CHAPTER 34

CHAPTER 34

Nagkayayaan sina Stella at Xia na lumabas, araw ng linggo kaya pareho silang walang gagawin.

"Stella dito!" tawag ni Xia nang makita ni si Stella na pumasok sa restaurant.

"Kanina ka pa ba? Sorry late ako," aniya bago ito umupo.

"Hindi naman masyado. Dumaan pa ako kila Dad bago pumunta dito. Sorry, nauna na akong mag-order, hindi pa ako nakakain ng almusal," sabi ni Xia, naubusan kasi siya ng apple kaya naman gutom ito. Kahit na hindi siya nabubusog sa pagkain ng tao, ang importante may makain siya.

"Ayos lang. Mukhang gutom ka. Waiter!" tugon ni Stella saka tinaw ang waiter para pumili ng makakain.

Nahihiya si Xia dahil hindi sila dapat sa restaurant magkikita, ginutom lang siya kaya doon na siya naghintay.

"Kamusta yung trabaho mo? Hindi ka ba pinahihirapan ni Sir Takeshi?" tanong ni Xia nang makaalis yung waiter.

"Ayos naman. Ang gaan nga lang ng trabaho ko kasi yung iba siya na din gumagawa."

"Mabuti naman. Ano nga pala sasabihin mo sa akin?"

Noong niyaya niya kahapon si Stella, sinabi nito sa kanya na may sasabihin ito oras na magkita sila.

"Ah! Ayun ba... ano kasi..." sabi ni Stella habang namumula.

Binasa ni Xia ang isip nito dahil sa kakaibang kinikilos nito.

'Paano ko ba sasabihin sa kanya na nanliligaw si Calvin sa akin?'

Lihim na napangiti si Xia nang mabasa niya ito, matagal na niya alam na may gusto ang kuya niya kay Stella. Mas matutuwa pa siya kung magkakatuluyan ang dalawa.

"Nanliligaw sa akin ang kuya mo," nahihiyang sabi ni Stella habang nakayuko.

"Congrats," nakangiting sabi ni Xia.

Napaangat ng ulo si Stella nang marinig niya ito.

"Congrats agad? Nanliligaw pa lang siya, hindi pa kami," tugon nito.

"Doon din papunta yun. Gusto mo naman si kuya diba?"

Lalong namula si Stella dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan. Hindi niya akalain na mahahalata nito ang tunay na nararamdaman niya.

"Paano mo nalaman?"

"Instinct. Kapag pumupunta ka sa bahay lagi noon lagi mo siyang hinahanap."

"Pansin mo pala yun? Crush ko siya noon kaya hinahanap ko siya"

"Noon crush mo, ngayon mahal mo na?" tanong ni Xia upang asarin ang kanyang matalik na kaibigan.

Ngumiti si Stella dahil sa sobrang kilig. Matagal na niya gusto si Xavier pero nahihiya siya dito kaya madalas si Xia ang kinakausap niya tungkol sa kapatid nito.

"Masaya ako para sayo," nakangiting sabi ni Xia.

"Niligawan ka ba ni Zander?" tanong ni Stella nang maalala nito ang tungkol sa kanila ni Zander.

"Hindi, paano niya ako maliligawan kung nasa America kami? Naghintay lang siya sa pagbalik ko."

"Naghintay lang siya tapos kayo na agad?"

Tumango si Xia bilang tugon habang napapaisip kung paano ba manligaw si Zander kung hindi pa sila.

Habang nag-iisip siya, may nahagip ang mata niya na dumaan sa may gilid nila, kita kasi ang labas dahil sa salamin lamang ang nagsisilbing pader ng restaurant.

Napatingin si Xia sa labas at hinanap si Zander. Parang nakita niya ito dumaan ngunit wala siyang makita na bakas ng boyfriend niya. Naisip niya na baka imahinasyon lang niya ito dahil sa pag-iisip niya kay Zander.

