CHAPTER 10

CHAPTER 10

Xia's POV

Pagkadilat ko isang puting liwanag ang sumalubong sa akin. Napapikit ako muli dahil sa silaw. Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako?

"Nurse, pakisara na lang po ng kurtina. Medyo nakakasilaw," rinig kong sabi ng isang babae.

"Yes Ma'am."

Muli ako dumilat at doon ko lang napansin na nasa hospital pala ako. Hindi ko na alam kung ano iisipin ko dahil bigo nanaman ako sa pagkakamatay. Hindi naman ako masamang tao, bakit ayaw pa ako kunin? 

"Yaahhh! Xia, gising ka na," nakatinging sigaw ni Bliss. Napatingin tuloy ang lahat sa amin.

"....."

"Nurse, pakitawag ang doctor," utos ni Trevor sa Nurse. "Xia, kamusta pakiramdam mo?"

"Ano nangyari?" tanong ko sa kanila.

"May nakakita sayo sa sementeryo na walang malay at may dugo sa pulso mo."

Inangat ko ang kamay ko kung saan ako naglaslas. May benda na nakapulupot doon. Napabuntong hininga na lang ako. Sinigurado ko naman na walang tao doon pero bakit may nakakita pa rin sa akin? Hindi ko tuloy alam kung swerte ba o malas ako dahil buhay pa ako.

"Ano pakiramdam ng naglaslas? Masaya ba?"

Napatingin kami kay Zander nang magsalita ito. Nakasandal ito habang nasa bulsa ang kamay.

"Oo, masaya sana kung namatay ako," bulong ko. Hindi ko alam kung rinig ba nila yun dahil sobrang hina lang ang pagkakabulong ko.

"Gusto mo ituloy natin para masaya?" tanong niya sabay lapit sa akin. Naguguluhang tinignan ko siya. Hindi ko masabi kung seryoso ba siya o nagbibiro lang.

"Awww!!" sigaw ko nang hawakan niya ng mahigpit ang pulso ko na may benda. Halos mapaluha ako sa sakit. Napabangon tuloy ako ng hindi oras dahil sa ginawa niya. Sinubukan ko hilain ang kamay ko pero lalo lang niya hinigpitan.

"Aray Zander! Masakit!"

"Zander, itigil mo yan! Nasasaktan na si Xia," pigil sa kanya ni Trevor. Sinubukan niyang alisin ang kamay ni Zander pero ayaw niya ako bitawan.

"Ano? Gusto mo pa magpakamatay? Tutulungan kita? Sabihin mo lang sa akin. Pwede kitang patayin sa pinakamasakit na paraan," aniya.

"Ayoko na! Hindi na ako magpapakamatay. Last na yun promise!" sigaw ko. Ayoko nga mamatay sa pinakamasakit na paraan.

Pagkasigaw ko biglang namatay ang ilaw pero agad din itong sumindi. Binitawan na ako ni Zander. Napahawak ako doon saka siya tinignan ng masama. Ano ba problema niya? Pakialam ba niya kung gusto ko mamatay.

"Ang galing! Nagawa mong pasalitain si Xia. Unbelievable!" singit ni Claude habang pumapalakpak.

"......"

Napaayos ako ng upo nang tumingin sa akin si Zander. Para siyang teacher na may nahuling istudyanteng tumatakas sa klase.

"Speak!" utos niya sa akin sa takot ko agad ako nagsalita. Agad ako nagpaliwanag sa kanya

"Sinabi ko sa aking sarili bago maglalas na huling beses ko na gagawin 'yun. Hindi na ako magpapamatay ulit. Pangako! Sorry kung pinag-alala ko kayo. Wala na kasi talaga ako maisip na ibang paraan para matapos ang paghihirap ko. Wala na akong pamilya, yung kaisa-isang taong tatayo dapat na magulang ko, masamang tao pala. Wala na din ko mapuntahan."

"Nandito pa naman kami. Hindi lang ikaw ang nag-iisang ulila sa mundo. Wala na din kaming pamilya kaya nga kami-kami na lang ang nagtutulungan. Hindi solusyon ang pagkakamatay," sermon ni Bliss sa akin.

