CHAPTER 48

CHAPTER 48

Jason's POV

"Ingat kayo doon," paalam ko kay Xia. Ngayon kasi sila lilipat ng bahay. Matagal-tagal ko din sila hindi makikita.

"Salamat. Mamimiss ko kayong lahat," aniya saka kami niyakap isa-isa. Nung ako nga hinigpitan ko yung yakap ko. Minsan lang din mangyari yun. Ang sama nga ng tingin sa akin ni Zander.

"Tama na yan, dami pang kasunod," sabi ni Claudine kaya binitawan ko na si Xia.

"Ito naman. Selos agad," pang-aasar ko sa kanya..

"Ano pinagsasabi mo? Bakit naman ako magseselos?" tugon niya sabay irap.

"Kunwari ka pa eh. Wag ka mag-alala ikaw na love ko. Gusto mo din ba ng yakap? Halika dito dali! Yayakapin kita."

Lumapit ako sa kanya para yakapin pero umiwas lang siya.

"Aanhin ko yang yakap mo? Wag mo nga ako ma-love love diyan," pagsusungit niya.

"Ehem. May hindi ba ako alam tungkol sa inyo?" nakangiting tanong ni Xia.

"Marami Xia. Ito kasing si Claudine may gusto sa akin. Ayaw pang umamin," tugon ko.

"Wala ako gusto sayo. Wag ka makinig diyan Xia," kontra naman ni Claudine.

"Ano ba gagawin ko Xia? May isa kasing babae na gusto ko pero lagi akong sinusungitan. Paano ko ba siya maapaamo?" tanong ko kay Xia.

"Sino? Kilala ko ba?"

"Itago na lang natin siya sa pangalang Weslee. May maipapayo ka ba?"

"Lambingin mo lang yan. Bibigay din yan. Tara na Xia. Malayo pa yung lilipatan natin," singit ni Zander bago makasagot si Xia.

"Ayun din sasabihin ko. Goodluck sayo. Alis na kami. Pagkakita natin ulit gusto ko kayo na," paalam ni Xia saka sumakay ng sasakyan.

"Narinig mo yun? Lambingin daw kita," nakangising sabi ko kay Claudine. Ang totoo niyan ako talaga yung umamin sa kanya. Nagselos kasi ako kahapon nung makita ko siyang may kasamang lalaki. Sa sobrang selos ko nasuntok ko yung lalaki. Doon ko na napagtanto na mahal ko na pala si Claudine.

Pagkatapos noong araw na nakasama namin siya sa misyon, madalas na kami magtagpo. Tadhana na siguro naglalapit sa amin. Dahil sa kasungitan niya nahulog ako sa kanya. Siya lang yung nakilala kong babae na sinusungitan ako.

"Hindi naman ako bingi para hindi marinig yun," tugon niya. Hinila ko siya palapit sa akin saka niyakap sa bewang. Tinaas ko yung baba niya na para bang hahalikan.

"Seryoso ako sayo. Hindi ako titigil hanggang hindi mo ko sinasagot. Sigsiguraduhin kong magiging akin ka bago matapos itong taon," nilapit ko yung mukha ko sa kanya pero wala ako balak na halikan siya.

"Wag ka muna kiligin sample lang ito," bulong ko bago siya bitawan. Napangiti ako habang paalis, nakita ko kasi yung pamumula niya sa ginawa ko. Napatunayan ko na may epekto ako sa kanya.

Biglang may tumama sa likod ko. Pagtingin ko nakita ko yung sapatos ni Claudine.

"Bwisit kang lalaki ka! Wag mo ko pinaglalaruan," inis na sabi niya. Pinulot ko lang yung sapatos niya saka lumapit sa kanya sabay pukpok ng sapatos sa ulo niya. Akala niya siguro hindi ako gaganti. Pero mahina lang yung ginawa ko ah. Gusto ko lang siya inisin lalo dahil ang cute niya.

Tinignan niya ako ng masama habang nakahawak sa ulo.

"Ilang ulit ko ba sasabihin na seryoso ako? Gusto mo yata halikan kita para lang patunayan na seryoso ako sayo," sabi ko sa kanya. Umupo ako saka kinuha yung paa niya para isuot yung sapatos niya. Kamuntik pa nga siya matumba pero napahawak siya sa akin.

