CHAPTER 33
CHAPTER 33
"Morning," bati ni Oliver nang makita niya si Xia.
"Morning," tugon ni Xia habang tuloy pa rin sa paglalakad, hindi na niya ito nilingon dahil akala niya isa lamang ito sa bantay na palagi siya binabati.
Sinabayan siya ni Oliver sa paglalakad.
"Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya.
Doon lamang siya nilingon ni Xia.
"Ikaw pala yan. Sorry, hindi kita agad nakilala," sagot ni Xia sabay tago ng kamay niya sa bulsa ng jacket, ayaw niya na makita ito ni Oliver.
"Ayos lang. Naabala ba kita? Nagmamadali ka yata?" tanong ni Oliver.
"Hindi naman."
Beep! Beep! Beep!
Napalingon sila sa kotseng huminto at bumisina sa tabi nila. Bumaba ang bintana nito at nakita nila si Kia sa backseat.
"Good morning Ate Xia!" nakangiting bati ni Kia habang kumakaway.
"Kia, ano ginagawa niyo dito?" tanong ni Xia.
Lumapit siya sa sasakyan para makausap niya ito, sumilip siya sa bintana at nakita niya sa tabi ni Kia si Kyla. Inangat nito ang whiteboard kung saan may nakasulat. Binasa ito ni Xia.
'Sinusundo ka.'
Walang pasok sila Kyla dahil sabado pero si Xia kailangan pa rin magsanay. Marami pa siyang kailangang pag-aralan kontrolin na kapangyarihan.
"Tama lang ang dating niyo, paalis na din ako," tugon ni Xia. Nilingon niya si Oliver para magpaalam. "Pasenya na, kailangan ko nang umalis. Sa susunod na lang tayo mag-usap."
"Sige, ingat," tugon ni Oliver sabay ngiti.
Sumakay na si Xia sa sasakyan.
"Morning ate," bati ni Rain nang mapatingin sa kanya si Xia.
"Bakit nandito ka rin?"
"Sinundo namin siya kanina. Gusto niya raw makita kakambal niya," tugon ni Kenji habang nagmamaneho.
"Ah! Oo nga pala. Nandoon si Thunder sa HQ," sambit ni Xia.
Lahat ng mga niligtas nila sa ampuna ay kasalukuyang naninirahan sa HQ ng AVO. Hindi pa sila pinapalabas dahil delikado pa ang lagay nila, lalo na mainit ang mga mata ng kalaban sa kanila.
Kasalukuyang pinagpaplanuhan na ipadala sila sa ibang bansa para pasamantala sila malayo sa kalaban habang hindi pa nila nahuhuli ang nasa likod ng lahat.
Pagdating nila sa HQ, sinalubong si Xia ng kanyang nakakatandang kapatid.
"Xia, totoo ba na may bampira sa tinitirahan mo?" tanong ni Xavier.
"Paano mo nalaman?" gulat na tanong ni Xia.
Nilingon niya si Kenji dahil dalawa lang sila ni Mr. Hayato na pinagsabihan niya bukod kay Zander.
"Narinig niya nung nag-uusap kami ni Sir Hayato," paliwanag niya Kenji.
"Totoo nga? Kung alam ko lang na may bampira doon hindi kita patitirahin doon. Lumipat ka--"
"Hindi ako aalis doon. Ayos lang ako kuya. Wala naman siya ginagawang masama sa akin," sabi ni Xia bago pa matapos ang sasabihin ni Xavier.
"Hihintayin mo pa bang merong masmang manyari (?) bago ka umalis doon. Bampira yun Xia. B-a-m-p-i-r-a!" sambit ni Xavier.
"Bampira rin ako kuya, baka nakakalimutan mo," sagot ni Xia sa kanya.
Natahimik saglit si Xavier dahil tama si Xia. Bampira rin siya, kaya niyang proteksyunan ang sarili niya, ngunit nababahala pa rin ito.
"Pero delikado pa rin kahit bampira ka. Paano kung mas malakas siya sayo? Ano laban mo?" sambit nito.
Napabuntong hininga si Xia saka hinawakan ang kapatid niya.
"Sa loob na nga lang tayo mag-usap," aniya bago ito hilain papasok sa loob.
"Tapos na kayo mag-usap?" tanong ni Kenji sa amin.
"Hindi pa," tugon ni Xavier saka tinignan si Xia para kunin ang sagot niya sa sinabi nito.
"Okay lang ako kuya. Hindi naman siya makakapasok sa kwarto ko dahil sa mga lock na nilagay mo."
"Doon na lang ako titira sa apartment mo."
"Malayo yun sa opisina mo."