Pagkatapos nila kumain nag-umpisa na sillang mamilli ng mga damit. Nagpunta rin sila sa nadaanan na lang salon para magpaayos ng buhok.

"Tapos na Maam," nakangiting sabi ng baklang nag-ayos kay Xia.

Tumingin si Xia sa salamin at nakita niya ang bagong itsura niya; nagpalagay siya ng bangs at nagparebond ng buhok, katulad ng buhok niya noong highschool siya. Idagdag pa na simula noong naging artificial vampire siya, hindi na siya tumatanda.

"Kaingit ka. Ang bata mo pa rin tignan," sabi ni Stella.

"Ikaw din naman eh," tugon ni Xia dahil tulad niya wala din itong pinagbago sa itsura niya. Minsan napapaisip siya na baka bampira na rin ito dahil hindi ito tumatanda.

Panadaliang nalungkot si Stella pero agad din niya ito pinalitan ng pilit na ngiti.

"Tara na, magbayad na tayo," sabi ni Xia, pakiramdam niya may nasabi siyang hindi maganda dahil sa reaksyon ni Stella.

Tumayo na sila at nagbayad.

"Thank you Ma'am," sabi ng manager ng salon.

"Maniniwala ka ba kapag sinabi kong immortal ako?" tanong ni Stella nang makalabas sila.

"Oo," tugon ni Xia, sa dami ng mga kakaibang nangyari sa kanya, hindi na sia magtataka kung may makilala siyang immmortal.

"Immortal ako," seryosong sabi ni Stella.

"Huh?"

Natigilan si Xia habangg gulat na nakatingin kay Stella. Hindi niya akalain na sasabihin nito na immortal siya. Akala niya tinatanong lang siya nito kung maniniwala siya.

"Naging ganito ako pagkatapos ko maospital nung highschool tayo."

"Tinutukoy mo ba yung naaksidente ka dahil sa akin?"

"Wala ka kasalanan doon pero doon nagsimula ang lahat, sabi nila isang himala na nabuhay ako. Totoo nga siguro na may himalang naganap dahil simula nung araw na yun hindi na ako namamatay. Mabilis din gumaling ang mga sugat ko. Weird no?"

"Maliban doon wala na bang iba sayo?"

"Wala na."

'Kaya siguro tinanggap siya ni Sir Takeshi dahil doon. Hindi siya bampira kagaya namin pero immortal siya. Hindi kaya may ginawa din sa kanya, katulad sa akin?' sa isip ni Xia.

Tinignan niya si Stella para suriin ito, gusto niya masigurado na maayos ito.

"Si Zander yun ah?!" sambit ni Stella.

Napatingin agad si Xia sa tinitignan ni Stella, nakita niya sina Zander at Corporal Santos na magkasama.

Napakunot ang noo ni Xia.

'Bakit sila magkasama ng babaeng yun?' tanong ni Xia sa isipan niya.

Natahimik si Stella nang maramdaman niya ang pagbago ng mood ni Xia.

"Sundan natin," sabi ni Xia, gusto niya malaman kung ano ba ginagawa nila.

Patago silang lumapit sa dalawa at lalong umiinit ang ulo ni Xia sa nakita niya; nakakapit si Corporal Santos kay Zander habang sinasandal nito ang ulo niya. Napatingin si Xia sa magandang buhok nito na kasalukuyang nakalugay, gusto niya ito sabunutan pero dahil hindi siya pwede makalapit iniisip na lang niya na sinusunog niya ang buhok nito. Gusto niya ito maging abo hanggang sa wala na itong buhok.

"Aaahhhh! Ang buhok ko nasusunog! Aaahhhhh! Tulong!" sigaw ni Corporal Santos nang biglang mag-apoy ang buhok niya.

Nanlaki ang mata ni Xia dahil hindi niya akalain na magkatotoo ang iniisip niya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o hindi sa nangyayari.

'Ako ba may gawa niyon?' tanong ni Xia sa kanyang sarili.

