CHAPTER 32
CHAPTER 32
"Uncle!" tawag ni Xia pagkapasok niya sa opisina ni Mr. Hayato.
Napaubo si Mr. Hayato pagkatapos nito masamid sa iniinom niyang kape dahil sa pagkabigla.
"Sorry. Ito po tissue," sabi ni Xia sabay abot ng tissue, pamunas sa natapon na kape.
"Anong problema? Mukhang malaking problema yan para pumunta ka nang ganitong kaaga," tanong ni Mr. Hayato.
"May nahawakan akong bampira, nalaman ko na ang kanan kamay niya kayang humigop ng lakas ng nahawak niya habang ang kaliwa naman kayang pumatay sa isang hawak lang," paliwanag ni Xia.
"Hmm... malaki ngang problema yan."
"Uncle, ano po gagawin ko? Meron na rin akong katulad ng sa kanya. Paano kung may mahawakan ako at aksidenteng magamit ko ito?"
Hindi maiwasan ni Xia na mataranta dahil sa takot niya sa kapangyarihan na nakuha niya.
"Sandali! Kumalma ka muna. Mas mabuti siguro kung uminom ka muna ng kape," sambit ni Mr. Hayato, pagkatapos iwasan ang kamay nito na hahawak sana sa kanya.
Pasimple run itong lumayo kay Xia dahil sa takot na mapatay siya nang hindi oras, lalo na ngayong hindi kalmado ito.
"Lalo po ako kakabahan kapag uminom ako ng kape," reklamo ni Xia.
"Okay. Sinabi ko naman sayo na mag-iingat ka sa mga nahahawakan mo. Kailangan mo lang magsuot ng gloves palagi pero kailangan mo din matutunan na kontrolin yung mga kapangyarihan mo. Simula ngayon mas doble na ang pagsasanay mo. Bukas pumunta ka dito nang ganito kaaga."
"Tingin mo po ba nakopya ko rin yung sa kaliwang kamay niya? Yung nakakamatay?" tanong ni Xia habang nakatingin sa kaliwang kamay niya.
Hindi pa rin siya makapaniwala sa nakopya niyang kapangyarihan at mas lalong hindi niya akalain na may ganung kapanyarihan.
"Hmmm. Hindi ako sigurado. May posibilidad na magamit mo iyon sa parehong kamay. Bakit hindi mo subukan para malaman mo? Magpapadala ako ng halaman kay Kenji."
"Sige po."
"Saan mo nga pala nakilala yung bampirang nahawakan mo?"
"Kapitbahay ko pa siya sa apartment."
"I see. Kung hindi ako nagkakamali nagpareseach ka kahapon kay Kenji tungkol sa apartment na tinutuluyan mo."
"Opo," sagit ni Xia, hindi na ito nagtaka na alam niya ang lahat dahil sa kapangyarihan nito.
"Alam na ba yan ni Zander?" seryosong tanong ni Mr. Hayato.
"Hindi ko pa siya nakakausap simula nung nagkita kami kahapon. Saka kagabi ko lang po nalaman na bampira talaga si Oliver."
"Goodluck! Siguradong bantay sarado ka oras na malaman niya ang tungkol kay Oliver, lalo na lalaki ito."
'Sigurado. Mas mabuting hindi ko na lang sabihin sa kanya,' sa isip ni Xia pagkatapos marinig ang sinabi ni Mr. Hayato. Hindi niya alam na binabasa na pala nito ang isip niya.
"Kahit hindi mo sabihin, malaman niya pa rin yun kapag nabasa niya isip mo. Nalaman ko na mas lumakas ang kapangyarihan niya. Madali na niya ngayon makita ang nakaraan ng mga nahahawakan niya," sabi ni Mr. Hayato.
Napasimangot si Xia.
"Hmp! Mind reader."
"Subukan mong kasing isarado ang isip mo. Kaming mga mind reader, kayang i-block ang sino mang sumusubok magbasa o kahit sa mga nagtatangkang kumontrol sa isip namin. Nakopya mo na yung kapangyarihan namin, bakit hindi mo gawin yun?"
"Hindi ko po alam kung paano," nakasimangot na sagot ni Xia.
"Tuturuan kita," nakangiting sabi ni Mr. Hayato na ikinatuwa naman ni Xia.
Pagkatapos ni Xia/matuto agad siya nagtungo sa opisina nila Zander para subukan ang natutunan niya.
"Busy ah!" sabi ni Xia kay Claude na kasalukuyang nagbabasa ng report.
