feb 10 | complicated thoughts and self-understanding

1 0 t h  d a y  o f  f e b r u a r y .

——

"I'm sorry... I loved you, Estelle, and I still love you. I missed you and even you're in front of me, I still miss you. It's always you, Estelle, always you..."

Napailing ako nang paulit-ulit at sunod-sunod na tumulo ang aking mga luha. "N-No... no. You are bluffing, right? You are just drunk that's why you're acting this way..."

Hindi ko ito kayang paniwalaan. Oo, tama. Baka nga lasing lang siya at ako ang naisipan niyang pagtripan. Akala ba niya maloloko niya ako? Tama na ang sakit na dinanas ko sa pagmamahal sa kaniya. Ayaw ko ng dagdagan.

"Hindi ako lasing. I'm a bit tipsy but my mind is still intact. I know what I'm doing and I am not fucking bluffing!" inis na turan niya.

Napakunot ang aking noo. Bakit ba siya naiinis?

"E-Eh, bakit hindi ka nagpakita sa akin ng sampung taon?!" Naiinis na rin ako. Hindi ko siya maintindihan. Kinakailangan ko ng explanation kung bakit ito nangyayari o kung bakit niya ito sinasabi.

Kahit saan tingnan, hindi ko pa rin magawang maniwala. Una, matapos siyang kunin ng mga taong umampon sa kaniya ay hindi na siya nagparamdam pa. Pangalawa, bigla na lang siyang sumulpot at sinasabing nakipagbugbugan sa pinagpalit ng ex-girlfriend niya sa kaniya. At panghuli, he acted nothing and casual when he saw me again.

It doesn't make sense!

Umiling siya ng ilang beses at bumuntong hininga. Nakita ko ang pag-ayos niya ng upo at parang kinakabahan sa maaaring mangyari. "I-I'm a coward, Estelle..." panimula niya, nanginginig ang boses.

Unti-unting lumambot ang aking tingin sa kaniya. "Paano mo 'yan nasabi?"

"Natatakot ako dahil baka masaktan lang kita nang pauli-ulit kapag magpapakita ako sa 'yo at ipaparamdam ang tunay na nararamdaman. Natatakot ako na baka isang araw, mawala na lang ang pagmamahal mo sa akin; samantalang ako, ikaw palagi ang iniisip. Natatakot akong harapin ang sakit kapag nagmamahal, Estelle, takot na takot ako. Pero hindi ko sukat akalain na kahit pagmamahal sa malayo ay masakit pa rin."

"I'm afraid to take the risk. I'm afraid to be just your temporary..."

With all the word he said, I can't help but to burst in tears more. Napahagulgol na ako kaya gulat siyang napatingin sa 'kin mula sa pagkakayuko. Umiiyak din siya. Hindi ko na napigilan ang sarili at niyakap na siya ng mahigpit. Napaupo ako sa kaniyang kandungan habang humihikbi.

"You still cry a lot."

"Wow, n-nagsalita!"

Sandaling katahimikan ang namayani at tanging pagtangis lang namin ang maririnig. Nang kumalma ako, doon na ako nagsalita. "Mali ka ng iniisip, Habi. Mahal na mahal kita at alam ko na hindi iyon basta-bastang nawawala. Tingnan mo nga, hanggang ngayon ay baliw pa rin ako sa 'yo. Sa araw-araw ay nasasaktan ako sa pag-iisip na siguro ay hindi ka nagpakita ay dahil pakitang-tao lamang ang lahat bago ka umalis. Na siguro ay hindi mo talaga ako mahal. O baka mahal mo nga ako pero bilang kapatid lang. Masakit, Habi, sobrang sakit. Hindi ko nga matanggap na may naging kasintahan ka sa loob ng ilang buwan. Pero hindi kita masisisi. Binata ka at kahit kailan ay maaari kang magmahal ng iba—"

"I will never do that!" he protested.

Umalis ako sa pagkakasiksik sa kaniyang leeg at napatitig sa kaniyang mga mata. "Mahal mo ba talaga ako? Please, tell me I'm not dreaming..."

"Are you questioning my love for you, Estelle? I love you more than myself."

"You shouldn't. Your self... iyan dapat ang mas mahalin mo. Paano kung bigla na lang akong mawala? Paano na ang sarili mo? Paano ang mamahalin mong iba kung sakaling mawala nga ako?"

"But you're my everything. Paano kung mawala ka? Hahanapin kita kahit saang sulok ng mundo. Hindi na kita bibitawang muli, mahal ko. Nagsisisi na ako sa mga negatibong naisip ko noon. At kahit kailan, hindi ako magmamahal ng iba. Ikaw at ikaw lang."

Napahaplos ako sa kaniyang mukha. The words he said today is too much to take. "Bakit mo pa ba ito pinaabot ng sampung taon...?" mahinang tanong ko habang nakatitig sa kaniyang mga mata, pababa sa kaniyang mga labi.

"I don't know. Grabe, sampung taon akong naging duwag. Payag ka no'n? Magiging asawa mo ang isang duwag."

Tumawa ako at binigyan siya ng isang mabilis na halik. Bumakas ang gulat sa kaniyang mga mukha at mas pumula ang kaniyang mga pisngi na mapula na kanina pa dahil sa alak.

"Stop it, lady. Baka hindi ko makontrol ang sarili."

Humagikgik lamang ako at inulit ang ginawa. I saw him smiled as he stared into my eyes with full of loving.

Uuwi lang naman sana ako kela Mommy, e. Bakit umabot sa puntong ito?

***

if you are reading this, thank you! spread love, mga itlog!

love,
ruru

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top