CHAPTER 30
CHAPTER 30
"Zander anak! Namiss ka ni daddy!" sabi ni Mr. Hayato.
Naglakad ito palapit kay Zander para yakapin, ngunit iniwasan siya nito.
"...."
Napatakip ng bibig si Xia, hindi niya alam kung matatawa ba siya o maawa kay Mr. Hayato dahil sa reaksyon ni Zander.
"Bakit anak? Hindi mo ba namiss si Daddy?" sabi ni Mr. Hayato habang nagdadrama, malayo talaga sa itsura nito ang ugali niya.
Minsan na rin napaisip si Xia kung kanino ba nagmana si Zander dahil ibang-iba ang ugali nito sa kanyang ama.
"Maiwan ko muna kayo," paalam ni Xia para makapag-usap sila.
Natatakot din siya na baka masira niya ang reunion nilang mag-ama dahil sa hindi niya mapigilang matawa kay Mr. Hayato.
"Dito ka lang," sabay na sabi nina Zander at Mr. Hayato habang sabay rin nilang hinawakan si Xia para hindi ako makaalis.
"Okay (?)" tugon ni Xia habang napapaisip kung bakit kailangan nandoon siya.
"Sorry, iniwanan ko kayo at mas pinili kong tulungan ang iba kaysa makasama kayo," malungkot na sabi ni Mr. Hayato.
Sinisi niya ang kanyang sarili dahil noong namatay ang kanyang asawa, wala siya sa tabi nito. Hindi man lang niya natugunan ang kanyang tungkulin bilang ama at asawa sa pamilya niya.
"Matagal ko na po alam na buhay kayo. Alam ko rin na lagi mo ko binabantayan kahit nasa America ka. Alam ko na ikaw ang nag-utos kay Sir Takeshi na alagaan ako. Alam ko lahat kahit yung pagiging magkapatid niyong dalawa," sabi ni Zander, hindi naman siya tanga para hindi ito mapansin.
"Eh? Kapatid mo po si Sir Takeshi?" gulat na tanong ni Xia, dahil hindi niya napansin ang koneksyon ng dalawa.
Tumango si Mr. Hayato bilang tugon saka nilingon si Zander.
"Alam mo na pala. Bakit wala kang sinabi?" tanong nito.
Biglang umiwas ng tingin si Zander. Lihim na napangiti si Xia nang mapansin niyang namumula ang tenga nito.
"Hindi ko alam kung ano gagawin ko oras na makita kita," nahihiyang sagot ni Zander.
"Yakapin mo lang ako at sabihin mo na 'Namiss kita daddy'."
"Hell no!"
"Come on! Hug your daddy."
Pangungulit sa kanya ni Mr. Hayato. Lumapit pa ito at hinanda ang kamay para yakapin si Zander.
"Dad, hindi na ako bata."
Umiwas sa kanya si Zander habang namumula sa sobrang hiya. Hindi na napigilang matawa ni Xia kaya napatingin sa kanya ang binata, agad naman siya tumigil sa pagtawa lalo nang tignan siya nang masama nito.
"Let's go," sabi sa kanya ni Zander sabay hila sa kanya palabas ng kwarto.
"Oh? Tapos na kayo mag-usap?" tanong ng ina ni Xia nang masalubong nila ito.
"Opo, pasensya na sa abala," sagot ni Zander.
"Naghanda ako ng makakain. Nandoon na din ang mga kaibigan niyo."
Nagtunggo sila sa dinning hall, naabutan nila dooon sila Trevor na nakaupo na para kumain.
"Nandito na kayo. Kanina pa namin kayo hinihintay," sabi ni Claude.
Umupo sila Xia at sabay-sabay silang kumain.
Samantala, sa isang maliit na opisina may isang lalaking nagbabasa ng magazine, sa harap nito nakayuko si Leo, isa sa mga nakalaban nila Claude.
"Gumuho po ang 2nd laboratory. Wala pong nakaligtas sa loob maliban sa mga batang kinuha nila," sabi ni Leo sa isang lalaki na nasa edad 37.
"Sino ang may gawa?" kalmadong tanong nito sa kabila ng galit na nararamdaman.
