CHAPTER 29

CHAPTER 29

"Iwan ko muna sila sa inyo," sabi ni Xia nang makabalik sila sa taas.

Ibinigay niya kila Jason ang nailigtas nila sa laboratory bago bumaba upang balikan sila Xavier.

Boom! Sunod-sunod ang pagsabog sa loob habang pabalik sa laboratory sila Zander.

"Bilisan natin," sabi ni Xia dahil nag-aalala na ito sa kalagayan nila Xavier.

Malakas na ang apoy nang makarating sila sa ibaba. Puno ng usok at lumiliyab ang mga nagkalat na gamit at nagsibagsakan na kisame.

"Kuya!" sigaw ni Xia nang masalubong nila sila Xavier, palabas na sila at ang mga kasama nilang bata.

Napansin ni Xia na may babagsak na kisame, agad siya napatakbo papunta sa mga batang nakatayo sa ilalim nto.

"Umalis na kayo diyan!" sigaw ni Xia dahil malayo siya sa kinatatayuan nila at baka hindi siya makabot. Subalit dahil sa taranta nila hindi na sila nakaalis sa posisyon nila, patingin-tingin na lang sila kisame habang pinag-iisipan kung saan sila pupunta, pakiramdam nila wala na silang mapuntahang ligtas na lugar.

Pabagsak na ang kisame nang lumundag si Xia para mailigtas ng mga bata. Tinulak niya ang tatlong bata kila Xavier na palapit din sa kanila.

"Shirayuki!" sigaw nila Xavier.

Napatingin si Xia sa pabagsak na kisame, wala na siyang oras para makaalis dahil malapit na ito sa kanya. Akala niya mababagsakan siya nito pero bago ito dumikit sa kanya, may kulay pulang enerhiya ang pumalibot sa kanya at pinatalsik nito ang nahulog na kisame.

Natulala na lamang si Xia sa taas kahit na wala na ang misteryosong pulang enerhiya na lumabas sa katawan niya para protektahan siya. Alam niya na hindi siya ang may gawa nito pero sigurado siya na galing iyon sa kanya.

Saan iyon galing? Bakit ngayon niya lang ito nakita?

"Nasisiraan ka na ba ng ulo? Bakit mo ginawa yun? Gusto mo bang mamatay? May iba namang paraan bukod sa ginawa mo," sabi sa kanya ni Xavier dahil sa ginawa nito, halos lumundag ang puso niya sa takot.

"Sorry," tugon ni Xia saka yumuko.

Wala pa rin siya sa sarili dahil iniisip niya yung pulang enerhiya na lumabas sa katawan niya.

"Mamaya na kayo mag-usap. Kailangan na natin umalis dito. Nag-uumpisa na itong gumuho," sabi ni Claude dahil hindi na ligtas ang lugar.

Napabuntong hininga si Xavier saka hinila paalis si Xia, natatakot ito na baka may delikadong gawin nanaman ito. Pagkadating nila sa may hagdan, naabutan nila itong nag-aapoy.

"Mauna ka na kasama ang mga bata," sabi ni Xavier kay Claude.

Hawak ang isang bata, umakyat ito sa hagdan.

"Sumunod kayo sa akin," sabi ni Claude sa mga bata.

Tinulungan sila nila Xia na umakyat sa hagdan habang nakabantay sa likod para kung sakaling may mangyari makakilos sila agad.

May nadapang batang babae ang nadapa habang palapit ito sa hagdan. Lalapitan na sana ito ni Xia ngunit pinigilan siya ni Zander para siya na ang tumulong dito. Binuhat niya ito saka naglakad pabalok sa tabi ni Xia, kamuntik pa sila mabagsakan ng gumuhong kisame, mabuti na lang mabilis na nakaiwas si Zander.

Nang masigurado nilang nakaakyat na ang lahat ng mga bata, umakyat na rin sila Xia. Habang papaakyat sila biglang may sumabog, napakapit si Xia kay Zander dahil sa pagyanig na lupa.

"Sh*t!" sambit ni Xavier habang nakatingin sa paanan nila.

Nag-uumpisa na mabiyak ang hagdanang inaapakan nila.

"Dalian niyo. Tumakbo na kayo," sabi ni Xia sa mga batang nasa harapan nila.

