Kabanata 7

Pagtakas

Dahil sa gulat ay nasapak ko siya.

"A-aray!"

Habang sapo-sapo niya ang kaniyang mukha mabilis na lumisan ako sa kaniyang kinaroroonan at mabilis na hinanap si Rebecca.

Hindi niya naman siguro ako nakilala hindi ba?

Nakahinga ako ng maluwag ng marating ko kung saan kami magkikita ni rebecca.

Sinipat ko ang sarili ko ng mapansin kong nawawala ang aking panali.

Naisama ba sa paghampas ko sa lalaking nasasapian kanina?

"Binibini?"

Iwinaksi ko muna ang panali ko ng makita kong palapit na sa kinaroroonan ko si rebecca.

"Iyo bang nahanap?"

"Narito na binibini,nakapag-paalam narin ako sa bantay rito."

"Salamat,maaari na siguro tayong bumalik sa ating bahay."

"Tama binibini,at baka magising ang donya at ikaw ay tabihan sa iyong pagtulog."

"Halika na."

Bago kami makalabas ng tuluyan sa silid aklatan ng mga Salazar ay may sumigaw na baritonong boses na umalingawngaw sa buong silid aklatan.

"Nasaan ang mapangahas na binibini na nanakit sa aking mukha?Mag-madali kayo at hanapin ang nagmamay-ari ng panaling ito."

Kinabahan ako,kung kaya't hinila ko na paalis si rebecca roon.

"Tila may nakasira na naman ng kaniyang mukha."

"Sino ba iyon,Rebecca?"

"Ang pinsan ni ginoong Fransisco."

"Ano ang kaniyang pangalan?"

"Romeo,binibini."

"R-romeo."

"Oo,binibini."

Duon natapos ang usapan at nagpatuloy na kami sa paglalakad pauwi.

Pagkadaan namin sa likod bakod ng bahay ay nauna ng pumasok sa kaniyang silid si Rebecca.

Ako naman ay pumasok na rin sa silid na nakalaan para sa akin.

"Longganisa with cheese."

Hinahanap ko kung paano lutuin ang ulam na iyon kaya lamang ay sadya na napakaraming pagkain na naruon.

Nakailang minuto ako sa paghahanap ng sa wakas ay aking natagpuan narin.

"Sibuyas,bawang,giniling,keso,paminta,bituka ng baboy."

Basa ko sa kakailanganing ingredients,kailangan pala ng bituka yun?

Pagkatapos kong basahin kung paano ito gawin,papatayin ko na sana ang ilaw ng makarinig ako ng mga yabag na patungo sa aking kinalalagyan.

"Maria Susana?Gising pa ba ang iyong diwa?"

Sigurado ako na ang donya ito kaya naman ay dali dali kong pinatay ang ilaw at itinago ang libro sa ilalalim ng aking unan.

At nagtulog-tulugan.

Narinig kong bumukas ang pinto at may lampara pang tumapat sa aking mukha ngunit nanatili ako na kunwaring tulog.

"Napakagandang masdan ng iyong mukha aking anak,nakuha mo ang wangis ko at ng iyong tunay na ama."

Ama?tunay na ama?e hindi ba't ang Don Elias ang ama ni maria?

"Hindi ko nais sabihin sa iyo sa ganitong sitwasyon ang tungkol sa iyong tunay na ama ngunit sa kasamaang palad ay nagpunta siya sa modernong panahon."

M-modernong panahon?

"Hindi ko lubos maisip kung bakit siya naparoon at hindi na nagbalik pa."

Kung gayon?sa paanong paraan makakabalik sa modernong panahon?

"Kung hindi ko na sana naisalaysay sa kaniya ang bulaklak na makakapagdala sa iyo sa modernong panahon ay sana kasama natin ang iyong tunay na ama."

Yung bulaklak...iyon ba ay nahanap ng tunay na maria at nagpunta sa modernong panahon upang sundan ang kaniyang ama?

"Masiyado ng naparami ang aking isinalaysay sa iyo,matulog ka ng mahimbing aking bunso."

At unti-unting lumalayo ang liwanag sa aking mukha.Tuluyan ng sumarado ang pintuan.

Hindi na ako nakatulog sa magdamag na iyon kung kaya't ngayong umaga ay mukha akong zombie sa walking dead.

"Binibining Maria Susana?"

Si rebecca iyon.

"Maaari ba akong tumuloy?"

"Pasok."

"Anong nangyari sa iyo,binibini?Nagkaroon ka ba ng sakit dulot ng paglabas natin kagabi?"

"Hindi lamang ako nakatulog,nakahanda na ba ang aking gagamitin para sa pananghalian?"

