AOL:Pencil 13

So ganun pa rin ituloy nyo lang po pagbabasa, pasensya narin sa mga typo usong uso naman yan sa mga writter sa watty dibah? hihi.



Ell's POV:
Araw na ng debu ng kapatid ni lucky, mukha akong tangang kinakabahan.
Gusto ko sana umatras kaso hindi na daw pwede at inaasahan rin ako nung may birthday.
Oo nga marunong runong na akong sumayaw, natatakot pa rin akong matapakan ko paa ni lucy.

Dahil sa busy sila lucky at yung apat hindi daw nila ako masusundo, sinabi nalang nila ang address kung saan gaganapin ang birthday party.
Hindi naman makakasama si kenn dahil sa kailangan sya sa office nila, may problema daw kasi, pero ita-try nya raw sumunod.

Matapos akong maligo ay tumungo muna ako sa mall, maaga pa naman gabi pa kasi start ng party.
Bibilhan ko ng regalo kapatid ni lucky, tinawagan ko si lucky para itanong kung anong hilig o gusto ng kapatid nya, sinabi nya naman kaya tumungo ako agad kung saan makakabili ng ganun.

"excuse po sir ano po bang hinahanap nyo?" tanong ng isang sales lady, sa totoo lang nahihiya akong bumili nito pero dahil sa ito daw talaga hilig ng kapatid ni lucky no choice basta ikasasaya ng bata.
bahagya akong yumuko at sinabi yung hinahanap kong libro.
"okay lang yan sir, di lang naman kayo mahilig sa ganyan alam nyo bang fan din ako ng ----" di nya naituloy dahil sumingit ako ng pag sasalita.

"nako hindi pang regalo ko kasi yan hehe"
"ah ganun po ba" ningitian nya ako na parang may ibig syang sabihin, tumango nalang ako sa kanya at ipinabalot ko na yung tatlong librong nabili ko.
Dumaan muna ako sa isang ice cream parlor para magpalamig.

Nasa kalagitnaan ako ng masarap na pagkain ng ice cream ng mapansin ko yung parang may nag kaka gulo sa labas ng parlor nato.
Pagka ubos na pagka ubos ng ice cream ay lumabas na ako, baka may show kaya maraming tao.

"WALANG MANGINGIALAM KUNG HINDI MAMAMATAY TONG BABAENG TO!" sigaw ng isang boses lalake
"HUMINAHON KA SIR, MAPAG UUSAPAN YAN" ani rin ng isang pang lalake.
Ano bang meron at nag sisigawan sila?
Dahil sa malaki naman ako sa ibang tao dito madali akong nakasiksik para makapunta sa harap.

WTH! akala ko show lang meron palang nagaganap na hostage taking dito.
Iyak ng iyak yung babae na may nakatutuk na kutsilyo sa leeg nya, madiin siguro ang pagkaka tutok dahilan para mag dugo ang kanyang leeg.

"TAWAGIN NYO YUNG IPINAGPALIT NITO SAKIN! TAWAGIN NYO YUNG NAG TANGGAL SA AKIN SA TRABAHO!" sigaw nung lalake
"BRAD PWEDE NAMAN KAYO MAG USAP NG AYOS WAG GANITO" sigaw ng guard sa lalakeng nang ho-hostage.

"MAAYOS? NAKIUSAP AKO NG AYOS SA KANYA ANONG GINAWA NYA TINANGGAL NYA PA RIN AKO AT IPINAHIYA! TAPOS MALALAMAN KO NAKIPAG LANDIAN SYA SA GIRLFRIEND KO!" maluha luhang ani nung lalake, bad naman talaga ginawa nung lalakeng sinasabi nya, pero dipa rin tama ginagawa nya ngayon.
"Blue pleas pag usapan nalang natin to" iyak naman ng iyak yung babae
"TUMAHIMIK KA MANLOLOKO KA! PLANADO NYO LAHAT DIBA!" sigaw nya sa babae

Kinakausap ng guard yung lalake kaya kinuha ko atensyon ng babae, eh parang mga tanga naman kasing guards to puro salita ayaw gumawa ng aksyon.
Anong akala nila drama itong napapanood nila lang sa TV, masama na lagay nung babae puro pa rin sila dada, baka kapag diinan pa nung lalake kutsilyo sa leeg ng babae mamatay sya, oo na OA ako pwede naman syang maligtas pero dalikado talaga dahil leeg yun, mga baboy nga kapag sinaksak sa leeg patay na agad tao pa kaya?..

