CHAPTER 53
CHAPTER 53
Xia's POV
After 2 years...
"Mommy! Babbie," sabi ni Seven sa akin sabay turo sa barbie niya na nasa mesa. Kinuha ko naman ito at inabot sa kanya. Nang makuha niya ito bumalik na siya sa mga kapatid.
"Anak, ako na diyan. Pakitawag na lang Dad mo. Sabihin mo kakain na," sabi sa akin ni Mom. Nag-aayos kasi ako ng plato dahil kakain na.
Pumunta ako doon sa maliit na opisina ni Dad. Siya na yung gumamit nung mala-ospital na kwarto namin. Kung ano-ano pinag-aaralan niya doon sa loob. Hindi muna kasi namin sila pinabalik sa Manila dahil masyado marami yung mga bata. Siguro kapag medyo malaki-laki na sila pwede na nila kami iwan.
"Dad, kain na po."
"Sige nak. Susunod na ako," aniya habang pinag-aaralan yung dugo. Hindi ko alam kung kaninong dugo yun. Kapag nandito nga si Papa, dalawa silang ganyan.
Iniwan ko na lang siya at bumalik na sa dinning. Pagdaan ko doon sa mga bata, natawa ko nung mapansin ko si Twain. Nakaupo kasi siya tapos nakapikit tapos yung ulo niya pabagsak na pero didilat siya bigla tapos iaangat niya.
"Baby, inaantok ka? Tama na yan laro. Tulog ka na," sabi ko sa kanya. Kinuha ko yung kotse na hawak niya saka siya dinala sa crib. Pinasik ko na din yung tatlong lalaki. Tapos yung mga babae doon sa isa pang crib. Pink nga yung sa kanila tapos sa lalaki blue.
"Diyan lang kayo. Kakain lang si Mommy," sabi ko sa kanila bago iwanan.
"Hindi pa ba bumabalik si Zander?" tanong ni Mom.
"Hindi pa po. Kailangan pa daw siya ni kuya doon," tugon ko.
"Marami nanaman siguro costumer ngayon."
"Xia, yung cellphone mo kanina pa natunog. Tumatawag kuya mo," sabi ni Dad habang hawak-hawak yung cellphone ko na iniwan ko sa sala kanina. Binigay niya ito sa akin saka umupo.
"Kuya, bakit?" tanong ko agad nung sagutin ko ito. Hindi naman kasi ito tatawag kung walang importanteng sasabihin.
"Xia, wag ka mabibigla. Si Zander--"
"Ano nangyari kay Zander?"
Napatayo ako bigla nung marinig ko yung pangalan ng asawa ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Yung pagkakasabi kasi ni kuya halatang hindi maganda yung sasabihin.
"Patay na siya. May bumaril sa kanya sa puso siya tinamaan," aniya dahilan para mabitawan ko yung cellphone ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.
"Ano nangyari?" lapit sa akin ni Mom.
"Si Zander po binaril. Kayo po muna bahala sa bata. Pupuntahan ko siya" sabi ko.
"Sasamahan na kita," sambit ni Dad sabay tayo.
Siya yung nagmaneho ng sasakyan papuntang cafe. Pagdating namin doon sarado yung cafe at maraming tao sa labas na kinakausap naman ni kuya.
Pumasok agad ako sa loob para makita si Zander. Nanlambot bigla ang tuhod ko nung makita ko siyang nakahiga sa sahig habang basa ng dugo niya.
"Mahal! Gumising ka!" iyak ko habang sinusubukan siyang gisingin kahit alam kong wala na siyang buhay. Pagkahawak ko nga sa kanya nakita ko yung nangyari kanina.
May isang lalaking pumasok sa cafe at lumapit sa kanya habang nakikipag-usap siya sa costumer. Agad siyang binaril nito na sinadyang itutok sa baril. Sa sobrang bilis ng pangyayari hindi na ito nagawang iwasan ni Zander. Mabilis na lumabas ang suspect na sinubukan pang habulin ni kuya.
"Xia huminahon ka lang. Mabubuhay pa siya ulit. Artificial Vampire din siya katulad natin," sabi ni Dad sa akin. Alam ko naman yun pero masakit pa rin na makitang wala ng buhay yung asawa ko.
"Dad, magbabayad yung gumawa nito sa kanya. Papatayin ko siya," galit na sabi ko sabay tayo.
"Xia!" tawag sa akin ni Dad.