"Welcome ka sa amin. Hindi naman kailangan na magkadugo tayo para maging magkapamilya tayo," sabi naman ni Trevor.

"Ikaw na ang bunso namin. Si Trevor ang kuya at ang tatay natin si Sir Takeshi. Pamilya tayo," nakangiting sabi Claude.

"S-salamat," hindi ko mapigilang maiyak sa sinabi nila. Kahit na kailan lang kami nagkakilala, ang babait nila sa akin. Tinuring nila akong isang kaibigan at ngayon ito niyaya nila ako na maging parte ng pamilya nila.

"Here!" napatingin ako kay Claudine nang abutan niya ako ng panyo.

"Ayoko nakakakita ng umiiyak," aniya sabay iwas ng tingin sa akin.

Kinuha ko ito at agad pinunasan ang luha ko.

"Salamat. Salamat sa inyo," sabi ko at saka sila ningitian.

"May dala kaming pagkain. Baka nagugutom ka na," sabi ni Bliss. May kinuha siyang paper bag saka inilabas ang pagkain at inayos ito para makakain na ako.

"Salamat," nahihiyang sabi ko nang abutin niya sa akin ang kutsara at tinidor.

Maghapon nila ako binantayan. Kung may aalis sa kanila laging may naiiwang isa para may kasama ako.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Bliss nang tumayo ako.

"CR."

Pumasok na ako sa loob ng cr para umihi. Pagkatapos ko maghugas ng kamay napatingin ako sa salamin; doon ko lang nakita na may suot pala akong kwintas. Wala naman ako kwintas dati. Nilabas ko ito mula sa pagkakatago sa damit ko.  May pendant ito na isang vial na hugis pangil na may lamang kulay pulang likido. Para itong dugo dahil sa sobrang pula.

Napaisip ako kung saan ito galing. May naglagay ba nito sa akin habang wala akong malay? Sino? At bakit niya ako binigyan ng kwintas?

Lumabas ako sa CR na hawak hawak ko ang pendant habang malalim na nag-iisip kung saan ba ito galing.

"Bakit ganyan itsura mo? May problema ba? Ang seryoso mo masyado," tanong ni Claude sa akin.

"Alam niyo ba kung sino nagsuot nitong kwintas sa akin?" tanong ko sa kanila sabay pakita ng suot kong kwintas.

Nanlaki bigla ang mata nila.

"Bakit may ganyan ka?" tanong ni Bliss.

Nagtatakang tinignan ko sila.

"Hindi ko alam. Nakita ko lang na suot ko ito. Bakit?"

Nagkatinginan sila na para bang nag-uusap sila sa tingin.

"Wala," tugon ni Bliss saka ngumiti.

May kumatok bigla at may pumasok na nurse. Bitbit nito ang mga gamit na dala ko noong nagpunta ako sa sementeryo.

"May nagpapabigay po. Gamit mo daw po ito. Pinapasabi rin po ni Doc na susunod na siya dito," paliwanag niya sa amin.

Lumapit ako sa kanya para kunin ang mga gamit ko.

"Salamat. Sino po nagpapabigay?" tanong ko.

"Yung lalaki po na nagdala sayo dito. Hindi po sinabi ang pangalan niya," tugon ng nurse.

"Nandyan pa ba siya?" tanong ko.

"Yes Ma'am. Kausap niya po si Doc--"

Lumabas ako para hanapin yung lalaking nagdala sa akin sa dito. Tingin ko sa kanya galing ang kwintas. May nakita ako lalaking nakatalikod. Kausap nito ang isang doctor. Baka siya na ang tinutukoy ng nurse.

"Oh? Xia, ano ginagawa mo dito?" tanong ni Doc nang mapansin ako. Lumapit ako sa kanila.

"Sige Doc. Salamat po," rinig kong sabi niya saka umalis.

