pa naman. Mamaya mo na lang 'yang sapakin." Muntik na siya malungkot dahil pinagsabihan siya ng dalawa pero agad rin umangat ang gilid ng labi niya dahil sa sinabi pa ng mga ito.
"Brutal niyo magkakaibigan."
"Sinabi mo pa, pre!" Akbay ni Samuel kay Cooper. Inikutan na lang niya ng mata ang mga ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top