CHAPTER 45
CHAPTER 45
Xia's POV
"Good Morning Mahal," bati sa akin ni Zander pagkadilat ko. Nakayakap siya sa akin habang nakatitig. Ningitian ko siya.
"Good Morning," tugon ko sabay halik sa kanya. Babangon na sana ako nang maalala kong wala akong kahit anong suot.
'Paano ako makakatayo? Ayoko naman maglakad ng nakahubad sa harapan niya?' sa isip ko. Biglang tumawa si Zander kaya tinignan ko siya ng masama. Binasa nanaman niya isip ko.
"Nakita ko na din naman yan. Saka mag-asawa na tayo kaya ayos lang kahit maglakad ka ng nakahubad," diretsong sabi niya na ikinapula ko.
"Che!"
Niyakap niya ako sabay halik sa batok ko. Medyo nakiliti pa nga ako sa ginawa niya.
"Tigilan mo yan. Gutom ako," pigil ko sa kanya sabay tulak sa kanya. Baka kasi kung saan mapunta yung halik niya. Pagod pa naman ako dahil sa ginawa namin kagabi. At gutom na din ako.
"You can drink my blood," bulong niya.
"No."
Tinignan ko siya ng matalim.
"Okay fine. Magbihis ka na. Hintayin kita sa labas," aniya sabay tayo.
"Nakabihis ka na pala," pansin ko nung makitang nakapantalon na siya. Akala ko kasi nakahubad din siya kaya ayoko hilain yung kumot.
"Yeah. Nakapagluto na din ako," tugon niya habang nagsusuot ng t-shirt. Kanina pa siguro siya gising.
Pagkalabas niya dali-dali akong tumayo pero hindi ko na pinangtakip yung kumot dahil wala naman siya. Ngunit biglang bumukas yung pinto kaya agad ako napahila sa kumot para takpan ang katawan ko.
"Sorry. Kukunin ko lang yung phone ko," aniya sabay kuha ng cellphone niya sa patungan ng lampshade. Lumabas din siya agad. Pumunta ako sa may pinto at saka ito nilock.
Kumuha na ako ng damit at nagbihis. Pagkalabas ko ng kwarto, dumiretso agad ako ng cr para maghilamos at magtootbrush. Habang nakatingin ako sa salamin may napanasin akong mapula sa leeg ko. Namumog ako saka ko tinignan mabuti. Ang dami kong hickey sa leeg hanggang sa dibdib.
"Zander!!" sigaw ko sabay bukas ng pinto. Agad naman siya pumunta sa harapan ko.
"Bakit mahal?" tanong niya.
"Tignan mo ginawa mo? Paano ako nito lalabas?" tanong ko sabay turo sa leeg ko.
"Kaya nga kita nilagyan niyan para dito ka lang," tugon niya.
"Bakit?"
"Kapag lumabas ka hindi na kita masosolo. Dito na lang tayo sa hotel maghapon para walang istorbo."
"Sino naman mang-iistorbo?" tanong ko. Biglang may kumatok sa pinto kaya sabay kami napalingon doon. Bubuksan ko na sana pero hinila ako ni Zander at niyakap.
"Wag mo bubuksan. Si Phoenix lang yan," bulong niya.
"Paano mo nasabi?" tanong ko.
"Basta. Hayaan mo lang siya," hila niya sa akin papunta sa lamesa kung saan may nakahandang pagkain.
Pinaghiwa niya ako ng beef steak. Saka siya tumusok ng maliit at sinubo sa akin.
"Ang sarap. Kain ka na din," sambit ko kaya kumain na din siya.
Mabuti na lang tumigil na yung kumakatok. Wala ng maingay.
"Kanina pa ako katok ng katok. Hindi niyo man lang ako pinagbuksan," sabi ng isang tinig ng lalaki. Biglang nasamid si Zander kaya mabilis ko siya inabutan ng tubig.
"Ayos ka lang?" tanong ko nang makainom siya ng tubig.
