CHAPTER 28
CHAPTER 28
Third Person's POV
"Wag ka nga dumikit sa akin masyado," reklamo ni Claudine kay Jason habang sinusundan ang madreng naglilibot sa kanila sa ampunan.
"Kailangan ito para maniwala silang mag-asawa tayo," bulong ni Jason.
Inirapan siya ni Claudine at tinuloy ang paglalakad.
"Nakapagdecide na po ba kayo kung sinong bata ang aampunin niyo?" tanong ng madre sa kanila kaya agad naman umayos yung dalawa.
"Opo. Yung batang babae nakasalubong natin kanina," sagot naman ni Jason. Sa lahat ng bata, ayun lamang ang naalala niya.
"Sigurado po kayo Sir? Si Risa ang gusto niyo?" tanong nito. Halatang nagulat ito sa sinabi ni Jason dahil sila ang kauna-unahang pumili dito.
Nasalubong nila si Risa kanina habang papunta sila sa kwarto ng mga bata. May bitbit itong manika habang mag-isang naglalakad. Dahil sa tahimik lamang ito at laging nag-iisa, marami ang hindi pumapansin dito.
"Opo, bakit po?" tanong ni Claudine.
"Mas maganda kung sa opisina ko na tayo mag-usap," tugon nito na lihim na ikinatuwa naman ng dalawa, kanina pa nila ito hinihintay na yayain sila.
Sumunod sa kanila sila Zander na kasalukuyan namang invisible katulad sa plano nila.
"Dinala dito si Risa 2 years ago. Simula nung dumating siya wala siyang kinausap na kahit sinong bata. Tahimik lang ito sa isang tabi," pagkukwento ng madre. Umupo ito sa upuan niya at saka pinatong ang kamay sa mesa niya.
"Xia, gawin muna," utos ni Kenji kay Xia kaya naman nag-umpisang tumayo sa likod ng madre si Xia. Hinawakan niya ito sa balikat.
"Sleep well," aniya saka pinatulog ang madre.
Napahiga ang ulo nito sa mesa. Bago siya binitawan ni Xia, binura niya ang memorya nito tungkol kila Jason.
Habang abala si Xia, hinanap nila Zander ang daan patungo sa hidden laboratory. Kinatok nila ang sahig para malaman nila kung saan doon ang buksanan papunta sa ilalim.
"Nakita ko na," sambit ni Xavier saka binuksan ang sahi, bumungad sa kanila ang isang hagdanan na pababa.
Bumaba doon sila Xia habang naiwan naman sila Jason sa ampunan para magbantay.
"Ano ginagawa mo?" tanong ni Xia kay Claude nang makita niya itong nagpipindot sa tablet.
"Binubura ko yung kuha ng cctv doon sa labas kanina," sagot nito habang naglalakad sila at tuloy pa rin sa paghahack ng camera.
Biglang nagpatakip ng ilong si Xia nang may maamoy ito. Napatingin sa kanya ang mga kasama niya dahil sa paghinto niya bigla.
"Amoy dugo," aniya habang nakatakip pa rin ang ilong niya. Suminghot si Claude pero wala siya naamoy.
"Hindi naman," sabi ni Caude.
"Mas malakas ang pang-amoy ni Xia kaysa sa atin, nakuha niya yung ability ng bampirang nakalaban namin sa Saitou High," paliwanag ni Xavier.
Kumain na lang ng apple si Xia dahil sa lalo siyang nagugutom sa naamoy niya.
"Wala yatang katapusan itong hagdan (?) Kanina pa tayo naglalakad," reklamo ni Claude habang tuloy lang sila sa paglalakad.
Makalipas ang sampung minuto, unti-unting naamoy nila Xavier ang dugong tinutukoy ni Xia. Napalunok na lang ng laway si Claude dahil nakaramdam ito bigla ng uhaw.
"Kainin niyo ito," sabi ni Xia sa mga kasama saka binigyang ng tag-iisang apple mula sa bag nito.
"Salamat," sabi nila at agad sila kumain.
Pagkababa nila sa hagdan bumungad sa kanila ang mga nurse at doctor na palakad-lakad.
"Bitawan mo ko," sigaw ng isang lalaki habang nagpupumiglas sa nurse.
"May kakambal ba si Rain?" tanong ni Xia nang makita niya ang bata. Kamukha kasi nito si Rain, mas mahaba lang ang buhok nito kumpara kay Rain.
"Wala naman siya nabanggit sa amin," tugon ni Claude.
"Meron siyang kakambal na naiwan dito. Kung tama ang naalala ko, Thunder ang pangalan niya," sambit ni Zander. Minsan na niya nakita ang memorya ni Rain tungkol sa kakambal nito.