"May sasakyan naman ako."
"No!"
"Bakit ba ayaw mo?"
"Basta! Hindi ka lilipat."
"Ako lilipat."
Sabay sila napalingon kay Zander nang magsalita ito.
"Kanina ka pa diyan?" tanong ni Xia dahil hindi man lang niya ito napansin.
'Narinig niya kaya pagtatalo namin ni kuya?' sa isip ni Xia.
"Yeah. Nauna pa ako sayo dito. Hindi mo man lang ako napansin na nakatayo dito?" tugon nito.
Namula si Xia dahil sa hiya.
"Ano yung sinasabi mong lilipat ka?" tanong na lang niya para maiba ang usapan.
"Kinuha ko yung apartment na titirahan mo sana. Lagi ako kumakain ng hapunan sa apartment mo, mas maganda kung malapit lang uuwian ko," paliwanag niya.
Hindi na nakaimik si Xia dahil hindi niya alam na binili nito ang apartment na gusto niya. At mas lalong hindi niya inaasahang pareho sila ni Xavier na naisipanh lumipat. Alam niyang si Oliver totoong dahilan kung bakit lilipat si Zander; dinahilan lang niya ang pagkain niya ng hapunan sa apartment. Pansin din niya na halos ayaw nito umuwi tuwing tapos na ito maghapunan dahil daw babantayan siya nito.
"Kapag ako nagrereklamo ka, kapag si Zander ayos lang?" inis na sabi ni Xavier.
"Ewan ko sayo kuya. Kung gusto mo lumipat, magsama kayo ni Zander," sambit ni Xia saka umalis patungo kay Mr. Hayato.
"Ang aga-aga salubong na kilay mo," sambit ni Mr. Hayato nang mapansin niya ang nakakunot na noo ni Xia.
"Ang kulit kasi nila kuya."
"Nag-aalala lang naman sila sayo. Kahit ang daddy mo nag-aalala sa kalagayan mo. Kaya rin palagi kita pinapunta dito para mabawasan ang pag-alala nila sayo."
"Alam ko naman yun. Pero hindi nila ako kailangan bantayan ng 24/7. Hindi na ako bata."
"May iba pa silang dahilan kaya ganun sila," seryosong sabi ni Mr. Hayato.
Biglang kinabahan si Xia dahil sa pagbago ng expresyon nito.
"Ano po yun?"
"Alam mo bang may stalker ka?" tanong niya na ikinagulat ni Xia.
"Stalker?! Sino naman?" tanong ni Xia dahil wala siyang napapansin na sumusunod sa kanya.
"Kahit nung nasa America kayo meron palaging sumusunod sayo, kahit nga ngayong nandito na kayo. Naalala mo ba yung mga nanloob sa bahay niyo?"
"Opo. Pero hindi ko alam itsura nila."
"Pinaimbistiga iyon ng kuya mo kaya alam niya kung sino sila, pero hindi sapat ang ebidensyang meron siya para ipakulong sila. Nahuli namin ang stalker mo at isa siya doon. Tinanong namin siya at ang sabi niya napag-utusan lang siya."
Natakot si Xia sa sinabi nito lalo nung sinabi nito ito rin ang nanloob sa kanila noon. Hindi niya rin makakalimutan ang ginawa nila sa kanya, kundi dumating si Xavier baka nagahasa na siya ng mga ito.
Namutla si Xia dahil hindi man lang niya ito napansin. Ganun ba sila kagaling para hindi niya ito maramdaman? Kung nakasunod sila palagi alam na ba nila ang sikreto niya?
"Hindi nila alam ang sikreto mo. Kapag nasa misyon kauo, ginagawan namin ng paraan para hindi siya makasunod. Nagpadala na din kami ng magbabantay sa stalker mo pero hindi pa rin namin alam kung sino nag-utos sa kanila, kaya dapat kang mag-ingat."
"Okay uncle, tatandaan ko po yan."
"Mag-umpisa na tayo sa pagsasanay mo."
Nagpunta na sila sa training room at naabutan nila doon na naghihintay sila Zander. Hindi na nagtaka si Xia dahil nasabi na sa kanya ni Mr. Hayato na sila ang makakasama niya ngayon.
"Iwan ko na kayo," paalam ni Mr. Hayato.
Pagkaalis niya sabay-sabay nila Xavier binaril si Xia na ikinagulat naman ito. Hindi na niya nagawang makaiwas hanggang sa tumalsik na lamang ang mga pintura bago siya tamaan. Kitang-kita niya niya ang na may lumabas nanaman sa katawan niya na kulay pulang spiritual energy para proteksyunan siya.
