CHAPTER 39

CHAPTER 39

Xia's POV

"Bakit dala mo yung gamit ko?" tanong ko kay Zander. Pagbalik niya kasi bitbit na niya yung mga gamit ko.

"Dito daw muna tayo sabi ni Dad. Under observation daw yung apartment building. May hinala sila na member din ng Zodiac yung ibang nandoon," paliwanag niya habang tuloy lang sa paglalakad. Dinala niya sa kwarto niya yung mga gamit ko.

"Dito ako matutulog?" tanong ko.

"Bakit ayaw mo? Ikakasal na din tayo kaya walang masama kung magtatabi tayo," tugon niya.

"Hindi naman," sagot ko. Lumingon siya sa wristwatch niya.

"May oras pa tayo. Mag-ayos ka, pupunta tayo ngayon sa papa mo."

"Huh? Bakit?"

"Nakalimutan mo na ba? Hihingiin ko ang kamay mo ngayon."

"Ah! Oo nga pala," sagot ko. Nawala kasi sa isip ko yung tungkol sa nangyari. Hindi ko kasi akalain na itutuloy namin yun kahit na problemado kami gawa ng Zodiac.

Nag-ayos lang ako ng kaunti at nagpalit ng blouse. Siya naman nagpalit ng polo. Nagtunggo kami sa ospital kung saan nagtatrabaho si Dad.

~Hayakawa Ospital

"Dad!" sigaw ko nang makita ko si Dad saka kumaway.

"Nandito na pala kayo. Akala ko hindi na kayo darating. Tara sa opisina," aniya saka kami sinabayan sa paglalakad.

"Hindi po ba kami nakakaabala?" tanong ni Zander.

"May operation akong gagawin mamayang 2pm."

"1:45 na Dad. Baka kailangan niyo na maghanda. Hihintayin na lang po namin kayo," sambit ko.

"Ayos lang anak. May 15 minutes pa naman."

"Makakapaghintay naman po kami. Unahin niyo na po yung pasyente niyo."

"Sigurado ka?"

"Opo," sagot ko saka ngumiti.

"Hatid ko na lang kayo sa opisina ko."

Pagkahatid niya sa amin, umalis din siya agad. Umupo ako habang si Zander naiwang nakatayo.

"Tingin mo papayag siya?" tanong niya sa akin.

"Kinakabahan ka ba?" pang-aasar ko sa kanya.

"Hindi. Bakit naman ako kakabahan?" aniya habang hindi mapakali. Napangiti na lang ako dahil ngayon ko lang siya nakitang kabado.

"Paano kapag hindi siya pumayag tulad ni kuya?" tanong ko sa kanya.

"Pakakasalan pa rin kita. Kung kinakailangang itanan kita, gagawin ko. Pero mas maganda kung may basbas nila."

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Papayag si Dad kaya umupo ka na dito sa tabi ko at kumalma."

Sumunod naman siya sa akin. Umupo siya sa tabi ko pero bago yun hinalikan niya muna ako sa pisngi.

"I love you," aniya habang nakatingin sa mga mata ko.

"I love you too."

Muli niya ako hinalikan pero sa labi na. Agad ko naman ito itinugon saka napapikit. Yumakap pa ako sa batok niya at naramdaman ko ang pagyakap niya sa bewang ko. Binuhat niya ako saka kinandong habang tuloy pa rin sa paghalik.

*knock.knock.knock*

Bigla kami napabitaw sa isa't-isa nang makarinig kami ng katok. Tumayo agad ako at inayos yung damit at buhok bago buksan yung pinto. Bumungad sa akin ang isang babae na pamilyar sa akin. Parang nakita ko na siya dati.

"Excuse me. May appointment sila kay Dr. Knight, ayos lang ba kung maghintay sila dito kasama niyo?" tanong ng nurse na katabi niya. Kilala na ako dito bilang anak ni Dad. Hindi ko nga alam kung paano nangyari yun. Minsan lang naman ako dumalaw dito.

