[S2] 13 - PUSH PULL
Now playing: Heartache by One OK Rock
"CC-bels," ikinawit ni Irish ang braso niya sa siko ko habang paakyat kami sa batong hagdan papunta sa villa. "Nag-away ba kayo ni Kuya TJ?"
Tumanaw ako sa taas.
Sa gilid ng kulay berdeng bundok, nakatayo ang malalaking Swiss-inspired villa ng resort; brown and white with large windows and inviting balconies. Bahay na yari sa kahoy at salaming animo tumubo mula sa lupa gaya ng mga halaman at namumulaklak na punong nakapaligid sa mga ito.
Sa labas nito, mayro'ng infinity pool na nakatanaw sa bundok at sa kumikinang na dagat. Sa maputing dalampasigang dati ay sa mga larawan ko lang nakikita.
"Ba't mo naman natanong?" sabi ko.
"Kanina, sa car; hindi kayo nagkikibuan. Ta's sa ferry, hindi kayo magkatabi."
"Baka... pareho lang kaming pagod."
O baka pagod na siya sa 'kin.
"Ako'ng bahala, CC-bels," hagikgik niya. "I'll use my fairy god mother powers to make you so pretty para 'pag nakita ka niyang naka-swim suit, lumuwa ang mata niya."
"Hay, naku! Gamitin mo na lang 'yang powers mo sa Liryu mo."
Nag-hair flip siya. "Kahit walang powers, he's already head over heels for me, 'no."
"Buti, alam mo," si Liryu, biglang sumulpot sa likuran namin dala ang video cam para sa vlog niya. Umakbay kay Irish.
Napilitan tuloy akong magpatihuli sa likuran nilang dalawa dahil makitid ang daan. Bigla na namang naging third wheel.
Dating gawi.
Nauna na ang iba kong mga kaibigan sa Villa 8.
Sila Travis at Kat, nasa baba pa ng hagdan paglingon ko, kasama ang mga high school friends nila. Masayang nagkukwentuhan.
Well, sila, masaya. But Travis, who knows?
"Sa villa ba natin matutulog si Kuya TJ? O kila Ate Kat?" tanong ni Liryu sa akin.
Saan nga ba?
Gusto ko ring malaman. Kaso, parang ang awkward namin ni Travis sa isa't-isa dahil sa nangyari kagabi.
Biglang umubo-ubo si Liryu. Sinikmuraan yata ni Irish.
"May balak kami ni Liryu, CC-bels. Para pagbatiin sila Marcus at Marie. G ka?"
"Baka izaprank na naman 'yan?" sumbat ko.
"Siyempre," sagot ni Liryu. Proud pa ang ugok. "Do'n kami magaling ng babe ko."
Kahit na tagilid ako sa mga pranks ng dalawa, gusto ko ring mapagbati ang dalawa. Kung hindi, baka tuluyan nang masira ang future nila dahil sa 'kin.
"G," I sighed.
Habang pinapaliwanag nila ang plano, hindi ko pa rin maiwasang lumutang ang isip ko kay Travis.
Galit ba siya?
Malamang. Kung hindi siya nagalit, baka hindi niya talaga 'ko mahal. Pero pa'no ako makakapagpaliwanag sa kaniya kung ako mismo, hindi maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko?
Ano ba talaga si Sef para sa 'kin?
Tutor? Kaibigan? 5-star companion para madoble ang earnings ko? Tagapagpatahan tuwing umiiyak ako?
Nakaka-guilty. Kasi, ang bagay na pinakakinakatakutan kong gawin ni Travis sa 'kin dati, ginawa ko sa kaniya.
Hindi ko sinadya. Pero nasaktan ko pa rin siya.
Kapag ba nakabundol ka at sinabi mo sa pulis na "Hindi ko sinasadya," abswelto ka na?
Hindi. Kulong ka pa rin.
Pagpasok namin sa villa, namangha ako sa mataas na kisameng gawa sa kahoy. Sa mga puting muwebles. Sa hagdang gawa sa kahoy na tila lumulutang sa tabi ng pader.
Agad dumungaw si Marie mula sa banister ng ikalawang palapag. "CC, Irish! Akyat na kayo! Dali!"
"At least, hindi na siya nagmumukmok ngayon," sabi ko kay Irish habang pumapanik kami ng hagdan.
"Sila na yata ni Craig," bulong niya.
Bigla akong nasamid. Parang nakalulon ng bubog.
"CC-Bels, okay ka lang?"
"Sigurado ka? Sila na?"
Tumaas ang balikat niya. "Denial queen 'yang si Marie-Bels, e. Pero feel ko lang."
Tumawa ako. Pagak. "Paka-assume-era mo talaga. Hindi naman pala confirmed..."
Shit. Shit... Kailangan kong ayusin 'to.
Sinundan namin si Marie sa malaking kwartong may pa-arkong kisame.
Tila hinabi ang mga hambang kahoy para makabuo ng pattern. At sa labas ng pintong salaming natatabingan ng puting kurtinang nililipad ng maalat na hangin, matatanaw mula sa balkonahe ang buong resort. Ang mga building na ibinagay sa kapaligiran. Ang mga pool at ang puting beach.
Umupo ako sa kama, sa bandang katabi mismo ng bintana. Kung saan makikita ang langit kapag gabi at ang paglubog ng araw sa dapit-hapon. "Dito ako, ha?"
Sabay na bumaling sa 'kin ang dalawa, nakakunot ang mga noo.
"Ano'n d'yan ka? Nag-assign na 'ko ng rooms. Kami lang ni Irish dito." Ngumuso si Marie sa nakabukas na pinto ng katapat na kwarto. "Do'n kayo ni Levi."
Napalunok ako sa biglang pag-akyat ng dugo sa mukha ko.
"Ha?" Tinapik ko ang king-sized bed. "Ang laki naman ng kama. Kasya tayong tatlo."
Nagpamewang si Irish, tumingin kay Marie. "Nangangamoy LQ."
Tinaas ni Marie ang kamao, sinuntok-suntok ang kabilang palad. "Bakit? Ano'ng ginawa niyang hotdog na 'yan sa 'yo, friend? Banatan na natin?"
Nasalo ko ang noo ko.
Ako nga dapat ang banatan, e. Pero ayoko na lang magpaliwanag. Lalo lang sasakit ang ulo ko.
"Fine," angil ko. "Pakabuti n'yong kaibigan. Sa totoo lang."
Kinuha ko ang backpack ko at padabog na lumipat sa kabilang kwarto.
Naroon na ang maleta ko. Mas maliit ang kama. At may indoor jacuzzi sa glass-enclosed sunroom.
Ano ba'ng akala ni Marie? Magha-honeymoon kami ni Travis?
"Pinatatanong ni Kuya TJ," humahangos na sabi ni Liryu habang patakbong umaakyat ng hagdan "kung game kayong mag-camping mamayang gabi sa cliff area after nating mag-cliff diving."
"Ew," angal agad ni Irish. "Hindi ba maraming insects do'n? Saka walang toilet."
Ngumisi si Liryu. "Babe, the world is your toilet."
"G!" sabi ko agad.
Baka sakaling maiba ang sleeping arrangement sa tents kapag natuloy ang camping.
Nagulat silang tatlo. Sabay-sabay na nagsabing, "Weh?"
Hindi kasi ako outdoorsy, nature-loving type. At kahit para na akong sinisilihang makipag-ayos kay Travis, wala pa akong matinong paliwanag na maibibigay sa kaniya.
"Oo nga," sagot ko, nangangatal ang labi. Pinilit magmukhang excited. "Cliff diving. Yay!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top