"Hindi po namin sila masyado namukhaan dahil sa suot nilang hood pero malakas ang kutob ko na agent sila ng CLA."
"Hmm. CLA..."
Sinara nito ang magazine saka tumalikod upang tumingin sa bintana habang nag-iisip ng malalim.
"Patayin niyo lahat ng agent ng CLA. Pagbabayaran nila ang pangingialam nila sa atin," galit na sabi nito habang nakatalikod pa rin.
"Masusunod Chairman," tugon ni Leo bago ito lumabas.
Ngumisi ito saka pinuntahan ang mga kasamahan niya.
"Ano balita?" tanong ni Sagittarius.
"Patayin ang lahat ng agent ng CLA. Ayun ang sabi niya."
"Oh? Tama ang kutob ko. Dali talaga basahin ang matandang yun," sambit ni Taurus.
"Kung hindi lang niya hawak ang kapatid ko, matagal ko na siyang pinatay," sabi naman ni Aries.
"Wala na tayo magagawa. Sa ngayon kailangan natin siya sundin habang hindi pa natin nalalaman kung saan niya tinago ang pamilya natin," sabi sa kanila ni Leo.
Sa headquarter ng Artificial Vampire Organization (AVO),
"Mom, alis na po kami," paalam ni Xia pagkatapos niya ayusin ang mga gamit niya.
Lilipat na siya sa inupahan niyang apartment. Niyakap niya ang kanyang ina.
"Mag-iingat ka anak. Dadalaw kami minsan sa apartment mo," sabi ng kanyang ina.
"Opo. Dadalaw rin po ko dito."
Lumabas na siya sa kwarto ng kanyang ina saka pinuntahan sila Xavier, naghihintay na ito sa sasakyang gagamitin nila sa paglilipat niya.
"Sigurado ka bang hihiwalay ka ng apartment sa akin?" tanong ni Xavier pagkasakay nila ng sasakyan, nag-aalala siya sa kapatid niya dahil mag-isa lang ito sa lilipatn niya. Saka malayo ito sa kanilang titirahan.
"Hindi na ako bata kuya. Sanay na ako na mamuhay ng mag-isa," sagot ni Xia.
"Hindi naman yun ang pinag-aalala ko. Baka pasabugin mo yung apartment mo. Kawawa naman yung mga kapitbahay mo," palabirong sabi nito kahit na nag-aalala talaga siya kay Xia.
Sumimangot si Xia.
"Mas nag-aalala ka pa talaga sa kapitbahay ko, sa akin hindi?"
"Biro lang! Siyempre mas nag-aalala ako sa kalagayan mo. Sa sobrang alala ko nagdala ako ng sampung lock para sa mga pintuan."
Pinakita niya ang paper bag na may laman na iba't-ibang klaseng lock. Hindi alam ni Xia kung matutuwa ba siya o maiiyak habang tinitignan ang mga ito.
"Bakit nga pala mas pinili mo tumira sa maliit na apartment na yun?" tanong ni Jason habang nagmamaneho.
"Nakakalungkot tumira nang mag-isa sa malaking lugar," tugon ni Xia.
Sa kanilang tatlo siya lang titira sa isang mumurahing apartment; si Xavier bumili ng bahay sa isang subdivision samantalang si Jason babalik sa bahay nila.
Nakarating na sila sa apartment na napili ni Xia.
"Sigurado ka ba talaga na dito ka titira?" tanong ni Xavier pagkapasok nila sa loob ng apartment.
"Oo nga Xia. Bakit ba ito pinili mo? Pwede naman doon," tanong ni Jason sabay turo sa katapat na apartment building, kitang-kita ito sa bintana ng kwarto ni Xia.
Tumango si Xavier bilang pagsang-ayon kay Jason. Wala sila nung tumingin si Xia ng apartment, kaya ganyan na lamang ang pagkontra nila nang makita ito. Hindi na nila ito nasamahan noong naghahanap siya ng matitirahan dahil may mga lakad sila. Ngayon pinagsisihan nila na wala sila noong araw na yun.