"Saan ka pupunta?" harang bigla ni kuya nung palabas na ako.
"Tumabi ka diyan kuya. Hahanapin ko yung bumaril sa kanya," tulak ko sa kanya. Hinawakan niya ako sa kamay.
"Tapos ano gagawin mo? Papatayin mo siya?"
"Oo. Sorry kuya, kailangan ko ito gawin,"
Hinawakan ko siya sa balikat saka siya pinaralyze. Limang minuto siyang hindi makakagalaw, sapat na siguro yun para magawa ko yung binabalak.
"Siyet! Xia, bumalik ka dito!" sigaw niya.
Tumakbo na ako para hanapin yung lalaki. Sigurado ako hindi pa siya nakakalayo dito. Huminga ako ng malalim saka pumikit habang pinapakiramdaman ang paligid. Sinubukan ko tignan kung ano nangyari dito sa inaapakan ko sinula kanina. Isa din ito sa ability na meron si Sir. Hayato. Hindi lang naman sa tao o bampira pwede gamitin kapangyarihan nila. Pwede din makita yung mga past event sa isang lugar. Minsan nga pati future pero bihira ko lang yung magawa.
Napadilat ako nang makita ko tumakbo yung lalaki sa may mismong beach. Diretso lang ang takbo nito.
"Sila Primo," sambit ko sabay takbo nang mapagtanto ko na kapag diniretso yung tinatakbuhan niya papunta na sa amin.
Binilisan ko yung takbo ko. Pati pa naman yung mga bata gusto nila patayin? Hindi ako makakapayag. May naramdaman akong malakad enerhiya sa katawan ko. Bawat daan ko nga sa gilid ng dagat lumalakas ang alon na para bang galit na galit katulad ng nararamdaman ko ngayon.
Natanaw ko na yung lalaking hinahanap ko. Humawak ako sa buhangin at ginawa itong yelo papunta sa lalaki at nang lumampas na ito dito saka ako gumawa ng ice wall sa harapan niya para hindi na ito makaalis. Ikinulong ko siya doon habang malayo pa ako. Gumawa na lang ako ng pinto doon sa yelong pader na kumulong sa kanya para makapasok.
"S-sino ka?" tanong nito sa akin sabay tutok ng baril na dala niya.
"Sino nag-utos sayo na patayin ang asawa ko?" tanong ko sa kanya pero pinaputukan niya lang ako. Subalit tumalsik lang ito nang tumama ito sa enerhiyang pumapalibot sa akin. Hinawakan ko siya sa kwelyo at sinandal sa yelong pader saka ko binasa ang isip niya.
"Patayin mo ang lalaking ito at ang mga batang ito. Kapag may humarang sayo patayin mo agad. Patamaan mo sila agad direkta sa puso dahil oras na hindi mo sila mapatay, ikaw ang mamatay. Tandaan mo hindi sila tao," sabi ng ni Mr. Tan sa kanya. Nakabalik na pala siya dito sa Pilipinas at mukhang alam na niya ang tungkol sa amin.
"Yes sir," tugon niya.
"Kapag naman nakita mo itong babae, takbuhan mo na siya. Wag mo siyang sasakyan," paalala nito sabay pakita ng larawan ko.
Inagaw ko ang baril ng lalaki saka siya pinaputukan sa puso bago iwanan sa natutunaw na yelong pader na ginawa ko. Tinago ko ang baril sa gilid ng bulsa ng jacket ko saka umuwi.
"Xia, bakit bumalik ka na? Nasaan ang Dad mo?" tanong ni Mom. Niyakap ko lang siya.
"Kayo na muna bahala sa mga anak namin," bulong ko sa kanya saka pumasok sa kwarto. Kumuha ako ng papel at ballpen saka nag-umpisang sumulat. Nagkulong lang ako doon hanggang sa matapos ko lahat ng sulat na ginawa ko para sa kanila. Nagpalit ako ng damit at sinuot ko ang invisibility jacket ko saka kinuha yung susi ng sasakyan. Sa may bintana ako dumaan palabas at para makababa ako sa cliff gumawa ako ng yelong hagdan.
Nagmaneho ako papuntang Manila para hanapin ang opisinang pinanggalingan nung lalaki. Huminto ako sa tapat ng isang building kung saan pamilyar na pamilyar sa akin ang pangalan ng company. Moonlight Corporation, ang kumpanya pagmamay-ari ng tinuring kong magulang noong bata ako. Nung namatay si Mr. Sanchez, binenta ito ni kuya sa isang negosyante. Pero alan ko hindi ito kay Mr. Tan binenta.
