CHAPTER 10

CHAPTER 10

SARAH DAYANGHIRANG

Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa isang club na papasukan namin. Nakalabas na ako sa kotse kaya kitang-kita ko ang entrance ng papasukan namin mamaya. Si Ei ay nagpaiwan sa loob; mukhang kinakausap pa ang driver para sunduin kami mamaya.

"Paradise Escape," basa ko sa pangalan ng club; may malaking signage ang nandoon at cursive ang font no'n. Agaw pansin 'yon dahil sa kulay no'n na neon pink at green.

Kita ko na rin ang iilang pamilyar na mukha na nakasama namin kanina sa graduation ceremony. Halatang halata sa itsura ng kanilang mukha na excited na silang makapasok sa loob.

"Kuya, just pick us up later. Ite-text ka na lang namin kung magpapasundo na kami. Take care!" dinig kong wika ni Ei.

Napalingon ako sa likod nang marinig ang boses ni Ei. Kababa niya lang sa sasakyan na may malawak na ngiti sa labi. Mukhang excited na rin siya na makapasok sa loob. Alam ko naman ang mga ganitong lugar, pero grabe pala talaga ang hype ng mga tao pag club na ang usapan.

"Ma'am Ei, paano po kung tawagan din ako ni Sir Caddel? Ano pong sasabihin ko kapag hinanap ka niya sa akin?"

Naramdaman ang marahan na pagpisil ni Ei sa aking kamay nang mahawakan niya ako bago sagutin ang driver.

"Pasabi na lang na nandito kami."

Tumango na lang ang driver bago magpaalam at umalis na. Sabay kami ni Ei na tumawid sa kalsada at pumunta sa entrance ng Paradise Escape. Wala namang naging aberya bukod sa pumila kami saglit at pinakita ang invitation card.

Required daw ito bago kami makapasok sa loob, at malalaman din na guest kami o hindi dahil nakalista na raw sa system nila ang mga invited doon.

Kaya diretso na agad ang pasok namin sa loob ng club. May isang malaking itim lang na kurtina ang nakaharang sa daanan namin at sa mismong looban kaya hinawi ni Ei 'yon at bumungad na sa amin ang buong kabuuhan ng club.

Dim ang ilaw at meron naman na mga malilikot. Iba't ibang kulay 'yon na naglalaro sa ere kaya halos kumininang ang kabuuhan ng lugar. Pero sa totoo lang ay masakit siya sa mata kaya panay kurap ako nang kurap... o baka hindi lang ako sanay?

Pinagsawalang bahala ko na lang 'yon at tumingala ako. May isang disco ball ang nakasabit sa gitna ng dance floor, at sa dulong bahagi no'n ay may isang maliit na stage. Mukhang doon nakapuwesto ang DJ, na siya ngayon ang nagmimix ng mga kanta.

Malaki ang dance floor, may mga nagsasayawan na rin sa gitna at umiinom ng alak. Sa bawat gilid no'n ay mayroong nagkalat na bilog na lamesa at U-shaped na mga upuan; mataas ang sandalan no'n at parang nagsisilbing privacy sa mga nakaupo.

Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang mga nagkalat na matataas na itim na table sa dance floor na walang mga upuan. Kaya ang mga nandoon sa table na 'yon ay nakatayo lang at nakikipagsayawan. Hindi naman 'yon hassle sa mga nasa dance floor dahil bilang lang naman sa mga daliri ang mga nandoon kaya hindi sila maaabala sa kanilang ginagawa.

Naglilibot pa rin ako ng paningin kaya nang tumingala ulit ako, doon ko napagtanto na may second floor pa pala. May mga upuan sa itaas; kitang-kita ko 'yon dahil sa railings na gawa sa salamin. May kan'ya-kan'yang puwesto rin doon ang ibang mga tao, at mas mukhang chill sila kumpara rito sa mga nasa ibaba.

Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Ei nang maramdamang hinila niya ako paakyat sa second floor. Muli na naman akong napapikit ng mga dumaan na malilikot na ilaw sa amin. Masakit siya sa mata pero okay lang, baka gano'n lang talaga ang style nitong club para magmukhang maganda.

