Chapter 16
#ABNQ16 Chapter 16
"I am seriously against this," sabi ko kay Psalm habang papalabas na kami ng village nila. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na feeling ko e anytime, may babaril sa amin bigla.
"It'll be fine," sabi niya. "Turn right around that corner," sabi niya sabay turo.
"Kapag may nangyari talaga—"
"Nothing will happen, Joey. Just chill."
I glared at him for a second. "Paano ako magchchill?! Tinakasan natin 'yung security mo!" sabi ko sa kanya. Ewan ko rin kung paano nangyari at paano ako na-convince ni Psalm na itakas siya sa bahay nila! Basta ang alam ko, nasa loob na kami ng sasakyan ko. Huminto kami kanina kasi doon siya sumakay sa likod—nagtago sa ilalim ng kumot na lagi kong dala in case na malamig.
"They've been with me every single day. I just want a change," sabi niya.
"They're there for a reason. Alam mo ba kung saang pamilya ka galing?" medyo naiinis na sabi ko sa kanya. Tsk! Bakit ba ang galing kasi nitong mangonsensya? Napilit tuloy ako na itakas siya kasi hindi raw ako nagpakita sa birthday niya kagabi. E duh? Paano ako magpapakita e busy siya sa pag-inom at paglandi?
"I know, of course, but you can't blame me for being curious," he said, shrugging. "Do you know the way to Tagaytay or palit tayo and I'll drive?" he asked.
"I'll drive," sabi ko sabay hagis sa kanya nung ball cap. "Takpan mo na lang 'yang mukha mo."
Tawang-tawa siya. "You're so paranoid!" sabi niya habang tinatawanan ako. Hinatak ko siya, at saka nilagay ko sa ulo niya iyong cap. Binaba ko rin para hindi masyadong kita iyong mukha niya. Aba, walang masama sa pagiging safe. Paano kapag may nangyari sa kanya? E 'di lagot ako?
"Ang kulit!" sabi ko nung sinusubukan niyang tanggalin 'yung cap. "Suotin mo na, please?"
"Say please again."
"Ugh. Ang arte mo ngayon."
"Say please again, Joey."
I glared at him. "Lasing ka pa yata," sabi ko kasi ano'ng nainom nito? Nagpapa-cute yata. Ewan ko. Ngumiti lang siya sa 'kin, pero thank God sinuot niya na iyong cap.
"Can I roll the window down?" he asked.
I groaned. "Gusto mo ba talagang ma-kidnap?"
"My parents are just paranoid. Wala namang kikidnap sa 'kin," he said, shrugging. He seriously couldn't comprehend the fact na member siya ng isa sa pinaka-malaking political families sa Philippines. Of course palaging may gusto kumidnap sa kanya!
"Please lang. If you still want to go to Tagaytay, kalma ka lang d'yan. Or magpatugtog ka if you want."
"Nah. I'm enjoying the silence," he said.
"What?" sabi ko nung maramdaman ko na naka-tingin siya sa 'kin habang nagda-drive ako. Balak ko sana na 'wag na lang pansinin dahil feeling ko nasa sistema pa rin ni Psalm iyong lahat ng alak na ininom niya, but I couldn't shake the feeling off. Ramdam na ramdam ko na naka-titig siya sa 'kin.
"If I didn't go out earlier, you really won't greet me personally?" he asked.
Natawa ako. "Grabe. Ang serious mo naman masyado," sabi ko kasi feeling ko biglang ang seryoso niya. Na-awkward-an ako bigla. "Nagpunta naman ako sa party mo, 'di ba?"
"Yeah, but you didn't show up in front of me."
"Lasing ka na kasi agad."
"Why were you late?"
"May sakit si Jax, so inalagaan ko muna 'yung kapatid ko," sabi ko. Bakit ba nagpapaliwanag ako dito? At bakit feeling ko nasa interrogation ako bigla?
He nodded. "You could've texted me that you're going to be late."
Natawa ako. "I thought you'd be busy since nandun lahat ng friends mo. At saka pupunta rin naman ako, late nga lang ng sandali," sabi ko pero nung lumingon ako sandali, nakita ko na seryoso iyong mukha ni Psalm. "Uy, galit ka ba?"
He let out a sigh. Parang ang laki naman ng problema nito.
"I understand," sabi niya pero parang hindi naman. "Is Jax fine?"
I nodded. "Yeah, medyo okay na siya," sabi ko. "Sorry talaga... Hindi ko kasi kayang iwan si Jax, e wala naman sila Mama kasi nasa trabaho. Ayaw din ipa-text ni Jax kasi lagnat lang naman daw. Tapos—"
"It's fine, Joey," Psalm cut me off.
"E... parang galit ka, e."
"I just thought you ditched me," he said. Tinignan ko siya. Nahuli ko na naka-tingin siya sa 'kin. Ano'ng problema nito?
