Chapter 7 (Eclipse)
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014
"The Guardian's Prophecy"
They were on shock sa mga pangyayaring naganap kanina. Nasa loob na ulit sila ng kwarto at pinapakalma ang mga sarili.
"Akala ko katapusan na natin!" sabi ni Jake.
"Ako din, buti na lang may milagrong nangyari." dagdag ni Boby.
"Salamat nga pala dude at dumating ka." sabi ni Brandon. Nagpasalamat ito sa pagliligtas sa kapatid.
"No problem! Tayo-tayo lang naman ang magtutulungan dito." sagot nito.
"Kahit na, salamat parin."
"Ano bang nangyari kanina? Bakit hindi tayo tinablan ng kapangyarihan ni Neferu?" tanong ni Bourgy.
"I don't know bro. But thanks to that napuruhan natin siya." sagot ni Brent.
"Brent is right. Napinsala natin ang katawan niya. Hindi natin siya napatay guys dahil imortal siya." paliwanag ni Crystel.
"Tama." tipid na sabi ni Brent.
"We just managed to weaken him a little. Mamayang ala una ng hapon magaganap ang Solar Eclipse. We can kill this thing on his physical form." dagdag ni Crystel.
Nagpatuloy ang kanilang diskusiyon ng hindi namamalayan ang oras.
Samantala........
"Hay naku, they're so fragile!" wika ng isang misteryosong binata na nakaupo sa isang sanga ng malaking puno malapit sa mansiyon.
"You can't blame them, wala pa silang alam Poi-poi.!" saway ng isang magandang dilag na kasama nito sa lalaking tinawag niyang Poi-poi.
"Kahit na Rai-rai! Pa'no kung di tayo nakialam kanina eh di sana napahamak sila." sagot ng binata.
"Poi, maaaring mahina pa sila pero sila parin ang mga nakatakdang mga Guardians at walang mangyayari sa kanilang masama! Magtiwala ka lang pwede?" sagot ni Rai-rai.
"Ok fine you win! Pero kapag meh nangyari sa kanilang hindi maganda kukutusan talaga kita!" sagot ng binata.
Isang ngiti lang ang ganti ng dalaga sabay biglang naglaho at nag-iwan ng mga kumikinang na gintong liwanag...
Umiling-iling na lang si Poi-poi at sumunod narin itong naglaho kagaya ni Rai-rai.
------------++++++++++++---------------
Sumapit ang umaga at kaunti lang ang naging pahinga nila. Hindi na sila muling ginambala pa ng halimaw. Maliwanag na ang paligid dahil alas siete na ng umaga. Muli ay tinangka nilang lumabas ng mansiyon pero nandoon parin ang itim na usok na humaharang sa kanila. Maging sa mga wasak na bintana ay hindi sila makalusot dahil sa parang may invisible barrier na nakaharang dito.
"F**k! ano na ang gagawin natin?" bulalas ni Jorge.
"Kailangan nating makahingi ng tulong pero paano.? Hindi tayo makaalis dito." sabi ni Norman.
Habang nagaganap iyon ay hindi nila namalayan na nakalapit si Brent sa malaking pinto at nagawa itong buksan ng walang kahirap-hirap.
"Guys!" sigaw nito para makuha ang atensiyon ng mga kaibigan.
"Pa'no mo nabuksan iyan?" tanong ni Amy.
"Di ko alam! Bigla na lang nahawi ang itim na usok kapag nalalapit sa akin." sagot ni Brent at sinubukang tawirin ang humaharang na itim na kapangyarihan.
Sa hindi maipaliwanag na paraan ay nagagawa niyang makalusot.
"I made it! Nakalabas ako.!" sabi niya.
Dahil sa ginawa ni Brent ay sumubok din ang mga kaibigan pero hindi sila makatawid gaya niya.
"Looks like ikaw lang ang makakalusot sa harang na ito." sabi ni Brandon.
"Sa tingin ko nga, pero wag kayong mag-alala hihingi ako ng tulong sa mga tao sa farm." sinabi ito ni Brent.