Paminsan-minsan ay hindi ko rin maialis ang paningin ko roon lalo na sa dance floor, lalo na sa gilid no'n na sobrang dilim. Hindi na rin ako magugulat kung may mga gumagawa na ng milagro roon sa sobrang dilim.

"Hi! Sorry we're late," maligayang bati ni Ei nang makalapit kami sa table ng mga kakilala nito.

"It's okay, Ei! Ang importante nandito ka—"

Natigilan ang babae nang mamukhaan ako. Ang tagal niyang nakatitig sa akin habang ako ay tahimik lang na nakatayo sa tabi ni Ei na akala mo ay parang nawawalang bata habang nakatingin sa kan'ya.

"She's Rafael's friend, right?" tanong nito.

Tumango lang si Ei at mahina akong tinulak papalapit sa kan'yang kakilala. Nagaalanganin pa ako na umatras pero ng ngumiti ang babae sa akin ay para akong nakahinga ng maluwag.

"Hello..." bati ko sa kan'ya at kumaway pa.

"Her name is Sarah," nakangiti sabi ni Ei.

Agad na lumapit ang babae sa akin at magaan akong niyakap. Mahina niyang tinapik ang balikat ko bago magsalita.

"My deepest condolences, Sarah."

Ningitian ko na lang siya at hindi na nagawang sagutin. Wala akong balak na sirain ang mood nila ngayon dahil lang sa pagkamatay ni Rafael. Oo, nakakalungkot pa rin isipin ngayon, pero ayaw ko na iparamdam sa kanila na affected pa rin ako dahil sa pagkawala ng kaibigan ko.

Agad na nagbago ang atmosphere sa puwesto namin ng makaupo kaming dalawa sa malambot na u-shaped sofa. Halos hindi kami magkarinigan lahat dahil sa malakas na tugtog sa loob ng club.

"Ngayong kumpleto na tayo, magoorder na ako ng iinumin natin," sambit ng babae habang nakangiti.

Napangiti na lang ako dahil doon at pinanood na lang sila sa kanilang gagawin. Dahil wala masyadong lalaki rito sa second floor ay pakiramdam ko ay safe ako ngayon. Hindi ako sanay sa mga ganitong lugar pero okay lang, ieenjoy ko na lang ang sarili dahil bihira lang naman ako makapasok sa mga club.

"Anong sa inyo?" tanong ng babae ng makalapit sa amin.

Silang dalawa na lang ni Ei ang nag-usap habang ako ay nanatiling tikom ang bibig sa gilid habang pinagmamasdan sila. Wala naman akong ibang alam sa mga mamahalin na inumin dito bukod sa gin at GSM blue.

"Sarah, maybe you want something. What kind of drink do you want?"

Ningitian ko na lang siya at napapaisip kung ano ang isasagot ko. Wala akong alam! Hindi ko alam—

"Here's the menu, mamili ka na lang. May mga ladies drinks d'yan na puwede sa 'yo. My friends are going to order hard drinks; baka mamaya mababa pala ang alcohol tolerance mo." Inabot ni Ei sa akin ang hawak niyang maliit na menu.

Agad kong kinuha 'yon at tiningnan. Nakalista na roon ang mga drinks na puwede naming ma-order at mga pulutan na mabibili namin. Bumaba ang tingin ko sa nakasulat sa ibaba—Manhattan cocktail. Muhkang masarap siya, masubukan nga.

"Manhattan cocktail na lang ang sa akin," sabi ko at binalik kay Ei ang menu na binigay niya sa akin. "Pero okay lang naman sa akin kung papainumin nila ako ng hard drinks. Gusto ko rin masubukan 'yon."

Narinig ko ang mahina nitong tili bago ako yakapin ng mahigpit. Mahina akong natawa dahil sa ginawa niya at napailing na lang.

݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ

"Sarah! Are you okay!?"

Naidilat ko ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Ei kasama ang pag-alog niya sa balikat ko. Hindi ko napansin na nakaidlip na pala ako sa kinauupuan ko ngayon.

"Do you want to go home now?" nagaalala niyang tanong sa akin.

