49

Kinabukasan, maaga akong nagising para sa urgent meeting with the client. Actually, halos ilang oras lang yata ang naitulog ko dahil sa kakaisip sa mga nangyare kahapon. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang binigay na uri ng tingin ni San Agustin sa‘kin.

Sa tuwing naiisip ko ‘yon, hindi ko maiwasang hindi masaktan dahil kahit kailan ay hindi niya ‘ko tinitingnan sa ganoong paraan noon.

Bakit ba umaasa pa rin ako na sa kabila ng mga panahon na lumipas ay magiging maayos pa rin ang lahat? Umaasa pa rin ako na mananatili ang kung ano’ng nararamdaman niya para sa‘kin sa loob ng napakahabang panahon.

Nakakatawa... na umasa ako sa mga bagay na imposibleng mangyare. Nakakatawa dahil hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang naidudulot na sakit sa‘kin. Itinago  at iningatan ko ang lahat ng pagmamahal ko para sa kaniya sa loob ng mahabang panahon na lumipas dahil akala ko, gano’n din ang ginawa niya.

Nagkamali ako pero ginusto ko ang mga naging desisyon ko, at katulad nga ng sinabi noon ni ate Heart, hindi ko pagsisisihan ang lahat ng iyon.

Siguro nga, hindi kami ang para sa isa’t isa. Na ang pag-ibig namin ay mananatiling nakaraan na lamang. Na ito ang nakatadhana para sa’ming dalawa.

Sa lalim ng iniisip ko, nakalimutan ko ng kasama ko nga pala ngayon ang kaibigan ko. Napapitlag ako nang may tumamang papel sa mukha ko.

Hindi na ako nagtaka kung sino ang gumawa no’n. Saglit ko lang siyang sinamaan ng tingin bago ko kinuha ang papel na ibinato niya para itapon sa trash bin malapit sa table.

“Bakit ka na naman ba nandito? Wala ka bang trabaho?” irita kong tanong nang hindi siya tinitingnan dahil inabala ko na ang sarili ko sa harap ng monitor.

Narinig ko ang kaniyang pag-ingos bago siya lumayo para umupo sa isahang sofa.

“Excuse me, I don’t have to work because work is not for people like me. At saka my bebe XiaoXiao will provide everything for me,” aniya and I’m sure she just flipped her hair in her pinakamaarteng way.

Napailing na lang ako at saka napatingin sa kaniya. Tinaasan niya ‘ko ng kaniyang kilay nang magtama ang tingin namin habang may nakakalokong ngisi ang labi niya.

“Nasa’n na nga pala ang boyfriend mo? Ba’t hindi yata bumubuntot sa’yo ang XiaoXiao mo?” tanong ko habang inaayos ang mga nadis-arranged na papeles sa taas ng aking table.

Maarte siyang nagcrossed legs.

“Like what I have said, Zelle my friend, XiaoXiao will provide everything for me. So it means, he need to work his ass off to earn money for our future. Saka nga pala, bakit mo ba tinatanong kung nasaan ang bebe ko? Type mo ba siya?” naningkit ang mata niyang nakatingin sa’kin.

Nagkasalubong ang kilay ko bago tipid na napailing.

“Gaga, hindi ko type ang mga Chinese.” Nakangiwi kong ani.

Tinaasan muna niya ako ng kilay bago tumango-tango na may kaunti pa ring pagdududa. Mahina akong natawa.

“Right, ang motto mo nga pala in life is tangkilikin ang ang sariling atin. Ang pangalang San Agustin ay angkinin at tangkilikin. Bow.”

***

“Zelle! OMG, ang ganda mo!” Malapad akong napangiti sa naging reaksyon ni Lilac nang itapat ako ni Zira sa harap ng screen. Tinawagan niya kasi Lilac thru skype.

Inaya niya ‘kong maglunch, at hindi ko magawang tumanggi dahil nagpumilit siya. Kaming dalawa lang dahil namamasyal daw sina San Agustin at Davies.

“Salamat, Lilac. Pero mas lalo ka yatang gumanda? Balita ko may anak ka na?” tanong ko nang hindi nawawala ang ngiti sa labi.

Mayamaya lang ay ipinakita niya ang anak na nasa crib, mahimbing itong natutulog.

“Papabinyagan namin ‘to sa susunod na buwan. Kukunin kitang ninang, kaya dapat umuwi ka rito.” Bumalik sa kaniya ang tutok ng camera.

“Kung may invitation card, I might consider it,” natatawa kong sagot.

“Walang bawian ‘yan!”

Tumango ako. Sakto na dumating na rin ang in-order namin kaya nagpaalam muna kami saglit kay Lilac para kumain. Habang kumakain, ang daming kuwento ni Zira tungkol sa mga nangyare noong nawala ako.

Hanggang sa mabanggit niya ang pagiging suplado at masungit ni San Agustin noong umalis ako. Kahit sina Mak at Roy raw ay walang nagagawa kapag nagwawala si San Agustin sa tuwing naglalasing ito.

Halos ilang buwan na naging gano’n ang takbo ng buhay niya bago raw nito nakilala ang nanay ni Davies. Isang Doctor ang nanay ni Davies habang si San Agustin ay naging Veterinary.