Dalawa sila noong tumakas sa laboratory, subalit nahuli si Thunder habang pinapauna niya makalayo si Rain. Walang nagawa si Rain kundi ituloy ang pagtakbo para makahingi siya ng tulong at matulungan din ang kakambal niya.
"Pwede ko ba gamitin ang kapangyarihan ko para iligtas siya?" tanong ni Xia.
Hindi niya kayang manood na lang sa nangyayari. Lalo na alam niyang kakambal ito ni Rain.
"Sigurado ka ba diyan Shirayuki?" tanong ni Kenji dahil maaring magdulot ito ng kaguluhan kapag ginawa niya iyon.
"Wag ko mag-alala, kokontrolin ko naman kapangyarihan ko hanggang kaya ko," aniya saka lumapit sa nurse at sa kakambal ni Rain. Hinawakan niya ang kamay ng nurse at ang braso ng bata kung saan nakahawak ang nurse.
Natigilan ang mga ito nang maramdaman nila ang paghawak ni Xia. Pinaghiwalay niya ang dalawa at saka pinatalsik ang nurse.
"Ano nangyari sayo?" tanong ng mga kasamahan ng nurse.
"M-may multo. Naramdaman ko, may humawak sa akin tapos bigla na lang ako tumalsik," pagkukwento nito habang nangingig sa takot, halos hindi na ito makatayo.
"Bitawan mo ko," sigaw ni Thunder habang nagpupumiglas kay Xia.
'Kaibigan ako ni Rain,' pakikipag-usap ni Xia kay Thunder sa pamamagitan ng isip. Tumigil naman ito nang marinig ang pangalan ng kakambal niya. Niyakap ito ni Xia.
"Pangako, dadalhin ka namin sa kakambal mo," bulong ni Xia. Umiling ang bata.
"Ayokong matunton nila si Rain. Kahit saan kami magpunta, makikita pa rin nila kami," malungkot na tugon nito.
"Kung yung tracking devices yung pinoroblema mo, kami bahala sayo. Pero sa ngayon tumakbo muna tayo," singit ni Zander dahil palapit na sa kanila ang ibang nurse. Hinila ni Xia si Thunder at tumakbo.
May nakita silang pintuan; dali-dali itong binuksan ni Xia para magtago.
"Siyet!" sambit ni Claude at agad na napatakip sa ilong.
Hindi makapaniwala si Xia sa nakikita, nanlalaking mata niya tinignan ang nasa kwartong pinasukan nila. May mga nakahilerang bata, binata at dalaga, nakahiga ang mga ito habang may nakasasak na kung ano sa braso nila kung saan kinukuha nito ng mga dugo nila at napupunta sa maliit na lalagyan sa gilid nila.
"Ano ginagawa mo dito? Hindi mo pa oras," sabi ng isang doctor kay Thunder.
Hindi alam ni Thunder ang gagawin hanggang sa isang malakas na katok sa pintuan ang nagpaatras sa kanila.
"Thunder! Lumabas ka diyan!" sigaw ng isang nurse.
Nagpakuyom ng kamao si Xia habang pinipigilan ang sarili na magalit. Gusto atakihin ang doctor sa harap nila. Gusto niya rin wasakin ang buong lugar.
Napansin ito ni Zander kaya hinawakan niya ito at nakipag-usap sa isip.
'Huminahon ka muna.'
May narinig na tunog at nakita nila ang isang monitor para sa heartbeat ng isang pasyente, diretso na guhit nito senyales na wala na itong buhay.
"May namatay nanaman. Diego, ilabas mo na siya dito. Kunin mo ang mga lamang loob niya, para maibenta natin," utos ng doctor.
"Napakasama nila," hindi makapaniwalang sabi ni Bliss matapos marinig ang sinabi ng doctor. Mula sa laptop ni Kenji, napapanood nila ang nangyayari sa loob.
Hindi na napigilan ni Xia ang sarili niya. Sunod-sunod na nabasag ang mga lalagyan na naglalaman ng dugo ng mga pasyente.
'Sorry, hindi ko na kaya magpigil,' sagot niya kay Zander.
Nagulat ang doctor sa nangyari, lalo nang sunod-sunod mabasag ang mga babasagin.
"Ohh! Sayang yung dugo," sambit ni Claude dahil nagkalat ang dugo sa sahig.
"Sino nandyan?" sigaw ng doctor matapos marinig ang boses ni Claude.
"Pagbabayaran niyo lahat nang ginagawa niyo. Masusunog ka at ang mga kasamahan mo sa laboratory na ito at matatabunan ng lupa. Walang matitira sa inyo! Lahat kayo mamatay!" galit na sigaw ni Xia.
Biglang nagkaroon ng pagsabog kasabay ng sigawan.
"SUNOG! SUNOG!" sigaw ng mga tao sa labas.
