CHAPTER 9

CHAPTER 9

SARAH DAYANGHIRANG

"Salamat nama—Ah!"

Malakas akong napasigaw at naudlot pa ng biglang may humila sa akin. Dinila ako no'n sa gilid at biglang namatay ang ilaw sa buong banyo.

Nanatiling namilog pa rin ang mga mata ko dahil sa sobrang bilis ng pangyayari. Nasa bibig ko pa rin ang kamay ng taong nanghila sa akin at hindi man lang ako makahingi ng tulong o makasigaw dahil sobrang laki ng kamay niya! Nasakop pa yata kalahati ng mukha ko.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Sobrang bilis ng pagtaas baba ng dalawa kong balikat. Habang nasa ganoong posisyon, isang pamilyar na amoy ang nanuot sa aking ilong.

Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko ngayon. Ang dalawa kong tuhod ay nanginginig, nanlalambot dahil sa takot. Ang dibdib ko parang tinatambol, sobrang bilis ng pintig ng puso ko.

Naisandal na ako sa likod ng pintuan at narinig ang marahan na pag-click ng pinto; nailock agad ng taong 'yong ang pintuan at doon lang tinanggal ang kamay sa aking bibig.

Napabuga ako ng hangin at napahawak sa aking dibdib dahil sa wakas ay nakahinga na ako nang maayos.

"Sino k-ka?" nauutal kong tanong dahil sa takot. Hindi ko na nagawang itago ang panginginig ng aking boses.

Nakatingala ako sa kan'ya, hinihintay ang magiging sagot. Sa sobrang tangkad niya ay halos puwede na akong magtago sa kan'ya. Maski ang anino niya ay kayang-kaya akong liliman.

Alam kong wala na akong takas. Alam kong hindi ako makakalabas pero umaatras pa rin ako kahit na likod na ng pintuan ang nasa likuran ko. Pakiramdam ko para akong hinihingal sa kaba.

Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang takot. Nangingibabaw ang pangangamba sa dibdib ko dahil sa nangyayari ngayon. Ramdam na ramdam ko ang pagbubutil ng malamig kong pawis sa noo. Gumagapang na 'yon pababa sa gilid ng pisngi ko.

Pilit kong iniisip kung ano ba ang nagawa kong mali o baka may naging atraso ba ako at hindi ko 'yon matandaan kaya sinisingil na ako no'n.

Paano kung inutusan siya na patayin ako? Pero sino naman ang gagawa no'n? Wala naman akong maling ginawa, kaya sinong tao ang gugustuhin na mamatay ako? Atsaka, una sa lahat, wala akong atraso kahit sino man—

Agad na natigil ang malalim kong pag-iisip nang may maramdaman akong malambot na bagay sa aking labi. Marahan lang ang lapat ng bagay na 'yon at nagtagal ng ilang segundo. Lumipas pa yata ng ilang segundo ng mapagtanto ko kung ano ang nangyari.

Hinalikan niya ako!

Kahit na nanghihina dahil sa takot ay nagawa ko siyang itulak ng buong lakas papalayo sa akin. Umangat ang aking kamay at lumagapak ang palad ko sa pisngi niya. Kahit naman madilim sa buong banyo ay masisigurado ko na sa mukha niya lalapat ang sampal ko.

"Gago!" sigaw ko sa pagkabigla.

Hindi pa ako nakuntento sa pagsampal ko sa kan'ya. Umangat ang binti ko at sinipa ang bagay sa pagitan ng kan'yang hita. Narinig ko ang mahina nitong daing dahil sa ginawa ko pero binalewala ko lang 'yon.

Tama lang 'yon sa kan'ya. Si Rafael na ang nagsabi sa akin na 'yon ang kahinaan ng lahat ng lalaki kaya kung sakaling wala siya sa tabi ko at may nangyaring masama sa akin. Puwede kong gawin 'yon sa taong magtatangkang may gawin sa akin para makatakas ako.

Mabilis ko siyang tinalikuran at nagmamadaling lumabas ng banyo para takasan na siya.

Manyakis! Bakit ang lakas ng loob niya na halikan ako?! At higit pa sa lahat, hindi ko naman siya kilala!

Napakurap ako ng maraming beses ng maramdaman ang pangingilid ng aking luha ng maisip 'yon. Mabilis akong naglakad papalayo sa banyo habang pinipigilan ang sarili na huwag tumulo ang luha.