"Tubig! Tubig! Aaaahhhh!" sigaw ni Corporal Santos nang lalong lumakas ang apoy, natataranta itong tumakbo sa paligid upang maghanap ng tubig.

Umalis si Zander saglit upang bumili ng tubig. Pagbalik niya binuhos niya isa-isa ang mga bitbit niyang bote ng mineral water sa ulo ni Corporal Santos.

Napasimangot lalo si Xia nang makita niya ang ginawa ni Zander, hindi niya mapigilang mainis lalo kahit na alam niyang gusto lang tumulong ni Zander.

"BOOOOO!"

"Aykabayo!" sigaw ni Stella dahil sa panggugulat ni Jason.

"Ano ginagawa niyo dito?" tanong ni Xia nang makita nito sila Xavier, hindi man lang ito nagulat sa ginawa ni Jason.

"Sinusundan kayo," sagot ni Jason kaya binatukan siya ni Xavier.

"Bakit mo sinabi? Secret lang dapat yun," sabi ni Xavier.

Napataas ng isang kilay at napangisi si Xia habang tinitignan sila.

"Bakit bigla kayong tumigil?" tanong ni Xavier.

Tumingin si Xia kay Zander na kasalukuyang pinunpunasan ang ulo ni Corporal Santos. Kung nakakamatay lang ang tingin baka kanina pa natumba si Corporal Santos dahil sa sama ng tingin ni Xia.

'Bakit kailanga pa si Zander magpunas? Wala ba siyang kamay?'

Lalo sumama ang aura ni Xia, senyales na masama ang mood nito.

"Ah! Kaya pala," bulong ni Xavier habang nakikisilip sa tinataguan nila.

"Sino yung maganda at sexy na kasama ni Zander?" tanong ni Jason.

"Maganda at Sexy... Bakit hindi mo siya ligawan? Maganda pala at sexy eh," inis na sabi ni Xia.

Hindi niya maiwasang ipagkumpara ang sarili niya kay Corporal Santos. Totoong sexy ito at maganda, bukod doon matured rin ang pangangatawan niya hindi tulad sa katawan ni Xia na bata pa tignan.

"Bakit ko siya liligawan? Ikaw ang gusto ko," diretsong sabi ni Jason dahil matagal na rin ito umamin na gusto siya nito.

"Kaso si Zander ang gusto niya, kaya iba na lang ligawan mo," sabi sa kanya ni Xavier.

"Alam ko naman yun pero kung lolokohin ka lang niya, nandito naman ako," sambit ni Jason.

Inirapan siya ni Xia. Hindi niya gusto ang ideya na lolokohin siya ni Zander, baka hindi na sikatan ng araw ang ipapalit nito sa kanya kapag iyon nangyari.

"Paalis na sila," sabi ni Stella.

Dahil sa kadaldalan nila Jason hindi na nabantayan ni Xia sila Zander.

Napatingin si Xia sa cr na nadaanan nila, may naisip ito bigla.

"Mauna na kayo, may gagawin lang ako saglit. Sundan niyo lang sila," paalam ni Xia saka patakbong pumasok sa cr.

Pumasok siya sa isang cubicle at pinindot yung buksanan ng invisibility ng hoodie niya. Inayos niya ang suot niya para tuluyang walang makakita sa kanya.

Nagulat ang  mga nasa dahil pagbukas niya. Natakot ang mga ito nang makittang walang lumabas sa loob ng cubicle kahit walang tao.

"Nakita niyo ba yun? Biglang bumukas yung pinto?" tanong ng isang babae na halatang natatakot.

Nilampasan lang sila ni Xia at sumunod kila Xavier. Mabuti na lang may tracker ang suot nila smartwatch kaya natagpuan niya ito agad.

"Nasaan na ba si Xia?" tanong ni Jason habang lumilingon sa likod, hindi niya alam na nakatayo na sa tabi niya ang hinahabap niya.

"Naamoy ko yung pabango niya," sambit ni Xavier.

Suminghot si Jason.

"Oo nga no? Wag mong sabihing..."