"Bakit nandito ka? Dinadalaw mo boyfriend mo no?" tanong ni Claude.
"Hindi lang siya dinadalaw ko. Tara kain tayo sa labas," tugon ni Xia.
"Tayong dalawa lang? Ayoko pa mamatay," pabirong sabi ni Claude.
"Sira! Kasama rin sila Zander," natatawang sabi ni Xia.
"Nasa field ngayon sina Bliss at Trevor. Tatlo lang kaming ngayon dito," sabi ni Zander na kanina pa nakikinig sa dalawa.
"Edi tayo na lang apat," sabi ni Xia sabay lapit kay Zander.
Pumasok sa loob ng opisina nila si Claudine.
"Nasaan na yung files na pinapahanap ko?" tanong ni Claudine kila Claude.
Kinuha ni Zander ang isang folder sa lamesa niya saka inabot ito kay Claudine.
"Thanks," pagpapasalamat ni Claudine saka lumabas.
Tumingin si Zander kay Xia na kanina pa nakaabang sa sagot niya.
"Mamaya pa lunch break namin. May isang oras pa," sabi nito kay Xia dahil 11am pa lang.
"Hihintayin ko na lang kayo," tugon ni Xia.
"Kayo na lang dalawa kumain sa labas mamaya. Hindi pwedeng maiwang walang bantay dito," sabi ni Claude sabay kindat kay Zander habang hindi nakatingin sa kanya si Xia.
"Ganun ba? Sige pero sa susunod sama na kayo."
"Upo ka na muna," sabi ni Zander nang mapansin niyang kanina pa ito nakatayo sa harap ng mesa niya.
Kumuha siya ng upuan saka pinupo si Xia. Kumuha ng apple si Xia para may kainin siya habang naghihintay.
"Iwan ko muna kayo para makapagsolo kayo," paalam ni Claude habang nakangisi.
Lumabas ito ng opisina at tumambay kinaroroonan ng kakambal niya,
"Bakit may gloves ka?" tanong ni Zander nang mapansin niya ang kamay ni Xia. Ang alam niya nagsusuot lang ito ng glovers kapag nasa misyon siya.
"May nakuha kasi akong delikadong kapangyarihan."
"Kailan mo nakuha? Saka anong kapangyarihan?"
Lumapit si Xia kay Zander para bumulong.
"Kahapon may nahawakan akong bampira. Kaya niyang pumatay sa pamamagitan ng paghawak. Hindi ko pa alam kontrolin kaya pinasuot muna ako ni Uncle Hayato ng gloves."
Napakunot ang noo ni Zander habang nakatingin kay Xia na abala nanaman sa kinakain niya. Sinubukan niya basahin ang isip nito pero wala siya mabasa na kahit ano. Lalong nagkasalubong ang kilay niya dahil dito, pakiramdam niya may hindi sinasabi sa kanya si Xia.
"Lapit ka dito, may ibubulong ako," sabi ni Zander.
Ipinatong ni Xia ang siko niya saka nilapit ang mukha niya kay Zander.
"Lapit ka pa," sambit ni Zander sabay senyas kay Xia.
Lalong lumapit si Xia at nang malapit na ito, hinawakan ni Zander ang mukha niya saka hinalikan.
Nanlaki ang mata ni Xia; hindi niya inaasahang hahalikan siya nito, akala niya may ibubulong ito.
Nawala sa sarili si Xia kaya mabilis na nakapasok si Zander sa kanyang isipan, kung kanina wala ito makita, ngayon nabasa niya lahat.
Binitawan na niya si Xia at umayos ng upo na para bang walang nangyari.
"Para saan yun? Bakit ka nanghahalik bigla? Paano kung may makakita sa atin?" tanong ni Xia nang matauhan na siya.
"Kailan ka pa natutong mang-block ng isipan?" seryosong tanong ni Zander kahit alam na ang kasagutan.
Nakita niya lahat ng nangyari kaninang umaga.
"Kanina la--"
Hindi na natuloy ni Xia ang sasabihin niya nang napagtanto niyang alam na ni Zander ang ginawa niya.
Tinignan niya ng masama si Zander dahil niloko siya nito.
"Sa susunod na gawin mo ulit yun sa akin, hindi lang basta halik gagawin ko sayo," sabi ni Zander sabay ngisi.
"Daya! Ikaw pwede mabasa isip ko tapos ako hindi?" nakasimangot na sabi ni Xia dahil lugi siya dito. Sinubukan niya rin mabasa isip nito subalit wala siya nakita na kahit ano.
