CHAPTER 35
CHAPTER 35
"Xia! Lumabas ka diyan. Hanggang kailan ka magkukulong?" sigaw ni Xavier habang kinakatok ang kwarto ni Xia.
Simula noong umuwi sila galing mall, hindi na lumabas si Xia ng kwarto. Mas gusto niya na lang nakakulong simula nang makita niyang marami ang nasaktan dahil sa kapangyarihan niya.
"Kuya, ayos lang ako. Pumasok ka na sa trabaho mo. Ilang araw ka ng absent dahil sa akin," sigaw ni Xia.
"Hindi ako papasok hanggang hindi ka lumalabas diyan," pabalik na sigaw ni Xavier kaya lumabas na si Xia.
"Pumasok ka na kuya. Ayos lang ako."
"Pupunta daw si uncle dito. Tatlong araw ka hindi pumupunta roon para magsanay, kaya sila na lang daw pupunta rito."
"Okay."
Papasok na sana ulit si Xia sa kwarto ngunit hinila siya ni Xavier paupo sa sofa.
"Diyan ka lang. Kumain ka muna," utos nita.
Napalunok si Xia nang makita niya ang paborito niyang mansanas. Nakaramdam siya bigla nang gutom. Simula noong nagkulong siya, hindi na siya kumain dahil sa sobrang depressed niya.
"Kumain ka na," sabi ni Xavier.
Kumuha si Xia ng isang mansanas at kinain ito. Nang malasahan niya ito, hindi na napigilan ang sarili na kumain nang kumain hanggang sa naubos niya ang lahat ng mansanas.
"Wala na?" tanong niya kay Xavier nang mabitin ito.
"Takaw mo. Naubos mo yung dalawang dosena sa isang kainan? Wala na, ayun na lang lahat pero magdadala raw sila Kenji. Hintayin mo na lang sila," tugon ni Xavier.
Tumayo na ito nang masigurado niyang nakakain na si Xia. Masaya siyang makitang kumain ito. Sobrang nag-aalala siya noong hindi ito lumabas. Araw-araw kinakatok niya ito ngunit ngayon lamang siya lumabas.
"Alis na ako," paalam ni Xavier bago lumabas.
Ni-lock ni Xia ang pinto pagkaalis nito.
"Achoo!"
Inamoy niya ang sirili niya.
"Achoo!"
Ilang araw na siya hindi naliligo kaya ganun na lamang kabaho ang amoy niya. Maselan pa naman ang pang-amoy niya. Noong nagkukulong siya, hindi niya ito naamoy o sadyang hindi niya ito pinansin dahil depressed siya.
Nagtungo siya sa kwarto niya para kunin ang bathrobe at tuwalya saka nagmadaling pumunta ng banyo para maligo.
Dingdong.
Dingdong.
Pinatay ni Xia ang shower at mabilis na nagpunas bago sinuot ang bathrobe. Pinulupot niya ang tuwalya sa buhok ko niya bago lumabas upang buksan ang pinto.
Dingdong.
Binuksan niya agad ang pinto dahil kanina pa may pumipindot ng doorbell. Hindi lang niya ito pinapansin dahil naliligo pa siya kanina.
Akala ko niya sila Kenji na ito pero bumungad sa kanya si Oliver.
"Sorry. Naliligo ka pala," sambit nito pagkakita sa kanya.
"Ayos lang. May kailangan ka?" tanong ni Xia.
Kring! Kring! Kring!
Napatingin si Xia sa cellphone niya sa mesa nang tumunog ito.
"May tumatawag yata sayo. Sagutin mo na muna," sabi ni Oliver.
"Sandali lang ah! Pasok ka na muna," tugon ni Xia.
Nahihiya siyang paghintayin ito sa labas kaya hinayaan na lang niya itong pumasok sa loob. Iniwanan niyang nabukas ang pinto saka kinuha ang cellphone. Nang makita niya kung sino ang tumatawag, agad niya ito sinagot.
"Hello Mom," aniya.
"Salamat, sinagot mo na din tawag ko. Kamusta? Ayos ka na ba? Sabi ng kuya mo nagkukulong ka sa kwarto mo."
"Ayos lang po ako. Lumabas na po ako ng kwarto."
Napakamot si Xia sa batok niya habang palakad-lakad.
