CHAPTER 31

CHAPTER 31

Maaga gumising si Xia para mag-jogging at excercise, paglabas niya sumalubong sa kanya ang tahimik na kapaligiran. Mag- iisang lingo na siya sa nilipatan niya pero hanggang ngayon wala pa rin siyang nakikitang kapitbahay niya sa labas. Pakiramdam niya tuloy na siya lang ang nakatira sa building.

"Good morning Ma'am!" bati sa kanya ng isang lalaking tagawalis sa kalsada.

"Good morning!" tugon ni Xiia.

"Ikaw yung bagong lipat, tama?"

"Opo."

"Naku! Mag-iingat ka miss, dalawa na ang namatay sa apartment na yan."

Nakuha ng lalaki ang atensyon ni Xia dahil sa sinabi nito. Lumapit si Xia dito para makupagkwentuhan, ngayon lamang niya narinig na may namatay sa apartment building na tinutuluyan niya.

"Ano po ikinamatay?" tanong ni Xia.

"Usap-usapan na pinatay daw sila ng bampira. Atin-atin lang ito, malakas ang kutob ko na may bampirang nakatira diyan. Nakita mismo ng mga mata ko," sagot ng lalaki.

Lalo naging interesado si Xia sa mga nakatira sa apartment. Gusto niya alamin kung sino ba ang mga nakatira sa building kung saan siya nakatira. Para kung totoo man na may bampira siyang kapitbahay, kailangan niya maiwasan.

"Wag ka po mag-alala hindi ko ipagsasabi sa iba yung sinabi niyo. Saka kung totoong may bampira dito mas mabuting hindi nila malaman na may alam tayo, baka rin patayin nila tayo. Mag-iingat po kayo," sabi ko ni Xia.

Natatakot siya na baka may masamang mangyari sa lalaki.

"Xia!"

"Zander, good morning!"

"Mauna na po ko Ma'am," paalam ng lalaking tagawalis.

"Sige po, salamat."

"Ano pinag-uusapan niyo?" tanong ni Zander

"Tungkol sa apartment na tinitarahan ko.  Ano nga pala ginagawa mo dito? Baka mahuli ka sa trabaho mo," sabi ni Xia nang makitang nakasuot ito ng police uniform.

"May iniimbistagahan kami malapit dito, dumaan lang ako dito para makita ka," sagot nito.

"Anong kaso?"

Tumingin si Zander sa mata niya saka ito naakipag-usp sa isip.

'Lalaking pinatay ng isang bampira kaya mag-iingat ka,' aniya.

Naalala bigla ni Xia ang sinabi sa kanya ng lalaking tagawalis sa daanan.

'Sasabihin ko ba sa kanya?' tanong ni Xia sa kanyang sarili.

Gusto niya sabihin ang tungkol sa may namatay sa apartment na tinutuluyan niya, maaring makatulong ito sa pag-iimbistiga nila. Subalit nagdadalawang isip siya, baka mag-aalala ito sa kanya.

'Anong meron sa apartment mo?' tanong ni Zander nang basahin niya ang isip ni Xia. Nagtaka siya sa biglaang pananahimik nito kaya tiniggnan niya kung ano ba tumatakbo sa isip ni Xia.

Nagulat si Xia nang tanungin siya nito, nakalimutan niya na nakakabasa ito ng isip. Pagtingin niya dito, salubong na ang kilay habang nakatingin sa kanya.

'Nakakabasa ka nga pala ng isip. Sabi sa akin ng kausap ko kanina may bampira daw na nakatira sa apartment building. May dalawang babae na daw pinatay diyan,' pagkukwento ni Xia, mas pinili na niya makiag-usap sa isip para walang makakarinig sa kanila.

Tumingin si Zander sa apartment building upang tignan kung may kakaiba ba dito.

Isang lalaking nakasauot ng hoodie jacket ang dumaan sa tabi nila. Sabay sila napalingon dito dahil sa kasuotan nito. Hindi maiwasang maalala ni Xia si Zander noong highschool sila, lagi rin itong may suot na hoodie jacket katulad sa dumaan. 