"Grabe, parang 'di tayo friends niyan? Bakit naman kita ididitch?" sabi ko habang naka-ngiti. His face turned sour again. Ano na naman nasabi ko?
"Right," he mumbled under his breath.
Nang nasa skyway na kami, pinilit ko siya na magpatugtog kasi ang awkward for me that we're just sitting in silence, but Psalm was adamant na tahimik lang. Ewan ko sobrang weirdo niya ngayon.
"May celebration kayo ng family mo?" I asked because I was really not feeling the silence. Tapos feeling ko pa naka-tingin siya sa 'kin.
"Next week pa," he said. "Papa's somewhere," sabi niya.
I nodded. "Ano'ng regalo ng kapatid mo sa 'yo?"
"Hugs."
Natawa ako. "Seryoso ba?"
"Yeah... They're stingy," sabi ni Psalm, wrinkling his nose. 'Di ko maimagine. Ang dami kayang pera ng mga 'to, tapos hug lang ang regalo sa birthday? Sobrang weird talaga ng GDL brothers!
"Mas okay naman pala 'yung regalo ko," sabi ko habang natatawa pa rin na hug iyong binigay nila Austin kay Psalm nung birthday niya. Those weird boys.
Nagulat ako nung biglang abutin ni Psalm iyong box mula sa backseat. "Buksan ko na, Joey?" paalam niya.
"Hala, mamaya na. Buksan mo na lang if wala ako," sabi ko. Nakakahiya naman kasi! Nakita ko iyong regalo sa kanya nung nasa club kami—puro designer items. Kaya nga 'di ko na binaba sa sasakyan iyong regalo ko nung nasa club ako, e. Kahiya na matabi sa regalo ng ibang friends niya.
"Please?" sabi niya. Nasa lap niya na iyong box.
"Nakakahiya."
"Why?"
I shrugged. "Sobrang random lang ng gifts ko..."
"So... gifts, not gift?" he asked. Paglingon ko, he looked like an excited kid nung malaman niya na marami akong gifts sa kanya. Seriously, though, he's so freaking weird tonight!
I nodded. "But sobrang random lang talaga..."
"It's alright," he said. "Buksan ko na, please?"
It's so freaking weird hearing him say please repeatedly. I mean, he's the captain of the basketball team na champion every year! Tapos sobrang pa-cute niya tonight!
I groaned. "Fine. But walang sisihan kapag na-disappoint ka," sabi ko para disclaimer na rin.
"I won't get disappointed," he said like he's so sure.
"Buksan mo muna bago mo sabihin," I said. Nagconcentrate na ako sa daan since malapit na kami nung mapansin ko na hindi pa rin binubuksan ni Psalm iyong box. "Uy, akala ko bubuksan mo na?"
Sinubukan ko na lumingon sandali. Napansin ko na naka-tingin na naman siya sa 'kin. Naweweirduhan ba siya dahil naka-pajama lang ako? E wala naman kasi sa plano ko na makarating sa Tagaytay ngayon! Sobrang as in naka-pajama and jacket lang ako. Ni walang kahit isang makeup sa mukha ko kasi nga matutulog na dapat ako!
Tinanggal ko iyong isang kamay ko sa steering wheel, at saka tinakip sa noo ko. God! Dahil ba wala akong kilay?! Sobrang weird ko pa naman kapag hindi ako nakapagkilay! Para akong alien! Parang puro noo lang ako!
"What?" nagtataka na sabi ni Psalm.
"Kaya ba sobrang weird mo kasi wala akong kilay?!"
Mas lalong kumunot iyong noo niya. "What?" sabi niya na gulung-gulo... tapos biglang tawang-tawa na siya. Nagsh-shake pa iyong shoulders niya sa sobrang tawa. Grabe! Palibasa lalaki siya kaya hindi niya problema ang magkilay!
"Sobrang judger mo, ha, Psalm Christian!" sabi ko habang patuloy na nagda-drive gamit ang isang kamay lang.
He was still doubling over in laughter. "You thought I was serious because of your eyebrows—or the lack thereof?"
I glared at him so bad, pero tinawanan lang ako ng broccoli na 'to! Wow, akala mo wala siyang imperfections! Okay, fine. Sobrang kinis ng mukha niya tapos parang chiseled iyong jaws niya. Pero mukha talaga siyang broccoli kapag naglalakad, so ibibilang ko 'yun bilang imperfection niya.
"Oh, Joey, Joey, Joey," sabi niya, natatawa pa rin habang seryoso pa rin ako sa pagda-drive dahil baka mabangga kami dahil sa inis ko sa pagiging judger niya sa kilay ko. E matutulog na nga kasi ako!
"Walangya ka, napaka-sama ng ugali mo!" I hissed.
He was still laughing. "You have the weirdest thoughts."
