CHAPTER 36
CHAPTER 36
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Xia kay Zander nang bigla na lamang siya nito hinila palabas.
Wala siya magawa kundi ang sumunod dahil sa handcuffs na nilagay nilagay sa kanila.
"Sa office," aniya saka siya nito pinasakay sa sasakyan.
"May trabaho ka pala. Bakit mo ko isasama?" inis na tanong ni Xia dahil makikita nanaman niya doon ang higad na katrabaho ni Zander.
"Para mabantayan kita. Tingin mo ba iiwanan kita doon ng mag-isa?" tugon nito.
"Kaya ko naman sarili mo," bulong ni Xia habang nakatingin sa bintana.
"Kaya mo sarili mo? Kaya pala kamuntik ka na kanina. Kundi lang dumating sila dad baka ano na nangyari sayo. Tulad kanina umalis lang si Xavier, pinuntahan ka na niya agad."
Hindi na nakaimik si Xia dahil totoo ang sinabi nito. Napabuntong hininga na lang si XIa at nanahimik hanggang sa dumating sila sa opisina ni Zander.
Lalong napasimangot si Xia dahil nakaposas siya at papasok sila sa pulisya, nagmumukha tuloy siyang criminal.
"Oh? Ang ganda ng nahuli mo ah? Anong kaso?" tanong ng kasamahan niyang pulis.
Lalo sumama ang mood ni Xia.
"Ingat kayo diyan, nangangagat yan," sabi ni Zander bago makalapit ang katrabaho niya kay Xia.
"Zander, kanina pa kita hinihintay," sambit ni Corporal Santos nang makita niya ang lalaking gusto niya.
Natigilan ito nang makita si Xia na masamang nakatingin sa kanya.
"Kasama mo pala babae mo," aniya sabay taas ng isang kilay.
"Sorry, nadismaya ka ba dahil nandito ako? Hindi kasi ako kayang iwan ng asawa ko, kaya sinama niya ako," nakangiting sabi ni Xia sabay kapit kay Zander.
Gumanda ang pakiramdam niya nang makitang nakasimangot si Corporal Santos.
"Asawa? Sa pagkakaalam ko hindi pa kayo kasal."
"Hindi pa nga, pero malapit na. Invited ka nga sa kasal namin, kayong lahat invite."
"Magpapakasal na kayo?" tanong ni Sophia (Corporal Santos) kay Zander.
Humigpit ang pagkakahawak ni Xia kay Zander, para sakyan nito ang sinabi niya.
"Yeah. Sasabihin ko na dapat sa inyo pero inunahan niya ako," aniya sabay hawak sa kamay ni Xia. "Hindi na ako makapaghintay na makasama siya araw-araw."
Humarap siya kay Xia.
"Sinira mo lahat ng plano ko. Bukas ko pa dapat ito gagawin," aniya saka lumuhod sa harapan ni Xia at kinuha sa bulsa niya ang singsing.
Nagulat si Xia dahil sinabi lang niya ang tungkol sa kasal para inisin si Sophia. Hindi niya akalain na magkakatotoo ito.
"Caleigh Xia Knight... will you marry me?" tanong ni Zander.
Napaluha si Xia dahil sa sobrang saya.
"Yes," nakangiting sagot ni Xia.
Sinuot ni Zander ang singsing saka siya hinalikan sa harap ng mga kapwa niyang pulis.
Inis na umalis si Sophia habang abala ang lahat sa pagbati sa dalawa.
"Ano nangyayari dito?" tanong nila Trevor na kakarating lang.
"Ikakasal na si SPO2 Hudson," pagkukwento ng isang pulis.
Napatingin si Trevor sa singsing ni Xia saka ngumiti.
"Naks! Congrats! Akala ko ba bukas mo pa siya yayain?" bati ni Claude.
"Hindi na makapaghintay si Xia," tugon ni Zander.
"Bakit naging kasalanan ko?" tanong ni Xia.
"Sinabi mo sa kanila na ikakasal tayo," diretsong sagot ni Zander.
Namula bigla si Xia dahil sa hiya. Sinabi lang naman niya yun para tumigil na si Sophia. Malay ba niya na may binabak siyang magyaya ng kasal.
