Chapter One


 Denial is a river


Ycko's

WALA TALAGA akong ideya sa pangalan niya. The only thing that mattered right now was that this woman — Alona? Alyona? Alyana? Aloyna? — was completely lost in the moment with me. Her breaths were uneven, her movements desperate, like she was chasing something only she could feel. I couldn't help the low sound that escaped my throat; everything about her was overwhelming.

"Ahm—sarap, Yckos. Oh my god..." she gasped, head falling back, hair spilling down her shoulders. Alona? Alyona? Alyana? Aloyna? Whatever her name was, she was too far gone to correct me anyway. I wanted to say her name, to anchor myself in it, but I couldn't—not when I didn't even know which one was real. So, I just held her, grounding her, letting her take what she needed.

Her breathing hitched. Her movements grew frantic, uneven, like she was fighting the edge of something she couldn't hold back anymore.

"Are you close, baby?" I murmured, brushing a strand of hair away from her face. She looked down at me with a smile that was equally wild and beautiful.

"You're so good, Yckos. I'm close."

And then it happened—her whole body tensed, a shiver running through her as she folded against me, clinging to me like she needed somewhere to land. I wrapped my arms around her, steadying her, feeling her heartbeat racing against my chest.

For a moment, neither of us spoke. She was catching her breath; I was trying to catch my thoughts.

Then she whispered, still pressed against me, voice soft and a little embarrassed:

"When can we see each other again?"

I could see the eagerness in her eyes. Pero hindi ko masagot. Paano ko ba sasabihin sa kanyang wala naman akong balak na makipagkita pa sa kanya? I just needed to have sex today. I needed a warm body and I got it. I just looked at her and smiled.

"Baby, I need to shower. You stay here, alright?" Malumanay na wika ako. Her eyes were still closed. Dahan – dahan akong bumaba ng kama at nagpunta sa bathroom ng hotle suite na iyon. Mabilis lang akong naligo at nagbihis ngunit halos walang sound ang mga galaw ko. I want her to sleep so I could leave without her asking for my number or without me pretending that I would text her after I got her number.

Nang makapagbihis na ako ay sumilip ako sa kanya. It was a relief seeing her already asleep. She was fucked out too much. That's a good thing, right? Hindi ko rin alam kung Maganda bai yon basta ang alam ko kailangan ko nang makaalis rito – and I did just that. Hindi na talaga ako nag-abalang magpaalam sa kanya. Alam kong hinding – hindi na kami magkikita.

These past few months have been so hard for me. Hindi ko masabi kung ito na ba iyong mid‑life crisis ko. Pero thirty‑four pa lang naman ako. Malabong mid‑life crisis ito. Kailangan ko lang siguro talaga ng babae sa buhay ko para mapatunayan ko sa sarili kong hindi ako attracted kay Gorge — ang bagong boy ice cream sa shop ko.

Sumakay ako sa kotse at napabuntong‑hininga. Naisandal ko pa ang sarili ko sa upuan dahil kahit okay naman ang gabing ito para sa akin at kay Alyona, Alyana, o kung ano man talaga ang pangalan niya — tuwing pumipikit ako, si Gorge pa rin ang nakikita ko.

Putang ina. Bakla ba ako? Pero kumain ako ng puday kanina! Masarap pa rin naman, at hindi ako nandidiri sa nakangiting puday ni Alyona, Alyana, o kung ano man talaga ang pangalan niya. Sumasakit na ang ulo ko kakaisip ng mga bagay na 'to. Hindi na nga ako masyadong nagpupunta sa shop dahil ayokong nakikita si Gorge. Sa dami ba naman ng puwedeng pasukan ni Gorge, sa shop ko pa.

Muli akong napabuntong‑hininga. Wala akong magagawa. Tinanggap ko siya dahil nakiusap si Nick — assistant manager ko — at mukhang mabuti silang magkaibigan kaya pumayag ako. Okay naman ang lahat sa una. Iyon nga lang, mukha akong tanga nang minsang matitigan ko si Gorge. Kakaiba ang kagwapuhan niya. Kung si Ido feel‑na‑feel ang pagiging gwapo, si Gorge parang hindi niya alam na gwapo siya.

"Tang ina naman, Yckos." Napapikit ako. Mabigat talaga ang nararamdaman ko.

I started the car and pulled out of the hotel's parking lot.