"Ang sapatos ginawa para isuot sa paa, hindi para ipambato," sermon ko sa kanya habang nakatingala. Tumayo na ako at siya naman ngayon ang timingala dahil matangkad ako. "At ikaw naman pinanganak sa mundong ito para mahalin, hindi para paglaruan. Wag mong kakalimutan yan. Ha? May kailangan pa ako gawin kaya alis n ako. Wag mo ko masyado mamimiss dahil magkikita pa tayo bukas," hinalikan ko siya sa pisngi para may remembrance. Biglang may humawak sa balikat ko.

"Nahuli lang ako ng dating nilalandi mo na kakambal ko," sabi ni Claude habang nasa likod ko. Patay! Naabutan pa ako.

"Bro, bakit ngayon ka lang? Kanina pa nakaalis sila Zander. Sayang hindi mo naabutan," sambit ko.

"Wag mo ko mabro-bro diyan. Ano ginagawa mo kay Claudine?"

"Nililigawan."

"Kailan mo pa siya pinopormahan?"

"Tagal na."

"Kapag nalaman kong pinaglalaruan mo lang ang kakambal ko, ipapadala kita sa Mars. Tara na Claudine."

"Seryoso ako sa kakambal mo," sigaw ko habang palayo sila. Kinabahan ako doon ah. Akala ko kung ano na gagawin niya sa akin.

*******

Xia's POV

"Bahay ba talaga natin ito?" tanong ko. Yung style kasi ng bahay parang castle. Nakatayo ito sa may cliff pero hindi naman doon sa dulo na yung ibaba dagat na  Para makarating doon sa bahay kailangan mo umakyat ng hagdan paakyat sa may cliff. Sa ibaba naman ng hagdan may mga tanim na bulalak, halaman at puno. Ayum ung nagsisilbing garden ng bahay. May nakita pa nga ako puno ng mansanan. Meron ding nakatayong gazebo sa gitna nito. Pwede doon tumambay kung gugustuhin. May playground din para sa mga bata yun nga lang kumpara sa ibang playground may bubong yun para daw kung sakaling magkaanan ako ng may katawamg bampira pwede pa rin siya makapaglaro. May pool din doon sa kabilang gilid. Paikot kaso iyon sa may cliff doon sa likod yung pool area. Bale yung front yun yung may hagdan paakyat ng bahay. Yung pool are napapalibutan ng mga matataas na puno kaya halos hindi na masikatan ng araw na pinasadya talaga.

"Alam ko gusto mo ng simple lang pero gusto ko maganda yung bahay natin para sa mga magiging anak natin. Gusto na kahit malayo sa mga tao gugustuhin nila pa rin tumira dito," paliwanag niya. Napangiti ako sa sinabi niya dahil iniisip din niya yung kalagayan ng magiging anak namin.

"Paano kapag mag-aaral na sila?" tanong ko habang paakyat kami.

"Ihahatid-sundo ko sila."

Pagkapasok namin sa loob doon ko lang nakita na malaki yung bahay.

"Ilang kwarto meron dito?" tanong ko.

"12," tugon niya.

Inisa-isa ko tignan yung sinabi niyang kwarto. Dalawa sa ibaba, tatlo sa second floor, apat sa third floor, dalawa sa fourth floor at isa sa pinakatuktok na kwarto din. Ang ganda nga doon kasi tanaw yung dagat tapos pwede din mag star gazing kasi ang taas. May nakita nga akong telescope sa may balcony.

"Kaninong kwarto ito?" tanong ko.

"Kahit sino sa atin na gustong matulog dito," tugon niya. Kanina kasi tinuro niyang kwarto namin yung nasa second floor.

Ginawa  niya siguro ito para kapag may gustong mapag-isa.

"Ayusin na natin yung mga gamit natin," aniya kaya bumaba na kami gamit ang elevator. May elevator di kasi yun nga lang nakatago. Hindi mo makikita yung elevator kasi nasa tagong kwarto. Yung kwartong yun library. Paglabas mo sa elevator mga libro makikita mo. Then yung labasan namin umiikot na pader. May pipundutin ka para umikot yun. Hi-tech din itong bahay.