"Kailangan na natin umalis dito. Nag-uumpisa na ang sumpa," sambit ni Xavier.
Ginamit kasi ni Xia ang kapangyarihan nito na lahat ng sinabi niya magkakatotoo, katulad sa isang sumpa.
"Paano sila?" tanong ni Claude, sabay turo sa mga pasyente.
"Si Shirayuki na bahala diyan. Ang kailangan natin gawin, hanapin ang iba pang bihag nila," tugon ni Xavier.
"Tutulong ako. Alam ko kung saan sila makikita," sabi ni Thunder. Kahit hindi niya nakikita sila Xavier, alam niyang mababait ang mga ito. Matapos marinig ang usapan nila.
Pinalutang ni Xia ang mga katawan ng mga niligtas niya saka sila lumabas.
"Ilabas mo muna sila dito," utos ni Xavier sa kapatid nito.
"Tetsuo, tulungan mo siya," sabi niya kay Zander bago sila umalis.
"Ano nangyayari? Bakit sila lumulutang?" sambit ng isang nurse dahil hindi nila nakikita sila Xia.
"Intruder! Intruder! Intruder!" sabi ng isang robot matapos tumunog ang security alarm.
May mga armadong kalalakihan ang humarang kila Xia kahit na hindi sila nakikita. Matapang na tinutok ang mga baril sa direction nila Zander.
"Alam kong nasa paligid lang kayo," sabi ng isa kanila. Sumenyas ito at sabay-sabay na nagpaputok. Wala sila pakialam kung matamaan nila ang mga bihag na dala ni Xia, basta mapatay lang nila ang pumasok sa kanilang laboratory.
Tumigil lang sila sa pamamaril nang mapansin nilang lumutang lamang ang mga bala, umikot ang mga ito at tumutok sa kanila.
Sumenyas si Xia at sabay-sabay na bumalik ang mga bala sa kalaban na para bang binabaril sila.
"Si Xia ba talaga nakikita ko?" tanong ni Bliss.
Lahat sila hindi makapaniwala sa napapanood nila. Ngayon lamang nila nakita si Xia na walang awang pinapatay ang mga kalaban, ibang-iba ito sa Xia na kilala nila dati.
Nilampasan ni Xia ang mga sugatang kalaban na parang walang nangyayari. Wala ito pakialam kung mamatay ang mga ito o hindi. Sumunod sa kanya si Zander habang tahimik na pinagmamasdan siya at napapaisip kung bakit nagbago si Xia.
"Hindi niyo inaasahan na ganyan si Shirayuki, tama?" tanong ni Kenji.
"Oo," sagot ni Trevor habang nakatingin sa monitor.
"Kahit ako. Hindi ko akalain na magiging ganyan siya... Pagkatapos niya makaligtas sa isang massacre sa America, nagkaganyan na siya," sabi ni Kenji.
"To Kill or to be killed ang naging paniniwala ni Xia pagkatapos mangyari yun. Kahit ganun, hindi naman siya pumapatay ng walang dahilan," dugtong ni Xavier, ayaw niya na sumama ang tingin nila kay Xia dahil sa pagbabago nito. Para sa kanya siya pa rin ang Xia na kilala niya.
Napatingin si Zander kay Xia, tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad habang kumakain ng apple, wala lang siyang nakikitang kahit anong reaksyon. Alam niyang naririnig din nito ang usapan nila dahil konektado ang mga hikaw nila.
Wala man lang ba siya sasabihin?
Muling may humarang sa kanila ngunit pinatalsik lang ito ni Xia sa pamamagitan ng isang tingin, tinuturuan din kasi sila ni Mr. Hayato na gamitin ang kapangyarihan nila sa pamamagitan lamang ng pagtingin nito. Ngunit hindi lahat ng ability pwede magamit sa pamamagitan ng pagtingin, katulad ng power replication niya.
"Hindi ka nag-iisa. Nandito lang kami sa tabi mo," sambit ni Zander matapos niya hawakan ang ulo ni Xia
Nanigas sa kinatatayuan niya si Xia at ang kaninang walang reaksyon niyang mukha ay napalitan ng gulat. Nabitawan pa niya ang apple niya, mabuti na lang mabilis niya ito nasalo bago tuluyang mahulog.
'Masyado mainit ulo mo. Kumalma ka lang,' pakikipag-usap ni Zander sa isip dahil ayaw niyang marinig ng iba ang sinasabi niya.
"Sorry," sagot ni Xia nang mapagtanto nito ang mga ginagawa niya.
Ningitian siya ni Zander dahilan para mamula ito. Umiwas siya ng tingin at binilisan na lang ang lakad. Ayaw niya na makita siya ni Zander na namumula.
Itutuloy..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top