"Gawin mo rin yung ginawa ko para mabasa mo," tugon ni Zander upang tuksuin si XIa.
Namula si Xia sa sinabi niya at naisip na hinahalikan niya si Zander.
Natawa si Zander nang makita ang imahinasyon nito kapag siya ang humalik sa kanya.
"Ngayon ko lang nakita si SPO2 Hudson na tumatawa."
Napalingon sila sa pintuan nang marinig ang isang tinig ng babae. Sumeryoso bigla si Zander.
"Corporal Santos, ano ginagawa mo dito?" tanong ni Zander.
Napataas ng isang kilay si Xia habang nakatingin sa magandang babae na pumasok; matangkad ito, maputi ang kutis at malaki ang dibdib.
"Pinapagigay ni Chief," sabi nito sabay abot ng folder na may lamang files.
Tinignan niya si Xia mula ulo hanggang paa bago binalik ang tingin kay Zander.
"Girlfriend mo?" tanong niya kay Zander.
Napakunot ang noo ni Xia nang may mapansin ito sa kinikilos ng babaeng pulis. Hindi naman siya tanga para hindii mahalata ang binibigay na tingin nito sa boyfriend niya.
"Yeah," tugon ni Zander habang binababasa ang laman ng folder.
"Puntahan ko lang sila Claude baka makaistorbo ako sa inyo," paalam ni Xia at mabilis na lumabas. Hindi niya gusto manatili doon, baka hindi siya makapigil na saktan si Corporal Santos.
Nakasimangot na lumabas si Xia at dumiretso kila Claudine.
Umupo si Corporal sa inuupuan ni Xia kanina.
"Ganun pala ang type mo. Maganda siya pero mas maganda at sexy ako," sabi ni Corporal Santos sabay upo sa inuupuan ni Xia kanina, nang-aakit na tinitigan si Zander. Kung nakita ito ni Xia marahil masaktan nga niya ito.
Matagal na alam ni Zander na may gusto ito sa kanya pero hindi lang niya ito pinapansin. Sinara niya ang folder na hawak niya saka tinignan ng seryoso ang babaeng pulis.
"Para sa akin siya pinakamagandang babae na kilala ko bukod kay Mom. Kung wala ka ng kailangan pwede ka ng umalis," sabi ni Zander na may malamig na tono.
Hindi na bago kay Corporal Santos ang pagiging malamig nito sa kanya. Madalas din na masungit ito kaya bago sa paningin niya na makita itong tumatawa sa harap ni Xia.
"Sungit, parang kanina lang tumatawa ka sa harap ng girlfriend mo. Walang forever! Maghihiwalay din kayo. Pinapasabi nga pala ni Chief, pakireview raw yang report," aniya bago umalis.
Paglabas niya pumasok naman si Claude.
"Kaya pala lumabas si Xia, nandito si Tisay," sabi ni Claude; tisay ang tawag niya kay Corporal Santos dahil maputi ito.
"Bakit hindi mo siya ligawan? Para tigilan na niya ako," sabi ni Zander, hindi niya gusto ang paglapit nito sa kanya.
"Nah! Hindi ko siya type. Mas gusto ko pa si Xia kaysa sa kanya," sagot ni Claude.
Tinignan siya ng masama ni Zander.
"Pero wala akong balak agawin si Xia ha? Mas gusto ko lang yung mga katulad niya," paliwanag agad ni Claude nang maramdaman nito paglamig ng paligid.
"Nag-iisa lang siya sa mundo, wala siyang katulad. Nasaan nga pala siya?"
"Nandoon sa opisina ni Claudine. Nagulat nga ako, naging close sila bigla. Mukhang bubuo sila ng samahan kontra kay Tisay."
Pagkukwento ni Claude. Alam niyang ayaw ni Claudine kay Corporal Santos dahil madalas silang hindi magkasundo.
"Bakit hindi ka sumama sa kanila?" tanong ni Zander.
"Hindi naman ako kontra sa kanya... hindi ko lang siya gusto. Para siyang ahas, hindi mo namamalayang tinutuklaw ka na. Patago lumaban yun. Kaya ikaw bantayan mo si Xia, sigurado pag-iinitan niya yun."
Napangisi si Zander dahil hindi niya kailangan bantayan si Xia, si Corporal Santos ang dapat na mag-ingat. Kumpara noon, mas malakas na si Xia.
"Kung babantayan ko si Xia... hindi kay Corporal, may mas delikado pa sa kanya," tugon ni Zander habang inaala niya si Oliver. Nakita niya sa memorya ni Xia ang ginawa nito.