"Daya! Hindi ko man lang nakita yung proposal. Congrats Xia," sabi ni Bliss.
"Salamat," nakangiting tugon ni Xia.
"Wala na talaga ako pag-asa sayo. Congrats! Sabihin mo na lang sa akin kung ayaw mo na kay Zander, nandito ako para sayo," biro ni Trevor.
"Wag ka na umasa. Hindi mangyayari yun," sambit ni Zander.
"Makakahanap ka din ng para sayo," sabi naman ni Claude kay Trevor sabay tapik sa balikat nito.
"Hindi ko na kailangan maghanap dahil nakita ko na yung para sa akin," aniya sabay lingon kay Bliss. Namula naman ito at umiwas ng tingin.
"Goodluck," nakangiting sabi ko ni Xia nang makita ang reaksyon ni Bliss.
"Tara na sa loob," sabi ni Zander sabay hila kay Xia papasok sa loob ng opisina niya.
Pinaupo niya si Xia sa upuan niya saka nilagay doon ang isang handcuff na dapat nasa kamay ni Zander.
"Claude, pakibantayan si Xia. Pupuntahan ko lang si Chief," sabi Zander habang may hawak na folder.
"Ano ako criminal? Hindi naman ako tatakas kahit walang bantay saka nakahandcuff na ako," sabi ni Xia, kanina pa niya gusto magreklamo dahil nagmumukha na siyang criminal sa ginagawa sa kanya.
"Basta diyan ka lang. Hindi ka pa bayad sa kasalanan mo."
"Ano ba kasalanan mo?" tanong ni Claude nang makaalis na si Zander.
"Hindi ko daw siya pinansin ng ilang linggo. Kasalanan din naman niya dahil lumabas siya kasama yung higad," inis na paliwanag ni Xia.
Bumalik nanaman ang pagkainis niya nang maalala niya ang nangyari.
"Ah! Naalala ko na. Nakwento niya yung ginawa mo. Tinanong pa nga niya ako kung nahawakan mo ako dahil nasunog raw bigla buhok nung higad."
"Hindi ako naman ako may gawa niyon. Tapos hindu siya naniniwala sa akin kaya hindi ko siya kinausap noon."
"Naniniwala naman siya sayo. Magsosorry nga siya dapat sayo kaso hindi mo naman siya kinausap."
"Nasabi nga niya sa akin, kaya ngayon ako pa may kasalanan sa kanya," nakasimangot na sabi ni Xia.
Napangiti na lang si Claude dahil sa sinabi nito. Sino nga ba makakakontra kay Zander? Kahit nga criminal kaya niya mapaamin dahil sa galing niya magpaikot.
"Sa wakas makapahinga na din tayo!" masayang sabi ni Trevor habang papasok sa loob, kasunod niya sila Claudine.
"Approve na yung 1 month leave natin," sabi ni Claudine kay Claude.
"Talaga? Mabuti pinayagan tayo na sabay-sabay magleave."
"Bakit kayo nagleave?" tanong ni Xia nang marinig nito ang usapan nila.
"Kailangan daw kami ngayon ni tanda. May problema daw ngayon yung agency," tugon ni Claude.
"Hindi ka pa ba nasasabihan?" tanong ni Trevor.
Umiling si Xia bilang tugon dahil wala naman nababanggit sa kanya. Marahil masyado niyang pinag-aalala sila Xavier kaya nakalimutan na nila sabihin ito.
"Tanong mo na lang si Zander mamaya. Balik na kami sa trabaho," paalam ni Trevor pagkatapos kunin ang folder na inaayos ni Claude kanina.
Nagkanya-kanyang alis na sila para magtrabaho habang naiwang mag-isa si Xia. Abala rin si Claude dahil marami itong report na kailangan gawin.
Pagbalik ni Zander nakasimangot na si Xia dahil wala itong magawa at makausap.
Kumuha si Zander ng upuan upang tumabi kay Xia, may bitbit itong panibagong folder na agad niyang binuksan.
"Hanggang anong oras kayo dito?" tanong ni Xia.
"Five," aniya habang pumipirma sa papel na nasa folder.
"Ang tagal naman."