"Kumain ka na ba? Nagpadala ako ng maraming apple kay Kenji. Kumain ka ng marami, wag ka magpapagutom. Kung may problema ka, wag mong kalimutan na nandito kami ng Daddy mo. Xia, hindi ka na nag-iisa."
Natauhan bigla si Xia sa sinabi ng kanyang ina. Nawala sa isip niya na nandyan ang mga magulang niya para tulungan siya. Nasanay na siyang sinasarili ang problema dahil wala siyang malapitan noon. Pero ngayon nandito na ang pamilya niya, meron na siya mapagsasabihan.
'Bakit ko ba nakalimutan na may pamilya ako? Si kuya nandito palagi pero hindi ko man lang sila naisip,' sa isip ni Xia. Naiinis siya sa sarili niya dahil nakalimutan niya ang pamilya niya.
Pinunasan niya ang luha niya bago pa ito tumulo. Pilit niyang pinipigilan ang sarili na umiyak dahil alam niyang nakatingin si Oliver sa kanya.
Pagkababa ng kamay niya, aksidenteng nasagi ang flower vase sa tabi niya; nahulog ito at nabasag.
"Ano nangyayari anak? Parang may nahulog," tanong ng kanyang ina.
"Wala po. Nasagi ko lang yung flower vase. Sorry po kung pinag-alala ko kayo. Bukas pupuntan ako diyan."
Umupo si Xia para pulutin ang basag na flower vase.
"Salamat naman. Agahan mo bukas, ipaghahanda kita ng makakain."
Habang pinupulot niya ang mga bubog sa sahig, aksidente niyang nasugatan ang sarili.
"Opo," tugon ni Xia sabay tingin sa nagdudugo niyang daliri, sinipsip niya ito.
"Sige, mag-iingat ka diyan. Bye anak!"
Naglakad palapit sa kanya si Oliver, hindi ito napansin ni Xia dahil abala ito sa pakikipag-usap.
"Kayo din po. Bye mom," aniya saka binaba ang cellphone.
"Pasensya na naghi--"
Natigilan si Xia nang makita niya ang pulang mata ni Oliver. Kahit na alam niyang bampira ito, hindi siya sanay na makita itong ganun kaya nagulat siya.
"Sorry," sambit ni Oliver at bago pa makakilos si Xia, hinawakan niya ang kamay nito saka siya hinila.
Hinawakan niya ang bewang ni Xia upang lalo siyang mapadikit sa kanya.
"Hindi ko na kaya pigilan ang sarili ko," bulong nito.
Nanlaki ang mata ni Xia nang maintindihan niya ang ibig nitong sabihin. Nagpumiglas siya at sinubukan niya itong itulak pero sa wala itong epekto.
Tinulak ni Oliver si Xia sa sofa at saka pumatong sa ibabaw niya. Hinawakan nito ang dalawang kamay ng dalaga upang itaas.
"Bitawan mo ko. Ano ba ginagawa mo? Hindi ka na nakakatuwa," inis na sabi ni Xia kahit na alam niyang may masamang binabalak ito. Hindi niya maiwasang kabahan dahil alam niya ang kaya nitong gawin.
Ginamit ni Oliver ang kapangyarihan nito upang manghina si Xia saka nilapit ang mukha niya sa dalaga.
"Wag!" sigaw ni Xia sabay pikit.
Nabasag ang mga salamin at bumbilya sa kisame. Nang mapansin ni Xiana tumigil ito, dumilat na siya. Nagkasalubong ang mga mata nila saka nakita ni Xia kung sino ba talaga si Oliver.
Gusto niya ito itulak pero wala na siyang lakas para gawin ito.
Bumitaw si Oliver upang saluin ang mansanas na papunta sa kanya.
"Sorry, dumulas sa kamay ko. Naistorbo ko ba kayo?" sabi ni Mr. Hayato kahit na sinadya niya ito ibato pagkatapos makita ang sitwasyon ng kasintahan ng kanyang anak. Hindi siya makakapayag na may masamang mangyari dito.
"Uncle, tulu--Hmp."
Tinakpan ni Oliver ang bibig ni Xia bago pa matapos ang sasabihin nito.
"Hindi naman, salamat dito," aniya saka kinagatan ang apple. Nagulat pa ito nang may makita itong dugo.
Tinignan siya ng masama ni Xia nang hindi pa ito umalis sa ibabaw niya. Gagamitin na sana niya ang kapangyarihan niya subalit pinigilan siya ni Mr. Hayato sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa isip.
'Don't use your power.'