"Sure. Upo po kayo," tugon ko. Pinapasok sila ng nurse at doon ko lang napansin na may kasama pala silang lalaki. Pagkakita ko sa kanya doon ko na naalala kung saan ko nakita yung babae. Sila yung nasalubong ko sa mall habang invisible ako.

Nagkatinginan kami nung lalaki kaya ningitian ko na lang ito. Ngumiti din ito pabalik saka umupo. Sinara ko na ang pinto saka umupo sa swivel chair ni Dad. Si Zander naman tumayo na lang sa tabi ko.

Nabalot kami ng katahimikan sa opisina. Para malibang ako, nilaro ko na lang yung rubik's cube ni Dad. Abala ako sa pagbuo nito nang maramdaman ko ang pag-akbay ni Zander.

"Hindi ko mabuo. Ikaw nga," sambit ko sabay abot sa kanya. Kinuha naman niya ito saka inumpisahang buuin. Napanganga lang ako habang pinapanood siya dahil mabilis niya lang ito nabuo. Samantalang ako hirap na hirap.

"Ang galing mo. Paano mo nagawa yun?" tanong ko sa kanya.

"Basta binuo ko lang," aniya pero hindi ako naniniwala. Inikot niya yung upuan ko paharap sa kanya.

"Wala ako prize na kiss?" paglalambing niya parang balewala lang sa kanya na may kasama kami.

"Mamaya na, may tao," bulong ko sa kanya.

"Hayaan mo sila. Saglit lang naman. Kiss mo lang ako," pangungulit niya.

"Kakakiss lang natin kanina. Mamaya na."

"Mamili ka. Ako hahalik sayo o ikaw hahalik sa akin?"

"Weird mo. May problema ba?" tanong ko sa kanya. Hindi naman siya ganito mapilit pagdating sa kiss.

Tumingin siya doon sa kasama namin. Masama ang tingin nito doon kaya lumingon din ako doon. Biglang umiwas ng tingin yung lalaki. Bigla ako hinawakan sa pisngi ni Zander. Hinarap niya ako sa kanya saka hinalikan.

"Sa akin ka lang tumingin," aniya. Inikot niya yung upuan ko patalikod sa table saka siya tumayo sa harapan ko nakipagtitigan.

*****

Xavier's POV

Nagtunggo ako sa Moonlight Corporation. Tuloy lang ako sa pagpasok at hindi pinansin ang mga empleyado. Isa lang naman ang pakay sa lugar na ito.

"Sir, bawal po kayo pumasok," pigil sa akin ng secretary dahil diretso lang ako sa opisina ni Mr. Sanchez.

Binuksan ko yung pinto na para bang walang narinig. Pagkapasok ko bakas sa mukha ni Mr. Sanchez ang gulat.

"Naalala mo pa ba ako Mr. Sanchez?" tanong ko. Bigla ito namutla na akala mo nakakita ng multo.

"Calvin? Buhay ka?" hindi makapaniwalang sabi niya.

"Sorry po Sir. Sinubukan ko siya pigilan pero tuloy lang po siya sa pagpasok," paliwanag ng secretary niya.

"Ehem. Ayos lang. Iwan mo muna kami," utos niya dito  kaya lumabas na ito. Pagsara ng pinto agad ako lumapit kay Mr. Sanchez.

"Nabalitaan ko yung ginawa mo sa kapatid ko. Nalaman ko din na nagpadala ka ng mga tao para lang mabantayan mo bawat galaw niya," umpisa ko habang pinipigilan ko ang sarili ko na saktan siya.

"Hindi ko alam kung ano sinasabi mo," pagsisinungaling nito na lalo kong ikinainis.

"Nagsalita na yung pinadala mo. Ikaw daw ang nagpadala sa kanya para i-stalk si Xia."

"Wala akong alam sa sinasabi mo. Oo, minsan kong pinagtangkaan si Xia pero matagal ko na siya tinigilan. Hindi ko na nga alam kung ano na nangyari sa kanya."

Sa sobrang inis ko kiniwelyuhan ko siya.

