PART TWO
One year later.
“Yael, bakit ayaw mong magkaroon ng anak? Gustong-gusto ko na. Gusto kong bumuo ng sariling pamilya,” reklamo ni Princess Ashanti.
Noong una ay pinipilit niyang intindihin ang kanyang asawa subalit habang tumatagal ay nagkakaroon siya ng pagkaawa sa kanyang sarili. ‘Bakit iniiwasan ng kanyang asawa na galawin siya? Bakit tumatanggi itong magkaroon sila ng anak?’ Mahal nila ang isa’t isa at halos magaan ang kanilang pamumuhay; nagtatrabaho si Yael bilang tagapangasiwa ng merkado sa islang iyon. May mga dumadayo upang mag-angkat ng isdang nahuhuli ng kanyang mga kanayon.
“Sigurado ka bang, totoong pagmamahal iyang nararamdaman mo para sa akin?” tanong ni Yael sa kanyang asawa, biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.
“Nagpakasal ako sa’yo, Yael. Hindi pa ba sapat iyon para mapatunayan kong mahal kita?” Malungkot na sagot ni Princess Ashanti.
“Isa lang akong hamak na mangingisda sa islang ito. Bakit nagawa mo akong mahalin?”
“Ang pagmamahal ay walang dahilan. Minahal kita kahit sino ka pa at mamahalin kita hanggang sa huli, hanggang nabubuhay ako sa ibabaw ng mundo ay ikaw lang ang tanging pipiliin ko,” litanya ni Princess Ashanti.
Ilang buwan pa ang nakalipas ay hindi na huminto si Ashanti para bigyan siya ng anak ni Yael. Pakiramdam niya ay mayroong kulang sa buhay nila. Madalas siyang umiiyak at nagtatampo sa asawa dahil hindi ito umuuwi tuwing gabi para iwasan na mayroong mangyari sa kanila.
Isang araw, matinding away ang naganap sa pagitan nilang mag-asawa dahil nakita ni Princess Ashanti na mayroong kausap na ibang babae si Yael at mukhang hindi ito taga-roon sa isla, pero kitang-kita niyang masaya ang asawa niya habang kausap ang babaeng hindi niya kilala. Tahimik si Yael buong linggo kahit inaaway at tinatanong siya ng kanyang asawa ng kung anu-ano tungkol sa babaeng kausap niya. Hindi ito makatingin sa Prinsesa, hindi rin siya kinikibo at hindi rin ito pumasok sa trabaho, mukhang malalim ang kanyang iniisip.
“Pupunta ako ng merkado, mamimili ng gulay at isda.” Naawa tuloy si Ashanti dahil sa kalagayan ng kanyang asawa. Nagpaalam ito kay Yael at tango lang ang sagot. Mahal na mahal niya ang kanyang asawa kaya hahayaan niya na lamang kung anong mayroon sa kanilang dalawa ng babaeng iyon. Naisip ni Ashanti na ang babaeng ’yon ang dahilan kapag hindi nakakauwing gabi ang kanyang asawa.
Nilakad lang ni Ashanti ang papunta sa merkado at pabalik, halos tatlong oras ang ginugol niya at ngayon nakabalik na siya sa kanilang tahanan. Tahimik ang paligid, siguro nakatulog ang kanyang asawa. Hindi niya na muna ito inistorbo sa kanilang silid, diritso na siya sa kusina upang makapagluto na ng pananghalian nilang dalawa. Masaya siyang nagluluto at nakapagdesisyon na kalimutan na lang ang tungkol sa babaeng nakita niyang kasama ni Yael.
“Bumangon ka na r’yan, kakain na tayo. Pinagluto kita ng paborito mong isda at gulay.” Kinakatok ni Ashanti ang pinto ng kanilang silid ngunit walang sumasagot. Nakailang tawag na siya ngunit wala pa rin kaya nagpagpasyahan na lang niyang pumasok sa loob. Mabilis ang tibok ng kanyang dibdib dahil wala doon si Yael, wala rin ang mga damit nito at ang malaking bag. Umalis si Yael nang hindi nagpapaalam.
Labis ang lungkot at paghihinagpis ng puso ni Ashanti dahil sa pagkawala ng kanyang asawa. Hindi man lang ito nagpaalam sa kanya, ilang linggo na siyang walang ginawa kundi ang magmukmok at umiyak. Hindi niya lubos maisip kung bakit nagawa sa kanya ito ni Yael. Umalis ng walang paalam at hindi niya alam kung saan hahanapin ang pinakamamahal niyang asawa.
Hindi niya magawang ipahanap ito dahil wala namang susunod sa utos niya. Hindi siya Prinsesa sa islang ito. Wala siyang taga-sunod at wala siyang kapangyarihan upang ipahalughog ang buong mundo para lang mahanap si Yael.
Anim na buwan pa siyang nanatili sa kanilang tahanan ng magdesisyon si Ashanti na umuwi sa kanilang kaharian. She returned to her kingdom, para magpatulong sa kanyang Inang Reyna na hanapin si Yael, kung hindi man ito mahanap ay wala na siyang magagawa, gusto niyang umalis sa lugar kung saan marami siyang ala-alang maalala, she decided to escape again, this time; she escaping her memories with her husband, Yael. Halos mabaliw siya sa bahay na iyon kakahintay sa kanyang asawa at wala siyang nagawa dahil hindi ito bumabalik.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top