Habang nasa kalsada ako ay ramdam ko ang bigat ng dibdib ko. I used to feel good every damn time I had sex with a woman. Hindi naman ako babaero. I am still in the dating scene. I love women and I am a very active man. Sa totoo lang, nasa stage na ako ng buhay ko na gusto ko nang lumagay sa tahimik kaya nga nakikipag-date ako. Ang problema, wala ni isa sa mga babaeng dine-date ko ang gustong ako ang maging end game. Napabuntong – hininga na naman ako.

Binilisan ko ang pagmamaneho kasi gusto ko na talagang umuwi dahil baka kung saan na naman ako dalhin ng mga paa ko tapos makakita ako ng gwapo tapos iyon naman ang iuwi ko. Hindi ko pa kayang tanggapin sa ngayon...

xxxx

"YCKOS, may problema ka ba?" Bahagya pa akong nagulat nang mapansin kong nakatayo na pala si Macario sa harapan ko. Sabado noong araw na iyon ay bukas ang garahe ko. Kasalukuyan akong naglilinis ng kotse dahil naiinip ako. Wala akong ginagawa sa bahay dahil naroon si Ate Amber – ang kasambahay ko. Naglalaba siya ngayon habang naglilinis ng bahay. Sinabi ko sa kanya kaninang ako na lang ang mag-aayos sa sala pero inirapan niya ako kaya nagdesisyon na lang akong linisin ang kotse ko.

"Nandyan ka pala. Kailan ka dumating?"

"Kanina pa kita tinitingnan doon sa may kwarto namin ni Beanca. Tulala ka ba o nagsasayang ka lang ng tubig?" Tinuro ni Mac ang hose na hawak ko na nakatapat naman sa gulong ng kotse. May hawak akong basahan pero nakatayo lang pala ako roon. "Natatakot na si Beanca sa'yo. Sabi niya baka raw may depression ka na. Hindi ka naman kasi ganyan noon. Tumawag rin si Tatay kagabi, hindi mo raw sinasagot ang tawag ni nanay kaya nag – aalala rin siya. Ano bang nangyayari?" Kinuha ni Mac ang hose at basahan sa mga kamay ko. Pinatay na rin niya ang gripo at saka muling tumayo sa harapan ko. Nakatingin lang ako sa kapatid ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Sa sarili ko nga hindi ko alam ang sasabihin ko eh.

"Marami lang akong iniisip." Sabi ko na lang sa kapatid ko. Kinuha kong muli sa kanya ang basahan. Kinuha ko ang timba para punuin iyon at nang makapagsimula na ako. Paraan na rin ng pag – iwas iyon kay Macario. Gumilid ako para simulang sabunin ang bintana sa gilid. Huminga ako nang malalim. Akala ko ay aalis na si Mac pero hindi, sinundan niya ako.

"Ano ba kasing nangyayari?" Tanong muli ni Mac sa akin. Wala akong maisip sabihin. Hinawakan ako ng kapatid ko sa balikat. "Si Irma ba? Wala naman kayong naging usap, hindi ba? Masaya naman si Irma kay Bobby. Kung alam ko lang na didibdibin mo ang usap ninyo ni Irma, ginawan na namin ni Beanca ng paraan para maging kayo."

"Ano bang pinagsasabi mo?" Tiningnan ko si Macario. "Magkaibigan lang kami Irma. Mukhang tanga ito! Kaibigan ko na rin si Bobby kaya h'wag kang magsalita ng ganyan!" Pinanlakihan ko ng mata ang kapatid ko.

"Ano bang problema? Kausap ko si Ate Amber bago ako pumunta rito. Alas tres ka na raw pumasok ng bahay pero mula ala una nang madaling araw nandiyan na iyang kotse mo sa labas. Gusto mo bang magpatingin sa doctor? Baka kasi may depression ka. Yckos, dalawa lang tayong magkapatid, kailangan nagtitinginan tayo! Hindi ba't iyon rin ang sinasabi nila nanay sa atin?"

"Oo na! Oo na! Pero wala naman akong problema." Nagbuntong – hininga ako. Hindi ko masabi kay Mac na hindi na ako sigurado sa sarili ko. Na lahat ng pinaniniwalaan ko mula noon hanggang ngayon ay pinagduduhan ko na dahil lang kay Gorge.

And speaking of Gorge – natigil kami ni Mac sa pag – uusap nang pumarada sa tapat ng bahay ko ang L300 van ng ice cream shop. Pati si Mac ay napalingon na rin. Inaasahan kong bababa mula sa driver's seat si Nicki pero ang bumaba ay si Gorge.

Tang inang buhay ito.

Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Gorge. Suot niya ang uniform na pang Sabado ngayon ko lang naisip na bagay na bagay ang kulay sky blue sa kanya. Para bang lalo siyang nagiging gwapo sa paningin ko. Inayos pa ni Gorge ang sumbrero niya, kaya nakita kong bagong gupit siya. Bagay na bagay sa kanya iyong mullet haircut na iyon. May stud rin siya sa kanang tainga – na sa tingin ko lalo lang nagpapagwapo sa kanya sa paningin ko.

Tang ina, Yckos! Kumain ka ng puday kagabi! Puday ang isipin mo! Puday! Puday! Puday! Puday! Tang ina! Masarap ang nakangiting puday!

"Sir, good morning po. Pinapunta po ako ni Sir Nicki para po papirmahan iyong cheque para sa new equipment po." Tumingin si Gorge kay Macario. "Good morning din po, Sir Mac."

"Good morning, Gorge, pumopogi ka naming maigi! Kaya puro kolehiyala na iyong nasa shop ni Yckos eh. Ikaw na yata ang bagong ice cream doon."

"Hindi nama! Si Sir talaga!"

Muntik ko nang batukan si Macario. Kulang na lang ay isigaw ko ang pangalan ni Beanca para sunduin na niya ang asawa niya.

"Nasaan si Nicki, Gorge?" Tanong ko pa.

"May kausap po siyang kliyente, Sir. May nag-inquire po ng party needs po kaya in-entertain niya po muna."

"Okay. Pasok ka muna. Ikaw rin Mac. Kumain na muna tayo. Tawagin mo na si Beanca pari na rin si Brielle. Kumain muna tayo ng almusal." Wika ko pa. Hindi ko dapat ginawa ito. Hindi ko dapat papasukin si Gorge sa bahay ko dahil baka kung ano – ano na naman ang maisip ko. Iyon ngang nakikita ko siya sa store, kung ano – anong nabubuo sa utak ko – iyong sa bahay ko pa ba?

"Dali na! Tawagin mo na iyong pamangkin ko." Itinulak ko na si Mac. Nang makaalis si Mac ay binalingan ko si Gorge. Damn, this man looks so good. Mas matangkad ako sa kanya pero sigurado akong mas gwapo siya sa akin. Gwapo naman taalaga ako. Madalas sabihin ni Mama Apollo noon na kamukhang – kamukha ko si Jacinto Emilio, at ipinagdarasal niyang hindi ko kaugali ang tatay ko. Mukhang hindi naman kasi malas na malas ako pagdating sa mga babae.

"Tuwing kailan ang day off mo, Gorge?" Tanong ko sa kanya habang niyayakag siya papasok sa bahay ko. "Pasok ka..." Sabi ko sa kanya.

"Sir, huhubarin ko pa ba ang sapatos ko?"

"Hindi na. Okay na iyan."

"Tuwing Martes po ako off, Sir." Napalingon ako sa kanya.

"Ah."

"Oh, Yckos, sino iyang bisita mo? Ang gwapo ha!"

"Good morning po! Gorge po." Lumapit si Gorge kay Ate Amber para makipagkamay. Ngumiti si Ate Amber at mukhang kinikilig siya. Napailing na lang ako. Gorge really has that effect.

"Ate Amber, kumain ka na ba ng almusal?"

"Hindi pa. Hinihintay nga kita. Nagluto ako ng sinangag, danggit at itlog. May kamatis rin. Tumawag kasi si nanay mo kanina, sabi kailangan ko nang lutuin iyong danggit at baka masira na raw. Noong isang linggo niya pa kasi pinadala iyon. Kumakain ka ba noon, Gorge?" Baling ni Ate Amber sa kanya.

"Opo. Lahat naman po kinakain ko." Napatitig ako kay Gorge. Titig na titig habang paulit – ulit sa isipan ko ang sinabi niyang kinakain niya ang lahat – and somehow, I am suddenly seeing her kneeling down before me, holding my coc—"

"Uncle!" Laking pasasalamat ko nang marinig ko ang boses ni Brielle. Buti na lang at dumating na ang mag – anak ni Macario. Kinarga ko agad si Brielle at hinagkan siya sa noo. Nakasuot pa siya ng unicorn pajama niya. Si Beanca naman ay nakangiti kay Gorge.

"May bisita pala! Akala ko si Nicki ang dumating."

"Busy raw si Nicki. May pipirmahan raw ako. Sabi ko kumain na muna. Sabay – sabay na tayo. Ate Amber, pwede po bang magpahain na?" Malumanay na tanong ko.