Kumalma si Xia subalit hindi pa rin nawala ang masamang tingin niya.
"Mabuti naman kung ganun. Pwede ka bang umalis muna? May importante kami pag-uusapan ng inaanak ko," sabi ni Mr. Hayato kay Oliver sabay lingon kay Xia.
"Okay," tugon nito saka ito tumayo at umalis.
"Ayos ka lang?" tanong ni Kenji sabay lahad ng kamay nito.
Kinuha ni Xia ang kamay niya dahil wala itong lakas para umupo, kamuntik pa siya sumubsob habang bumabangon; mabuti na lang nasalo siya agad ni Kenji. Sinandal siya nito sa upuan.
"Ganyan pala ang epekto ng kapangyarihan niya," sabi ni Kenji habang pinapanood si Xia na parang lantang gulay.
"Yeah! Nakakapanghina," tugon ni Xia.
"Uminom ka ng dugo para mabilis bumalik ang lakas mo," sabi ni Mr. Hayato habang nag-aalalang nakatinginn kay Xia.
"Bigyan niyo na lang po ako ng apple," sabi ni Xia habang nakatingin sa dala nitong apple.
Binigay sa kanya ni M. Hayato ang mansanas na piinadala sa kanila nang ina ni Xia.
"Hindi yan sapat para bumilis ang lakas mo."
"Ayos na po ako sa ganito. Itutulog ko lang ito mamaya."
Napabuntong hininga si Mr. Hayato dahil kahit ano pangkukumbinsi niya, hindi niya ito mapainom ng dugo.
"Kenji, papuntahin mo dito si Zander. Hindi pwedeng maiwan nang mag-isa si Xia dito. Mamaya balikan pa siya ni Oliver," sambit ni Mr. Hayato dahil nababahala siya sa kalagayan ng dalaga, tingin niya rin kay Zander lamang siya makikinig.
"Kaya ko po sarili ko."
Kontra agad ni Xia nang marinig niya ang pangalan ng kasintaha nia. Ayaw pa ito makita at mas lalong ayaw niyng malaman nito ang nangyari.
"Wag ka na kumontra. Malalaman din naman ni Zander kahit hindi namin sabihin. Saka hindi mo pwedeng gamitin sa kay Oliver ang kapangyarihan mo, kung sakaling lapitan ka nanaman niya."
Hindi ako nakasagot si Xia dahil alam niya kung bakit hindi siya pwede makipaglaban; Isa si Oliver sa nagtatrabaho sa kalaban, kasama siya sa Zodiac. Nagsusuot lamang sila ng pekeng mukha kaya iba ang itsura nila tuwing nasa trabaho ito.
Alam ni Xia na may alam si Mr. Hayato dahil nagagamit nito ang kapangyarihan niya sa isang tingin lamang. Ganun siya kalakas kumpara kay Zander na kailangan pa ng skin contact para magamit ang kapangyarihan.
Tinuturuan niya rin naman sila kung paano gawin yun. Pero hindi nila ito magagamit kapag nakasuot ng contact lens o kung ano mang bagay na pwede humarang sa kapangyarihan nila.
"Lahat ng nakatira dito bampira. Maliban sa may ari ng apartment," sabi ni Mr. Hayato habang seryosong nagmamasid sa paligid.
Hindi maiwasang humanga sa kanya ni Xia dahil alam nito agad sa unang isang puntahan lang.
"Paano mo po nalaman?" tanong ni Xia.
"Nararamdaman ko. Nag-iiwan ng kakaibang energy ang mga bampira. Kanina nilibot namin ito bago ka namin puntahan. Wala din akong naamoy na tao bukod tenant at yung bantay sa labas," paliwanag nito
"Amoy?" tanong muli ni Xia dahil wala naman itong naamoy na kakaiba kahit malakas ang pang-amoy nito.
"Kaya ko malaman yung pagkaiba ng bampira sa tao sa pamamagitan ng pang-amoy," paliwanag niya.
"Paano?"
Naguguluhan si Xia dahil para sa kanya walang pinagkaiba yung amoy ng tao sa bampira.
"Sabihin na natin kaya ko maamoy ang hindi naamoy ng ilong."
Lalong naguluhan si Xia sa sinabi nito. Sinubukan niya pang basahin ang isip nito para kumuha ng impormasyon pero sumakit lang ang ulo niya.
Dingdong!