Niligpit ni Zander ang mga gamit niya saka tumayo.
"Hindi ko na hihintayin yung lunch break, una na ako. Kapag may naghanap sa akin sabihin mo may inasikaso," paalam niya kay Claude sabay kuha ng jacket.
Pumunta siya sa opisina ni Claudine.
"Nandyan na sundo mo, aalis na yata kayo," sabi ni Claudine nang makita niya si Zander.
Tinignan ni Xia ang oras.
"Wala pang 12. Aalis na tayo?" tanong niya kay Zander.
"Yeah! Tara na," sagot ni Zander sabay hila kay Xia.
Pinasakay niya ito sa sasakyan niya saka nagmaneho patungong korean restaurant. Napangiti si Xia dahil iyon ang kauna-unahang beses na lumabas silang dalawa, simula nang naging sila.
"Order ka pa, ako magbabayad," sabi ni Zander dahil konting pagkain lang ang pinili ni Xia.
"Bakit ikaw? Ako nagyaya," tanong ni Xia dahil gusto niya siya ang magbabayad.
"Ako nagdala sayo dito. Wag ka na mahiyang kainin lahat ng gusto mo. Sagot kita."
"Okay, pero sa susunod ako magbabayad."
Dinagdagan na niya ang order niya, at lahat nang nagustuhan niya pinili niy. Hindi naman siya mabubusog kahit anong dami kainin niya, gusto lang niya ito matikman.
"Mas gusto kong ipagluto mo ko kaysa ilibre."
"Edi doon ka na lang sa condo maghapunan. Magiging busy na ako bukas, doble na ang pagsasanay na gagawin ko sabi ni Sir Hayato."
"Okay, wag ka masyado magpapagod. Sasabihan ko si dad na wag ka pahirapan."
Napangiti si Xia nang marinig niyang tawagin ni Zander na dad si Mr. Hayato.
"Nakakatuwang marinig na tinatawag mong dad si Sir Hayato."
"Pwede mo din siyang tawaging Dad kung gusto mo," tugon ni Zander dahil ayun din ang itatawag niya kapag nagpakasal sila.
Tumawa siya Xia nang may maalala ito bigla.
"Sorry, naalala ko bigla yung sinabi niya sa amin noon sa America. Tawagin daw namin siyang papa kung gusto namin."
"Yun naman pala, bakit hindi mo siya tawaging papa?"
"Nakakahiya kaya uncle na lang tinawag ko sa kanya."
"Pero mas maganda kung papa para sanay ka na kapag kinasal tayo."
Namula si Xia sa sinabi niya. Napangiti si Zander hindi lang dahil sa reaksyon ni Xia, natutuwa siyang isipin na malapit ang girlfriend niya kay Mr. Hayato. Bata pa siya noong huli niya ito nakasama at dahil matagal itong nawala, medyo hindi na siya komportable sa kanyang ama.
"Bakit?" tanong ni Zander nang mapansing nakatitig sa kanya ang dalaga.
"Hindi ko talaga mabasa isip mo kahit ano gawin ko," nakasimangot na sagot ni Xia.
Sinubukan niyang basahin ang isip ni Zander nang mapansin niyang nakangiti ito, subalit wala siyang nakita.
Buti na lang kusa kong nabablock yung nagtatanggkang maghimasok sa isip ko. Si Sir Takeshi at Dad lang naman ang hindi ko kayang kontrahin. Mas malakas kasi sila kumpara sa akin kaya nagagawa pa rin nilang mabasa ng kaunti yung isip ko kahit i-block ko sila. Sasakit lang ulo ko kapag kinkontra ko sila.
"Kailangan mo pa magpraktis para mabasa isip ko. Kapag natutunan mong mabasa ang isip nila Dad kahit i-block ka nila, mababasa mo din yung sa akin."
Tanging sina Mr. Takeshi at Mr. Hayato lamang ang nakakabasa ng isip niya dahil mas malakas ito sa kanya. Hindi niya ito kayang pigilan dahil sasakit lang ulo niya kapag pinilit niya itong pigilan.
"Mahirap! Sumasakit lang ulo ko kapag ginagawa ko yun."
"I know. Kaya kailangan mo pa ng practice."
"Okay. Tatandaan mo ito SPO2 Zander Dale Hudson, malalaman ko rin ang iniisip mo," sabi ni Xia upang hamunin si Zander, nakaturo pa ang hawak nitong chopstick.
Ningitian siya ni Zander.
"Aasahan ko yan, future Mrs. Caleigh Xia Knight Hudson."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top