"Sandali!" pigil ko sa kanya sabay hawak sa balikat nito. Tumigil naman ito sa paglalakad subalit hindi niya ako nilingon. Inalis niya ang kamay ko at muling naglakad.

"Ikaw ba yung nagdala sa akin dito sa ospital?" tanong ko pa rin kahit hindi niya ako pinansin.

Pinagmasdan ko ang likod niya habang palayo. Nakasuot ito ng itim na leather Jacket. Medyo matangkad ito at mukhang may kalakihan ang katawan.

"Salamat sa pagtulong," pagpapasalamat ko kahit hindi niya inamin na siya. Malakas ang pakiramdam ko na siya ang tumulong sa akin.

Third Person's POV

Pagkalabas ng lalaki sa ospital, napatingin ito sa taong nasa harapan niya.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong niya.

"Hindi ko agad nabasa text mo. Kamusta si Xia?"

"Ayos lang siya. Ikaw na bahalang magbantay sa kanya habang wala ako," aniya sabay tapik sa balikat ng kausap.

"Kailan mo ba balak magpakita sa kanya? Dami mo ng utang sa akin."

"Ilista mo na lahat. Sa susunod na ikaw may kailangan, ako naman tutulong sayo," tugon nito bago  tuluyang umalis.

Sinunod na lang ng lalaki ang sinabi nito. At dahil wala din siya balak magpakita kay Xia, tumambay na lang siya sa labas ng kwarto. Nandoon lang siya nakatayo .  Tuwing may lalabas o dadaan magpapanggap siyang naglalakad o may kausap sa cellphone. Ginabihan, umalis na muna siya sa ospital para umuwi.

Lumabas na sila Zander para umuwi dahil tapos na din ang oras ng pagbisita. Iniwan nilang tulog si Xia.

"Wala ba talaga magbabantay sa atin?" tanong ni Bliss.

"Ayaw ni Xia na may maiwan sa atin. Mas mabuting sundin na lang natin siya kaysa lumayo siya ulit," tugon ni Trevor.

Habang palabas sila, may dumating na ambulansya. Mula doon may nilabas na lalaking duguan. Mabilis itong pinasok sa loob upang matignan.

Sabay silang napatakip sa ilong maliban kay Zander nang maamoy nila ang dugo. Pare-pareho silang nakaramdam ng uhaw at gutom dahil sa maghapon silang hindi nakainom ng dugo.

"Bilisan na natin," sambit ni Claude. Naging pula ang mata nito sa kabila ng pinatak niyang eyedrop para maging itim. Natutukso siya sa dugo na naamoy niya. Kung mananatili pa sila doon baka hindi na siya makapagpigil.  Sumakay na sila sa kotse at nagmadaling umuwi.

Samantala sa emergency room, habang sinusuri ng doctor ang lalaking dinala ng ambulansya, bigla itong bumangon at kinagat ang nurse na nakatayo sa gilid nito.

"Aaahhhhhh!!" sigaw ng nurse. Napaatras bigla ang mga kasamahan nito dahil sa gulat.

"Tulong!" sambit ng nurse habang sinisipsip ng bampirang pasyente ang dugo nito.

Kitang-kita ng doctor at iba pang nurse ang pulang muta ng lalaking pasyente.

"Bampira," sigaw ng isa sa kanila at saka tumakbo palabas.

"Dugo... gusto ko pa ng dugo..." sambit ng bampira. Binitawan nito ang nurse at bumangon. Napatakbo sa takot ang mga nakasaksi sa nangyari.

"Aaahhhh!! Bitawan mo ko," sigaw ng isa pang nurse na nahuli nito. Katulad sa nauna, kinagat niya ito sa leeg saka sinipsip ang dugo. Napasigaw na lamang ang nurse sa sakit hanggang sa mawalan ito ng malay.

"Dugo... kailangan ko pa ng dugo," sambit ng bampira at muli nanaman naglakad. Dahil sa uhaw niya sa dugo, hinuhuli niya lahat ng makikita niya.

Bawat madaanan hinahabol niya at oras na mahawakan niya, sinisipsip niya agad ang dugo.