Nanatili akong nakatingin sa kan'ya. Nakatayo siya sa harapan ko habang nakayuko. Napakurap pa ako ng ilang beses at pilit na prinoproseso sa aking isipan ang sinabi niya.

Teka, ang sakit ng ulo ko. Napahawak ako sa ulo dahil doon. Mukhang maling desisyon na nakisabay ako sa kanila. Malakas silang uminom sa totoo lang at hindi 'yon biro.

Nang maubos nila ang inorder nilang hard drinks ay nag-order na naman ulit sila, at sa pagkakatanda ko ay Cuervo yata ang tatak ng alak na 'yon. Doon yata ako tinamaan na ng tuluyan at nakaidlip na.

"H-huh?"

"Nahihilo ka pa ba?!"

Umiling ako at tipid siyang ningitian. Tinuwid ko ang aking pag-upo at umunat sa harapan niya.

"Parang pumunta lang yata ako rito para matulog," ani ko habang tumatawa.

Napailing na lang si Ei at humalukipkip. "Alam mo, I shouldn't have let you drink that tequila. Look at you. You fell asleep because you were so drunk."

"Ano ka ba. Okay lang, Ei. Hindi na ako lasing ngayon."

Malalim na ang gabi at ang mga iba niyang kaibigan ay nasa ibaba na, sumasayaw sa dance floor at nagsasaya. Samantala, kaming dalawa ni Ei ay nandito pa rin sa itaas, nagpapawala ng tama ng alak.

"Don't you want to dance downstairs?"

Tumayo ako at sabay kaming nagtungo sa glass railings para silipin ang mga taong nagkakasiyahan doon.

Napangiwi na lang ako nang makita ang mga nandoon. Sobrang daming tao at naririnig ko pa ang mga hiwayan nilang lahat. Ang iba ay napapatalon pa sa sobrang tuwa.

"Baka hindi na," tugon ko habang nanatiling nakatingin sa dance floor. "Mas mabuti na dito na lang muna ako. Mukhang masaya naman na pagmasdan silang nagkakasiyahan sa baba kaya panonoorin ko na lang sila."

"Ikaw na lang ang makisali sa kanila, Ei." Nilingon ko siya at ningitian.

Umiling siya. "You'll be alone here. Paano kung may mangyaring masama sa 'yo?"

"Okay lang, Ei. I promise. Sige na, samahan mo na sila. Sakto, kailangan ko na muna magbanyo ngayon. Pakiramdam ko sasabog na 'tong pantog ko. Sabay na lang tayong bumaba, okay?"

Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Alam ko naman na gusto niyang samahan ang mga kasama namin kanina pero dahil nandito ako ay hindi niya 'yon magawa. Medyo nahihiya na rin ako dahil palagi ako ang iniisip niya.

"Are you sure that you're going to be okay here?" paninigurado niya.

"Yes. Huwag kang mag-alala, okay lang ako rito."

Wala na siyang nagawa at pumayag sa kalaunan. Sabay kaming bumaba mula sa second floor at naghiwalay dahil magkaiba kami ng daan. Bago akong magtungo sa hallway kung saan nakahilera roon ang banyo ay nagpaalam ulit kaming dalawa sa isa't isa.

"I have my phone here, Sarah. Just call me if you need anything. Huwag mong kalilimutan na i-text ako or tawagan, okay?"

"Okay, Ei. mag-ingat ka rin."

Tumalikod na ako at nagtungo sa banyo. Pakiramdam ko lahat ng nainom ko ngayon ay gusto nang ilabas ng katawan ko. Okay na ako pero nalalasahan ko pa rin ang alak sa dila ko.

Medyo hindi ko siya nagugustuhan.

Habang lakad takbo akong nagtungo sa banyo ay nabigla ako sa lalaki at babaeng naghahalikan sa gilid. Malakas akong napasinghap at napaatras sa gulat. Hawak-hawak ko ang dibdib ko habang nakatingin sa kanila dahil talaga namang nakakabigla silang dalawa sa kung paano sila maghalikan.

Parang hindi nauubusan ng hangin. Magkadikit pa rin ang labi nilang dalawa sa isa't isa habang habol ang sariling hininga.