Buti nalang tapatan lang nito National book store, humiram ako ng papel na pwedeng pag sulatan at isang marker pen.
Agad akong nag sulat para mabasa nya.
'KAGATIN MO KAMAY NYA AT IUMPOG MO ULO MO SA MUKHA NYA' pauna kong sulat mukha naman nabasa nya kaso umiiling lang sya, agad kong tinanggal yung papel dahil humarap yung lalake sa gawi ko.

Nabigyan ulit kami ng pagkakataon ng babae, dahil mukhang nakikisakay mga guards sa ginagawa ko. Kinakausap nila ng kinakausap yung hostage taker.
'WAG KANG MATAKOT MAG TIWALA KA SAKIN, MAKAKAALIS KA DYAN' ikalawang sulat ko pero nananatiling pag iling lang sinasagot nya sakin.
'PAG DIMO GINAWA SINASABI KO MAAGA KANG MAMAMATAY, KONTING DIIN NALANG NG KUTSILYO SA LEEG MO R.I.P SAYO' pangatlo kong sulat, nanlaki naman ang mata nya sa sinulat ko.

Mukha naman tumalab yung pananakot ko sa kanya kaya tumango tango sya.
'PAG BILANG KO TATLO GAWIN MO OKAY" tumango nalang sya ulit
Humanda akong mag sign language para bumilang.

Pagkatapos kong bumilang ay ginawa nya ito ng buong lakas, Nabitawan nya yung babae na agad ko namang hinila.
Matapos kong siguraduhing safe nayung babae ay tsaka ko sinipa ang kamay ng lalake para mabitawan ang kutsilyo.
Tagumpay ko namang nagawa kaya nag lapitan narin ang gaurd sa lalake.

Nagpa salamat naman sila sakin pati narin yung babae, inabot ko sa kanya yung panyo ko para itakip sa sugat nya dugo pa rin kasi ng dugo.
"Sige na ipagamot muna yang sugat mo" ani ko tumango nalang sya at sumama sa guard.

Napansin ko ibang tao na kung maka ngite sakin wagas, oo alam ko gwapo ako na nag feeling superman hahaha.
Tumungo ako sa bookstore para kunin yung librong pinamili ko.
"salamat sa paghawak, sya nga pala magkano bayung sketch book at pen na nakuha ko?" mabayaran na."Nako sir hindi na kailangan, maraming salamat po sa pag tulong sa isang empliyado namin" ani ng lalake, ngumite ako sa kanya at nagpa alam na.

Palabas ako ng mall ng maraming bumabati sakin, kaylan pa ako nagkaroon ng ganitong karaming ka close o fans hahaha! lakas ko talaga maka celebrity.
Diko naman sila masisisi nag feeling superman ako kanina kaya sila yung mga tagahanga tae hihi.
bumabati nalang din ako hanggang sa maka rating ako sa parking lot.

Naligo ulit ako nang makauwi ako, dahil ilang oras pa naman bago mag umipsa yung party. Iidlip muna ako.

--------------

Lucky's POV:
Tawag ako ng tawag kay sir dahil kanina pa nag start yung party, hanggang ngayon wala pa sya.
kinukulit nako ni lucy kung pupunta ba daw si sir.

Balak ko na sana syang puntahan ng tumawag sya sakin, pasensya na raw at naka tulog sya pero papunta nanaman daw sya. Yung kenn kasi di daw makakapunta dahil busy.
Okay yun mas pabor sakin haha makakalapit ako kay sir na walang asungot.

"Lucky alam mo ba kahapon may nakumpirma kami" ani anton
"ano naman yun?"
"yang bestfriend mong si june pota nakakatawa itsura kahapon" tatawa tawa ani anton, sumabay sa tawa sina zack at benny habang etong si june ang sama ng tingin sa tatlo.

