CHAPTER 54

CHAPTER 54

Xavier's POV

"Mom, nandyan ba si Xia?" tanong ko agad nung makarating kami sa bahay. Dala na namin yung katawan ni Zander.

"Nasa kwarto nila. Kanina pa nga hindi nalabas," tugon nito.

"Xia! Buksan mo ito," katok ko dito pero walang nasagot kaya nanghiram ako ng susi pa mabuksan ko pinto nila.

Pagpasok ko walang tao doon. May mga nakita akong papel sa kama nila kaya kinuha ko ito. Bawat papel may mga pangalan namin. Kinuha ko yung may pangalan ko.

Dear Kuya Xavier,

Sorry sa ginawa ko kanina. Kailangan ko lang talaga gawin yun para sa mga anak ko. Kung hindi ko siya papatayin, baka isunod na niya ang mga anak ko. At tama nga ako! Papunta siya sa bahay nung nakita ko. Balak nga niya patayin ang mga anak ko. Iniwan ko nga pala ang bangkay niya sa tabi ng dagat. Ikaw na bahala sa kanya.

Pasensya na kung iiwanan pa kita ng problema bago ako mamatay. Kuya, ikaw na bahala kay Zander. Pakibantayan siya para sa akin baka kasi wala na ako pagkagising niya. Pakisabi kila Mom and Dad wag sila masyado umiyak kapag patay na ako. Pati din kay Stella.

Gusto ko nga pala sunugin niyo yung katawan ko at bigay niyo kay Phoenix yung puso ko dahil nangako ako sa kanya na ibabalik ko yung puso ng ate niya kapag namatay ako. Ikaw na magsabi sa kanila sa last will ko. Yung mga anak ko wag niyo pababayaan. Salamat sa lahat kuya. I love you.

P.S. May isa kang hiling sa akin. Sabihin mo lang, pangako tutuparin ko yun.

-Caleigh Xia Knight-Hudson

Kinabahan na ako nung mabasa ko sulat niya. Lumabas ako ng kwarto at tinignan yung sasakyan nila. Tama ako wala nga ito. Tinawagan ko si Kenji.

"Kenji, hanapin mo yung sasakyan nila Zander. Wag ka titigil hanggang hindi mo nahahanap. Kaya mo naman i-track tun diba?" utos ko.

"Sandali lang," tugon nito.

"Kapag nahanap mo. Papuntahin mo doon kung sino mas malapit saka mo ko sabihan," sabi ko sa kanya bago siya babaan. Bumalik ako sa bahay nila Xia para sabihin kila Mom yung nangyari. Kinuha ko din yung mga sulat na iniwan ni Xia para itago ito.

Tumunog ang cellphone ko at nang tignan ko ito. Si Kenji yung tumatawag. Mabilis talaga siya magtrabaho.

"Nasa Moonlight Corporation si Xia. Pinapunta ko na sila Claude. Papunta na din kami ni Sir Hayato dahil kailangan daw kami doon," sabi niya agad sa akin.

"Papunta na ako."

"Sa CLA ka na lang daw dumiretso."

"Sige," binaba ko na ang tawag.

"Labs, punta ako sa Manila. Maiwan ko kuna kayo ni Baby Cali," paalam ko sa asawa ko sabay halik sa kanilang dalawa ng anak namin.

"Ingat ka," tugon ni Stella. Nagmadali na ako umalis dahil malayo pa ang Manila.

"Nasaan si Xia?" tanong kila Kenji nang makarating ako sa CLA. Isang malungkot na expression ang tinugon nila sa akin.

"Wala na si Xia," malungkot na sabi ni Sir Hayato.

"Hindi totoo yan. Nasaan siya? Xia!" tawag ko kay Xia habang hinahanap ito sa mga kwartong. Hinawakan ako sa balikat ni Jason.

"Patay na siya nung nakita namin," sabi niya sa akin. Napahilamos na lang ako ng kamay at napaupo.

******

Third Person's POV

"Susunugin ba talaga natin ang katawan ni Xia?" tanong ni Stella.

"Ayun ang hiling niya," tugon ni Xavier habang nakatayo sa gilid kung saan nakahiga katawan ni Xia.