Binuksan ni Kenji ang pinto. Hindi na kailangan makita ni Xia kung sino ito dahil alam na niya na si Zander ito. Malayo pa lang namoy na niya ang pamilyar na amoy nto.
"Ang bilis mo ah? Pagdating talaga kay Xia hindi ka nagdadalawang isip pumunta," sabi ni Sir Hayato ngunit hindi siya pinansin ni Zander.
"Ano ginawa sayo ni Oliver?" nag-aalalang tanong ni Zander pagkapasok.
"Wala," sagot ni Xia sabay iwas ng tingin.
Naiinis pa rin ito sa kanya dahil doon sa nangyari sa mall.
"Sorry," aniya kaya biglang napatingin sa kanya si Xia.
"LQ? Gusto niyo lumabas muna kami para makapag-usap kayo?" tanong ni Sir Hayato.
"No," sagot ni Xia ngunit sinabayan naman ng "Yes." ni Zander.
Nagkatinginan silang dalawa.
"Ayoko siyang kausapin uncle. Dito lang kayo," sabi ni Xia.
"...."
Nanahimik si Zander pero hindi nito inalis ang tingin kay Xia. Nakatitig lamang ito hanggang sa mailang si Xia.
"Wag mo kong titigan," inis na sabi ni Xia.
"Akala ko ba ayaw mo kong kausapin?" nakangising tanong nito.
Sumimangot si Xia pero hindi pa rin inalis ni Zander ang mata nito.
"~You're just too good to be true
Can't take my eyes off of you
You'd be like Heaven to touch
I wanna hold you so much
At long last love has arrived
And I thank God I'm alive
You're just too good to be true
Can't take my eyes off you~" kanta bigla ni Sir Hayato kaya napatingin sa kanya ang dalawa.
"What? Kumakanta lang ako. Theme songs namin ito ng Mommy mo," sabi niya kay Zander.
"Naalala ko noon, kinanta ko ito sa kanya. Haayy! Miss na miss ko na si Diana," pagkukwento pa nito.
"Kung hindi mo kami iniwan, hindi siya mapapatay ng mga bampirang sumugod sa amin," sambit ni Zander.
"Alam ko. Kaya nga nagsisi ako na iniwan ko kayo. Akala ko mas mapoprotektahan ko kayo kung malayo ako. Hindi ko akalain na matatagpuan nila kayo. Huli na nung dumating ang tito mo," paliwanag ni Mr Hayato.
Mababakas sa mukha niya ang kalungkutan at pagsisisi dahil sa nangyari sa asawa niya. Kung mababalik lang niya ang oras, hindi niya iiwanan ang mag-ina niya.
"Kaya ikaw, wag mo pababayaan si Xia. May regalo pala ako sayo," aniya habang nakangiti.
Kinabahan bigla si Xia dahil sa kakaibang ngiti nito, sigurado siyang may binabalak itong kalokohan.
Tinulak niya si Zander sa tabi ni Xia saka niya kinuha ang kamay nilang dalawa. Nanlaki ang mata ni Xia nang naglabas ito ng handcuff.
"Uncle!" sigaw ni Xia dahil may kutob na ito sa gagawin niya. Hihilain na sana niya ang kamay niya pero huli na dahil nalagay na ni Mr. Hayato ang handcuff.
"Ayan, wag mo na siya papakawalan," aniya kay Zander sabay abot nung kabilang handcuff.
"..."
Natahimik na lang si Xia dahil hindi na niya alam ang sasabihin niya.
"Salamat dad, sa lahat ng ginawa mo... dito lang ako natuwa," nakangiting sabi ni Zander saka niya nilagay sa kamay niya yung isang handcuff.
"Mabuti naman. Ito ang susi," sabi ni Mr. Hayato saka pinatong ang susi sa mesa.
Sinubukan itong kunin ni Xia pero naunahan siya ni Zander.
"Maiwan na namin kayo. Paalam," paalam ni Mr Hayato.
"Sanda--" sabi ni Xia sabay tayo pero natumba lang ito dahil sa panghihina ng katawan niya.
"Maupo ka lang kasi, nanghihina ka pa," sabi ni Zander habang nakayakap sa kanya para hindi siya tuluyang madapa.
Binalik niya sa upuan si Xia saka binigyan ng mansanas.
Kinuha na lang ito ni Xia at tahimik na kumain dahil ayaw na niya makipagtalo. Mas mauubos ang energy niya kung makikipag-away pa siya dito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top