"Ang gwapo nung bagong president ng kumpanya," rinig kong usapan ng mga babaeng naglalakad papasok ng building.
"Pero sabi nila kaya napunta kay Mr. Tan itong kumpanya dahil siya ang may pinakamalaking share pagkatapos niya bilhin yung sa iba. Saka niya pinababa sa pwesto si President De Vera."
Pumasok ang mga ito sa loob kung saan dumaan muna sila sa may sensor na kapag may dala kang baril or bomba tutunog ito. Pinindot ko ang invisibility ng jacket ko para maging invisible ako at saka ako pumasok. Mabuti na lang meron akong device na pangontra sa sensor. Ginagamit namin yun kapag nasa misyon kami noon.
Tuloy lang ako sa paglalakad patunggo sa opisina ni Mr Tan. Nakita ko pa ang secretary nito na nakapwesto sa harap ng opisina niya. Binuksan ko yung pinto at alam kong napatingin sa akin yun secretary pero hindi niya ako kita.
Nahagip ng mata ko ang pagtayo nito at pagpindot sa telepono. Kung may idea sila sa amin sigurado ako alam na niyang may bampirang nakapasok.
"Sino yan?" tanong ni Mr Tan. Pinatay ko ang invisibility ng suot ko saka binaba ang hood nito.
"Xia," sabi nito sabay tayo. Tulad ng inaasahan kilala niya ako. Tumayo ito mula sa inuupuan niya.
"Bakit? Bakit mo pinapatay si Zander? Bakit gusto mo patayin ang pamilya ko?" tanong ko sa ko sa kanya. Palakas na palakas ang boses ko habang nagtatanong dahil hindi ko na mapigilan ang galit ko.
"Paano mo nalaman?" tanong nito.
"Pati mga anak ko gusto mo patayin. Hindi ka na naawa sa mga bata," sigaw ko dahilan para mabasag ang mga salamin sa opisina niya. Kasama ang nga ilaw. Naramdaman ko nanaman ang malakas enerhiya sa paligid ng katawan ko.
"Bakit ako maawa? Hindi naman sila tao," natatawang sabi niya.
"Hindi sila tao? Bakit? Sino ba unang nakaimbento ng Artificial Vampire? Diba ang pamilya mo? Tao kami sana pero dahil sa pamilya mo naging Artificial Vampire kami. Kung tutuusin ang mga katulad niyo ang wala karapatang mabuhay," galit na sabi ko.
"Alam ko. Dahil kila lolo kaya kayo naging bampira. Pero si Zander, una pa lang bampira na siya."
"Kaya pinapatay mo siya?"
"Hindi. Pinapatay ko siya para makuha kita. Matagal na kita gusto. Unang kita ko pa lang sa hospital noon, nagustuhan na kita. Lagi ko binabantayan bawat galaw mo. Nagpadala pa ako ng titingin sayo."
"Ikaw pala yung nagpapadala ng stalker. Akala namin lahat si Mr. Sanchez ang nasa likod nun. Kahit ipapatay mo pa lahat ng pamilya ko, hinding-hindi kita magugustuhan. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa mapunta sayo."
"President Tan! Itaas mo ang kamay mo," sigaw ng mga security sa akin sabay tutok ng baril sa akin pero pinalutang ko lang sila at pinatalsik palabas. Nilabas ko ang baril na dala ko saka tinutok kay Mr Tan.
"Xia," sambit niya sabay taas ng kamay.
"Sorry pero kailangan ko gawin ito para sa kaligtasan ng lahat," sabi ko sabay putok ng baril sa kanya.
"President Tan!" sigaw ng assistant secretary niya. Pagharap ko dito sinaksak niya ako sa bandang puso. Napahawak ako sa ginamit niyang pangsaksak na parang matulis na kahoy. Bago ako bumagsak ginamit ko ang kapanyarihan ko para palutangin siya at isandal sa pader. Binunot ko yung ginamit niya sa akin at pinalutang din papunta sa kanya para ipangsaksak din sa puso niya. Nanlabo na ang paningin ko saka bumagsak. Isa lang tumakbo sa isip ko ngayon.
Walang iba kundi ligtas na ang mga anak ko at si Zander. Pero kapalit nun ang buhay ko.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top