"Yang gagong yan sumigaw ba naman ng 'OO NA! OO NA! NATATAE NAKO!' sa bahay nila sir at sa mismong sa harap sir HAHAHA" zack
"wtf seryoso HAHAHA!" nakikitawa narin ako, binatukan ako ni june na ikinatigil ko
"mga gagong yan pinag titripan ako kahapon!" inis ani june

"Oh bakit kasalanan pa namin? kung umamin kana samin nung una palang edi sana dika namin inaasar" anton
"shut up fuckboi!" june
"kasi yang si june m---" sinalpakan ni june ang bunganga ni benny
"Alam na ni lucky na may gusto ako kay sir mga gago" ani june
"huh? seryoso? edi magka ribal na kayo?" ani benny
"di naman sa ganun basta nakapag usap na kami ni lucky" june

"ah so nalinawan kana palang gago ka!" kinutusan ko si june
"masyadong malapit na satin si sir kaya diko narin napigilan" paliwanag nya
"teka paano ba nalaman ng mga ito?" tanong ko.
"paano halatae yang si june, mamula ba naman mukha sa harap ni sir, tapos pa utal utal pa yan pero naka iskor yan huh" paliwanag ni anton, sinabi nya rin yung kalokohan nilang ginawa, ipinanood din nila sakin yung video, fuck mukha ngang natatae si june hahaha.

Lumipas pa ang halos kalahating oras ng naka pasok na raw ng subdivision namin si sir. Agad naman kaming lumabas lima para salubungin sya.
Ilang sandali pa ay nakita nanamin yung mamahalin nyang kotse, itinuro ko kung saan sya pwedeng mag park.
Lumapit kaming lima sa tapat ng kotse nya at hinihintay nalang namin sya bumaba.

Hindi ko alam pero parang sumobrang bagal ng oras, tanging pag tibok ng sobrang bilis at nakakabinging puso ko yung naririnig ko at tanging sya lang nakikita ko.
Ganito ba talaga epekto kapag tinamaan ka ng lintik na pag ibig nato? ang lakas ko maka wattpad lines.

"Hoy ano't naka nganga kayo!" natauhan ako ng batukan ako ni sir at nasa harap ko na sya.
"s-sir" sabay naming ani june, nagka tinginan kami bago tumingin sa tatlong tumatawa.
"ano bat naka nganga kayo parehas? para kayong tangang nakatanghod sa kung saan" ani nanaman sir, hindi tumugil yung tatlo sa kakatawa.

"sir may dumaan kasing cute na ibon kaya ganyan yang dalawa HAHAHA" pang aasar ni zack
"ibon? ano bang trip nyong lima ha suminghot nanaman ba kayo ng katol?!" lalong natawa yung tatlo
"pumasok na tayo sir" aya ko
"ayos lang ba tong suot ko?" tanong nya
"bagay na bagay sa inyo sir" ani june
"mas gumwapo kayo" benny
"dilang mga babae nganganga sa inyo pati mga asong lalake" zack gagong to
"ang cool nyo sir" anton
"oh sya na wag nyo na akong utuin tayo nang pumasok" tumungo na kami sa loob.

Nang maka pasok kami ay kami ang pinag titinginan nila kami, siguro dahil kay sir alam nyo naman lakas ng dating nya lalo ngayon.
Tumungo ako kung nasaan si mommy at si lucy na busy sa pakikipag usap.
Pinag hintay ko muna sila sir sa isang table, tatawagin ko na muna sila mom.

"sir si mommy at si lucy nga pala" pagpapakilala ko
"good evening po, hello lucy happy birthday" bati naman ni sir nakipag kamay kay mommy, nang bitawan ni mommy ang kamay nya ay agad na kinuha ni lucy ang kamay ni sir.
"hello po sir finally nameet ko na kayo ng personal oh mey ghed nekekeleg eke, sir have we met before?" malanding pakikipag usap ng kapatid ko, bago tinitigan bawat detalye ng mukha nya.