"Alam kong nakasanayan mo ng mamuhay na katulad sa mahirap. Pero hindi ako papayag na tumira ka sa ganitong apartment. Hindi ako matatahimik hanggang nandito ka kaya tara sa kabila," sabi ni Xavier upang kumbinsihin si XIa, hinila niya ito palabas.
"Wait kuya! Nakapagdeposit na ako," sabi ni Xia pero nahila na siya palabas at ngayon nasa tapat na sila nang malaking building.
Napabuntong hininga si Xia habang pinapanood ang kanyang kapatid na kinakausap ang may-ari ng building.
"May bakante pa daw sila sa 3rd floor. Doon ko na," sabi ni Xavier.
Hindi na umimik si Xia dahil alam niyang wala siyang laban sa dalawang kasama niya. Napasimangot siya dahil mas gusto niya talaga doon sa kabilang apartment, mas komportable kasi siya sa ganun kaysa magandang tirahan.
"Hindi na rin masama pero mas maganda pa rin na bumili ka na lang ng sarili mong bahay at lupa kaysa mangupahan ka," sabi ni Xavier habang tinitignan yung loob ng apartment.
Napairap si Xia dahil nakalimutan nito yung sinabi niya na mas gusto niyang tumira sa maliit na apartment.
Ano gagawin niya sa bahay at lupa kung mag-isa lang siya?
"Tama na ang komento. Ipasok niyo na lang gamit ko," sambit ni Xia sa kanila bago pa ito tuluyang mainis dahil sa pangingialam nila.
Lumabas sila agad pero bago yun hinagisan muna ni Xavier ng apple si Xia, kanina pa nito hawak ang apple simula nung bumaba sila ng sasakyan.
Binuksan ni Xia ang bintana para pumasok ang hangin saka niya kinain ang hawak na apple. Hinayaan niya lang sila Xavier na ipasok ang lahat ng gamit niya.
"Ano gagawin mo kuya?" tanong ni Xia nang mapansin niyang may nilalabas na martilyo si Xavier.
"Dadagdagan ko yung lock ng pinto mo. Nagpaalam na rin ako kanina; sabi ayos lang daw na lagyan ko ng ibang lock yung pinto mo," tugon nito.
Hindi lubos akalain ni Xia na seryoso ito sa sinabi ni Xavier kanina.
"Kawawa yung magtatangkang gumawa ng masama sayo kung sakali kaya mas magandang sigurado," dugtong nito Xavier.
Nawala bigla ang ngiti ni Xia.
"Ah ganun? Mas concern ka pa pala sa kanila kaysa sa akin," inis na sabi niya sabay bato ng buto ng apple. Tumama ito sa ulo ni Xavier pero tumawa lang ito.
"Hmmm. Tama naman ang kuya mo. Mas kawawa sila," sabi ni Jason bilang pagsang-ayon kaya tinignan siya ng masama ni Xia.
"Hindi lang sila. Pati yung mga nakatira dito pwede madamay kapag pinasabog ni Xia yung lugar dahil sa galit," sabi pa ni Xavier.
"Pwede ba (?) kung wala kayong matinong sasabihin manahimik na lang kayo? Wala akong balak pasabugin itong building," inis na sabi ni Xia dahil kanina pa nila sinasabing papasabugin niya yung building.
"Hahahaha. Oo na, wag kang magalit. Nag-aalala lang naman kami sayo," tugon ni Xavier.
Napabuntong hininga na lang si Xia; alam niyang pinagtitripan lang siya nito.
"Bilisan mo na lang diyan kuya para makaalis na kayo. Mag-aayos pa ako ng gamit," sabi niya.
"Pinapasabi nga pala ni Stella na pupunta sila dito mamaya para tignan yung bago mong apartment," sabi ni Jason.
"Bakit ngayon mo lang sinasabi? Anong oras daw sila pupunta?" tanong ni Xia.
"Pagkatapos daw ng trabaho niya. Wag ka mag-alala may oras ka pa mag-ayos ng gamit."
"Kung gusto mo dito muna kami para matulu--" sabi ni Xavier na agad pinutol ni Xia.
"No! Ako na bahala sa gamit ko. Tapusin mo na lang yan kuya," sabi niya.
