Prologo


Ika-10 ng Marso, 2015
8:12 am

"Nasa huling bahagi na tayo ng eksperimento, dalawang taon na lang ay magigising na rin sila Dr. Fitzger." nakangiting pahayag ng binatang lalake na nakasuot ng laboratory gown, nasa labas ito ng malaking silid at nakatingin lamang ng diretso sa loob gamit ang malaking salamin na nagsisilbing dibisyon sa pagitan, "Sa nakalipas na buwan ay walang pinapakitang komplikasyon ang bawat altered, ang kaniya-kaniyang millum gland nito ay maayos na nakikibagay sa katawan nito."

Napatango ang lalakeng doktor sa sinabi nito, isinilid nito ang magkabilang kamay sa bulsa ng kaniyang laboratory gown at dahan-dahang sumilay ang ngiti sa kaniyang labi, "Hindi magatatagal ay babangon na rin ang mga produkto ko at magbubunga na rin ang eksperimento." buong-pagmamalaki nito.

Titig na titig ang doktor sa nakahilerang mga cryogenic tubes kung saan nakapaloob ang mga hubo't hubad na katawan ng mga specimen niya; pawang nakalutang ang mga ito sa isang likido na tadtad din ng mga tubong nakakabit sa katawan upang panatilihing buhay, mahimbing pa rin itong natutulog at patuloy na nabubuo ang katauhan. Hindi maitatangging sabik na sabik na talaga siya para sa araw ng pagmulat ng mga mata nito, kung kaya't napakarami nang mga plano ang naiisip niya.

"Mababago na nga ang mundo."

"Babaguhin ko ulit ang mundo." dugtong ng doktor.

•••

Twitter: XenontheReaper

Instagram: XenontheReaper

Youtube Channel: Xenon's Vlogs

Facebook Page: XenontheReaper

Feel free to approach me, hihi. Muah.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top