Bukod sa mga kwarto meron din kaming music room, laboratory para daw sa Dad niya, medical room para sa dad ko, play room para sa mga bata, entertainment room kapag gusto daw namin manood ng movie dahil nga daw malayo kami masyado sa mga mall. At siyempre hindi mawawala yung kitchen, dinning, at living room.

"Salamat. Tapos na rin tayo," sabi ko sabay upo sa sofa.

Hindi ko alam kung gaano katagal kami naglinis at nag-ayos ng gamit  basta inabot kami ng gabi. Ang laki naman kasi nitong bahay.

"Tamang-tama palubog na yung araw. Tara sa labas," aniya sabay hila sa akin. Lumabas kami sa may back door at nagtunggo sa dulo ng cliff kung saan mas tanaw ko ng malapitan yung dagat.

"Ang ganda!" sambit ko nang matanaw ko ang paglubog ng araw.

"Mas maganda ka diyan," sabi ng asawa ko sabay hawak doon sa tagiliran ko.

Yumakap ako sa kanya saka sumandal sa dibdib niya habang nakatingin  pa rin sa sunset. Sana ganito na lang palagi pero alam kong lahat ng ito may katapusan.

"Mahal, kapag namatay  ako gusto ko sunugin niyo yung katawan ko tapos itapon mo dito sa dagat. Para kahit wala na ako nasa tabi niyo pa rin ako kasama nitong dagat," sabi ko sabay lingon sa kanya. Bumungad sa akin ang salubong niyang kilay.

"Wag kang magsalita ng ganyan. Hindi ka pa mamatay," sermon niya sa akin.

"Basta ganun gawin mo ha?" sabi ko sabay yakap sa kanya lalo kaya nakaharap na ako sa kanya ngayon.

Sa halip na sagutin niya ako, isang halik ang binigay niya.

"Pasok na tayo sa loob. Magluluto pa tayo ng hapunan," aniya sabay hawak sa kamay ko at hilala papasok. Usapan kasi namin na dalawa kaming magluluto. Gusto nga  niya siya lang pero ayoko kaya napagkasunduan namin na magkasama kaming magluluto.

Tinignan ko si Zander na tutok sa ginagawa niya. Gusto ko pag-usapan yung kanina kaso ayaw niya. Hindi man lang niya sinagot yung request ko.

"Aww!" sambit ko nang mahiwa ko yung daliri ko.

"Tss. Kung ano-ano kasi iniisip," aniya sabay kuha ng kamay ko at sipsip  doon sa dugong lumalabas.

"Hindi mo kasi sinagot yung kanina," reklamo ko. Binaba na niya yung kamay ko. Wala ng dugo yun at kusang gumaling yung sugat ko. Parang walang nangyari.

"Ako na lang dito. Umupo ka na lang diyan. Bawal ka mapagod," aniya sabay balik sa ginagawa niya.

"Ayoko din naman mangyari yun. Hindi ko din naman gustong mamatay," naiiyak na sabi ko.

"Siyet! Wag ka umiyak," lapit niya sa akin bigla. Pero  wala na naiyak  na ako.

"Gusto ko kayo makasama ng mas matagal. Bakit ganun? Kung kailan may dahilan na ako para mabuhay saka mangyayari yun. Ayoko kayong iwan," sa totoo lang natatakot akong maiwanan sila. Alam ko kasi yung pakiramdam na maiwanan. Ayokong mangyari sa kanila yung naranasan ko.

"Sorry. Wag ka na umiyak. Payag na ako sa gusto mo pero ito na yung huling beses na pag-uusapan natin yun ha?Tahan na," aniya sabay yakap ng mahigpit sa akin. Hinalikan niya ako sa noo  at saka pinunasan yung luha ko bago niyakap ulit.

"Mahal, yung niluluto mo sunog na," sambit ko nang maamoy ko yung niluluto niya. Dali-dali naman siya nagpunta doon. Nataranta pa siya kaya natawa na lang ako sa kanya.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top