"Oo naman! Wait lang ha."

"Tutulong po ako." Wika pa ni Gorge. Akmang pipigilan ko siya nang lingunin niya ako. Pakiramdam ko slow motion iyong paglingon niya sa akin, pati na rin ang pagngiti niya sa akin bagi muli siyang magsalita para sabihing; Okay lang, Sir.

Si Macario ay sumunod na rin sa kanila. Naiwan kami ni Beanca sa sala. Napansin kong titig na titig sa akin ang hipag ko.

"Baka matunaw naman si Gorge niya, Yckos." Nanlaki ang mga mata ko. Ngumisi si Beanca.

"Anong pinagsasabi mo? Beanca nga!"

"It's fine. I just want you to know that whatever it is, I am here to support you. Ganoon din si Mac. Ilang araw nang nag – aalala iyan sa'yo. If you have things to figure out, just take your time. Mas okay iyong sigurado ka kaysa naman makasakit ka, diba?" Kinindatan pa ako ni Beanca bago niya ako iniwanan sa sala para sumunod na sa kapatid ko. Nakaramdam naman ako ng frustration. Kung nahahalata ni Beanca, paano pa ang iba?!

"Yckos, halika na!" Sigaw ni Ate Amber kaya nagpunta na rin ako sa dining area. Nakapuwesto na ang lahat. Kandong na ni Mac si Brielle na namamapak nang kamatis. Si Beanca naman ay nilalagyan si Macario ng sinangag at danggit sa plato. Si Gorge ay nakaupo sa kanang bahagi ng mesa, malapit sa akin. Napalunok ako. He smiled at me.

"Sir, kain po." Yakag niya. Tumango na lang ako at naupo na rin. Inabot sa akin ni Gorge ang bandehado – hindi sinasadyang mahawakan ko siya sa kamay. Muntik ko nang mabitiwan ang bandehado kasi nakaramdam akong kuryente! Putang ina!

"Saan nga ulit ang probinsya mo, Gorge?" Tanong ni Beanca matapos naming magdasal bago kumain.

"Taga Bataan po ako, Ma'am Beanca."

"Oh! Baka kilala mo iyong asawa ni Ares, si Batseng! Taga Bataan rin iyon. Saan nga ba iyon. Sa Pi... Pilaw ba iyon."

"Baka po Pilar, Sir Mac. Kung doon nga po, medyo malapit lang kami. Isang sakay ng jeep. Taga Balanga po ako. Sa mismong city po."

"Bakit ka naman napadpad rito sa Metro? Six months ka na rito, diba?" Nginisihan ako ni Beanca. Pinanlalakihan ko naman siya ng mga mata.

"Ah... wala po. Gusto ko lang mag-trabaho sa Metro po." Mabilis na sagot ni Gorge.

"Girlfried, meron ka?" Tanong pa ni Beanca.

"Ano..." Pakiramdam ko ay naging uncomfortable si Gorge. Napakamot siya sa batok niya. He shook his head. Ako naman ang nagsalita.

"You don't need to answer that, Gorge. Feeling close lang si Beanca. Kumain ka nang kumain. Gusto mo pa ba ng kamatis o suka?"

"Okay na ako, Sir, Thank you po." Ngumiti siya saka uminom ng tubig. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain. I am very aware of Gorge's existence. Nakikita ko kung paano siya ngumuya, sumubo, uminom – pero ang catch, lahat iyon ay slow motion. Ano bang nangyayari sa akin?

"May papaya akong hiniwa at nilagay sa ref, gusto ninyo ba?" Nagtanong si Ate Amber matapos niyang mapansing tapos nang kumain ang lahat.

"Ako po, hindi na. Kailangan ko na pong bumalik sa shop. Baka po hinahanap na ako. Salamat po sa breakfast." Sabi pa ni Gorge saka bumaling sa akin. "Sir, iyong pipirmahan po ninyo."

"Oo. Doon na lang sa office ko. Sunod ka na lang sa akin." Sinenyasan ko si Mac. Tumango lang siya. Narinig kong nagpasalamat na naman si Gorge sa mga tao sa hapag at nang lumingon ako ay naroon na siyaat nakasunod sa akin.

Nagtungo kami sa second floor ng bahay – diretso sa private office ko. Inabot sa akin ni Gorge ang isang brown manila envelope at doon binasa ko ang mga kailangan bago ko pirmahan ang cheque na kailangan ni Nicki. Hindi naman nagtagal iyon ng fifteen minutes. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita kong titig na titig si Gorge sa larawan ng mga magulang kong nakalagay sa office table ko. I cleared my throat.