"Ayos lang ako. Salamat," tugon niya sabay lingon kay Phoenix. Ang sama ng tingin niya dito. Parang gusto niyang patayin. Hinawakan ko yung kamay niya siya mesa baka sakaling kumalma siya dahil alam kong ayaw niya kay Phoenix.
"Paano ka nakapasok?" tanong ko kay Phoenix. Pinakita niya sa akin yung susi ng kwarto namin.
"Ninakaw ko yung extra nilang susi," pagmamalaki niya.
"Ano kailangan mo? Bakit ka ba sunod ng sunod sa amin?" tanong ni Zander.
"Wow! Ang daming pagkain. Tamang-tama gutom ako. Pahingi ako ha?" sambit ni Phoenix sabay upo sa tabi ko at dahil sakto lang yung kutsara tinidor kinamay na lang niya yung pagkain. Punong-puno nga yung bibig niya dahil sa ang dami niyang sinusubo.
Napatayo ako nang biglang nagyelo yung mesa kasama yung pagkain. Nilingon ko si Zander at ayun galit na siya.
"Aalis ka o papatayin kita?" tanong niya kay Phoenix at isang malakas na tawa lang ang tinugon nito.
"Bakit hindi mo subukan? Tignan natin kung mapapatay mo ko," aniya kaya agad siyang hinagisan ng kutsilyo ni Zander.
"Zander!" sigaw ko nang madaplisan si Phoenix sa pisngi. Hindi ko inaasahan na gagawin yun ni Zander. Hinarap ko sa akin si Phoenix para matignan yung sugat niya pero hindi ko pala kailangan mag-aalala. Pagkapunas ko ng dugo sa pisngi niya wala na itong sugat.
"Paano nangyari yun? Tao ka pa talaga?" tanong ko. Biglang may humila sa akin palayo kay Phoenix.
"Wag ka dumikit sa kanya," bulong sa akin ni Zander habang hawak-hawak ako.
"Ginawa akong ganito ni Ate, katulad ng ginawa mo sa kaibigan mo," paliwanag niya. Naalala ko bigla si Stella.
"Ako may gawa nun kay Stella?" tanong ko.
"Hiniling mo na mabuhay siya diba? Hindi biro ang kapangyarihan mo," tugon niya sa akin.
"Pero hindi ko pa alam kung anong klaseng kapangyarihan meron ako nung panahon na yun," sambit ko.
"Dahil yun sa kapangyarihan mo mismo ang kusang kumikilos ayon sa nararamdaman mo at nilalaman ng isip mo. Hindi ko nga alam kung bakit mas pinili ni ate na mamatay kaysa iligtas ang buhay niya. Bakit hinayaan niyang makuha ang puso niya? Bakit? Ano ang dahilan niya? Kung tutuusin kaya niyang labanan ang mga doctor na yun pero hindi. Hindi niya ginawa yun. Bakit? Bakit mas ginusto niya ibigay ang puso niya sa taong hindi niya kilala?" tanong ni Phoenix. Mababakas sa kanya ang galit pero hindi ko alam kung sa akin ba o sa ate niya.
"Walang kasalanan doon si Xia. Hindi niya din ginusto na mangyari yun sa kapatid mo," tugon ni Zander.
"Alam ko. Kaya nga hindi ko magawang magalit sa kanya. Xia, gusto ko mangako ka sa akin. Ipangako mo sa akin na kapag namatay ka, ibabalik mo sa akin ang puso ni ate ng buong-buo."
Habang nakatingin ako sa mga mata ni Pheonix. Isang imahe ang nakita ko. Imahe ko na maaring mangyari sa nakatakdang panahon.
"Sige. Nangangako ako na oras na mamatay ako babalik sayo ang puso ng ate mo," sambit ko.
"Xia, ano ba sinasabi mo?" tanong sa akin ni Zander kaya hinarap siya at ningitian ko.