Nagkatinginan silang dalawa nang kinutuban sila sa gagawin ni Xia.

'Kawawang babae,' sa isip ng dalawa.

Samantala, pinaupo ni Zander si Corporal Santos saka ito umalis para bumili ng pagkain nila.

Lumapit si Xia kay Corporal Santos saka hinipan ang tenga nito.

"Sino yan?" tanong ni Corporal Santos habang nakahawak sa tenga niya. Tumayo pa ito upang tignan ang paligid kung may tao ba.

May nakitang styro na baso si Xia sa gilid, dahan-dahan niya itong inurong gamit ng paa niya para iposisyon ito at nang maayos na niya, sinipa niya ito papunta kay Corporal Santos; tinamaan ito sa likod.

"Kung sino ka man, wag mo ko pinagtitripan," inis na sabi nito, ramdam niyang may nakatingin sa kanya kaya sigurado siyang may nang-aasar sa kanya.

Nang makita ni Xia na pabalik na si Zander, tumakbo siya agad palayo. Baka maamoy siya nito o maramdaman niya kapag malapit siya, ayaw niya mangyari yun kaya nagtago siya agad.

"Bakit nakatayo ka? May problema ba?" tanong ni Zander kay Corporal Santos.

"May nagtitrip yata sa akin, may humipan sa tenga ko tapos binato ako nitong baso," sagot ni Corporal Santos sabay sipa sa baso.

Tumingin-tingin si Zander sa paligid habang seryoso ang mukha nito. Malakas ang pakiramam niya na hindi lang basta pangtitrip ang nangyayari.

Nagkasalubong ang mata nilang dalawa ni Xia pero hindi sigurado ang dalaga kung nakita ba siya nito. Kung suot nito ang contact lens na katulad sa ginagamit nila kapag misyon, siguradong makikita siya nito.

"Sorry, hindi na kita masasamahan bumili ng pangregalo. Naalala ko na may gagawin pa pala ako. Papuntahin ko na lang si Claude," sabi ni Zander upang magpaalam.

Inabot nito ang ice cream na binili kay Corporal Santos.

"Okay, wag mo na tawagin si Claude, ayos lang ako," malungkot na sabi ni Corporal Santos, nagbabaka sakaling magbago isip ng binata. Subalit hindi nangyari ang gusto niya.

"Mauna na ako," paalam ni Zander.

Naglakad ito papunta sa tinataguan ni Xia.

'Lagot, nakita nga niya ako,' sa isip ni Xia sabay takbo.

"Xia!" sigaw ni Zander pero tuloy lang sa pagtakbo si Xia.

Sa kakalingon ni Xia kay Zander, kamuntik na mabangga ang lalaking naglalakad sa harapan niya, mabuti na lang lumihis ito ng direksyon na para bang iniwasan si Xia.

Tumigil si Xia sa pagtakbo nang mapansin niya ang ginawa nito. Nagtatakang tinignan niya ang  lalaking nakabusiness suit habang iniisip kung iniwasan ba siya nito.

"May dumaan ba sa harap ko?" tanong ng lalaki sa kasamang babae sabay tingin sa likod.

"Wala po sir," tugon nito.

"Akala ko may dumaan kanina. Nevermind. Hangin lang siguro yun," sabi nito bago tinuloy ang  paglalakad.

Gumilid si Zander nang masalubong niya ang dalawa habang nakatingin kay Xia.
Nang magkasalubong ang mata nila muling tumakbo si Xia at pumasok  sa loob ng cr ng babae.

Pinatay niya ang invisibility ng suot niya saka inayos ang sarili. Hindi muna siya agad lumabas dahil sa takot na makita siya ni Zander.

"Wala na siguro siya (?)" bulong ni Xia bago lumabas.

Nakakailang hakbang pa lang siya nang may humawak sa balikat niya. Bumilis ang tibok ng puso niya at napatayo ng tuwid. Dahan-dahan niyang hinarap si Zander na kasalukuyang salubong ang kilay.