"Paano si Zander? Hindi man lang siya makakapagpaalam kay Xia bago sunugin."

"Wala na tayo magagawa. Matagal pa bago mabuhay muli si Zander."

Ipinagdasal muna nila si Xia bago ito sinunog. Nag-umpisang umiyak si Stella habang pinapanood ang matalik na kaibigan. Ganun ang mga magulang ni Xia.

"Teka! Ano yung kumikislap?" tanong ni Claude nang may mapansin itong kumikislap sa nasusunog na katawan ni Xia.

Napansin din ito ng iba. Nung matapos masunog ang katawan ni Xia, laking gulat nila na maiwan ang puso nito na nababalutan ng yelo. Nasa loob ito ng isang ice cube. Sinubukang nila itong tunawin pero balewala ito.

"Sabi niya sa akin, gusto niya ibigay yung puso niya kay Phoenix," sabi ni Xavier. Hindi talaga siya sang-ayon doon pero matapos maiwan ang puso ng kapatid, naisip nito na ayaw ni Xia na sunugin ang puso niya. Gusto niya tuparin ang pangako sa binata.

"Nasaan ba si Phoenix?" tanong ni Trevor.

"Itago niyo na muna yan kasama ng abo ni Xia," suhestiyon ni Sir Hayato.

Nilagay sa isang lalagyan ang abo ni Xia at inuwi kasama ang puso. Pagkadating nila sa tirahan nila Xia, agad nila ito itinabi sa kwarto kung nasaan si Zander.

"Mom, uwi na po kami. Ayos lang po kayo dito ni Dad? Gusto niyo sa amin na muna yung ibang bata?" tanong ni Xavier sa kanyang ina.

"Hindi na anak. Kaya ko naman sila alagaan. Saka nandito naman sina Bliss," tugon nito.

"Sige po. Alis na kami," paalam nito.

"Tita, ayaw po kumain ni Hexa. Mommy daw po," sabi ni Bliss.

"Baby kumain ka na," sabi ng ina ni Xia sabay subo ng pagkain kay Hexa.

Umiling lang ito. At lumingon sa paligid.

"Mommy!" sambit nito. Hindi maiwasang  maiyak ni Bliss dahil naawa ito sa bata na pilit hinahanap ang kanyang ina.

"Waaaahhhhh! Mommy! Waaaahhhh!" iyak naman bigla ni Primo at sunod ding nagsiayakan ang ibang nga bata.

"Ano ba mga problema niyo? Bakit bigla kayo nagsiayakan?" inis na sabi ni Claudine dahil hindi na niya alam ang gagawin.

"Wag mo awayin yuny bata," saway ni Jason sa kanya sabay buhat kay Primo.

"Mommmy! Waaahhhhh!" iyak  pa rin nila habang tinatawag  ang kanilang ina.

"Tahan na! Wala ang ang mommy niyo. Nasa heaven," pagpapatahan ni Claude kay Twain at Trace pero iyak pa rin ng iyak.

Habang hindi alam nila Claude ang gagawin, biglang tumunog ang teddy bear sa tabi nila.

"~Lullaby, and good night, in the skies stars are bright.
May the moon's silvery beams bring you sweet dreams.
Close your eyes now and rest, may these hours be blessed.
'Til the sky's bright with dawn, when you wake with a yawn.~" kanta ng isang tinig ng babae na nagmumula sa teddy bear. Boses ito ni Xia na sinadya niya i-record para sa kanyang anak.

~Lullaby, and good night, you are mother's delight.
I'll protect you from harm, and you'll wake in my arms.~

Biglang tumigil sa pag-iyak ang ang mga bata.

"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot doon sa teddy bear. Paanong tumunog yung bigla?" komento ni Claude.

~Sleepyhead, close your eyes, for I'm right beside you.
Guardian angels are near, so sleep without fear.
Lullaby, and good night, with roses bedight.
Lilies o'er head, lay thee down in thy bed.~

"Baka minimulto na tayo Xia. Xia, wag mo ko pupuntahan mamayang gabi," takot na sabi ni Bliss.

~Lullaby, and good night, you are mother's delight.
I'll protect you from harm, and you'll wake in my arms.~

Lumapit si Quinn sa teddy bear na may recorder at niyakap ito saka pumunta sa crib.