Habang pinapakinggan ko ang bawat kuwento tungkol sa kaniya, tungkol sa naging buhay niya noong nawala ako, napagtanto ko na, nagawa niya ‘kong mawala sa sistema niya. Na nagawa niyang magmahal muli, na kahit kailan ay hindi ko sinubukan.

Ang sakit pala. Ang sakit malaman na may minahal siyang iba. Gusto kong umiyak at isigaw kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon, tila ba ay ilang libong bato ang dumudurog doon.

Hanggang sa malaman kong namatay sa aksidente ang nanay ni Davies bago ang isang linggo ng kasal nila. Katulad noong umalis ako, naging ganoon din ang buhay ni San Agustin nang mamatay ang babaeng minahal niya bukod sa’kin.

Ni hindi niya raw natutukan ang anak dahil sa palagi nitong paglalasing at sa pagiging wala sa sarili.

“Pero ngayon, unti-unti na ulit siya naging okay. Nakakangiti na ulit siya pero alam mo ‘yon, walang kislap ang mata niya tuwing tatawa o ngingiti siya. Siguro kung wala si Davies, matagal nang ginusto ni Davido na sumunod kay Clara.” Malalim na bumuntong hininga ni Zira habang may lungkot ang boses.

“Zelle?” tawag niya.

Mula sa pagkain ay napa-angat ang tingin ko papunta sa kaniya.

“Hmm?” untag ko.

“Ikaw ba, wala kang naging nobyo rito? O bagong pag-ibig katulad ni Davido?” napatigil ako sa paghahalo ng pagkain sa naging tanong niya sa akin.

Pagkatapos ay mapait akong napangiti at muling tumingin sa pagkain na nasa harapan ko.

“Maniniwala ka ba na wala kahit isa, dahil lang iniingatan ko ‘yung nararamdaman ko para sa isang tao.” Ani ko.

Narinig ko ang mahina niyang pagsinghap dahilan para muli akong tumingin sa kaniya.

“Shit, ibig sabihin, hindi ka pa nakakapagmove-on?” nanlalaki ang matang tanong niya.

“Hindi naman ako nagmove on e,” tipid akong ngumiti at bumuntong hinga.

Napaawang ang bibig niya at napatakip kasabay nang kaniyang muling pagsinghal.

“Hala— hindi ko alam, buong akala ko kasi nakamove on ka na dahil ang tagal na kaya akala ko ayos lang na magkuwento ako tungkol kay Davido at Clara. Sorry Zelle,” punong-puno ng awa at pagpapaumanhin niya.

Umiling ako. “Ayos lang, kasalanan ko rin naman.”

***

Pagkatapos ng lunch date ko with Zira ay bumalik na ako sa opisina para tapusin ang mga pending design ko. Ipinaalam din sa’kin ni Anna na in-adjust ng isa naming kliyente ang deadline na nais nito.

Pabor iyon sa amin dahil mabibigyan pa kami ng panahon para planuhin at mapulido ang proyekto.

Habang inaayos ko ang gamit pauwi ay tumunog ang telepono ko. Saglit kong ibinaba ang bag para sagutin ang tawag.

“Helloo? Who’s this?”

“Zelle, si Zira ‘to!”

“Zira, bakit ka napatawag? May kailangan ka ba?” kunot noo kong tanong.

“Wala naman, gusto ko lang itanong kong free ka ba tomorrow evening?” tanong niya mula sa kabilang linya.

“Oo, free ako tomorrow. Bakit?” sagot ko.

“Ay perfect, invite kasi kita bukas. Send ko na lang later ang address sa’yo ng restaurant. Ipapakilala kita sa future husband ko,” aniya kasabay nang pagbungisngis.

“Magpapakasal ka na, Zira? Grabe, congrats!” nangingiti kong saad. Kinuha kong muli ang bag at saka ang susi na nakalapag sa table ko.

“Oo,” tumawa siya. “Nabanggit ko na ‘yan kahapon sa‘yo e.”

Saglit kong inipit ang cellphone sa pagitan ng aking balikat at tainga para isarado ang sliding door ng opisina ko pagkatapos lumabas.

“Talaga? Hindi ko natatandaan.”

Nagtaka ako dahil biglang tumahimik ang kabilang linya nang ilang segundo. Wala sa sarili akong napatingin sa screen para tingnan kong nag-end na ba ang call pero nang tingnan ko’y naroon pa rin naman.

“Zelle...” napatigil ako sa akmang pagsasalita nang magsalita siya.

Napabuntong hininga ako saka binuksan ang driver seat ng aking sasakyan.

“O? Nanahimik ka?” untag ko.

“Zelle, pupunta ka naman kahit pupunta rin si Davido, ‘diba?”

Hindi kaagad ako nakasagot.

Kung pupunta ako bukas, ano naman? Wala namang magbabago, hindi na kami katulad ng dati. Hindi na rin katulad ng dati ang iniisip ko. Na may mababalikan pa ‘ko, na may naghihintay pa sa’kin.
Marami na ang panahong lumipas at kasama na roon ang nararamdaman niya para sa akin. Kung magkita man kami bukas, hindi noon maibabalik ang dati.

Pero bakit sa kasulok-sulukan ng puso ko’y umaasa pa rin ako na may magbabago? Bakit tila umaasa pa rin ako na nais niya ‘kong bumalik sa kaniya?

Napayuko ako. “Ayos lang, Zira. Huwag kang mag-alala.”

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top