Sinundan ni Xia ng tingin ang lalaki hanggang sa pumasok ito sa apartment building kung saan din siya nakatira.

Gusto sana makita ni Xia ang mukkha nito, ngunit nakayuko ito kaya pinagmasdan na lamang niya ito.

"Positive, may bampira nga dito. Mas maganda kung lumipat ka ng mati--"

"Stop!" sabi ni Xia para patigilin si Zander, tinakpan niya ang bibig nito saka ngumiti.

"Ayos lang ako. Nakalimutan mo na bang malakas ang girlfriend mo? Bumalik ka na sa trabaho mo, kaya ko sarili ko," sabi ni Xia saka siya tinulak para umalis na ito. Ayaw niyang pahabain pa ang usapan nila.

"Okay, ikaw bahala. Basta kung kailangan mo ng tulong, tawagan mo lang ako," tugon ni Zander saka ito umalis.

Hinintay muna ni Xia na mawala siya sa paningin niya bago pumasok ng apartment.

"Boyfriend mo yung kausap mo?"

Nabitawan bigla ni Xia ang susi niya na ipangbubukas sana sa pinto nang may magsalita sa likod niya. Patingin niya dito isang lalaki na may suot na jacket ang bumungad sa kanya. Agad ito nakikila ni Xia dahil suot nito, sigurado iya na siya ang lalaking dumaan kanina pero kumpara kanina, nakababa na ang hood nito at malinaw na niyang nakikita ang mukha nito.

"Sorry nagulat kita," sabi nito sabay pulot ng susi upang ibigay kay Xia.

"Ayos lang. Kanina ka pa ba nakatayo diyan?" tanong ni Xia dahil hindi niya ito napansin nung dumaan siya.

"Oo. ako nga pala si Oliver. Bagong lipat ka dito?"

Itinaas nito ang kamay upang makipagkamay ngunit hindi ito hinawakan ni Xia.

"Oo, ako si Xia. Pasok na ako sa loob."

Pumasok agad si Xia sa loob ng inuupahan niyang kwarto upan iwasang makipagkamay. Kung tama sila na bampira ito, delikadong hawakan siya lalo na hindi nila alam kung ano kapangyarihan ni Oliver.

Binuksan ni Xia ang laptop niya upang magpadala ng mensahe kay Kenji.

To: Kenji

Kailangan ko tulong mo. Gusto ko malaman lahat ng tungkol sa apartment na tinitirahan ko. Kung pwede pati impormasyon ng mga nakatira dito.

Humiga muna si Xia habang hinihintay niyang sumagot si Kenji. Nakatulala lang siya sa kisame hanggang sa maboring siya. Wala naman siya magagawa kundi manatili sa bahay dahil pinagbawalan siya ng kanyang ama na magtrabaho dahil sa kondisyon ng katawan niya. Tanging ang pagiging miyembro lamang ng Iris ang trabaho niya, subalit hindi sila palaging may trabaho tulad ngayon.

Hindi namalayan ni Xia na nakatulog na siya habang nakatulala, nagising na lang siya dahil sa tunog ng doorbell.

"Sino yan?" sigaw ni Xia habang naglalakad palabas ng kwarto.

Binuksan niya agad ang pinto dahil sa pag-aakalang isa kila Xavier ang bisita niya.

"Hello," bati sa kanya ni Oliver.

"Oliver," gulat na sabi ni Xia, hindi niya akalain na ito ang bisita niya.

"Para sayo, napasobra yung niluto kong ulam. Pawelcome ko na rin sayo," sabi ni Oliver sabay abot ng menudo.

"Salamat."

"Walang anuman."

Ningitian siya nito kaya napangiti nang pilit si Xia.

"Ibalik ko na lang sayo mamaya yung lalagyan."

"Sige."

Sinara na ni Xia ang pinto saka nilipat ang ulam. Inamoy niya rin ito upang masiguradong wala itong lason.

"Mukhang masarap, hindi naman siguro ako mamatay kung kakainin ko ito?" sabi niya sa kanyang sarili.