"Huling-huli ka na nga, nagsisinungaling ka pa? Ipapakulong kitang hayop ka," galit na sabi ko sa kanya bago patulak na binitawan.

"Umalis ka na sa kumpanya ni Papa at sumuko sa pulis bago pa ako kumilos. Hindi mo alam kung ano kaya ko gawin. Sapat na naman siguro sayo yung mga taon na naging presidente ka ng kumpanya ni Papa. Oras na para bawiin namin ang sa amin," paalala ko sa kanya. Umalis ako agad bago ko pa siya mapatay.

Magpasalamat siya dahil hindi si Xia ang sumugod sa kanya. Kung si Xia lang yung nandito baka patay na siya.

Habang palabas ako nasalubong ko si Oliver. Nagkatinginan kami pero tuloy kami sa paglalakad hanggang sa malampasan namin ang bawat isa.

"Ano ginagawa niya dito? Magkakilala kaya sila ni Mr. Sanchez?" tanong ko sa aking sarili habang tuloy lang sa paglalakad patunggong parking area.

"Xavier!" sigaw ng isang pamilyar na boses.

"Kenji, ano ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Sinusundan ko si Oliver. Ikaw?"

"Pinuntahan ko si Mr. Sanchez."

"Tingin mo magkakilala silang dalawa ni Oliver?"

"Hindi ko alam. Pwede din kasi na may iba siyang pinuntahan," sagot ko. Hindi na muna ako umalis. Sinamahan ko si Kenji sa paghihintay hanggang sa lumabas si Oliver.

"Magkano ba gusto mo? Kahit ano ibibigay ko wag ka lang magsalita," sigaw ni Mr. Sanchez habang hinahabol ito Nagtinginan kami ni Kenji dahil tama ang hinala namin na magkakilala sila.

"Hanapin mo ang kapatid ko. Ayun lang ang gusto ko. Kapag nasigurado kong ligtas siya hindi ko sasabihin na ikaw ang nag-utos sa amin na pasukin ang bahay nila Mr. Cortez para patayin sila," sagot nito.

What the hell! Si Mr. Sanchez nasalikod ng pagnanakaw sa amin?

Hinawakan ako sa balikat ni Kenji. Napansin niya siguro ang pagkuyom ng kamao ko dahil sa galit. Gusto kong sugurin si Mr. Sanchez pero alam kong hindi iyon ang solusyon. Hindi ko akalain na siya din ang nasalikod ng pagpatay kila Mama. Akala ko normal na pagnanakaw  lang ang nangyari.

"Nakinabang din naman kayo doon. Marami kayong nakuhang pera at gamit. Pinagsamantalahan niyo din si Rea kaya wag mo sa akin isisi ang lahat."

Lalong kumulo ang dugo ko sa narinig ko. Kung wala lang si Kenji sa tabi ko baka napatay ko na silang dalawa.

"Hindi ko naman tinatanggi yung ginawa ko. Wala din mawawala sa akin kahit malaman nila yung totoo. Pero sayo meron. Lahat ng meron ka mawawala. Uulitin ko yung sinabi ko kanina. Gawin mo ang lahat para mahanap ang kapatid kung ayaw mong malaman ng pulis lahat ng sikreto mo," pananakot ni Oliver bago umalis.

Tumawa bigla si Mr. Sanchez na parang baliw.

"Ako pa tinakot mo? Baka nakakalimutan mo na pwede kita ipapatay," sambit nito habang tumatawa na katulad sa demonyo.

"Ayos. May ebidensya na tayo," sambit ni Kenji sabay pindot sa salamin niya. Doon ko na lang napansin na kanina pa niya nirerecord yung usapan nila Oliver gamit yung salamin na ginawa nila.

Tumayo na ito at sumakay sa sasakyan niya. Ganun  din ang ginawa ko. Pinaandar ko yung sasakyan patunggo kay Mr. Sanchez, wala akong paki kung mabangga ko siya. Swerte naman ito na nakaiwas. Totoo nga ang kasabihan na hindi agad namamatay ang masamang damo.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top