Chapter 12: The Truth
NAGISING na lamang ako na nasa loob na ako ng clinic. "Uy, Jasmin, okay ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Bea na nakaupo sa tabi ko at parang binantayan ako hanggang sa magising ako.
"Oo, medyo masakit lang yung mga galos ko." Isinandal ko ang aking likod sa headboard ng clinic. "Ikaw, okay ka na ba?"
"Oo, kahapon pa. Grabe ka! Hindi naman ikaw yung nakipaglaban pero naunahan ka pa nilang magising," natatawang tugon sa akin ni Bea. Base sa ekspresyon niya ngayon... she's really in a good shape at okay na okay na siya.
"Anong balita sa kanila?"
"Kausap nilang dalawa ngayon ang school principal. Hindi ko alam kung bakit. Si Carlo, baka bisitahin ka raw niya mamaya ewan ko lang kay Red," mahaba niyang litana at nagbabalat siya ng mansanas.
Naalala ko na naman ang nangyaring labanan sa Polto's Forest. Kung hindi pa dumating sina Sir Ernie at Sir Steven ay baka isang malamig na bangkay na kaming apat. Nakakaasar din dahil nakatakas ang Klein na 'yon... pero ano ang bagay na kailangan niya sa akin?
"Kumusta nga pala yung assignment natin?" pagtatanong ko bigla. Importante sa akin ang grades ko kaya dapat lang na itanong ko 'yan.
Saglit na tumahimik si Bea at nagbuntonghininga. "Nakakuha tayo ng 'F' na grade."
Nanlumo naman ako bigla. Kapag kasi nakakuha ka ng F ay ibig sabihin lamang nito na maliit na ang chance mong makapasok sa Marsham Top 10 students... which is pangarap ko.
"Bakit daw?"
"Lumabag tayo sa school rule na bawal lumabas ng Altheria kapag first year pa lang. Nagkaroon ng malaking gulo at nasangkot tayong apat, naka-istorbo tayo sa mga teacher lalo na kina Sir Ernie at Sir Steven, nasira ang mga ingredients nat—"
"Hindi mo na kailangan ituloy, Bea. Naintindihan ko na. Deserved natin ang 'F' sa daming nangyari." Napahawak ako sa aking braso na may galos. "Ba't may sugat ako? Hindi ba 'to ginamitan ng healing powers para mawala yung sakit?"
"That's our punishment. Hindi nila gagamitan ng kahit anong healing spell ang mga sugat natin. Kailangan daw nitong gumaling sa normal na paraan." Ipinakita rin ni Bea ang galos niya sa kanyang balikat. Napabuntonghininga na lamang ako. Hindi ko naman alam na ganito katindi ang punishment dito sa Altheria.
Nakarinig kami ng pagbukas ng pinto at nakarinig kami ng isang boses. "Ano ba, bitiwan mo nga ako! Wala akong balak bisitahin ang babaeng 'yan!"
Pumasok bigla si Carlo habang kinakaladkad niyang papasok si Red. Puro galos ang kanilang katawan pero masaya pa ring nakangiti sa amin si Carlo. "Oh, gising ka na pala, Jasmin! Akala ko, balak mong matulog hanggang matapos ang semester eh."
"Ba't ka nandito? Akala ko ba, bawal ang taga-Wanester Division dito sa Marsham?" tanong ko.
"I have an excuse. Sabi ko, bibisitahin ko lang ang kaibigan ko na nasa malubhang kalagayan." Wow, galos lang ang natamo ko pero para sa kanya ay malubha na ito? "'Tsaka isang linggo akong suspended dahil sa nangyari."
Inagaw ni Carlo ang binabalatang mansanas ni Bea. "Hoy, akin na 'yan! Para kay Jasmin 'yan."
"Wala nang bawian. 'Tsaka ako ang pinakanapuruhan kaya hindi kailangan ni Jasmin ng mansanas." Napalingon-lingon siya sa paligid. "Nasa'n si Red? Oy, Red, halika nga rito! Nahihiya ka ba!?" Hinatak niya si Red.
"Ako, mahihiya? Ba't naman ako mahihiya? Ayoko lang makita ang pagmumukha ng babaeng 'yan."
"Hoy! As if naman na gusto kitang makita!" Nagsimula na naman kaming dalawa sa nonsense naming pagtatalo habang yung dalawa ay tumatawa lamang. Seems everything is back to normal... I guess.
"Guys, tingnan n'yo!" Inilabas ni Carlo ang kuwintas ni Red. "Umiilaw na ang loob ng kuwintas ni Red. Pula iyon katulad ng kanyang pangalan."
"Tatawa na ba 'ko sa joke mo?" naiinis na sabi ni Red.
"Hindi, mamaya mo na lang itawa 'yan kasi sure naman akong hahagalpak ka sa nakakatawa kong joke."
Hindi pala peke ang nakita kong ilaw sa kanyang kuwintas. Totoong nagising niya na ang magi na nakatago sa kanyang katawan. Siyempre, nakakainggit dahil siya ang unang estudyante sa batch namin na nakagawa nito. "Congrats, Red. Anong specialty ng pula, Carlo?"
"Alchemist, magic swordsman and his unique skill is he can control the wind," sabi ni Carlo sabay kagat sa mansanas. "And it's too bad dahil hindi niya pa kayang kontrolin 'yon."
"What do you expect? Gusto mo, pagkailaw ng kuwintas ko, alam ko na kaagad gamitin iyon?"