Lumapit itong muli sa harang.
"Babalik ako kasama ang tulong. Pangako....!" at tumingin ito sa mga mata ni Crystel.
Mabilis itong tumakbo sa direksiyon ng farm upang humingi ng tulong kay mang Mar. Naiwan ang mga kasamahan niya sa loob pero may tiwala itong babalik siya.
"Guys we should also prepare." sabi ni Crystel.
"Gutom na ako!" sabi ni Boby na hinahawakan ang kumakalam na tiyan.
"Ako rin I'm so hungry na. Can we just eat first?" sabi ni Trish.
Lumapit dito ang kasintahan.
"That thing can't harm us during this time. Besided he can't use his manipulating power on us." sabi ni Jake.
Dahil dito ay napagpasyahan nilang kumain muna. Nagawa pa nilang magluto ng pagkain habang bantay sarado sila ng mga boys.
Doon narin sila sa kusina kumain ng mga nilutong pagkain nila Crystel. They had gathered mirrors na pwede nilang magamit laban sa kalaban.
It's past eleven o clock nang makabalik ulit si Brent kasama ng maraming taong-bayan. Kasama din nila si mang Mar.
"Brandon! Crystel!...." tawag niya dito.
Agad namang narinig ito ng mga ksibigan kaya pumunta sila sa sa main door at sumilip sa mga sirang bintana.
"Diyos na mahabagin! Sinyorita Crystel, sir Brandon!" bulalas ni mang Mar. "Ayos lang ba kayo?" tanong nito.
"Ok lang po kami mang Mar. Kaso di kami makalabas dito.
Sinubukan ni mang Mar na pumasok pero hinaharangang siya ng matigas na harang. 'Diyos ko tulungan niyo kami! tanging nasambit ng matanda.
"Balewala ho iyan mang Mar. Ako lamang po ang kayang makapasok sa harang na iyan." sabi ni Brent.
"Iyon ay dahil espesiyal ka iho." wika ni Marcilino.
"Ho? Hindi ko po kayo maintindihan." naguguluhang tanong ni Brent.
"May malakas kang ispirito iho. Nilalabanan ng iyong ispirituwal na lakas ang kadilimang bumabalot sa bahay na ito kaya ka nakakalabas masok sa harang." sagot ni Marcilino.
"Hindi ko ho masyadong na-gets pero dahil dito ay nagawa kong makahingi ng tulong." sabi ni Brent sabay pasok sa loob ng itim na harang. Kusang nahahawi ang itim na usok at pinapadaan siya.
Napa-sign of the cross naman ang ibang mga taong bayan.
"Mag-ingat kayo sa loob iho!" ito ang habin ni mang Mar sa kanila.
Nakagawa na sila ng plano ni Mang Mar para pigilan ang Shadow Builder. Sa oras kasi na magsimula ang eclipse ay lalabas ito ng bahay gamit ng totoo nitong anyo. Ito ay pupunta sa isang sagradong pook upang isagawa ang isang itim na rituwal. Ang Dark Awakening ito ay ang pag gising sa mga nakakulong at nakahimbing na mga alagad ng dilim. Kalakip nito ang walang hanggang paglukob ng kadiliman sa buong mundo. Hindi na muling sisikat ang araw at mababalot ng lagim ang buong sangkatauhan.
Hindi iyon dapat maganap kaya dapat ay mapigilan si Neferu, dahil kung hindi ay katapusan na nila.
..
..
..
..
Sa di kalayuan ay muling nagmamasid sina Poi-poi at Rai-rai. Nasa hardin sila sa tapat ng malaking bahay kasama ng mga taong bayan na nag-aabang sa paglabas ng kalaban.
"Walang magagawa ang mga taong ito. Kapahamakan lang ang nag-aabang sa kanila.!" sabi ni Poi-poi.
"Ayan ka na naman sa init ng ulo mo. Manood ka na lang, dapat mangyari ang mga nakatakda kaya huminahon ka lang." sabi ni Rai-rai.
