Chapter 34

Chapter 34

Walang dahilan si Tin para magsinungaling sa akin. Wala naman sa trabaho ko ang nakakaalam tungkol sa aming dalawa ni Achilles. Hindi ko sinasabi dahil para sa akin, hindi naman nila dapat malaman. Iba iyong trabaho ko sa personal na buhay ko. Saka kung sasabihin ko man, magsasabi muna ako kay Achilles.

"San mo narinig 'yan?" tanong ko kay Tin nang maka-bawi ako sa pagka-gulat nang banggitin niya sa akin iyong sa disbarment.

"May tumawag alng dito," sagot niya sa 'kin.

"Pano mo nasabi na sa disbarment?"

Nagkibit-balikat siya. "Nangyari na rin kasi dati 'yan dito," sabi niya. "Kabit naman 'yung lawyer. Siraulo ba naman e nagpadala ng love letter nung kasal nung babae. Ayon, nagalit iyong papakasalan. Hindi natuloy iyong kasal tapos e pina-disbar iyong abogado."

Napaawang iyong labi ko. "Na-disbar?"

Tumango si Tin. "Oo. 'Di na abogado 'yon ngayon. Pero mukhang masaya naman siya. Nagka-tuluyan sila nung babae, e. First love niya ata."

Fuck.

Seryoso?

Alam ko may disbarment talaga na nangyayari sa mga abogado... pero akala ko kapag sobrang seryoso lang 'yon. Kung naka-patay ka o kung anuman na talagang ka-disbar-disbar.

Pero dahil lang nagsend ng love letter?

Buong araw akong hindi mapakali dahil sa sinabi ni Tin. Gusto ko pa siyang tanungin sa kung paano niya nasabi na may disbarment case laban kay Achilles, pero ayoko lang na magduda siya. Gusto ko ring itext si Achilles, pero alam ko na kung meron man ay hindi niya sasabihin sa akin dahil mag-aalala ako.

Alam ko na honesty iyong gusto niya sa pagitan naming dalawa... pero alam ko na rin na mas pipiliin niya na siya na lang muna ang mamroblema kaysa madamay ako.

Kaya gusto ko na itanong sa kanya sa personal. Gusto ko na naka-tingin ako mismo sa mga mata niya kasi alam ko kung kailan siya nagsasabi ng totoo at kung kailan may hindi siya sinasabi sa akin.

Gusto ko rin sanang tanungin si Mauve kung may naririnig siya sa bahay... kaya lang ay ayoko siyang idamay sa amin ni Papa. Kung may pera lang talaga ako, ako na magpapaaral kay Mauve para makaalis na siya sa bahay.

Nang matapos na iyong trabaho ko, nag-isip ako kung papasok ba ako sa school. Unang linggo pa lang naman. Alam ko na walang papasok na prof ngayon... pero pangako ko sa sarili ko na susubukan ko talagang magkaroon ng perfect attendance ngayong sem. Dati kasi, antukin lang ako e hindi na ako papasok. Tamarin lang ako ng konti, hahanap na agad ako ng dahilan para hindi pumasok.

Gusto ko sana na magbago na ngayong sem... kaso, pota, sinusubok ata talaga ako ng tadhana.

'Salamat,' text ko kay Assia nang pumayag siya nung sabihin ko na kung pwede e i-send sa akin kung magkaka-assignment man kami.

Bahala na nga.

Agad akong umuwi sa condo. Pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko agad si Achilles na nasa kusina. Naka-tayo siya sa harap ng ref at parang namimili roon kung ano ang iluluto niya.

"Wala kang pasok?" tanong niya nang mapa-tingin siya sa gawi ko.

Umiling ako. Nanatili lang akong naka-titig sa kanya. Normal na normal lang iyong mga kilos niya... Ginagago lang ba ako ni Tin? O talagang gumaling ng magtago si Achilles?

"Ano'ng gusto mong dinner?" tanong niya sa akin.

Hindi ako maka-sagot. 'Di ko ata kaya iyong ginagawa niya na umakto na normal lang iyong lahat kung totoo nga na may disbarment case laban sa kanya.

Kasi alam ko kung gaano kahirap bago niya nakuha iyong titulo niya... saka ilang beses kong narinig sa kanya na gusto niya iyong trabaho niya.

'Di kakayanin ng konsensya ko kung si Papa iyong nagpasimula nung disbarment case... kasi wala naman nito dati. Tahimik na nagta-trabaho lang si Achilles. Tapos biglang ganito?

Gusto siyang patanggalan ng lisensya?

"Be honest with me," sabi ko sa kanya gaya nung sinabi niya sa akin dati.

