CHAPTER 51
CHAPTER 51
Xia's POV
"Oh? Ang laki na ng tiyan mo ah. Kailan ba lalabas yan?" tanong ni Bliss nang makita ako. Opening kasi ngayon ng bago naming negosyo kaya nandito sila ngayon.
"Next month," nakangiting tugon ko.
"Ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang ang liit pa niyan."
"Oo nga. Parang kayo ni Trevor. Parang kailan lang nanliligaw siya sayo, ngayon kayo na. Sinagot mo daw siya nung nagbakasyon kayo sa London."
Ngumiti siya. Pansin ko din na mas gumaganda siya ngayon. Iba talaga kapag inlove.
"Ano ba Jason? Bakit ang kulit mo? Wag ka nga dumikit sa akin," inis na sabi ni Claudine kay Jason.
"Sorry na kasi. Hindi ko naman gusto yung babaeng yun. Saka kasalanan ko ba na gwapo ako? Kaya wag ka magselos," pangungulit ni Jason.
"Ako nagseselos? Kapal mo!" sagot sa kanya ni Claudine.
"Ayan nanaman sila. Lagi na lang silang ganyan," komento ni Bliss.
"Ang cute nga nila tignan," sabi ko naman.
"Ate Xia!"
Napatingin ako sa batang tumawag sa akin.
"Kia, laki mo na ah."
Hinawakan ko siya sa ulo.
"Para sayo ate," aniya sabay abot ng plastic na may lamang apple.
"Salamat," sabi ko sa kanya.
"Kamusta na ang daughter-in-law ko? Inaalagaan ka ba mabuti ni Zander?" pangangamusta sa akin ng Papa ni Zander.
"Opo. Todo asikaso nga po siya sa akin," tugon ko.
"Pinapasabi nga pala ng Dad mo na maguhuli sila dahil hinahanda pa nila yung gamit niya na gagamitin sa panganganak mo. Kawawa ka naman. Pinahihirapan ka ng asawa mo. Gagawa na nga lang ng bata, marami pa," aniya na ikinatawa ko. Hindi lang kasi isa yung magiging anak namin kaya cesarean daw ang gagawin kapag nanganak ako.
Sila Dad sa bahay na muna titira hanggang para matutukan daw nila ako dahil nga malapit na ako manganak.
"Hindi ko siya pinahihirapan. Malay ko ba makakabuo ako ng marami," singit ni Zander sa amin.
"Zander, totoo ba na isang dosena magiging anak mo?" tanong bigla ni Claude.
"Anong isang dosena? Sino nagsabi sayo?" tanong sa kanya ni Zander habang salubong yung kilay.
"Baka hindi ko na kayanin yun kapag ganun karami," natatawang sabi ko.
"Si Sir Takeshi. Sabi na nga pinagtitripan ako ng matandang yun," tugon ni Claude.
"Kung saan-saan ka kasi nagpupunta kaya wala ka kaalam-alam," sabi sa kanya ni Trevor.
Umalis na kasi sa pagiging pulis si Claude at madalas siya magpunta sa kung saan-saan. May hinahanap daw kasi itong babae kaya balak niya libutin yung buong bansa. Kapag nga daw hindi niya pa rin nakita sa ibang bansa naman siya pupunta.
"Nakita mo na ba siya?" tanong sa kanya naman ni Zander.
"Hindi pa nga," tugon nito.
"Darating din ang panahon na makikita mo siya," sabi sa kanya ni Sir. Hayato sabay hawak sa balikat ni Claude.
"Kailan naman kaya yun? Kapag kasing tanda mo na ako?" sagot sa kanya ni Claude.
"Sa takdang panahon at tamang pagkakataon," nakangiting sabi ni Sir Hayato saka kami iniwanan.
"Seryoso ba yun?" tanong ni Claude sa amin. Tinanguan ko siya bilang tugon.
"Zander! Xia! Start na tayo," tawag sa amin ni Xavier. Kaya nagsilabasan na kami sa bubuksan namin cafe sa tabi ng beach kung saan maraming tao. Medyo malayo-layo din iyon sa tinitirahan namin pero tanaw doon yung tuktok ng bahay namin. Kung maglalakad diretso mula sa amin mga kalahating oras mo siguro lalakarin bago ka makarating sa cafe.