"hey you little brat! hayaan mo nga si sir at pwede ba bitawan mo na kamay nya" iritar kong ani bago hinihila ang buhok ng kapatid ko.
"mom yung panget nyong anak" nag iiyak iyakan nyang sumbong kay mommy.
"mahiya nga kayong dalawa.... pasensya na po sir" ani mom
"nako okay lang po hehe.... ah lucy eto nga pala regalo ko pag pasensyahan muna nayan" agad naman kinuha ni lucy yung regalo
"thank you sir... wait lang po ah" ani lucy bigla nyang hinalikan si sir sa pisnge bago umalis, halatang halata naman pagka gulat sa itsura ni sir.

"nako pag pasensyahan nyo na anak ko makulit lang talaga yun sir" ani mom
"ah a-ayos lang po nagulat lang ako hehe, wag nyo na po akong po-in mrs salazar, ell nalang po"
"sige ell, kumain kana ba? halika sumama ka sakin para makapag usap tayo" pinaunlakan naman ni sir ang pag aya ni mommy. Naiwan yung apat sa table kung saan ang pwesto namin, sinundan ko si mommy.

"alam mo ba ell etong panganay ko ubod talaga ng kulit at pagka tamad eh, kaya nga nagulat ako nung lagi na syang nagising ng maaga para asikasuhin pag pasok nya, ni dati nga di nag luluto yan ngayon nagluluto na" kailangan ba ipag malaki pa yun
"ganun po ba, nakakatuwa naman at may pagbabago kay lucky" sagot ni sir bago tumingin sakin at ngumite, enebe yen ser wag ka ganyan maka ngite sakin.

"Yes nag simula yun nung ikaw ang naging professor nya.... tingin ko dahil sa maayos ang pakikitungo mo at maganda ka mangaral... Kasi noon naman walang takot yan sa mga nagiging prof's nya at lagi din akong pinapatawag sa dean's office" etong talagang mommy ko madada.
"nasa kanya narin po yun mrs salazar, siguro nag sawa narin syang maging pasaway, naisipan nya rin pong iayos pag aaral at pag uugali nya" tumingin ulit sakin si sir bago ako hawakan sa balikat
"ipagpa tuloy mo lang yan lucky" ngite nyang ani pero may diin yung pagka hawak nya sakin, alam ko naman na pasaway pa rin ako sa kanya pero totoo lahat ng sinabi ni mommy na nagbabago bago nako.

Kinukulit ko lang naman minsan si sir kasi gustong gusto kong nakikita yung mukha yang iritar, natutuwa kasi ako ng sobra ang cute nya kasi.
Pati para lagi nya akong napapansin, minsan nga pinapakita at pinaparamdam ko na sa kanya na gusto ko sya kaso ewan dito kay sir manhid nga ata gaya ng sabi ni june.

Speaking of june ayun na nga ang gago akala ko matatagalan pa magising sa katotohan, wala naman problema sakin na may gusto sya kay sir ang iniisip ko lang baka one day hindi kami magka intindihan at masira pagkakaibigan namin.
Kilala ko naman si june at hindi naman sya immature magisip o mag desisyon.
Malalaman nalang talaga namin kung sino nga ba samin pipiliin ni sir... yun ay kung matatanggap nga ni sir na pagka gusto namin sa kanya.

"hoy panget tumayo ka dyan mag usap tayo" biglang pag sulot ng kutong to
"excuse us lang po sir, kakausapin ko lang po kuya ko" mahinhin nyang ani, sarap nya kutusan. Tumango nalang si sir sa pag sang ayon.

"Problema mo?" iritar kong ani
"kuyaaaaaa!" tumili sya pero parang tanga nyang pinipigilan
"ano ba yun?.. At ikaw nga huh wag kang lumandi landi kay sir ililibing kita ng buhay" pag babanta ko
"panget mo na nga sama pa ng ugali mo! birthday ko ngayon pwede ba maging mabait kana muna sakin" tampu tampuhan nyang ani, Nako kung diko lang to kapatid matagal ko na tong naihagis sa dagat.
Sya ba kaylan naging mabait sakin, tuwing birthday ko nga di sya nawawalan ng kalokohan.
"fine! ano bang sasabihin mo?"
"crush ko si sir" napaikot nalang ang mata ko sa sinabi nya
"may bago ba dun? lahat naman ata ng gwapo crush mo!" pang iinis ko
"pake mo ba inggit ka lang panget mo kasi!" bulyaw nya
"Yun lang ba sasabihin mo?" umiling naman sya..