Una sa lahat may lalaking yumakap sa akin na hindi ko kilala, at ngayon naman ito?! May humalik sa akin na hindi ko rin kilala!? Ano ba 'tong nangyayari sa akin ngayon?

Ang daming misteryosong nangyayari sa akin ngayon.

Habol hininga akong lakad takbong umalis. Paliko na sana ako sa hallway kung saan ang exit sa gymnasium namin nang bigla kong nakasalubong si Ei. nagkagulatan pa kami at namilog ang mga mata.

"Ei."

"Sarah! Kanina pa kita hinahanap. Mukhang sa ibang banyo ka pa yata pumunta—"

Hindi niya natapos ang sasabihin nang makita niya ang hitsura ko ngayon. Kumunot ang kan'yang noo at nilapitan ako para hawakan ang aking kamay.

Hindi ko na nagawang punasan ang luhang tumulo pababa sa aking pisngi. Hinayaan ko na lang 'yon dahil alam ko naman na huli na rin ang lahat para itago pa 'yon sa kan'ya. Wala nang point kung magsisinungaling pa ako sa kan'ya, eh nakita niya na akong umiiyak na dahil sa nangyari.

"What happened? Bakit ka umiiyak?" nagaalala niyang tanong sa akin.

Agad niya akong hinila sa gilid ng hallway dahil nakakaabala kami sa ibang tao na dumadaan. Pansin ko tuloy ang mangingilan na tingin nila sa akin, dahil doon ay parang mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa kung paano sila tumingin.

Nasira ba ang makeup ko? Pangit na naman ba ulit ako?

"U-uhmm... sa banyo k-kasi..." nauutal kong sagot at nagdadalawang isip kung itutuloy ko pa ba ang sunod kong sasabihin o hindi.

Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Ei. Nagtagal pa yata ng ilang segundo bago muling magbago ang ekspresyon sa kan'yang mukha. Naging seryoso na 'yon at mahigpit na hinawakan ang kamay ko

"Tell me. What happened? Anong problema?" tanong niya ulit.

Bumuka ang bibig ko at walang boses ang lumabas. Parang may bigik na nakaharang sa aking lalamunan ng subukan kong magsalita. Dahil doon ay hindi na ako nakakilos nang hilain ni Ei ang kamay ko at sabay kaming nagtungo sa banyo na pinanggalingan ko kanina.

"Ei, huwag na—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko at napasinghap sa sunod niyang ginawa. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niyang sinipa ang nakasaradong pintuan.

"Ei! Baka nasira mo yung pintuan." Sinilip ko pa 'yon kung nasira ba talaga o hindi.

Pero nakahinga ako nang maluwag na makitang maayos pa rin 'yon. Ang kaso may bakat nga lang ng sandals na suot ni Ei.

"Where's that asshole?" seryosong tanong ni Ei habang nililibot ang paningin sa kabuuhan ng banyo.

Hinawakan ko ang kamay niya para pakalmahin. "Baka wala na siya, Ei."

Isang malakas at malamig na simoy ng hangin ang pumasok sa loob ng banyo. Parehas kaming napalingon sa nakabukas na binatana ng banyo at alam na naman kung saan nakaalis ang lalaking humalik sa akin kanina.

Naunang naglakad si Ei patungo sa nakabukas na binata kaya sinundan ko na lang siya. Sumilip pa ito at parang nagbabaka sakali na makita ang lalaking 'yon pero wala na talaga siya.

"He's lucky I didn't catch him," galit na wika ni Ei.

݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ

"Are you sure that you're okay, Sarah?"

Napatingin ako kay Ei nang marinig ang sinabi niya. Nakaupo ako ngayon sa dulo ng kan'yang kama at nilalaro ang aking daliri.

Nakapagpalit na kami ng susuoting damit para sa night party. Isang simpleng black sleeveless fitted dress na may silver sparkly design ang pinahiram niya sa akin. Hinulma ng dress na suot ko ang hubog ng katawan ko.

"Yes."

Nang matapos siya sa kan'yang ginagawa ay tumayo na ako at kinuha ang maliit na bag na nakapatong sa bedside table. Ako ang una niyang inasikaso bago ang sarili niya, at naretouch niya na rin ang make up ko lalo na rin ang buhok ko.