Nagdulot ng kaguluhan sa ospital ang nangyari.

"Ahhhhhhh!!!"

"Security! Tumawag kayo ng security!"

Pumasok sa elevator ang bampira at lumabas sa 2nd floor.

Samantala, nag-umpisang mangisay ang unang nurse na kinagat niya. Bigla ito dumilat at katulad ng isang bampira, namumula na din ang mata nito. Bumangon ito at katulad sa lalaking bampira, naghanap din ito ng dugo. Nadaanan pa nito ang pangalawang biktima ng bampira. Katilad niya nangisay ito at nagbago ang kulay ng mata.

Pagkabukas ng elevator bumungad sa harap ng bampira ang isang babae na bumisita lamang sa  kanyang kaibigan. Pauwi na sana ito nang masalubong niya ang bampira na sabik sa dugo.

Ngumisi ito at mabilis hinablot ang babae upang kagatin.

"Bampira!!" sigaw ng lalaking nakakakita sa ginawa niya. Tumakbo ito at nagsisigaw. "May bampira! Magtago kayo!"

Pinagtitinginan lamang ito ng mga tao dahil hindi ito naniniwala sa sinasabi nito. Bihira lamang ang nakakaalam ng tungkol sa mga bampira kaya sa isip ng karamihan nababaliw lang ang lalaki.

Pagkatapos sipsipin ng lalaking bampira ang dugo ng babae, iniwan niya lang itong nanghihina sa sahig. Muli ito naghanap ng bagong mabibiktima. Dahil sa itsura nito, maraming lumalayo sa kanya kahit na hindi nila alam na bampira ito. Puno kasi ng dugo ang kasuotan nito at nanlilisik ang pulang mata niya.

Samantala, nagising sa sigaw ng lalaki si Xia. Bumangon ito para tignan kung ano ba nangyayari sa labas. Pagkabukas niya ng pinto, napatingin sa kanya ang bampirang lalak na nakataong nakatayo ito sa tapat ng pinto.

Nanlaki ang mata ni Xia nang makita niya ang pulang mata nito dahil hindi ito ang unang beses na nakakita siya nito.

Sinubukan niyang isara ang pinto subalit agad siya natulak ng bampira. Napaupo na lang  sa takot si Xia at gumapang na paatras.

"Wag kang lalapit," pilit niyang nilalakasan ang loob sa kabila ng takot na nararamdaman.

Sinubukan niya tumakbo palabas pero nahawakan siya nito at tinulak sa pader.

"Aahhhh!!" sigaw ni Xia nang kagatin siya sa leeg. Sinubukan niyang itulak at nang hindi niya ito matulak, tinuhod niya na lang ang maselang parte ng bampira. Napabitaw ito at napayuko dahil sa sakit. Kinuha niya ang pagkakataon na iyon para tumakas.

"Tulong! Tulungan niyo ko!" sigaw ni Xia  habang nakahawak sa leeg niya na kinagatan ng bampira. Nataranta siya lalo nang makita niya ang mga nagkalat na nabiktima ng bampira.

"Ahhhhh!" sigaw niya dahil sa biglaang pagsulpot ng bampira sa harapan niya.

Tumakbo siya muli ngunit naabutan din siya agad.  Malas siyang tinulak nito sa pader dahilan para manghina siya. Sa lakas ng pagkatama niya nanakit ang katawan nito at nahilo dahil sa pagtama din ng ulo niya.

Sa kabilang dako, tumigil si Trevor sa pagmamaneho upang sagutin ang isang tawag.

"Hello Sir. Takeshi," aniya kaya napatingin sa kanya ang mga kasama niya.

"Tumawag sa akin si Inspector Alcante, kailangan daw niya na tulong niyo. May isang bampirang nanggugulo sa Mabini Hospital. Pumunta na kayo ngayon doon. Lahat daw ng nabibiktima niya nagiging bampira," sabi ni Sir. Takeshi mula sa kabilang linya.

"Sa Mabini Hospital? Sigurado po kayo?"