Pinatong ni Xia ang ulo niya sa mesa saka pinagmasdan ang lalaking mapapangasawa niya. Nilingon siya ni Zander.
"Matulog ka na muna kung gusto mo."
"Ayoko! Baka may ahas na lumapit sayo. Babantayan din kita."
Pagkatapos niya magsalita, saktong pumasok ang babaeng kinaiinisan niya.
Umayos ng upo si Xia sinundan niya ito ng tingin habang palapit kay Zander.
"Bagay sayo yung gupit mo," nakangiting sabi ni Xia nang mapansin nito ang maiksing buhok ni Sophia.
"Thanks," tugon Sophia sabay artena parang may nilalagay na buhok sa likod ng tenga kahit na wala namang nakausling buhok.
Gusto tumawa ni Xia ngunit tinignan siya ng masama ni Zander, napatakip na lang siya ng bibig habang nagpipigil nang tawa.
"Balita ko approved na daw yung leave niyo. Kailan ang start?" tanong niya kay Zander.
"Bukas," maiksing sagot ni Zander.
"Hindi na pala kita makikita bukas. I mean kayong lima," malungkot na sabi nito.
"Makikita mo naman sila sa kasal namin ni Zander," nakangiting sabi ni Xia habang pinagmamasdan si Sophia.
"Oo nga pala. Congrats! Matuloy sana ang kasal niyo," sarcastic na sabi nito.
"Oo naman. Wala namang dahilan para hindi matuloy kasal namin."
Napabuntong hininga na lang si Zander at hinayaang magsagutan ang dalawa. Ayaw na rin niyang layuan siya ni Xia oras na pakialaman niya ito.
Kinagabihan...
"Dito ka matutulog?" tanong ni Xia kay Zander nang matapos silang maghapunan.
Akala niya, uuwi na ito pagkatapos pero nagulat siya nang sabihin nitong sa apartment niya ito matutulog.
"Oo, bakit? Ayaw mo ba?" tugon ni Zander naghuhugas ng plato.
"Isa lang kwarto dito," sambit ni Xia saka pinunasan ang mga platong nahugasan na.
"Edi tabi tayo."
"Umuwi ka na lang sa apartment mo."
"Ayoko, nandoon si dad," tugon ni Zander.
Nagpaalam kasi sa kanya si Mr. Hayato na doon muna sila ni Kenji para maobserbahan nila ang mga bampirang kapitbahay ni Xia.
"Ayaw mo nun? Kasama mo sila."
"Masyadong maliit yun para sa aming tatlo. Nakalimutan mo na bang 24/7 kita babantayan?"
"Seryoso ka pala doon? Akala ko nagbibiro ka lang."
Naglakad si Xia patungo sa kwarto niya kaya sumunod sa kanya si Zander dahil sa suot nilang handcuffs.
Kumuha ng damit si Xia at naglakad patungong baanyo.
"Maliligo ako, wag mong sabihin balak mo pa rin sumama sa loob?" tanong niya kay Zander.
Ningisian siya ng binata.
"Why not? Makikita ko din naman yan kapag kasal na tayo," pilyong sabi nito.
Namula si Xia sabay hampas kay Zander.
"Umayos ka nga. Tanggalin mo muna ito. Maliligo lang ako saglit."
Inangat niya ang kamay niya na m handcuff.
"Ayoko. Sasama ako sa loob."
"Che! Hindi na lang ako maliligo," sambit ni Xia sabay alis sa tapat ng banyo.
Niyakap siya ni Zander at inamoy ang leeg niya.
"Ayos lang. Mabango ka pa rin. Ang sarap mo kagatin," bulong nito sabay halik sa leeg niya.
Nag-init ang mukha ni Xia dahil sa ginawa ng binata.
"Tigilan mo yan. Nakikiliti ako."
Siniko siya ni Xia kaya medyo napalayo ito sa kanya.
Inalis niya ang kamay ni Zander sa bewang niya saka ito humarap.
"Matulog na tayo," sabi niya kay Zander.
Pabalik na sana siya sa kwarto niya pero pinigilan siya ni Zander.
"Akala ko ba, maliligo ka?"
"Wag na. Ayaw mo naman alisin yung handcuff."