Patakbo silang umakyat ng hagdan. May iilang nadapa pero tinutulungan ito agad nila Xia na makatayo tuwing naabutan nila ito. Dahil na rin sa takot, hindi maiwasang magkatulakan ang mga bata. Mabuti na lang nasa likod sila Xavier para umalalay. Napatingin si Xia sa taas nang unti- unting nagsibagsakan ang nga bato at lupa.

"Kuya, guguho na yung lupa," sabi ni Xia, nasa ilalim pa naman sila. Oras na gumuho ito siguradong matatabunan sila nang buhay.

Napatakbo silang tatlo nang malapit na silang sa labasan, ngunit bago pa sila tuluyang makaakyat may bumagsak sa harapan nila.

"Kuyaaaahhh!" sigaw ni Xia sabay pikit nang makitang malaglagan sila nito.

Hinila siya ni Zander upang yakapin at agad din tinakpan ni Xavier ang kanyang lilod upang masiguradong hindi siya masasaktan.

Boom!

"Shirayuki? Tetsuo? Daisuke? Naririnig niyo ba ako?" tawag sa kanila ni Kenji nang hindi na sila nito makita sa screen.

Napadilat si Xia nang marinig niya ito.

"Ayos lang kami," sagot ni Xavier habang nakahawak ito sa hikaw niya.

Napansin ni Xia na may tinitignan ito sa taas kaya napaangat rin ito ng tingin. Doon lang niya napansin na nasa gitna sila nang mga gumuhong bato at yung taas na lamang ang paraan para makalabas sila.

Napapaisip man si Xia kung paano sila nakaligtas, hindi na lang niya ito pinansin. Ang importante hindi natabunan natabunan nang buhay.

"Let's go," sabi ni Xavier kila Xia bago ito tumalon papuntang taas.

Sumunod sila Xia sa kanya at laking pagpapasalamat nila na hindi ganun kalalim ang binagsakan nila.

Nanlaki ang mata ni Xia nang makita ang sira-sirang ampunan. Para itong dinaanan ng lindol, kalahati nito ang gumuho, pati ang mga lupa sa tabi nito nasira rin. Naisip na lang nang dalaga na maaring ayun ang mga lupang nasa ibabaw ng laboratory kaya pati ito nadamay.

"Huli na tayo," sabi ng isang babae, napatingin si Xia dito nang marinig niya ito.

Hinila ni Xavier si Xia para magtago, inayos din niya ang suot na hoodie nito saka pinindot yung zipper para maging invisible siya. Nawala sa isip ng dalaga pinatay nila ang invisibility noong paakyat na sila para makita sila ng mga bata.

"Hindi nila tayo pwedeng makita," sabi ni Xavier habang inayos ang suot niya.

Paglingon ni Xia kay Zander, invisible na rin ito. Nang masiguradong hindi na sila nakikita, naglakad na sila paalis para hanapin sila Claude. Naabutan nila ang mga ito na nakikipaglaban sa mga bampira.

"Ibigay niyo sila sa amin," sabi ng isang lalaki na may pulang buhok.

"Nah! Sira na yung laboratory niyo, para saan pa sila? Maliban na lang kung meron pa kayong iba," sagot ni Claude.

"Hindi na kailangan tanungin yun. Obvious naman na meron pa silang iba. Ilan pa ang tinatago niyo? Isa? Dalawa? Tatlo?" sabi naman ni Claudine.

"Bakit naman namin sasabihin sa inyo? Mga pakialamero talaga kayong mga nasa CLA. Nung una pinalampas namin kayo, pero ngayon wala na kayong takas," sagot ng lalaking may pulang buhok, sumenyas ito sa mga kasamahan niya at sabay-sabay silang sumugod.

"Sino sila?" tanong ni Xia kay Zander dahil base sa sinabi nito, nakaharap na sila noon.

"Sila yung nagkaharap namin nung niligtas namin si Rain."

"Sila ang Zodiac. 12 sila lahat at base sa name ng grupo nila, nakuha ang code name nila sa 12 Zodiac Sign," sabi ni Kenji habang nagpipindot sa computer upang kumuha na ng impormasyon tungkol sa kalaban.

"Ano na gagawin namin?" tanong ni Xavier habang pinapanood sila Claude.

Napahikab si Xia nang makaramdam na ito ng antok at dala na rin ng pagod. Masyado niyang ginamit ang kapangyarihan kaya sinumpong nanaman siya ng antok niya. Kumain na lang siya ng apple para mawala ito.