Hanggang makarating kami sa Tagaytay proper, pinipilit niya lang na tanggalin ko iyong kamay ko sa noo ko dahil gusto daw niyang makita iyong kilay ko. Pasalamat siya hindi kami nabangga kahit sobrang epal niya lang talaga.
Nang makahinto kami sa favorite Bulalo place namin, he was still being so fucking annoying!
"Lumabas ka nga muna, at magkikilay lang ako!" bulyaw ko sa kanya sabay kuha nung makeup kit ko sa glove compartment gamit ang isang kamay lang.
"Are you mad?" he asked.
I glared at him. "Hindi!"
He was still red from laughing. Akala ko kung ano ang gagawin niya. Kinuha niya iyong suot niya na cap, at saka sinuot sa 'kin. "You don't have to wear makeup when you're with me," he said, gently patting my head.
"Bakit? Kasi masaya ka na tinutukso mo ako?" sabi ko habang inaayos iyong pagkakalagay niya ng cap sa ulo ko.
He smiled, then patted my head again. "Because I want you comfortable with me, Joey."
"Duh. Comfortable naman ako kasi friends tayo."
He let out what seemed a sigh. "Right," he said. Akala ko magpapaka-serious mode na naman siya, pero ngumiti agad siya. "So, can I open my gifts now?" Parang tanga. Inemphasize niya pa talaga na gifts iyong binigay ko sa kanya. Sabagay... kung hugs lang binibigay ng mga kapatid mo sa 'yo, malamang maappreciate mo talaga kahit maliit na bagay lang mula sa friends mo.
I rolled my eyes. "Fine."
Like a kid, sobrang excited niyang binuksan iyong regalo ko. Muntik na sana akong mag-explain kung bakit sobrang random ng mga binigay ko, pero mukhang masaya naman si Psalm sa mga nakikita niya. Napa-ngiti tuloy ako. Bihira na kasi iyong mga tao na appreciative sa kahit maliliit na bagay.
I chewed on my lower lip as I watched him look at every single thing inside the box. "Uhh... if you noticed, the past few days, nasa gym palagi kami ni Kitty," I explained. "I was looking for the things you usually use when you're playing..." sabi ko.
His lips parted. "I thought that was weird," he said. "You usually don't care about basketball."
I glared at him again. "It's not that I don't care, hindi ko lang ma-gets 'yung logic kasi," I explained. "Anyway, alam ko may mga sponsor ka sa mga gantong bagay, but—"
Psalm cut me off again. "I appreciate these, Joey. Thank you."
I blinked.
He was so... serious.
"I appreciate you taking interest in basketball just to buy me gifts. That even though you find basketball boring and illogical, you went through all the trouble just to get me these," sabi niya sabay tapik sa hawak niyang box. Then he looked me in the eyes, and smiled. "Thank you, Joey."
My throat suddenly felt dry, but I managed to say, "Uhh... you're welcome."
Pagpasok namin sa loob ng kainan, nagsabi ako na pupunta lang ako sa CR sandali. Pero ang totoo niyan, sumaglit ako sa coffee shop na bukas pa. I bought a slice of cake, and thank god, ewan ko kung bakit may maliit na candle sa sasakyan ko. I also asked the server sa resto if he had a lighter, and meron naman. Pagbalik ko sa loob, napahinto ako kasi biglang nasa table na iyong box na regalo ko, and it seemed like Psalm was taking pictures of the box from different angles.
What a weird dude.
So, while he was busy doing a photoshoot with the box, I began singing happy birthday.
"Happy birthday to you—" I was singing when Psalm turned around. His lips parted in surprise when he noticed that I was holding a slice of cake. Mabuti na lang walang masyadong tao ngayon kaya hindi masyadong nakaka-hiya.
I continued singing, while Psalm looked like he was genuinely surprised. There's this twinkle in his eyes na parang ang saya niya lang. Ang sarap niyang i-surprise. Naaappreciate niya lahat. Kahit slice ng cake lang.
"Make a wish," I said, smiling while holding the cake in front of him.
He was looking at me, his lips slightly parted. Gwapo nga talaga.
"Tapos ka na?" I asked. He nodded. "Magkakatotoo 'yan," sabi ko sabay baba nung cake sa table.
"I hope so," he replied, still looking at me. Tsk. Sabi na dapat nagkilay muna talaga ako, e. Nawe-weirduhan pa rin siguro siya na wala akong kilay kahit hindi naman na masyadong halata dahil naka-cap na ako.
"Anyway, selfie muna tayo? Para matahimik si Matt," sabi ko dahil sa totoo lang, kaya nakarating ako sa Tagaytay dahil sa sobrang kulit ni Matt. Halos ma-deadbatt phone ko dahil panay tawag at text siya!
We both leaned in para makita iyong mukha naming dalawa sa screen... but before I could even take a snap, a notification popped.
New message from Marcus!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top