"Walang hiya kayo akala ko totoong baril yang hawak niyo," sabi ni Xia habang nakahawak sa dibdib niya, kinabahan talaga siya sa ginawa nila.
"Sinubukan lang namin kung gagawin mo yung ginawa mo noon sa laboratory ng kalaban. At tama nga kami, nakita mo yung nangyari kanina?" paliwanag ni Xavier.
"Oo. Paano nangyari yun? Saka ano yun?" tanong ni Xia habang iniisip yung lumabas sa katawan niya.
"Hindi din namin alam. Siguro nabuo yun dahil sa mga pinagsamang kapangyarihan na nakuha sa iba," tugon ni Kenji.
"Habang tumatagal lalo kang lumalakas. Nag-uumpisa na ako matakot sayo," sabi ni Jason.
Napasimangot si Xia dahil kahit siya natatakot rin sa sitwasyon niya lalo na hindi niya kontrolado ang kapangyarihan niya. Minsan pakiramdam niya may sarili itong isip na kusang lumalabas kapag kailangan.
"Ayoko ng ganitong kapangyarihan," sambit niya.
Para kay Xia, mahirap ang may maraming kapangyarihan, kailangan niya pa ilayo ang sarili sa iba para lang masiguradong walang mapapahamak kapag hindi niya ito kontrolado. Mas gugustuhin pa niya na may isang kapangyarihan.
Minsan naiisip niya na nagiging isa siyang halimaw. Tao lang siya noon pero ngayon iba na siya.
Sa Hayakawa hospital, abala si Dr. Knight sa pagtingin sa kanyang mga pasyente.
"Salamat po doc," sabi ng isa sa mga pasyente niya.
"Walang anuman. Alagaan niyo po sarili niyo, wag niyong kakalimutan uminom ng gamot," tugon ni Dr. Knight habang sinasamahan niya ito palabas ng hospital.
"Goodbye doc."
"Mag-iingat kayo."
Pabalik na si Dr. Knight sa kanyang opisina nang masalubong niya ang isang binatang lalaki na kasing edad ng kanyang anak na si Xavier. May kasama itong babae at pareho silang nakasuot ng formal na kasuotan. Kausap nila ang CEO at iilang magaling na doctor ng ospital.
"Nurse, sino yung kausap ni Mr. Hayakawa?" tanong niya sa nurse na nasa reception area.
"Si Chairman Tan po yan. Isa sa mga investor ng ospital," tugon nito.
"Dr. Knight, nandyan ka pala. Halika muna dito, ipapakilala kita kay Chairman," tawag sa kanya ni Mr. Hayakawa.
"Sige salamat," sabi niya sa nurse bago lumapit kila Mr. Hayakawa.
"Chairman, siya po yung sinasabi ko. Si Dr. John Knight, isa sa magaling na bagong doctor. Simula nung dumating siya lahat ng operasyon niya successful," sabi ni Mr. Hayakawa habang pinapakilala si Dr. Knight.
"Magandang umaga Chairman," bati ni Dr. Knight.
"Magandang umaga. Masaya akong makilala ka. Madalas ka ikwento sa akin ni Mr. Hayakawa," sabi nito.
Nahiya si Dr. Knight sa sinabii nito, pakiramdam niya masyado mataas ang tingin nila sa kanya. Ginagawa lamang niya ang trabaho niya. Hindi siya magaling tulad ng iniiisip nila.
Lumapit sa kanya ang babaeng secretary nito at inabutan siya ng business card, nagtatakang kinuha ni Dr. Knight ito.
"Gusto pa sana kita makausap pero mukhang marami ka pang gagawin. Kung may oras ka, tawagan mo na lang ako para makausap kita. May importante rin akong sasabihin sayo," sabi ni Chairman Tan.
"Yes Chairman. Salamat. Una na po ako sa inyo, marami pa akong naghihintay na pasyente," tugon ni Dr. Knight saka umalis.
Tinignan niya ang business card habang naglalakad.
"Bluemoon corporation," sambit ni Dr. Knight sa pangalan ng company.
Pagkaalis ni Dr. Knight, nagpaalam na din sila Chairman Tan kay Mr. Hayakawa
"Alice, alamin mo lahat ng tungkol kay Dr. Knight. Maghanap ka ng pwede natin gamitin para mapapayag natin siya," utos niya sa kanyang secretary pagkasakay nila.
"Yes sir," tugon nito.
"Kailangan natin siya sa research natin. Sigurado akong malaki ang maitutulong niya sa atin. May tiwala sa kanya si Mr. Hayakawa at tingin ko ganun din ang mga pasyente niya sa kanya. Mapakikinabangan natin siya."
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top