"Nagpadala nang ambulansya sila Sir Hayato. Pagdating nito, doon lang kayo lumabas at tulungan niyong maisakay ang mga bata at iba pa. Doon na rin tatanggalin ang tracker nila bago ito dalhin sa AVO."

"AVO?" tanong ni Bliss nang marinig nito ang hindi pamilyar na pangalan kay Kenji.

"Artificial Vampire Organization. Pinamumunuan iyon ng ama ni Shirayuki. Katulad ng CLA, si Sir Hayato din ang bumuo nito," paliwanag ni Kenji.

"Sigurado ka bang mamaya pa kaming lalabas? Dumami ang kalaban," tanong ni Xavier.

Nakisali na rin sa laban ang babaeng nakita ni Xia kanina. Kung kanina apat lang ang kalaban nila, ngayon siyam na.

Naglabas ng apoy si Claude, kumpara sa pangkaraniwang apoy kulay asul ito. Namangha si Xia dahil ito ang unang beses niya na makita itong gumamit ng apoy.

"Malakas ang kalaban, hindi gagamitin ni Kazuki ang kapangyarihan niya kung hindi siya nahihirapan," sabi ni Zander habang seryosong nanood. Gusto niyang tumulong ngunit natatakot siya na baka may kung anong gawin si Xia oras na iwanan niya ito.

"Dito lang kayo. Tutulungan ko sila," sabi ni Xavier nang makitang hindi maganda ang sitwasyon.

Pagkatayo nito, tumayo rin si Xia dahil ayaw niyang umupo lang sa tabi.

"Tutulong din a--"

"Shirayuki."

Natahimik si Xia nang marinig niya ang boses ni Sir Hayato.

"Kahit ano mangyari wag ka magpapakita sa kanila. Sumabay ka na mamaya sa ambulansya," sabi nito kaya napaupo muli si Xia.

Napansin niyang seryoso ang tinig ni Mr. Hayato kaya alam niyang dapat niya ito sundin.

"Bakit?" tanong ni Xia dahil pakiramdam niya may malalim itong dahilan.

"Sila rin ang nasa likod ng pag-oopera sayo sa puso."

Natahimik si Xia sa sinabi niya, bumalik sa alaala niya tungkol kay Mr. Navarro at ang sinabi nito bago siya patayin.

"Tetsuo, samahan mo siya," utos niya kay Zander at saktong dumating ang ambulansya.

Isa-isang sinakay ni Bliss ang mga batang nailigtas nila Xia sa laboratory at ampunan. Nang mapansin ni Zander n tulala lang siya Xia, hinila niya ito papuntang ambulansya para sumakay. Pagkapasok nila sa loob, pinatay nila ang invisibility ng suot nila para makita sila ng mga kasama nila, pero hindi pa rinb nila binahaba ang hood nila kaya mata lang nila ang nakikita.

Sumilip si Xia sa bintana para tignan ang kalagayan nila Xavier; nakikipagpalitan sila ng suntok at sipa, makikitang pantay lang ang lakas nila subalit mas lamang sa dami ang kalaban. Lalo silang nahirapan sa pakikipaglaban dahil dito. Gusto ni Xia na tulungan pero hindi siya pwede lumabas, kung siya nandoon patatalsikin lang niya ang mga kalaban para magkaroon ng sapat na oras sila Xavier na labanan ang isa sa kanila.

"Ayos lang sila," sabi ni Zander sa kanya bago pa niya maisipang lumabas. Alam ni Xia na ayos lang sila, pero nababahala pa rin siya; hindi nila alam kung gaano kalakas ang Zodiac, at kung ano ba ang kapangyarihan nila.

Umandar na ang sasakyan, walang nagawa si Xia kundi panuorin sila Xavier habang palayo sila.

"Shirayuki, pwede mo ba akong tulungang hanapin yung tracker?" tanong ng doctor na kasama nila, katulad ni Xia isa din itong artificial vampire.

Tumango si Xia bilang tugon. Hinawakan niya ang batang nasa harapan niya at gamit ang marker na binigay sa kanya, nilagyan ng ekis ang pinaglalagyan ng tracker, nasa bahagi ng balikat ito o sa kahit saang parte ng braso ng mga bata. Mabilis nila natanggal ang lahat ng tracker sa tulong ng x-ray vision ni Xia.

'Ganito rin siguro ginagawa nila Bliss sa kabilang ambulansya?' sa isip ni Xia habang pinapanood niya ang doctor na tinatahi ang parteng pinagtanggalan ng tracker.