"Oo. Mabini Hos--" hindi na pinatapos ni Trevor ang sasabihin nito dahil pinatay na niya ang tawag. Mabilus sitang nagmaneho pabalik ng hospital.

"Ano nangyayari?" nagtatakang tanong ni  Claudine.

"May bampira daw na nanggugulo sa Mabini Hospital. Kailangan  tayo doon," seryosong sabi ni Trevor.

"Nandoon si Xia. Baka napaano na yun," nag-aalalang sabi ni Bliss.

"Yun na nga."

Pagkapasok nila sa hospital, inatake sila agad ng isang nurse na naging bampira. Mabilis naman ito hinawakan ni  Trevor at pinatulog.

"Zander, Bliss, kami na bahala dito. Puntahan niyo na si Xia," utos ni Trevor.

Tumakbo agad ang dalawa papuntang 2nd floor. Napilitan silang gumamit ng hagdan nang makitang may bampira din sa  elevation. Pagkadating nila sa 2nd floor, naabutan nila ang lalaking bampira na sinisipsip ang dugo ni Xia sa leeg. Nagdilim ang mukha ni Zander at galit na sinugod ang bampira. Pinagsusuntok niya ito sa mukha. Dahil sa sobrang gakit hindi niya ito tinigilan kahit na nakahiga na ito sa sahig.

"Xia, gumising ka," tapik ni Bliss kay Xia. Hinawakan niya ito sa pulsuhan at gamit ang x-ray vision niya, tinignan niya ang kalagayan ng dalaga. Mula sa kagat nito sa leeg, nakita niya ang pagkalat ng virus. Virus ito na maaring maging sanhi ng pagiging bampira ni Xia.

"Zander!" tawag ni Bliss sa kasama niya.

Lumapit agad sa kaniya si Zander nang mapansin nito ang nag-aalalang mukha ni Bliss. Iniwan niya na lang ang walang malay na bampira sa sahig.

"Kailangan natin maalis sa kanya ang virus bago siya maging bampira."

"Sabihin mo sa akin kung naalis ko na," sambit ni Zander na agad naman nakuha ang ibig sabihin ng dalaga.

"Sorry, kailangan ko gawin ito," bulong niya kay Xia bago kagatin at sinipsip ang virus na nasa katawan nito.

"Aahhhhhhh!!" sigaw ni Xia nang magising ito dahil sa sakit. Napakapit na lang ito ng mahigpit kay Zander habang tinitiis ang sakit.

Tuloy lang sa pagsipsip si Zander virus hanggang sa malasahan nito ang dugo ng dalaga. Sa sobrang sarap hindi na niya napigilang sipsipin pa ito.

"Okay na. Tama na," awat ni Bliss sa kanya nang mapansin bumilis ang pagsipsip nito.  Dooon lang natauhan ang  binata at tumigil. Tinignan niya si Xia na  parang lantang gulay dahil sa panghihina. Namumutla na din ito dahil sa mga dugong nawala. Napahawak ito bigla sa bandang dibdib niya.

Napansin naman ito nito Bliss kaya tinignan niya kung nangyayari sa puso nito. Nakita niya ang mabilis na pagtibok ng puso ni Xia hanggang sa bigla ito bumagal. Ilang saglit pa ay tumigil na ito sa pagtibok.

"Xia?" kinakabahang tawag niya sa dalaga sabay alog dito.  Nang wala itong reaksyon, muli niya tinignan ang puso nito.  Hindi pa rin ito tumitibok kaya mas lalo siyang nabahala. Patay na ba siya?

"Xia, please gumising ka," naipaiyak na lamang si Bliss habang ginigising si Xia. Pinigilan siya ni Zander dahil lakas ng pag-alog nito.

"Ano ginagawa mo?" tanong nito habang salubong ang kilay.

"Yung puso ni Xia... hindi tumitibok," tugon ni Bliss.

"What?! Bakit ngayon mo lang sinabi? Tumawag ka ng doctor dali! Hindi siya pwede mamatay."

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top