"We can skip it if you don't want to," malumanay ang boses niya ng malapitan ako. Tipid niya akong ningitian at hinawakan ang kamay para sabay ulit kaming maupo sa kama.

Umiling ako. "Ano ka ba, ayos na talaga ako, Ei. Atsaka, sayang din kung hindi tayo pupunta. First time ko rin na makapasok at maranasan na mag-night party," sagot ko at ningitian siya. "Nakabihis na rin naman na tayo kaya, tara na?"

Isang buntong hininga na lang kan'yang pinakawalan. "Are you sure?"

Tumango ako at ningitian siya. "Sure na sure."

Hindi ko na sinabi sa kan'ya ang nangyari sa akin sa loob ng banyo. Mabuti na nga lang at hindi niya na ako tinanong tungkol doon, pero may kutob ako na mukhang alam naman niya ang nangyari.

"Alright, if you say so."

Mahina akong natawa nang yakapin niya ako.

"I'll make sure that you'll have fun later, okay? Ako ang bahala sa 'yo."

Hinila na niya ang kamay ko at pumunta na sa pinto ng unit para lumabas. Kada lakad namin sa hallway ay umaalingawngaw ang tunog ng heels namin hanggang sa makarating sa elevator.

"We will drink tonight, Sarah. Huwag kang mag-alala, may susundo sa atin kung sakaling maging wasted tayo roon," natatawa niyang sabi.

Napailing na lang ako. "Puwede naman siguro na juice na lang, 'no?" tanong ko at napakamot sa braso.

Tumawa siya at pinindot ang ground button bago isakbit ang kamay niya sa aking braso.

"Silly girl. Puwede ka namang uminom pero kaonti lang kung gusto mo. don't worry, hindi ako papayag na uuwi ka sa bahay niyo after nitong ganap natin." Mahina niyang pinisil ang pisngi ko at matamis na ngumiti. "Mag-overnight ka sa unit ko para safe ka, okay?"

Parang may kung anong humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya. Kakakilala lang namin pero pakiramdam ko ang komportable ko na sa kanya. Matangkad si Ei, at mas lalong tumangkad pa dahil naka-heels kaya sa tuwing kinakausap ko siya ay nakatingala ako. Matangkad naman din ako pero mas matangkad siya sa akin.

Ang height ko ay nasa mga 5'6, ewan ko na lang kay Ei kung ano ang height niya.

"Hindi ka ba hahanapin sa inyo?" tanong ni Ei.

Umiling ako at ningitian siya. "No. Wala namang pakielam sila mama sa akin kaya ayos lang."

Nakita ko ang paglambot ng kan'yang mukha. Tumagal pa ng ilang segundo ang tingin niya sa akin bago siya makapagsalita.

"Oh... is that so?"

Agad na tumunog ang pamilyar na bell ng elevator nang makarating na kami sa ground floor. Sabay kaming lumabas na nakasakbit pa rin ang kan'yang kamay sa aking braso hanggang sa makarating kami sa nakaparadang sasakyan ng driver ni Ei.

"Kahit saglit lang tayo roon, Ei. Medyo pagod din kasi ako ngayong araw," sambit ko habang naglalakad kami patungo sa sasakyan.

"Just a little longer, Sarah. We don't party often, so let's just enjoy it, please. Paniguradong pagkatapos nito magiging busy na tayo dahil sa magiging trabaho natin at bihira na lang tayo makakaranas ng ganito kasi may priorities na tayong uunahin."

Nagmamakaawa ang tono ng kan'yang boses. Wala akong nagawa kundi napabuntong hininga na lang at pumayag.

"Sige na nga. Pumapayag na ako."

Mahina siyang napatili at niyakap ako. "Thank you! You're the best!"

Mahina akong natawa at pumasok na kami sa loob ng kotse. Pinagbuksan pa kami ng driver ni Ei ng pintuan sa backseat at pagkatapos ay agad na nagtungo ito sa driver seat para paandarin ang sasakyan.

Nang lingunin ko si Ei ay nakita ko na nakangiti ito habang nakababa ang tingin sa hawak nitong cellphone. Parang may kausap siya roon dahil ang lawak-lawak talaga ng ngiti niya.

Binalewala ko na lang 'yon at isinandal ang ulo sa bintana bago ipikit ang aking mga mata.

Sana talaga mag-enjoy ako roon.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top