"May susumusunod sa atin," sabi ni Zander habang nakatingin sa labas, may motor na nakasunod sa sa kanila.

"Kahit sundan nila tayo, hindi nila malalaman kung saan tayo pupunta," nakangiting sabi ng doctor saka ito nawala ito bigla kasama ang hawak niyang bata.

Nagulat si Xia nang bigla na lang ito naglaho sa harapan niya, hindi niya lubos maisip na may ganun din kapangyarihan ang mga bampira.

"Teleportation?" sabi ni Zander.

Pagbalik ng doktor, mag-isa na lang ito. Sunod-sunod niya kinuha ang iba pang bata hanggang sa dalawa na lang sila Xia na naiwan sa loob, hinawakan sila ng doktor saka dinala sa kabilang sasakyan.

"Sorry natagalan kami," aniya saka niya muling inabutan ng marker si Xia.

Tatlong ambulansya ang dumating sa ampunan kanina; isa ang sinakyan nila Xia, pangalawa ang kinaroroonan ni Bliss at pangatlo ang nilipatan nila Xia. Bawat sasakyan may kailangan tracker na tanggalin, hindi alam ni Xia kung ilang doktor ba ang meron sila.

Katulad sa unang ginawa ni Xia, minarkahan niya kung saan banda ang tracker at saka naman ito tinanggal ng doktor. Pagkatapos nila muling nagteleport ang doktor kasama ang mga bata hanggang sa naiwan nanaman sila Xia.

"Dito lang kayo. Kukunin ko lang yung mga bata sa kabilang sasakyan. Babalikan ko kayo," paalam sa kanila ng doktor bago muling nawala.

"Mukhang balak nila tayo dalhin sa headquarter gamit ang teleportation," sabi ni Xia habang hinihintay na bumalik ang doctor, sumandal siya kay Zander dahil bumabalik nanaman ang antok niya.

Huminto ang ambulansya at ganun rin ang motor na sumusunod sa kanila, nasa tapat na sila ng hospital kung saan nanggaling ang ambulansya. Hindi kumilos sila Xia sa inuupuan nila at tahimik na inabangan ang pagbalik ng doktor.

"Tara na," sabi ng doktor sa kanila pagkasulpot nito, bago pa sila makakilos, hinawakan sila nito saka nagteleport.

"Paano yung driver?" tanong ni Xia.

Tumawa ang doktor dahil sa reaksyon nito.

"Hindi natin kasamahan yung driver," sagot ng doktor.

"Huh?"

"Pinatulog namin yung driver saka namin nilagyan ng device yung sasakyan para macontrol ito kahit tulog ang driver."

Ngayon lamang naunawaan ni Xia ang lahat na hindi sa kanila ang ambulansya. Kinuha lang nila ito sa hospital at ginamit para iligaw ang mga kalaban.

"Nakarating na sila sa HQ Bumalik na kayo sa sasakyan. Tayo naman ang aalis. Pagbilang ko ng tatlo tumakbo na kayo nang mabilis," sabi ni Kenji saka ito nagbilang.

Pagkatapos niya magbilang ng tatlo, isang pagsabog ang naganap sa kinatatayuan ng kalaban.

"Kailan mo nilagay yung bomba?" tanong ni Xavier nang makasakay ito.

Akala nila matatamaan sila kanina, mabuti na lang sinunod nila ang sinabi nito na bilisan nila ang takbo.

"Kanina habang nasa loob kayo," tugon ni Kenji.

"Hindi ba nila tayo masusundan?" tanong ni Claude.

"Hindi, kahit gustuhin nilang sundan tayo, hindi nila makikita ang sasakyan."

"Lumilipad ba tayo?" tanong ni Claudine nang makitang may mga ulap sa dinadaanan nila.

"Oo, hindi ito normal na sasakyan. Maliban sa nagiging invisible ito, pwede din ito makalipad. Mas mabuting sa langit tayo dumaan kapag invisible ito, para maiwasang ang aksidente sa lupa," sagot ni Kenji.

Napangiti si Xia nang marinig ang usapan nila, nasigurado niya na ligtas sila lahat at nakaalis na sa may ampunan.

"Mabuti ligtas kayo," sabi ni Mr. Hayato pagkapasok nito sa kwartong kinaroroonan nila Xia.

"Dad?" tanong ni Zander habang hindi makapaniwalang nakatingin kay Mr. Hayato.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top