"Sorry, Sir. Ang ganda po ng mama ninyo." Hinarap niya sa akin ang picture frame. Kuha iyon noong fortieth birthday ni tatay. Nakaupo silang dalawa ni nanay sa isa sa mga benches sa Central Park sa New York. Nanay was holding a bouquet of beautiful yellow roses while Tatay's hand was around Nanay's waist. They were both looking at the camera. Ngiting – ngiti si Tatay. Masayang – masaya sila noong kinuha ang picture na iyon.

"Kamukha ninyo po pala iyong Papa ninyo, Sir."

"Sabi – sabi rin nila eh. Babalik ka na ba sa shop pagkatapos mo rito?"

"Opo, Sir. Magdedeliver pa po kasi kami ni Rhea ng ice cream sa Malabon po." Napatitig ako sa kanya. Kakaiba ang ngiti ni Gorge nang banggitin niya ang pangalan ni Rhea.

"Mukhang madalas kayong magkasama ni Rhea sa deliver."

"Nitong week lang na po na ito, Sir. Saka last last week."

"Okay. Heto na." Kinuha na ni Gorge ang envelope at sabay kaming tumayo. He was smiling at me and that smile were doing things to my heart that I don't really want to acknowledge. Ilang beses akong lumunok at nag-iwas ng tingin sa kanya. Nauna siyang maglakad papunta sa pinto ng private office ko habang ako naman ay dahan – dahang naglalakad. Sa sahig ako nakatingin at iyon ang naging dahilan kung bakit biglang nabunggo sa akin si Gorge. Napapagitnaan ko siya at ng pinto ngayon. Malapit na malapit siya sa akin dahilan upang masamyo ko ang mabangong amoy niya.

Oh hell! He smells heavenly. There was a hint of citrus and powder. He smells so clean that all I could think about was diving into his neck and just smelling him because my life depends on it. Tang ina, talagang buhay ito!

"Sir, ang hirap naman buksan ng pinto."

"Ha? Oo. Ang hirap talaga." Gumilid siya. Binuksan ko naman iyon ay nauna na siyang lumabas. Naiwan ako sa may pinto ng office ko habang tinatanaw siya. Kailangan ko ulit ng babae. Kailangan kong patunayan sa sarili ko na hindi ito ang tatahakin kong daan! Hindi pwede—

"Hoy! Uy!" Kitang – kita ko nang mag-alanganin si Gorge sa may hamba ng hagdanan. Inilang hakbang ko ang pagitan namin para masiguro kong hindi siya masasaktan kaya bago pa man siya bumagsak sa sahig ay nasapo ko na siya.

I caught him just in the nick of time. My hand landed on his back — warm, solid, tense — just as his foot slipped on the edge of the step. For a second, everything happened too fast: the thud of his shoe, the sharp inhale he made, the way his body pitched forward.

Then everything slowed.

"Gorge!" I grabbed him fully, one arm circling his waist before I even realized what I was doing. His weight fell against me, heavy and real, and I felt the sudden jolt of it shoot straight through my chest.

He froze.

I froze.

We were so close.

So... so... close... na naamoy ko iyong danggit na inulam namin kaninang almusal.

Nakahinto kami roon – nagtitigan na para bang kaming dalawa lang ang tao sa buong mundo.

"Sir..."

"Don't move..." I said, though my voice didn't sound like mine. It was lower, rougher, like something inside me had cracked open. Nakita kong napaawang ang labi niya. Ramdam ko ang paglunok niya – ramdam ko kasi nakahawak ako sa bandang tiyan niya. Nakapasok ang kamay ko sa ilalim ng t-shirt niya at ramdam na ramdam ko ang init ng balat ni Gorge sa parteng iyon. Napapaso ako pero hindi ko yata kayang bumitiw. Bahagyang nag-iwas ng tingin si Gorge. Tumambad sa akin ang pisngi niya at kung hindi ako nagkakamali, namumula siya.

I should just let him go. Make sure that he is steady and just leave him be, but I was trying so hard to hold onto the warmth between us two that I didn't want to let go. I took a deep breath.

I stepped away. Made sure he was okay and I stepped away. Muli na naman siyang ngumiti.

"Una na po ako, Sir. Salamat po."

Hindi ako nakakibo. Tuluyan nang nawala si Gorge sa paningin ko. Hindi naman ako makapagsalita kasi ramdam na ramdam ko ang puso ko sa lalamunan ko. Hindi ako makahinga... 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top