Nakinig lang ako sa nonsense nilang pinagsasasabi. "Umalis na nga kayo. Mas lalo n'yo lang pinasasakit yung ulo ko."
"Sure thing! Magpahinga ka na," sabi ni Bea. "Babalik ako mamaya."
"Okay, by the way Jasmin, gusto kang makilala ng buong White Soldiers Family. Bukas, 10AM sa workshop. Hihintayin kita. Pinagyabang na kita and excited silang lahat na makilala ka." Napairap naman ako nang wala sa oras. I'm pretty sure na pinagyabang niya lang ang sarili niya about sa ginawa niyang pakikipaglaban.
Nakalabas na ang dalawa at hindi pa nakalalabas si Red. "Ano pang ginagawa mo rito? Alis na! Shoo! Shoo!"
Tiningnan ako ni Red mula ulo hanggang paa at tumalikod. "I'm glad that you're fine now." Naglakad na siya paalis.
Nangiti naman ako nang wala sa oras. Concern din naman pala, pakipot pa.
CARLO
BAGO pa man kami pumunta sa clinic para bisitahin si Jasmin ay nagtungo muna kami sa Principal's Office ni Red.
"Carlo, are you insane? Ba't mo naman kakausapin ang principal," pagpipigil sa akin ni Red.
Kapag tumitingin ako sa kanya, his eyes is burning with passion. Hindi na kataka-takang siya ang pinakaunang tao na nakilala ko na nakapagpagising sa magi in just one month.
White Clan Family chose the best of the best students dito sa Altheria bago nila pasalihin sa Family. May kakaiba sa mga freshman na ito, kina Bea, Jasmin, Jacob at Red.
Binuksan ko ang pinto ng Principal's Office at nakita namin si Mrs. Evelyn na nakatayo at nakasilip sa bintana ng kanyang silid na parang laging may pinagmamasdang tao.
"Mrs. Evelyn, excuse me po." Pagpasok namin ay umupo ako agad sa couch na parang feel at home.
Hindi ito ang unang beses na nakapunta ako sa Principal's Office. In fact, pabalik-balik nga ako rito dahil sa dami kong nilalabag na rules.
"Ang kapal talaga ng mukha," bulong ni Red at napailing-iling sa akin.
"Anong kailangan mo, Carlo?"
"Gusto kong malaman kung ano ba talaga si Jasmin?" Napatingin sa akin si Red. Jasmin is not ordinary. Hindi siya hahanapin ng Raven Clan kung hindi siya nagpo-possess ng kakaibang kapangyarihan.
"She's just an ordinary student of Altheria."
"Nagsisinungaling ka, Mrs. Evelyn. Hindi kami papatayin noong Klein na 'yon para lang sa isang ordinaryong estudyante ng Altheria. Mrs. Evelyn, 'wag n'yo na kaming gawing tanga. Nakita namin kung paano nagpupumilit ang Raven Clan na kuhanin si Jasmin."
Nagbuntonghininga si Mrs. Evelyn at tiningnan ako sa mata. "Miyembro siya ng White Soldiers, Mrs. Evelyn. Hindi namin magagawang protektahan si Jasmin kung hindi namin alam kung ano talaga siya."
Tahimik lang si Red sa aking tabi. Iyon ang isa sa mga napansin ko sa kanya. He is more like a listener.
"Mangako ka muna na walang ibang makakaalam nito kung hindi kayong dalawa lamang." Umupo si Mrs. Evelyn sa tapat namin. "Kung mangangako kayo ay sasabihin ko sa inyo ang totoo."
Nagkatinginan muna kaming dalawa ni Red at tumango. "Jasmin is the granddaughter of Lucas Manroa."
Nanlaki ang mata ko at naalala ko ang pangalan na 'yon. "You mean, one of the greatest alchemists in our history?" Alam ko ang kuwentong ito. Sila ang nagprotekta sa mundong ito laban kay Deathevn.
"Hindi pa ako sigurado sa dahilan ng Raven Clan kung bakit nila hinahabol si Jasmin. Pero baka dahil namana ni Jasmin ang kapangyarihan ng kanyang lolo. There's an overflowing magi inside her body. Hangga't hindi pa nagigising ang magi ni Jasmin ay hindi pa natin malalaman ang kanyang kakayahan."
"Kung mapupunta si Jasmin sa kanila, it means they will use Jasmin?" pagtatanong ni Red.
"Most likely. Paniguradong nalaman na nila na nandito sa Altheria Academy si Jasmin. Gagawa ng paraan ang mga Raven Clan upang makapasok dito," sabi ni Mrs. Evelyn.
"Ngayong alam n'yo na ang katotohanan kung bakit siya hinahabol ng Raven Clan, gusto kong kayong dalawa ang magbantay kay Jasmin."
"No freakin' way—"
"Makakaasa ka, Mrs. Evelyn," pagsasalita ko. "Si Jasmin ang bagong miyembro ng White Soldiers Family. Hindi ko hahayaan na mapahamak ang miyembro ng pamilya ko." Tumingin ako kay Red. "Ikaw, Red, hindi ka ba nagi-guilty? Ikaw ang nagsama sa kanya ro'n sa Polto's Forest no'ng nangyari ang insidente—"
"Mangongonsensya ka na naman. A'right, payag na ko."
Bigla akong nakaramdam ng excitement. At the same time, kaya ako pumayag sa kondisyon ni Mrs. Evelyn, gusto kong gantihan ang Klein na 'yon. Magpapalakas ako. Hihigitan ko ang kanyang kakayanan. Ako ang tatalo sa kanya kapag muli kaming nagkita.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top