Natigilan siya sa ginagawa niya. Tumingin siya sa akin. Nakita niya kung gaano ako ka-seryoso. Nag-iba iyong ekspresyon sa mukha niya. Na para bang alam niya na na alam ko rin. Pero walang nagsasabi sa amin.

"It's fine," he said, looking at me and giving me a small smile as if that was enough to calm me down.

"Fine?"

Tumango siya sa akin. "Yes. Ano'ng dinner—"

"How can you say that it's fine?" agad na putol ko sa sasabihin niya. I couldn't do small talk right now. Seryoso 'to sa akin. Kasi hiyang-hiya na nga ako na nakikitira ako rito sa condo niya, tapos biglang ganito pa iyong gagawin ni Papa sa kanya?

Hindi ko maintindihan na kung hindi niya man matanggap na ganito ako... kahit pabayaan na lang sana niya ako.

Mahirap din bang gawin 'to?

Kailangan ba saktan niya rin ako?

"Because it's fine," he replied in a much stricter tone. "There's no disbarment case filed."

"Yet," sabi ko sa kanya.

I saw how his jaw slightly clenched. Because I was right. Totoo naman na wala pang disbarment case. Sa ngayon. Pero sa mga susunod na araw? Ano iyong mangyayari? Ano iyong balak niya? Na magpanggap na okay lang iyong lahat hanggang sa magising na lang ako na magulo na pala lahat?

Bakit ba kagaya siya nila Papa na mas gustong maayos lang lahat kahit hindi naman talaga? Bakit ba ang hirap para sa mga tao sa paligid ko na pag-usapan iyong problema? Kasi nahihirapan din naman ako pero sinusubukan ko pa rin. Kasi alam ko na wala namang patutunguhan kapag nagpanggap lang lagi na okay lang lahat.

Parang tanga lang.

"Alam mo ba na tumawag sila sa office ko?" sabi ko sa kanya.

Kita ko iyong pagka-bigla sa mukha niya. "I'm sorry."

Hindi ko alam kung bakit ako nainis.

Kasi bakit siya iyong nagsosorry sa akin?

"Kailan pa 'to nagsimula?"

"Last week," sabi niya.

"Last week pa?"

Tumingin siya sa akin. "It's gonna be fine—"

"Can you please not?" I cut him off. "Can you please stop downplaying this? Kasi seryoso 'to, Achilles."

Nanatili lang akong naka-tayo roon at naghihintay ng susunod na sasabihin niya. Gusto ko lang naman na malaman kung ano ba iyong kailangan kong gawin. Kung may dapat ba akong gawin.

"There's nothing to say," sabi niya sa akin. "There's no case against me," dugtong niya. "Yet. There's no case yet."

"Kaya hindi mo sinasabi sa akin?"

"Yes," sabi niya. "Because there's nothing to worry about," he added. I just kept on staring at him, hoping that he'd come to his own accord to be honest with me kahit mahirap.

Because he said that he's not leaving.

Because he said that he's staying with me.

And I cannot have him stay with me if it will only bring him problems after problems. Hindi kakayanin ng konsensya ko.

"I'm sorry kung tinawagan nila iyong opisina mo," sabi niya sa akin. "They're just investigating."

"What's the ground?" I asked.

Achilles looked at me. He probably realized that we're having this conversation and there's no way he's escaping this. He may be good at deflecting, but I was determined.

"Immoral conduct."

"Si Papa iyong nagfile ng complaint?"

"Yes."

Napa-upo ako sa may ipuan at saka tinakpan ng mga kamay ko iyong mukha ko—na para bang wala akong mukhang maihaharap kay Achilles dahil puro na lang kahihiyan ang binibigay sa akin ng magulang ko.

Na hindi lang sapat na umalis ako sa bahay—kailangan din nilang guluhin iyong buhay ni Achilles.

Ilang minuto akong nanahimik. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Achilles. Hindi sapat na humingi ako ng tawad dahil sa mga ginagawa ng magulang ko. Nakaka-hiya. Nakaka-galit. Hindi ko alam kung saan nanggagaling iyong galit nila sa aming dalawa para gawin 'to.

Wala naman kaming ginawang masama...

Nananahimik lang kami...

Masaya lang...

Pero hindi pwede para sa kanila.

"Sa tingin mo... sa tingin mo may basis iyong complaint?" tanong ko kay Achilles. Naka-yuko pa rin ako. Pakiramdam ko ay wala akong mukhang maihaharap sa kanya.

"I honestly don't know," he replied. "Every disbarment case is sui generis." Napa-tingin ako sa kanya. "Sui generis—of its own kind."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Alam ko iyong ibig sabihin non."