Maggupit pa kasi ng ribbon tapos pababasbasan pa namin bago yung pre-opening kung saan may free taste at discount. Kinuha ni kuya na employee yung mga artificial vampire na tinulungan nila Mama. Mas maganda na daw yun para safe yung pagiging artificial vampire namin. Mahirap daw magpapasok ng tagalabas.
"Ikaw na maggupit," sabi sa akin ni kuya sabay abot ng gunting sa akin.
"Bakit ako?"
"Sayo itong cafe hindi mo ba nababasa Shirayuki's apple Cafe."
Tinignan ko si Zander. Tinanguan naman niya niya ako.
"Dito kayo sa tabi ko," hila ko sa dalawa habang palapit ako sa ribbon. Nasa gitna kasi nila ako.
Nang maputol ko na yung ribbon nagsipalakpakan sila. Pinapasok na nila kuya mga nag-aabang na makapasok. Kaya naging busy na siya sa pag-aasikaso. Tumulong naman si Zander sa kitchen dahil sarili niyang recipe yung nasa menu namin. Yung recipe na yun ginawa niya para sa akin dahil nga mahilig ako sa apple.
Gusto ko nga tumulong pero ayaw naman ako patulungin nila kuya. Hintayin ko na lang daw sila Dad. Tapos sumabay daw ako sa kanila sa pag-uwi.
"Pinapabigay ni Zander," sabi ni Herald sa akin nang maglapag siya ng apple pie sa mesa ko at isang apple tea. Isa siya sa mga kinuha ni Kuya para gawing waiter.
"Salamat," sabi ko sa kanya. Nang makaalis siya kinuha ko yung nakadikit na sticker note doon sa mug.
'Sorry mahal. Hindi kita masasamahan diyan sa mesa mo. Kailangan kasi nila chef na tulong dito sa loob. Babawi ako sayo mamaya sa bahay,' basa ko dito.
"Baka pumangit yung bata kapag nakasimangot ka," sabi ni Phoenix sabay upo sa upuan na nasa harapan ko. Iba kasi table nina Trevor at Bliss kaya nakahiwalay ako. Kanya-kanya nga sila. Iba din yung kina Claudine at Jason. Kainggit. Wala yung partner ko. Si Stella naman, kasama sila Kia. Habang si Claude naman sila Rain yung binabantayan.
"Kapag nakita ka ng asawa ko na kinakausap ako magseselos nanaman yun," tugon ko kay Phoenix.
"Wala yung oras magselos ngayon. Busy siya," nakangiting sabi niya. Pero tinignan ko lang siya ng seryoso.
"Bakit ba hilig mo ngumiti kahit na hindi ka naman talaga masaya?" tanong ko. Nahihiwagaan talaga ako sa kanya.
"Mas gwapo daw kasi ako kapag nakangiti," tawa niya.
"Baliw," nakangiting sabi ko.
"Ngumiti ka na din. Hindi mo ba kakainin yan? Akin na lang kung ayaw mo," tanong niya sabay tingin sa apple pie.
"Bumili ka ng iyo," sabi ko sa kanya sabay kain ng apple pie.
"Panuorin lang kita busog na ako," banat niya.
"Taken na ako. Wag mo ko pormahan," paalala ko sa kanya.
"Akin ka na lang. Iwan mo na lang si Zander."
"Ayoko nga."
"Mahal kita," aniya na ikanatigil ko. Seryoso yung mukha niya.
"Pasado na ba? May babae kasi ako nagugustuhan. Gusto ko magtapat sa kanya. Sinubukan ko lang sayo," sabi niya bigla sabay tawa.
"Ah! Oo. Kamuntik na nga ako maniwala," tugon ko sabay tawa din ng pilit. Pakiramdam ko kasi totoo yun.
Sinubukan ko basahin yung isip niya pero wala ako nakitang kahit ano sa isip niya.
"Mom!" sambit ko nang makita ko ang isang babae na pumasok sa cafe. Agad ako tumayo para yakapin siya.
"Dahan-dahan lang baka madapa ka," aniya dahil kamuntik pa ako madulas buti napahawak ako sa upuan nung isang costumer.