"Nasaan yung picture nyo nung batang cute?" tanong nya
"bakit mo ba hinahanap pa rin yun, ang sabi ko sayo naka tabi nayun kung saan hindi mo makikita"
"dali na may gusto lang akong tignan maige" pangungulit nya
"wag na! bakit ba?"
"napansin ko kasi na si sir may pagka hawig dun sa bata, dunno kuya pero feeling ko yung prof mo at yung bata sa litrato iisa" hindi ko naman alam magiging reaksyon ko sa sinabi nya
"sige bahala kana tignan mo nalang maige yung picture" ani nya bago sya umalis sa harap ko.

Simula kanina iniisip ko ang sinabi ng kapatid ko, meron nag sasabi sa loob ko na baka si sir nga ang batang iyun.
Kilala ko si lucy at bawat sasabihin nya na o nararamdaman nya tama, wala pang maling sinabi sakin ang kapatid ko pero 13 years na nakakaraan, ni hindi ko nga alam kung buhay pa yung taong yun.
Damn bahala na tsaka ko na iisipin o diko na iisipin pa, ayoko na ulit umasang makikita ko sya para lang kasi akong tanga na nagiisip sa taong matagal ko nang di nakikita, baka nga hindi na ako tanda ng taong yun.


FLASHBACK..

"mommy pwede po ba mag ikot ikot" sabi ko sa mommy ko, ang boring kasi dito sa auction wala naman akong maintindihan sa mga sinasabi ng matatandang tao dito.
"basta wag kang sasama kung kani-kanino, dyan dyan ka lang okay" tumango sa sinabi ni mommy. Dinala ko yung bag ko at cellphone nya para malibang libang din ako.

Nakarating ako sa isang abstract room para tumingin tingin, kasi sabi ni mommy makahulugan daw talaga ito at isa sa pinaka magagandang obra, pero yung totoo naman wala akong maintindihan kung ano ba talaga nasa litrato, sabi nga sakin yung isa daw na abstract dito isang agila raw, tsk niloloko ba nila ako mukha kayang damo na iba't ibang kulay lang lang nakapinta doon.

Nag ikot ikot pa ako para tignan at intindihin maige mga naka sa display sa dingding. Napatigil ako sa isang naka display dahil para sakin eto ang pinaka maganda.

"kuya" pag gulat ng isang bata
"alam mo po ba na ako gumawa ng tinititigan nyo" naka ngite nyang sabi sakin, ang ganda nya naman para sa isang lalakeng katauhan.
"totoo ba sinasabi mo, ang bata mo pa para makagawa ng ganyang kaganda"
"12 years old na po ako kuya ako po talaga gumawa nyan" seryoso mukha lang syang 8years old
"wag mo akong tawaging kuya mag kasing tanda lang tayo" tinignan naman nya ako na parang di naniniwala sa sinabi ko.
"ang laki nyo namang tao" bigla nyang manghang ani

"Nasaan na yung batang yun pa?!" pareho kaming nagulat sa isang sigaw ng matandang lalake, Hinawakan nya ako at hinatak kung saan.
"k-kuya wag kang ma-maingay" nauutal nyang ani at nanginginig ang kanyang katawan
"okay ka lang ba?" tinakpan nya ang bibig ko at tumingin sakin

"Wala dito ang apo ko! mahiya ka nga baka marinig ka ng mga tao dito!" galit na ani ng isang lalake.
"Wag nyo nga akong niloloko! kailangan naming pumunta sa mama nya ngayon" sagot naman ng isa.
"kasalanan ko.... kasalanan ko.... patawad mama...." bulong nya at
"ba-bakit ka umiiyak?"
"kasalanan ko kaya wala na ang mama ko"
"huh?" hindi ko alam gagawin ko ayaw nya tumugil kakaiyak, paulit ulit nya ring sinasabing kasalanan nya kung bakit nawala mama nya.
"natatakot ako kuya.... Pag nakita ako ni papa ikukulong nya nanaman ako sa kwarto ko, bubugbugin at pauulit uliting paluhurin para humingi ng tawad sa mama ko, ayoko naring marinig yung mga salitang masasakit mula sa kanya"
"ikaw ba yung hinahanap nila?"
"kuya wag mo ako ituturo, natatakot talaga ako" sobra na panginginig nya at mas lalo syang umiiyak.