"Nagbibiro lang naman ako. Aalisin ko na."
Kinuha ni Zander ang kamay niya saka tinanggal ang handcuff.
"Diyan ka lang. Maliligo lang ako."
Hinayaan na lang siya ni Zander at nilibot nang tingin ang kwarto niya. Binuksan niya ang sliding door papuntang balkonahe saka lumabas. Sumilip siya doon para tignan kung pwede bang akyatin sa labas ang kwarto ni Xia.
Nakuha ang atensyon niya nang may umilaw sa ibaba. Pagtingin niya doon isang tao na may hawak na camera ang nakita niya, nakasumbrero ito at itim na jacket.
Napansin nito na nakatingin si Zander sa kanya kaya tumakbo ito agad para umalis.
Dahil si kinilos nito, naghinala si Zander. Tumalon siya para habulin ang lalaki. Tumingin-tingin siya sa paligid nang mawala ito sa paningin niya. Isang sasakyan ang tumakbo patunggo sa kanya, mabilis ito at halatang walang balak huminto.
Napangisi si Zander dahil masusubukan niya ang invention ng kanyang ama. Pinindot niya ang smartwatch; may lumabas na mga imaheng pagpipilian.
Wala na siyang oras para mamili pa doon kaya pinindot niya agad ang activate sa unang larawan; larawan ito ng braso at kamao. Umilaw ang smartwatch niya at biglang napalibutan ng bakal ang kanang braso at kamay niya.
"Not bad," bulong ni Zander.
Sinalubong niya ang sasakyan ng isang suntok; nagdulot ito ng pagkasira ng makina, umusok ang harapan nito at huminto.
Sapilitang binuksan ni Zander ang pinto nito. Natanggal ito kaya hinagis ni Zander saka tinignan ng masama driver; nanlalaki ang mata nito habang nanginginig sa takot.
"Akin na ang camera mo," sambit ni Zander, bumalik na sa dati ang kamay at braso niya saka nilahad ang kamay.
Nanginginig na inabot ng lalaki ang camera.
"M-maawa ka sa akin... wag mo kong sasaktan. Napag-utusan lang ako," aniya habang tinitignan ni Zander ang mga litratong kuha ng camera.
Naglalaman ito nang larawan niya at ni Xia pero karamihan dito ay larawan ng kanyang kasintahan. Kiniwelyuhan ni Zander ang lalaki dahil sa galit.
"Sino nag-utos sayo?" galit na tanong niya.
"S-si Mr. Sanchez," takot na tugon nito.
Isang tao lang ang tumakbo sa isip ni Zander; walang iba kundi ang ninong ni Xia, matagal na dapat itong napakulong ngunit wala silang sapat na ebidensya. Hindi rin nila nagawang pasalitain ang mga biktima niya dahil sa takot nila dito.
"Papatakasin kita ngayon. Sabihin mo sa kanya na kapag hindi siya tumigil, ipapakulong namin siya. Ikaw rin kaya wag na wag ka na magpapakita sa akin at lalapit kay Xia."
Papananakot ni Zander bago ito bitawan. Bumalik na siya sa apartment ni Xia habang bitbit ang camera na nakuha niya.
"Saan ka galing?" tanong ni Xia nang pagbuksan niya ito ng pinto.
"Hinabol ko yung stalker mo," sagot ni Zander sabay taas ng camera.
Kinuha ito ni Xia saka tinignan ang laman.
"Grabe! Kanina lang ito ah," aniya habang tinitignan ang mga larawan, meron doon kuha noong pasakay si Xia sa sasakyan ni Zander para pumunta sa opisina nito.
"May balita ka pa ba kay Mr. Sanchez?" tanong ni Zander habang seryosong pinagmamasdan si Xia. Gusto niya masigurado kung may alam ba ito o wala bago sabihin ang natuklasan niya.
"Wala na, bakit?"
"Wala, tara tulog na tayo."
Napagdesisyunan niyang huwag na lang sabihin kay Xia na may kinalaman si Mr. Sanchez sa mga stalker niya. Mas mabuting sila na lang ang mag-asikaso dito. Ayaw na niyang makitang problemado si Xia. Gusto niyang kasal na lang nila ang isipin nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top