"Nakahanda na binibini.Kaya sa ngayon ay mag-umagahan na kayo sa ibaba."

"Naroon ba si ama?"

"Opo,naroon ang Don Elias."

"Susunod na lamang ako,Rebecca."

"Sige,binibini."

Ansakit tuloy ng brain ko,mukha na siguro akong sabog ngayon.

Pagkababa ko sa kusina ay naroon na nga ang apat na binibini at ang Don Elias kasama ng donya.

"Magandang umaga,aming kapatid."

"Magandang umaga."

Ngumiti sila ate milagros ngunit napadako ang tingin ko sa don ng wala man lang itong expresyon sa pagmumukha.

"Umupo ka na."

Utos nito sa akin,bahagya akong kinabahan ngunit sa huli ay hinawakan lamang ni ate josephina ang aking kamay na nasa kaliwa ko.

"Nalaman kong ikaw ang gagawa ng pananghalian mamaya Susana?"

Tanong ng don.

"O-opo."

"Kung gayon ay galingan mo."

"Siyempre ama,dati pa man din ay masarap siyang gumawa ng longganisa."

"Aasahan namin ang iyong iha-hain."

Yun lamang ang sinabi ni don Elias at tumayo na sa hapag.

"Huwag mo na lamang pansinin ang iyong ama."

Sabi ng Donya.

"Ganuon lamang ang ama."

Singit pa ni ate Delilah.

Mas lalo lamang akong kinabahan sa tinuran ng Don lalo't hindi ako ang tunay na kanilang anak.

Bandang alas diyes ng umaga ay may inihanda pa akong iluluto para sa ihahain mamaya.

Maliban sa longganisa ay napagpasyahan kong magluto ng adobong manok.

At chopsouy sa modernong panahon.

Pinabili ko si rebecca ng may kakailanganin at nakarating ito pasado alas onse na.

"Napakaraming mami-mili sa agora kaya't ako'y natagalan,pagpasensiyahan mo na binibini."

"Maraming salamat."

"Kailangan mo pa ba ng aking tulong?"

"Kung puwede ay maghiwa ka ng sibuyas at bawang."

"Mayroon na akong nahiwa kanina na bawang,pu-puwede na ba iyon?"

"Para sa longganisa iyon,maghiwa ka ng panibago."

"Masusunod."

Nagsimula na kaming maghiwa at mag-ayos ng mga kakailangan.

Hinalo ko na ang giniling,sibuyas,bawang at paminta sa isang mangko at tiyaka hinaluan ng durog na keso.

Pinahiga ko ang bituka ng baboy na hinati at itinahi na para sa magiging sisidlan ng longganisa.

Maingat kong inilagay sa gilid ang mga pinaghalong sangkap at tiyak sa pinaka gitna ay nilagyan ko ng keso.

"Kakaiba ang iyong ginagawa kumpara sa nakaraan,binibini."

"Nag evolved na iyan."

"Ebolb?"

"Nagbago na ang aking pag-gawa."

"Saan mo natutunan ang pagluto ng halo halong repolyo at iba pang gulay?"

"Duon sa nakuha nating libro."

Nagsinungaling ako dahil alam ko na ito dati pa.

Natapos ko na ang pag-ayos sa mga longganisa at prini-prito na ito ng iba pang kasambahay.

Naggisa na ako sa isa pang lutuan at sa katabi nito.

Sa unang lutuan ay naggisa ako ng bawang at sibuyas,inilagay ko ang manok at nilagyan ng suka.Pagkatapos ay nilagyan ko na ito ng asin at toyo.

Sinamaham narin ng paminta,hinayaan ko na muna ito at sa katabing kalan naman naglagay ng kawali.

Naggisa ako ulit ng sibuyas,bawang kasama na ng maliliit na parte ng laman ng manok.

Hanggang sa kumulo ito kaya naman inilagay ko na ang gulay at hinalo.

Nakikita kong namamangha ang bawat tao sa kusina ngayong araw sa akin.

Alas dose ng matapos ang aming pagluluto ng paglabas ko sa kusina ay napakaraming tao sa sala.

Naitali ko pa man din ang aking buhok at itinaas ang aking saya hanggang tuhod dahil sa init.

Nagulantang ako at ang tao sa sala.

Lalo ng makita ko si fransisco,agad kong naibaba ang aking saya at inilugay ang aking buhok.

"Sadyang napaka-ganda ng panlimang binibini."

Sabi ng isa.

"Sadyang maganda kung kaya't nasaktan ang aking mukha."

Isang boses ang galing sa hamba ng pinto.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top