Lumapit ako sa kanya at inakap sya
"wag kanang matakot, sa ngayon ako na poprotekta sayo" sobra akong naawa sa kanya, bakit kailangan nya agad maranasan yung mga ganun masyado pa syang bata, ang alam ko ang mga magulang pagmamahal ibinibigay hindi yung ganito..
Kumalma naman sya kahit papano pero naiyak pa rin sya.
Umalis nayung dalawang lalake kaya makakahinga na kami pareho ng maluwag.

"Dito muna tayo baka kasi nandyan pa sila sa tabi tabi" pag tango lang naman naisagot nya, pinilit ko ring patahanin sya at nagawa ko naman.
"lagi bang ginagawa sayo ng papa mo yun?"
"hindi naman pero kapag birthday ko mas malala ginagawa ni papa, merong pagkakataong ipinahihiya nya ako" 

"bakit kailangan nyang gawin sayo yun?"
"ang sabi ni papa namatay daw kasi ang mama ko dahil sakin"
"paano?" nakita kong naluluha nanaman sya kaya hinawakan ko ang kanyang dalawang kamay
"nung ipinanganak ako sya namang pagka matay ni mama" inakap ko sya ulit dahil tuluyan nanaman syang umiiyak.

Halos isang oras din kaming nag kwentuhan kahit papano nakatulong ako sa kanya, nalaman kong birthday nya pala ngayon kaya pala hinahap sya ng papa nya siguro pagmamalupitan nanaman sya nun.
"ngumite ka okay" nag set ako ng 5sec sa digi cam para ma kuhanan kami ng litrato.

"eto regalo ko sayo"
"dina kailangan kuya" kanina pa to kuya ng kuya mag kasing edad lang naman kami
"tanggapin muna, tignan mo laman nan kapareho ng akin.. sabi ni mama especial daw yan paint brush kaya ingatan mo, lucky charm sakin yan at ganun narin sayo... Kapag natatakot ka o nasa masamang lagay ka, hawakan mo lang yan at isipin mo na kasama mo akong taga protekta mo" ngumite sya sakin at niyakap nya ako ng pagka higpit.

"Apo jusko salamat naman at maayos ka" papalapit yung isang lalake kaya hinili ko sya at pinapwesto sa likuran ko
"wag ka lalapit isusumbong kita sa pulis!" sigaw ko, natigil naman yung lalake at tumingin sa batang nasa likod ko.
"kuya okay lang ako kay lolo, hindi nya ako sasaktan" ani nya, tumakbo sya sa lolo at umakap dito.

"lolo alam mo ang bait ni kuya... niregaluhan nya ako pati tinulungan nya ako mag tago para di ako makita ni papa"
"ganun ba apo... jiho salamat sa pag tulong.... kailangan na naming umuwi dahil mukang pagod na itong apo ko" tumango nalang ako.
"salamat kuya babye!" muli syang ngumite at yumakap sakin, nakailang yakap naba kami hehe.

Hindi ko man lang natanong pangalan nya sa tagal naming nag usap hindi ko nalaman, hayaan na baka mag kita pa naman kami.
Sa susunod na mag kita kami, tuturuan ko syang maging matapang para hindi na sya natatakot ng ganun sa papa nya.

Bumalik ako kay mommy, at buti naman tapos nayung auction..
Pinilit ko syang bilhin yung abstract na gawa nung bata kaso hindi daw pwede dahil pang display lang daw iyon sa gallary.


END OF FLASHBACK.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Chapter 13 done
-greenite

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top