Kabanata 22
Paglabag
Dahan-dahan akong bumagsak sa putikan,talaga naman!!!
Rinig ko ang halakhakan ng lahat aa nangyari sa akin,buong katawan ko kasi ang may putik.
Alam niyo ba iyon,ano ako walking putik?
Dahan-dahan akong umaakyat sa daanan para makaahon,tawa parin sila ng tawa sa itsura ko.
"Maayos pa naman ang iyong wangis kahit puno ka na ng putik,pfft."
Ani ni Basilio na ani mo nang-aasar dahil pareho na kaming puro putik ang katawan.
"Pinaaalahanan na kasi na huwag malalaglag dahil walang sasalo,hindi ka nakinig binibini HAHAHA!"
Sigaw ng iba,talaga naman.
Agad ko naman silang sinamaan ng tingin,naglakad ako palayo upang linisin ang aking katawan.
Pagkarating ko sa palikuran ay nadismaya ako ng wala manlang katubig-tubig sa mga balde o kahit sa mga drum.
Nakarinig ako ng mga hagikhik at yabag na paalis,ano bayan nangtri-trip pa sila?Ang lagkit ko na.
Nagpunta ako sa dako na papunta sa gubat,mayroon naman atang ilog o lawa ruon.
Nakarating ako sa isang ilog at natuwa ako dahil sobrang linis ng tubig.
"Ngayon lamang kita nakita,Binibini?"
Ani ng isang boses kung kaya't napalingon ako at nakita ko ang isang kasing edad na lalaki ni Ginoong Fransisco.
"N-nagha-hanap kasi ako ng tubig,hindi ba't nakikita mo na puno ako ng putik?"
"Huwag kang magalit,nagta-tanong lamang ako.Kung gayon alam mo ba kung kanino ang lupa na iyong inaapakan?"
Nakangiting ani nito.
Sino ba siya?
"Hindi ko na nais pang alamin,masyado akong abala sa mga putik na ito."
"Diyaan ka maliligo?Nasaan ang iyong pansabon?"
"Bakit ba ang dami mong tanong?Lilinisin ko lamang ito at aalis na rin."
"Nais ko lamang malaman dahil---"
Naputol ang sasabihin niya ng may tumawag sa aking pangalan.
"Binibining Maria!!!"
Galit na wika ni Ginoong Fransisco,bakit siya nagagalit?
Tumawa naman ang nasa aking tabi.
"Kamusta,Ginoong Fransisco."
Tinignan lamang siya ng blangko ni Ginoong Fransisco at bumaling ang tingin sa akin.
"Binibining Maria halika na."
"Maria?Isa siya sa Panlimang Binibini?"
Mas lumawak ang ngiti ng lalaking katabi ko na parang nakahanap ng isang kayamanan.
"Wala ka ng pake ruon,bumalik na tayo ruon."
Pagpipilit ni Ginoong Fransisco,kaya nagtaka naman ako.
"Ngunit lilinisin ko pa ang aking katawan rito,iwan niyo na muna ako at sa malayo kayo mag-away!"
Ani ko dahil iritang-irita narin ako dahil sa mga putik na nasa aking katawan.
"Halika na Binibini,may tubig naman ruon bakit rito ka pa pumunta?"
"Hayaan mo na siyang maligo riyan,isa pala siyang y Dela Fuente."
Makahulugang ani nito.
"Tumigil ka,Ginoong Lucas."
Lucas?Yung nanira sa pamilya ng mga Salazar dahil sa pagkawala ng Panlimang Binibini?
Kaya naman pala ganito ang galit ni Ginoong Fransisco.
"Nagbalik na ba ang inyong pagma-mahalan sa isa't isa?Tuloy na ba ang kasal?"
"Ano ba ang iyong pake?"
Ani ni Ginoong Fransisco.
"Nais ko lamang sabihin kay Binibining Maria kung nais niyang sa akin na lamang ikasal,dahil tiyak na mas maganda ang aking pagmu-mukha."
Kapals.
"Mas lalo bang kumapal ang iyong balat sa mukha?Seryoso ka ba diyaan sa iyong sinasabi?Hindi mo ba natatandaan ang iyong mga ginawa upang masira lamang ang aking pangalan."