"What are you doing?" tanong nito.

"Zander, nandito ka pala?" tanong ni Xia habang umaarte na walang alam sa nangyayari.

"...."

Tinignan siya nang masama ni Zander.

"Kasama ko sila Stella, baka hinihintay na nila ako, nagpunta lang ako sa cr saglit," paliwanag ni Xia at sakto namang dumating sila Stella.

"Xia, kanina ka pa namin hinihintay," sabi ni Xavier.

Alam na nila kung ano ang nanyari dahil napanood nila ang lahat. Medyo nahuli lang sila ng dating dahil sa bilis nila Xia tumakbo.

"Pasensya na, natagalan ako," tugon ni Xia.

"Nandito ka pala Zander, kaya pala natagalan si Xia," sabi ni Xavier sabay lingon sa kasintahan ng kapatid niya.

"May alam ba kayo sa nangyari kay Sophia?" tanong ni Zander.

"Sophia? Tinatawag mo na pala si Corporal Santos sa first name niya. Inaamin ko na ako yung may gawa doon sa baso kanina," inis na sabi ni Xia, alam niya na wala na siyang lusot kaya mas pinili niyang umamin.

"Yung sa buhok niya?"

"Wala ako alam doon pero buti nga sa kanya."

"Xia!"

Tinignan siya nang masama ni Zander.

"What? Wala talaga ako alam doon. Hiniling ko lang na sana masunog buhok niya pero sa isip ko lang yun. Wala akong ginawa kahit ano. Saka hindi ko kayang magpalabas ng apoy."

"Kaya mo yun kung gugustuhin mo," sabi ni Xavier.

Sinamaan siya ng tingin ni Xia dahil lalo siyang  pinagdudahan ni Zander. Hindi naman niya talaga alam kung siya ba may gawa niyon.

"Okay, sabihin na natin na kaya ko pero never ko pa nahawakan yung lintang yun. Kung hindi ka pa rin naniniwala sa akin, hindi ko na kasalanan yun. Bahala na kayong magsama. Mukhang ka naman masaya sa kanya," sigaw ni Xia sabay alis dahil sa sobrang inis.

Hindi niya inaasahan na ganun ang magiging reaksyon ni Zander sa kanya.

"Xia, bumalik ka dito. Xia!" sigaw ni Zander habang sinusundan siya nito.

Hindi siya nilingon ni Xia dahil pakiramdam niya iiyak siya oras na makita niya ito. Naiinis siya dito dahil parang kinakampihan pa nito si Corporal Santos.

"May araw ka din sa akin, linta ka. Bwisit!" inis na sigaw ni Xia.

Natigilan siya bigla nang mabasag ang lahat ng salamin na malapit sa kinatatayuan niya.

"Jusko anak! Ayos ka lang ba?" sabi ng isang babae sa anak nito nang matalsikan ito ng salamin.

Napansin ni Xia ang nagdurugong kamay ng bata.

Napalitan ng pangamba ang inis na nararamdaman niya.

"Aaahhhhh! Ang mata ko," sigaw ng isang lalaki habang nakahawak sa mata nito na dumudugo rin.

Napatakip ng bibig si Xia habang pinapanood ang mga nakakagulong tao.

'Nagamit ko ba ulit yung kapangyarihan ko? May nasaktan nanaman ba ako?'

Napaupo at napaiyak na lang si Xia dahil sa naisip niya. Hindi niya alam ang gagawin. Natatakot siya sa nangyari.

"Xia," sabi ni Xavier sabay hawak sa balikat ng kapatid niya. Nag-aalala niya itong tinignan.

"Hindi ako yung nagbasag ng salamin. Kuya, hindi ako may gawa nito diba? Wala akong kasalanan," umiiyak na sabi ni Xia  nang tignan siya nito.

Niyakap siya ni Xavier at walang kahit na anong sinabi.

"Kuya, natatakot ako... (sa sarili ko)," bulong ni Xia.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top