Makalipas ang isang oras, natapos na rin ito sa ginagawa niya.
"Tapos na. Nilagyan ko rin ng tatlong lock ang kwarto mo. Siguraduhin mong lahat nakalock bago ka matulog. Pati bintana mo i-lock mo. Ayoko maulit yung nangyari noon sa bahay." paalala ni Xavier.
Naunawaan agad ni Xia ang sinabi nito dahil kahit siya ayaw na niya ito maranasan.
"Okay kuya," sagot ni Xia.
"Mag-iingat ka. Wag ka magpapapasok ng hindi mo kakilala."
"Okay."
"Parang ayoko na umalis, hindi kita kayang iwan mag-isa. Pakiramdam ko may masamang mangyayari sayo kapag mag-isa ka lang."
Hindi maiwasang mag-aalala ni Xavier, dahil tuwing naiiwang mag-isa si Xia palaging may masamang nangyayari dito. Katulad na lang noong nasa America sila, pumunta lang sa school trip si Xia ngunit isang massacre na ang dinanas nito. Wala sila noong panahon na yun kaya hindi man lang nila ito nagawang tulungan. Hindi niya rin makakalimutan ang mga nangyari sa kapatid noong hindi pa siya ganap na artificial vampire.
"Kuya, ayos lang ako. Walang masamang mangyayari sa akin. Saka hindi na ako tulad dati, sabi niyo nga pwede kong pasabugin itong building," sabi ni Xia nang mabasa nito ang nasa isip ng kapatid niya.
"Pero paano kung mas malakas siya sayo? Baka mamaya kung sino-sino na lang kausapin mo dito."
"Wag ka praning. Alis na kayo. Kaya ko na sarili ko. Ingat kayo."
Tinulak na niya ito palabas nang ayaw pang lumakad saka sinarado ang pinto. Wala na nagawa sila Xavier kundi umalis na lang.
Nag-umpisa na mag-ayos ng gamit si Xia at dahil konti lang ang gamit nito, natapos din siya nang mga alas singko nang hapon.
"Tapos na din ako sa wakas," sabi niya.
Nagpahinga lang siya saglit bago maligo.
Dingdong!
"Sandali lang!" sigaw ni Xia saka binilisan ang pagbibihis, kakatapos lamang niya maligo nang may magdoorbell.
Sinilip niya sa butas ng pintuan kung sino ang nasa labas. Nang makita niya si Stella, agad niya ito pinagbuksan ng pintuan.
"Nagdala ako ng pagkain. Nasabi sa akin ni Jason na dito ka raw nakatira. Pwede ba kami pumasok?" sabi ni Stella.
Pagtingin ni Xia sa likod ni Stella, nakita niya sila Zander.
"Wet look," sambit ni Claude at saka sumipol, binatukan siya ni Zander.
"Ah! Sorry kakaligo ko lang. Tuloy kayo," sabi ni Xia habang namumula.
Hindi siya masyadong nakapunas dahil sa kakamadali niya magbihis at akala niya rin si Stella lang ang dumating.
Tumakbo siya pabalik ng banyo saka pinunasan ang tumutulo niyang buhok.
'Nakakahiya! Nakita ako ni Zander na ganito itsura ko. Ano na gagawin ko?'
Pulang-pula si Xia habang iniisip niya ang mukha ni Zander habang nakatingin sa kanya. Lalo na ang reaksyon ni Claude. Bigla siya nahiya sa kanila at parang ayaw na niya lumabas,
'Teka! Bakit ko ba iniisip yun? Ano naman kung nakita niya ako na ganitong ayos?'
Binilisan na lang ni Xia ang pagpupunas ng buhok saka nagsuklay bago lumabas. Hindi na lang niya inisip yung nangyari.
Naabutan niyang tinitignan nila ang bawat sulok ng apartment.
"Lei tara dito! Alam kong gutom ka na dahil sa pag-aayos ng gamit mo," tawag ni Stella sa kanya.
Umupo si Xia sa tabi niya saka kumuha ng apple na nakahanda na sa maliit na lamesa niya sa sala.