"Nangangako din ako na ibibigay ko lahat ng gusto mo kahit mamatay man ako. Gusto ko matupad lahat ng kahilingan niyo na magpapasaya sa inyong lahat na nag-alaga sa akin at tumulong. Mawala man ako sisiguraduhin kong matutupad yun," nakangiting sabi ko dahil kung may gugustuhin man ako mangyari ayun ay ang maging masaya sila lahat.
"Wag kang magsalita ng ganyan. Para namang mamatay ka na," inis na sabi ni Zander kaya niyakap ko siya.
"Ehem. Okay na yung narinig ko. Maiwan ko na kayo," paalam ni Phoenix saka umalis.
*****
Pheonix's POV
"Excuse me Miss," tawag ko sa nasalubong kong nagtatrabaho dito sa hotel.
"Yes Sir?" tanong nito. Inabot ko yung susing ninakaw ko kanina.
"Napulot ko kanina. Baka nahulog," pagsisinungaling ko. Pagkakuha niya nun umalis na din ako agad.
'Sige. Nangangako ako na oras na mamatay ako babalik sayo ang puso ng ate mo.'
'Nangangako din ako na ibibigay ko lahat ng gusto mo kahit mamatay man ako. Gusto ko matupad lahat ng kahilingan niyo na magpapasaya sa inyong lahat na nag-alaga sa akin at tumulong. Mawala man ako sisiguraduhin kong matutupad yun.'
Napangiti na lang ako bigla nang maalala ko ang mga binitawang salita ni Xia kanina.
"Stupid! Hindi ka dapat basta na lang magbitawan ng salita," bulong ko habang naglalakad.
Pagkalabas ko saktong bumuhos ang ulan. Nanadya yata. Kung kailan nakalabas ako saka umulan. Tumuloy na lang ako sa paglalakad at hinayaang mabasa ako ng ulan. Nilingon ko ang hotel na pinanggalingan ko.
"3 years from now, mamatay ka. Ano kaya mangyayari pagkatapos nun? Hanggang saan ka kaya matutulungan ng kapangyarihan mo, Xia. Hindi na ako makakapaghintay na makita ang resulta ng mga sinabi mo kanina," nakangiting sabi ko pero nawala din yun nung maalala ko ang dahilan ng kamatayan niya.
"Hindi ka sana mamatay kung hindi mo minahal ang lalaking yun. Teka! Bakit ba ako concern sa kanya? Ano naman kung mamatay siya? Mas maganda nga yun para mabawi ko na puso ni Ate."
Pansin ko na pinagtitinginan ako ng mga dumadaan. Iniisip siguro nila na nababaliw ako dahil nagsasalita ako ng mag-isa pero paki ko ba sa kanila. Hindi ko naman ikakamatay kung isipin nilang baliw ako.
"Phoenix!"
Napalingon ako sa babaeng sumigaw. Yung kaibigan lang pala ni Xia. Akala ko kung sino na.
"Bakit naliligo ka sa ulan? Baka magkasakit ka niyan. Tara dito," sabi sa akin ni Stella saka ako pinayungan at hinila para sumilong. Parehas sila ni Xia, masyadong mabait.
"Masaya ka ba sa buhay mo ngayon?" tanong ko sa kanya. Katulad ko, wala na din siyang pamilya. 3 years ago nung maaksidente yung magulang niya.
"Oo naman. Bakit mo natanong?"
"Hindi ka ba nalulungkot na mag-isa ka lang?"
"Sino nagsabing mag-isa ako? Kahit wala na ang magulang ko. Nandyan naman sila Xia para sa akin. Siguro ganito din yung naramdaman ni Xia nung panahon na nakilala niya sila Zander at hindi pa niya alam na buhay pa ang totoo niyang pamilya," nakangiting sabi niya. Medyo nakaramdam ako ng inggit sa kanya. Mabuti pa siya may tumatanggap sa kanya. Samantalang ako mag-isa lang talaga.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top