"Ayos ka lang?" tanong ni Phoenix na agad lumapit sa akin. Tinanguan ko siya bilang tugon.
"Halika nga dito. Hindi ka na lang dapat tumayo. Lalapitan naman kita," sabi sa akin ni Mom sabay yakap sa akin.
"Nasaan sa Dad?" tanong ko.
"Pinarada yung sasakyan. Papasok na din yun," tugon nito.
"Upo po kayo. Ano gusto mo kainin?"
Pumunta kami sa inuupuan ko kanina.
"Ano ba masarap?"
"Lahat po masarap para sa akin."
"Apple pie na lang. Saka tea. Kuhaan mo na din yung Dad mo," tugon nito.
"Sige po," tinawag ko yung isang waiter at sinabi ko yung order ni Mom.
"Ayan na Dad mo," sabi ni Mom kaya napatingin ako sa glass door.
"Kamusta? Sinunod mo ba yung mga bilin ko?" tanong nito sa akin nung makalapit sa amin.
"Opo. Kahit naman gustuhin ko gawin yung bawal, lagi naman nakabantay si Zander," sagot ko.
"Bumili na din pala kami ng Dad mo ng pandagdag sa gamit ng anak niyo," sabi naman sa akin ni Mom.
"Yang Mom mo. Excited masyado sa apo niya. Gusto nga agad bilhan ng malalaking laruan," sabi naman ni Dad. Natawa ako bigla. Paano naman kasi ganun din ako. Nagpabili na nga ako agad kay Zander tapos pinaayos ko na yung mga kwarto nila.
"Ganyan din po si Xia. Ito na po order niyo," singit bigla ng asawa ko.
"Mana ka talaga sa Mommy mo," sabi sa akin ni Dad.
"Wala ka na ba gagawin sa loob?" tanong ko kay Zander nung umupo siya sa tabi ko.
"Wala na. Kinausap ka daw ni Phoenix?"
"Oo."
"Ano pinag-usapan niyo?"
"May gusto daw siyang babae," pagkukwento ko. Hindi ko sinabi sa kanya yung tungkol sa pagpraktis ni Phoenix sa akin. Yung sinabi niyang mahal niya ako.
"Edi maganda. Basta hindi ikaw," komento niya. Naisip ko tuloy bigla na wala nabanggit si Phoenix kung sino yung babae. Hindi ko rin siya natanong kung sino dahil dumating si Mom. Sino nga kaya yung babae?
Pagkatapos namin kumain nila Mom. Umuwi na din kami. Buti na lang kasabay ko si Zander. May magbubuhat sa akin kapag paakyat na kami.
"Ganda pala dito. Sarap nga naman tumira sa ganito," komento ni Claude. Sumama din kasi sila sa amin para daw nakikita nila yung bahay.
"Laki din pala ng lupang nabili mo. Meron pa ba silang binebentang lupa?" tanong ni Trevor.
"Meron pa. Bibili ka? " tugon ni Zander
"Gusto mo ba tumira malapit dito?" tanong naman Trevor kay Bliss.
"Oo naman. Mas makakasama ko si Xia kapag dito," tugon nito.
"Pati kayo lilipat? Paano na kami ni kambal?" tanong ni Claude.
"Nagpaplano pa lang naman."
"Doon din punta nun. Iiwan niyo din kami."
"Lipat na din kayo para magkakasama na tayong lahat dito," singit ko.
"Sorry Xia, walang chicks dito. Pero wag ka mag-alala maghahanap kami na malapit din dito," tugon nito.
"Akala ko ba bagong buhay ka na?" tanong ni Claudine.
"Alam mo naman na nalulungkot ako kapag mag-isa. Kaya hindi ko din natiis. Ayaw mo kasi ako samahan," pagdadrama ni Claude.
"Babaero ka lang talaga. Wag mo ko dramahan," tugon ni Claudine sabay alis. Iikutin yata niya yung bahay.
"Mahal, pahinga ka na. Tutulungan ko muna si Dad na magpasok ng gamit," paalam ni Zander sabay halik sa akin sa pisngi bago bumaba ulit para magbuhat.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top