"Lola, sleep," sambit ni Hexa sabay turo sa crib nito. Kaya nilagay na lang nila sa crib ang mga bata.

~Lullaby, and sleep tight, my darling sleeping.
On sheets white as cream, with a head full of dreams.
Sleepyhead, close your eyes, I'm right beside you.
Lay thee down now and rest, may your slumber be blessed.~

Agad na nahiga ang mga ito habang pinapakinggan ang awit ni Xia para sa kanila.

~Go to sleep, little one, think of puppies and kittens.
Go to sleep, little one, think of butterflies in spring.
Go to sleep, little one, think of sunny bright mornings.
Hush, darling one, sleep through the night,
Sleep through the night,
Sleep through the night.~

"Good Night baby Primo, Twain, Trace, Quade, Quinn, Hexa and Seven. Mahal kayo ni Mommy. I love you. Mwuuaahh," sabi ni Xia nang matapos ang kanta.

"Sweet talaga ni Xia," nakangiting sabi ni Bliss.

*******

After 1 month

Zander's POV

Napabangon ako bigla nang mapagtanto ko ang nangyari sa akin. Napatingin ako sa paligid at una kong napansin ang nakapatong na lalagyan sa gilid ng higaan ko.

"Xia," sambit ko nang makita ko kung ano yun. Napasabunot ako sa aking sarili.

Kinuha ko yung papel na nakapatong sa tabi nito.

Mahal kong Zander,

Kung nababasa mo na ito, sigurado gising ka na. Kung nandyan lang ako sasalubungin kita agad ng yakap at halik. Mahal, sorry kung hindi na ako nakapagpaalam ng maayos sayo. Hindi ko akalain na sa ganito pala ako mamatay.

Mahal, natatakot ako sa haharapin ko. Papunta ako ngayon kay Mr Tan. Nalaman kong gusto niya kayo ipapatay. Hindi ako makakapayag mahal. Kung kinailangan patayin ko siya, gagawin ko. Maprotektahan ko lang kayo nila Primo. Mahal na mahal ko kayo. Lagi niyo tatandaan yan. Yung hiling ko sayo na itapon mo yung abo ko, gawin mo ha? Saka yung pusong hiniram ko sa kapatid ni Phoenix, pakibalik. I love you, mahal ko.

P.S. Mahal, kung may isang wish ka na gusto mo manyari, sabihin mo lang. Tutuparin ko yun. Seryoso ako doon sa sinabi ko na tutuparin ko ang hiling niyo kahit patay na ako.

Nilapag ko sa higaan ang sulat na binigay sa akin ni Xia. Kinuha ko ang abo ni Xia saka lumabas.

"Zander, gising ka na! Kamusta pakiramdam mo?" tanong ni Claude. Napatingin ito bigla sa hawak ko.

"Sabi ko nga hindi okay," bawi niya sa tanong niya. Naglakad na lang ako palabas at nagtunggo sa tabing dagat.

"Mahal, ang daya mo. Para saan pa na nabuhay ako kung wala ka na? Pwede bang sumama na lang ako sayo?" sambit ko. Biglang umalon ng malakas kasabay ng kulog.

"Oo alam ko. Ayaw mo dahil walang mag-aalaga sa mga bata. Ayaw mo silang lumaki na wala man lang magulang."

Kumalma bigla ang dagat at langit. Pakiramdam ko tuloy nakatingin lang sa akin si Xia.

Binuksan ko yung lalagyan ng abo at paunti- unting hinagis sa dagat.


"Mahal, tinupad ko yung gusto mo na gawin ko kahit na gusto ko na lang itago itong abo mo. Mahal, tumupad ako sa usapan kaya dapat tumupad ka rin. Sabi mo tutuparin mo yung isang hiling ko. Mahal, ikaw ang hiling ko. Wala ako ibang hilingin kundi ikaw lang. Ikaw lang nagpapasaya sa akin. Please mahal, bumalik ka na."

Tuluyan na naiyak nang habang sinasabi ko ang hiling ko. Alam ko malabong bumalik siya pero ayun lamang hiling ko at hindi ako magsasawa na hilingin yun ng paulit-ulit.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top