"Ngunit hindi ako nagtagumpay,hindi ba?Kaya gagawa ako ng paraan upang tuluyang magalit sayo ang mga y Dela Fuente.Huwag kang mag-alala dahil may nalalaman pa ako sa iyo na siyang ikaguguho ng iyong pinag-hirapan."
"Ano ang ibig mong sabihin?"
Nakakunot na ang nuo ni Ginoong Fransisco.
"Malalaman mo rin sa mga susunod na mga araw kaya naman,abangan mo."
"Puwede na ba akong maglinis ng katawan?"
Pagsi-singit ko sa usapan nila dahil natutuyo na ang mga putik.
"Hindi,Binibining Maria.Sa eskuwelahan ka na maglinis ng iyong katawan."
"Lumabag kayo,Binibini."
"Anong ibig mong sabihin?"
Ani ko.
"Hindi na rapat kayo nagtungo rito dahil ito ay pag-aari ng mga Lazarte kung saan bawal kayong umapak kahit hibla ng inyong buhok."
"Paano ngayon?Anong mangyayari?"
Taka kong tanong.
"Siyempre ay may parusa."
"Paunahin mo na si Binibining Maria at ako na lamang ang iyong parusahan."
"Napaka-maginoo mo naman,maaga kang mamamatay."
"Ang pagiging Maginoo ay ipinagmamalaki dahil kung masama ang trato mo sa iba o sa kababaihan ay hindi ka nararapat na tawigin na isang Ginoo."
Ani ko ngunit humalakhak lamang ito.
"Ngunit hindi lahat ng ginagawan mo ng kaginoohan ay mabuti rin ang iba-balik sa iyo."
"Mauna ka na,Binibining Maria."
"Totoong may tubig na ruon?"
"Mayroon na."
"Paalam,Ginoong Lucas ngunit maaari na ba kaming umalis?"
"Haharap pa kayo sa parusa."
Nakangiting ani nito ngunit hinila ko,na si Ginoong Fransisco at tumakbo ngunit sa aming pagtakbo ay may narinig kaming mga kahol.
Paglingon ko ay napakaraming aso na nagla-laway ang humahabol sa amin,nakita ko pa si Ginoong Lucas na kumakaway at dala parin ang nakakalokong ngitin nito.
Tumakbo kami sa abot ng aming makakaya hanggang sa makabalik sa palikuran ng paaralan.
"Sinong nagsabi sa iyo na walang tubig rito?"
"Nakita ko kanina na kahit isa sa mga balde ay walang laman upang makapaglinis ako."
"Imposible iyon dahil pagtingin ko sa mga balde ay punong-puno ang mga ito."
"Ano iyon may mahika?"
"Hindi ko alam,maglinis ka na ng iyong katawan."
Pumasok na ako sa loob nito at nakapaligo na ng maalala kong wala pala akong susuotin dahil nabasa na ang aking damit.
Agad kong tinawag si Ginoong Fransisco.
"Nariyan ka pa ba,Ginoong Fransisco?"
"Mm."
"W-wala pala akong maisusuot."
"Sandali at ikukuha kita."
Ang sweet naman ni manong Fransisco hahaha.
Pagbalik nito ay agad itong kumatok,binuksan ko ang pinto at nakita ko siya nakatalikod sa gawi ko at naka-abot lamang ang damit.
"Kasuotan mo ito ah."
"Iyan na lamang ang iyong isuot."
"Sige,salamat."
Pagkasara ko sa pinto ay agad kong inamoy ang kaniyang damit,shocks napaka-bango nga!!!
Mabilis ko na lamang itong isinuot at lumabas dala ang basang damit.
"Tutuloy ka ba sa inyong tahanan?"
"Hindi,sa dormitoryo lang."
"Hm,bagay sa iyo ang aking kasuotan."
"Ang ganda nga e,balik na tayo sa silid-aralan?"
"Mm."
Umalis na kami sa palikuran at nagtungo sa silid-aralan,ngunit pagpasok namin ay agad na umugong ang mga bulungan sa loob ng silid.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top