Kinain niya ito dahil sa gutom, hindi pa siya nananghalian at tinatamad na rin siya magluto.

Pagkatapos niya iligpit at hugasan ang pinagkainan niya, naligo muna siya bago tinignan kung may sagot na si Kenji sa kanya.

From: Kenji

Okay. Send ko na lang sayo mamaya yung mga nakuha kong info.

Pinatay na ni Xia ang laptop niya, alam niyang matagal pa bago niya matanggap ang impormasyong. Nagbihis na lang si Xia para mamili sa grocery, balak niyang  bigyan din ng pagkain si Oliver dahil nahihiya siyang ibalik nang walang laman yung lalagyan nito.

"Bakit ngayon pa?" sambit ni Xia nang tumunog kanyang smartwatch, tanda na may misyon siya.

Binilisan niya ang paglalakad habang bitbit ang mga pinamili niya. Pagkapasok niya sa sasakyan niya, binasa niya ang mensahe ni Kenji.

Case: Drug
Location: ***** condominium 5th floor room 7
No of Enemy: Unknown
Mission: Arrest them.

Sinuot niya ang hoodie niya saka nagmaneho patungo sa lokasyon ng kanyang misyon.  Pagkarating niya doon pinindot niya agad ang invisibility saka pumasok sa loob ng condominium. Umakyat siya sa 5th floor sa pamamagitan ng hagdan.

Pagkadating niya sa tapat ng pinto, nag-abang siyang bumukas ito. Hindi naman siya nito binigo dahil bumukas agad ang pinto.

Tinulak niya ang taong palabas sana saka pumasok at sinara ang pinto.

"S-sino yan?" takot na tanong ng lalaking tinulak niya.

Hinulog ni Xia ang flower vase sa tabi niya para lalo silang matakot. Pinalutang niya rin ang mga iilang gamit sa kwarto at binasag ang bumbilya.

"Waaaahhhhh!! Multo," sigaw nila dahil sa takot.

Tumakbo sila papuntang pinto para tumakas subalit hinarang ni Xia ang paa niya para matisod sila.

"F*ck!" sigaw ng nadapang lalaki.

Hinila ni Xia ang damit ng iba sa mga kasama nito na nagtangka rin umalis, itinulak niya ang mga ito sa upuan saka itinuloy ang pananakot hanggang sa mawalan sila ng malay.

"Yuck!" sabi ni Xia nang makitang napaihi sa pantalon ang isa sa kanila.

Nilagyan na niya ng posas ang apat na lalaking nahuli niya.

"Paakyat na ang pulis, iwan mo na lang sila diyan," sabi ni Kenji na kanina pa nakabantay sa monitor habang ginagawa ni Xia ang misyon.

"Okay," sagot ni Xia saka nag-iwan ng Iris flower, simbolo iyon ng grupo nila. Kaya kahit hindi sila nakikita, alam na nilang gawa ito ng Iris dahil  sa bulaklak.

Habang paalis si Xia, nasalubong pa niya ang mga pulis. Hindi naman siya nito nakikita kaya diretso lang siya sa paglalakad habang iniiwasang madikitan.

"About nga pala sa pinaparesearch mo sa akin. Nalaman ko na namatay yung dalawang nauna sayo na tumira doon sa apartment mo mismo," sabi ni Kenji habang nagmamaneho siya, hindi na niya pinatay ang hikaw niya para  makakapag-usap pa rin sila nu Kenji.

"May nakapagsabi nga sa akin na may namatay daw doon pero hindi ko alam na doon mismo sa kwartong inuupahan ko. Ano ikinamatay nila?"

"Laslas sa leeg pero may nakita din na kagat ng bampira."

"Tingin mo bampira talaga may gawa ng pagpatay?"

"May posibilidad."

"May iba ka pa nalaman bukod doon?"

"Sinubukan kong kumuha ng impormasyon tungkol sa mga nakatira diyan pero pangalan lang nila ang nalaman ko at gaano  na sila katagal nakatira sa apartment."