Hindi sila nakikita ng mga ordinaryong tao o naririnig man lang kaya malaya silang nakakalapit sa mga ito. Sila ay mga ispiritong gabay close to what we call guardian angels. Pero hindi naman talaga sila anghel nasa mas mababang order sila kumpara sa mga tinatawag na guardian angels. Naatasan sila na sumubaybay sa mga napiling nilalang na magtatanggol sa mundo laban sa kasamaan.
.
.
.
.
.
.
Lumipas ang mga halos dalawang oras at patuloy parin sa pagbabantay ang mga tao sa labas ng bahay. Habang sila Brent at ang iba ay nakikiramdam lang ng mabuti. Ilang sandali lang nakarinig sila ng ingay sa taas.
"Sa taas guys!" sabi ni Fred.
"Guys! we got this!" sabi ni Crystel. Tinignan niya ang iba pang girls na may hawak na mga sandata.
Amy is holding a Bow and Arrow na nakuha nila sa study room. One of the collection ng grand parents nila Crystel. Missy and Trish was holding a knife na nahuha yata nila sa kitchen. Si Kate naman ay hawak ang dalawang piraso ng matutulis na salamin sa dalawang kamay. Tinungo nila ang hagdanan at pumanik. Naiwan naman na gulat ang mga boys.
"Ano yun!?" tanong ni Jake.
Hindi na siya sinagot ng mga kasama at dali-daling sumunod sa mga kababaihan.
Meanwhile nadatnan ng mga girls na aktong lalabas si Neferu sa veranda. Ibang-iba na ang anyo nito masyadong nakakatakot. May malalaki na itong pakpak at matatalas na kuko.
"Girls this is it! Wag matakot ok!" sabi ni Crystel.
"Ok!" sabay sabay nilang sagot.
"Girl power!" sabi ni Trish.
Natigilan ang mga kasama niya sa kanyang sinabi. "What?" sabi niya sabay taas ng kaliwang kilay.
Napangiti naman nito ang mga kaibigan.
"Pag binuksan niya yang bintana at tinangkang lumipad yan na ang GO signal natin sa surprise attack ok!" sabi ni Amy.
"Sounds perfect!" sagot ni Kate.
At naghintay sila hanggang sa bumukas ang daanan palabas ng veranda.
Agad naghiyawan ang mga taong nakakita sa nakakatakot na nilalang na lumabas sa ikalawang palapag ng bahay.
"Ayon ang halimaw!" sigaw ng isang lalaki.
"Go!" sabi ni Crystel.
Agad na kumilos ang mga ito. Si Amy ay ginamit ang pana at inasinta ang likod ng Shadow Builder. Sila Trish naman ay ibinato ang mga hawak na patalim na parang dart lang at tumama ito sa likod ni Neferu.
"Ahhhhhggggg!" sigaw ni Neferu nang tamaan sa likod. Hindi masyadong bumaon ang mga patalim kaya hindi ito masyadong nasaktan.
Akma ito lalapit sana sa kanila at pinagalaw ang mga gamit sa paligid. Biglang humarang sina Crystel at Kate at hinagis ang hawak na salamin. Umatras ito ng tamaan ng mga ito at lumundag pababa. Narinig nilang nagkagulo ang mga tao sa ibaba kaya nagmadali silang magtungo dito.
Nakasalubong nila ang mga boys kaya hinatak nila ito pababa.
"Bilis sa baba!" sabi ni Crystel.
Samantala sa baba naman ay nandoon ang mga tao at binabato si Neferu ng sibat. Bumangon ito at nanlaban sa mga taong bayan. Lahat ng mahawakan nito ay nagiging abo. Ang mga sibat naman ay hindi tumatama sa kanya dahil hinahawi lang ito ng kanyang kapangyarihan.
End of Chapter 7
Ayan two more chapters na lang at tapos na ang book 1.
Mahuhulaan niyo ba ang mga susunod na mangyayari?
Matatalo ba nila ang nilalang ng dilim?...
Abangan!..
@TheoMamites
follow the story on facebook....
Search for the FB page:
Kwentong Sulat Pinoy (KSP)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top