"Ayos ka lang ba sayo kahit mag-isa ka dito? Kung gusto mo ng kasama, nandito ako," sabi ni Claude kay Xia.
"Mas hindi siya ligtas kung nandito ka," sabi ni Claudine.
"Yeah! Baka gapangin mo siya," pagsang-ayon ni Bliss.
"Bago pa mangyari yun, baka napatay na siya ni Zander," sabi ni Trevor kaya napatingin sila kay Zander.
Nakatingin ito ng masama kay Claude habang may hawak na baril. Kung nakakapatay ang tingin nito baka pinaglamayan na nila si Claude bago pa ito mabaril.
"Wag ka mag-alala Claude. Ipagdadasal namin na maging payapa ang iyong kaluluwa," sambit ni Bliss habang umaarte na umiiyak.
Hinawakan ni Claude sa balikat si Zander saka ito tinignan ng seryoso.
"Kalma lang bro. Nagbibiro lang ako. Gusto ko pa mabuhay. Hindi ko pa nakikita ang babaeng nakatadhana sa akin. Marami pa akong pangarap sa buhay. Magkakaroroon pa ako ng isang dosenang anak," aniya saka ito nag-umpisang mangarap na magkaroon ng asawa at anak.
"Wala ka pa ngang girlfriend, isang dosenang anak agad naisip mo," sabi sa kanya ni Claudine.
"Pagbigyan mo na siya Claudine. Kahit man lang sa pangarap niya magkaanak siya," sabi ni Trevor.
"Ang hard niyo sa akin. Xia oh! Inaaway nila ako," sambit ni Claude habang umaarteng nagsusumbong na katulad sa bata.
Pagkahawak ni Claude kay Xia, kinasa ni Zander ang baril saka ito tinutok kay Claude.
"Bibitawan mo siya o papatayin kita?" sabi niya kay Claude.
Mabilis na bumitaw si Claude.
"Sabi ko nga, kain na tayo ng pizza," aniya saka lumayo kay Xia.
Umupo ito sa tabi ni Claudine at kumuha ng dala nilang pizza.
Tinabi ni Zander ang baril niya bago umupo sa tabi ni Xia.
"May gusto ko bang sabihin?" tanong ni Xia kay Stella nang mapansin niya hindi ito mapakali sa upuan.
"Ah! Ano... umm. Kayo na bang dalawa?" tanong niya.
Napaisip si Xia sa tanong nita.
'Oo nga no? Kami na nga ba? Nagkiss na kami. Binigyan niya ako ng singsing. Nasabi ko na sa kanya yung nararamdaman ko. Ganun din siya pero hindi namin napag-uusapan kung ano relasyon namin.'
Napatingin siya kay Zander at saktong nakatingin din siya sa kanya. Gusto tanungin ni Xia kung sila na ba pero nahihiya siya.
"Wag niyo sabihin na hindi niyo pa napag-uusapan yung tungkol sa relasyon niyo?" tanong ni Claude.
"........"
Napayuko si Xia dahil nahiya ito bigla.
"Tama ako no?"
Hindi alam ni Xia kung ano sasabihin niya. Gusto na lang niya maglaho sa harap nila.
"Ehem. Kami na... simula ngayon," sagot ni Zander.
Napaangat ng tingin si Xia at napansin niya ang pamumula ng tenga ni Zander. Nawala bigla ang nararamdaman niyang hiya saka napangiti.
"Ayeeeiiii! Congrats!" sabi ni Bliss.
"Congratulations Lei. Masaya ako para sayo. Nakakita ka nang lalaking magmamahal sayo," bati ni Stella habang nahawak sa kamay ni Xia.
"Salamat," nahihiyang sabi ni Xia habang namumula.
"Dapat magcelebrate tayo dahil first day niyo. Para na din sa paglipat mo dito," sabi ni Bliss.
"Order pa tayo ng pagkain. Yayain din natin sila Jason," sabi naman ni Stella sabay kuha ng cellphone nito upang tawagan sila Jason.
Hindi na nagawang makakontra ni Xia dahil mabilis na sinagot ang tawag ni Stella. Pakiramdam niya tuloy, inaasahan na nila Jason ang pagtawag ni Stella sa kanila.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top