"Oh."

Natawa ako tapos ay nainis dahil bakit ba hindi makita nila Papa 'to? Na masaya ako kasama si Achilles? Na napapa-tawa niya ako? Na mas maayos na tao ako dahil sa kanya?

Lumapit sa akin si Achilles. I immediately felt comforted when he wrapped me inside his arms. His hand was gently tapping on the top of my head like he was telling me that everything's going to be fine... even when we both knew that the storm was already brewing.

"If you can, stop worrying about this."

"Di ko kaya."

"Still try."

"Paano mo nagagawa na ganyan ka lang? Hindi ka ba kinakabahan?"

Naramdaman ko iyong paghigpit ng pagyakap niya sa akin. "Kinakabahan... but at the same time, it's out of my hands," he said.

"Ganon na lang 'yon?"

Tumango siya. "Practicing law is a privilege, not a right, Mauro. If... if the Supreme Court ultimately decides that I don't deserve the privilege, ano'ng magagawa ko?"

Napaawang iyong labi ko.

Why did that sound like acceptance of defeat?

"Ganon na lang 'yon?" I repeated dahil hindi ako makapaniwala sa naririnig ko sa kanya. "Hindi ka lalaban?"

He looked at me, tousled my hair, and smiled.

"Of course I'll argue to the best of my abilities," sabi niya sa akin. "But until then, try not to worry. Wala namang magagawa. Just focus on your subjects. Mas mahirap iyong second year."

* * *

Kapag kausap ko si Achilles, natural na hindi kami nauubusan ng pag-uusapan. We could start talking about feminism and for some reason, after a few hours, ang topic na namin ay kung makaka-survive ba kami sa bear attack.

We could talk for hours.

Pero ngayon? Ramdam na ramdam ko na sinusubukan niyang ibaling iyong atensyon ko sa pamamagitan ng pagtatanong sa akin tungkol sa mga subject ko sa school. He kept on asking kung sino ang professor ko kahit alam niya naman na hindi ko pa alam.

Nang nasa kama na kami ay naubusan na ata siya ng itatanong.

"I'm so—"

"Stop," he said, cutting me off. "Whatever your dad may or may not do, hindi mo kasalanan."

I had to bite my tongue because in no way did I agree to that.

"I know you feel guilty," he said. "But I made the conscious decision to fall in love with you... and to ask you to stay with me," he continued. "I'm accountable for all the decisions that I made and I'll make."

"Akala ko kusa na lang nararamdaman 'yung love? Napapagdesisyunan pala 'yon?"

Naramdaman ko iyong pagtawa niya sa sinabi ko. Tumagilid siya. Ginaya ko siya. Naka-harap kami sa isa't-isa. Sarado na iyong ilaw sa kwarto. Tanging dilaw na ilaw galing sa lampshade na lang ang meron.

"I don't know for other people, but for me, it was a conscious decision."

"Decision? May factors ba 'yan?"

"Nothing too serious," he said.

"E paano nga iyong decision making?"

Hirap pala makipag-usap sa kanya kapag ganito dahil diretso lang na mga mata niya iyong nakikita ko. Saka bakit parang mas gwapo siya kapag ganito iyong ilaw? Iba iyong dating?

"I told you how I started to like you, right?"

Tumango ako. "Nung sabi mo naka-harang ako sa daan."

"Right," he replied. "Then I tried to spend time with you. And upon spending time with you, sometime in the middle of that, I thought to myself 'I actually like spending time with this person,'" mahinang sabi niya pero rinig na rinig ko pa rin dahil sa katahimikan na bumabalot sa amin. "You know, I've met a lot of people. I don't really like spending time with them."

"E mga kriminal naman kasi nakaka-usap mo madalas."

Napaawang iyong labi niya sa pagka-bigla ata sa sinabi ko tapos ang lakas ng tawa niya. Kung kanina e naka-side by side kaming dalawa, naka-higa na ulit siya nang maayos at naka-takip iyong mga kamay niya sa mukha niya.

"Ang hirap mong kausap minsan," bigla niyang sabi.

"Tama naman iyong sinabi ko kasi PAO lawyer ka."

Humarap ulit siya sa akin. Akala ko ay may sasabihin siya kaya naman nabigla ako nang hatakin niya ako palapit sa kanya at saka na lang ako biglang hinalikan. Napaawang iyong labi ko sa gulat hanggang sa malasahan ko iyong menthol sa toothpaste namin.

"Your father can't do anything to make me leave you," he said in between kissing me and honestly, hindi na ako nakikinig sa kanya kasi nasa ibang bagay na iyong atensyon ko. 

**

This story is already at Chapter 38 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top