"Sige, salamat. Send mo na lang sa akin yung mga nakuha mong impormasyon. Kung pwede sana wag mong sasabihin kila kuya yung tungkol dito. Ayokong mag-alala sila."

"Okay. Mag-iingat ka diyan. Alam kong may pinaplano ka kaya hindi na ako makikialam," sabi ni Kenj.

"Okay."

Pinatay na ni Xia ang hikaw niya na nagsisilbing earphone.

Pagkauwi niya, gumawa siya ng fruit salad para ibigay kay Oliver at para na rin may kakainin siya. Habang pinapalamig niya ang salad, binasa niya muna ang mga impormasyon na pinasa sa kanya ni Kenji.

Kapansin-pansin na apat sa mga nakatira sa apartment ay sunod-sunod na lumipat, isa na doon si Oliver. Sa hindi malamang dahilan, bigla na lang umaalis ang mga nakatira noon sa apartment nila at makalipas ang isang araw, nabalita na nawawala ang mga ito.

Sunod niya binasa ang tungkol sa namatay sa apartment; dalawang dalaga ang natagpuang patay sa loob ng kwarto nila, nangyari ito noong nakaraang dalawang buwan.  Dahil sa balitang yun, hirap sila makahanap ng uupa sa kwartong kasalukuyang tinutuluyan ni Xia.

'Hindi kaya may sumpa itong apartment? Baka may multo dito?'

Bago pa makaisip nang nakakatakot na bagay si Xia, tinigil na niya ang pagbabasa. Kumuha na lang siya ng apple at kumain habang nagpapalipas ng oras.

Pagsapit ng alas singko kinuha na niya ang pinalamig na salad para kay Oliver. Nagtungo siya sa kwartong inuupahan nito saka nagdoorbell.

Bumukas ang pinto at bumungad sa kanya si Oliver na bagong ligo, wala itong suot na pang-itaas habang nakapatong sa balikat nito ang kanyang tuwalya. Namula si Xia at umiwas ng tingin.

"Ikaw pala. Teka magbibihis  lang ako. Pasok ka muna," sabi ni Oliver at bago pa makapagsalita si Xia, hinila na siya papasok  saka sinara ang pinto.

"Upo ka muna," sabi sa kanya nito bago pumasok sa kwarto.

Naiwan na lang nakatulala si Xia dahil sa bilis ng pangyayari. Ayaw niya sana pumasok dahil natatakot siya sa lalaki pero wala na siya nagawa kaya umupo na lang siya upang hintayin ito. Nilapag niya sa mesa ang dala niyang salad saka tumingin sa paligid.

"Pasensya na sa paghihintay. Ano nga pala kailangan mo?" tanong ni Oliver paglabas nito.

"Ibibigay ko lang  sana itong salad. Salamat ulit sa menudo. Alis na ako. Pasensya na sa abala," nagmamadaling sagot ni Xia.

Tumayo na siya para umalis dahil una pa  lang wala na siyang balak manatili doon. Kinutuban na rin siya sa lalaki, pakiramdam niya may kakaiba sa kinikilos ni Oliver, iba ito kung makatingin sa kanya kaya medyo nailang siya.

Naglakad na siya patungo sa pintuan at akmang bubuksan ang pinto nang bigla siya niton kinulong sa pagitan ng mga braso nito.

"Dito ka na muna, gusto pa kita makausap," bulong nito sa kanya..

"Sa susunod  na lang, may pupuntahan pa ako," sagot ni Xia at tangkang iikutin na ang doorknob nang hawakan  siya nito para pigilan.

Namutla si Xia at sa sobrang takot niya hinawakan niya ang kamay nito upang alisin ito. Mabilis ang kilos niya subalit sa saglitang paghawak niya napatunayan niyang isa talaga itong bampira.

Patakbo siyang bumalik sa kwarto niya, pagkasara niya ng pinto, nilock niya agad ito sabay hawak sa dibdib niya; sobrang bilis ng tibok ng puso niya dahil kabang nararamdaman niya pagkatapos niya matuklasan na hindi biro ang kapangyarihan ni Oliver.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top