"Sorry."

Nakayuko ang aking ulo at agad na naramdaman ang pamumula ng aking pisngi bago tuluyang pumasok sa banyo. Dumiretso ako sa bakanteng cubicle at umihi na. Sa mga oras na 'yon ay pilit kong kinakalimutan ang aking nakita, pero imbis na makalimutan ay may naalala lang ako!

Ang mainit na halik na pinagsaluhan naming dalawa ni Rafael habang nagtatampisaw sa ilog at sa ilalim ng puno.

Anong ibig sabihin no'n!?

Nanlalaki ang aking mga mata ng maalala ang senaryong 'yon. Mahina kong pinukpok ang ulo dahil doon. Agad akong umalis sa cubicle ng matapos at naghugas ng kamay bago lumabas na sa banyo para magtungo sa exit nitong club. Parang kailangan kong makalanghap ng sariwang hangin dahil sa mga pumapasok sa isipan ko.

Isang malamig at nakakaginaw na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin ng makalabas ako. Hindi ko rin naman masyadong ramdam 'yon dahil medyo mainit pa ang pakiramdam ko dahil sa ininom kong alak kanina.

Nilibot ko ang aking paningin at nakakita ako ng isang convenience store. Agad akong nagtungo roon at pumasok sa loob. Mahigpit ang hawak ko sa bag habang nililibot ang paningin para maghanap ng puwedeng bilhin.

Mas mainan na dito muna ako habang nagkakasiyahan sila Ei sa loob ng club.

Sa kalaunan ay isang double dutch na ice cream ang binili ko. Okyupado na ang mga upuan dito sa loob kaya sa labas na lang ako kumain dahil doon lang naman ang mga may bakanteng upuan at lamesa.

To Ei:

Lumabas lang ako saglit, Ei. Nasa convenience store ako ngayon pero babalik lang din ako dyan maya maya. Enjoy kayo!

Kumunot ang noo ko na makitang ang tagal masend ang text ko sa kan'ya. Puro loading lang at nag-e-error pa. Tinaas ko ang aking kamay para kahit papaano ay sa paraan na 'yon ay makasagap man lang ako ng signal pero wala.

Bakit walang signal dito?

Napabuntong hininga na lang ako at pinatong ang cellphone sa lamesa. Binuksan ko na ang isang maliit na tub ng ice cream na nabili ko kasama ang plastic na kutsara.

Sumilay ang maliit na ngiti sa aking labi ng matikman 'yon. Ang sarap—

"Are you lonely?"

Awtomatikong umangat ang ulo ko nang marinig na may nagsalita.

Isang lalaki, sa tingin ko mga nasa 40's na siguro ito? Pero kahit na nasa ganoong edad ay kapansin-pansin pa rin na ang linis at maayos pa rin ang kan'yang itsura. Hindi ko itatanggi na may itsura. Guwapo. May tindig ang katawan lalo na sa mata nitong kulay abo; 'yon agad ang una kong napansin sa kan'ya.

May suot siyang long brown coat at sa ilalim no'n ay isang itim na fitted shirt; dahil doon, kapansin-pansin ang simpleng silver na necklace na suot niya. Parang gusto kong tanungin kung naiinitan ba siya o ano pero hindi ko na lang tinuloy dahil ang outfit naman niya ay sakto sa klima ngayon. Malamig ang simoy ng hangin.

Ang pantalon na suot niya ay parehas ang kulay sa suot niyang fitted black shirt. Kumikinang ang kulay silver sa gitnang bahagi ng suot niyang brown leather belt.

Samantala, ang itim niyang buhok ay maayos ang pagkakaayos; naka-brush up 'yon, at halos walang makikitang iilang hibla ng buhok niya na nakaharang sa mukha.

Napalunok na lang ako at tinuwid ang aking pag-upo dahil pakiramdam ko ay nai-intimidate ako sa presensya niya.

"Ano pong kailangan niyo?" diretsahan kong tanong.

Ngumiti lang siya sa 'kin, pero sa paraan kung paano ito tumingin ay hindi ko nagugustuhan. Gusto ko nang makaalis dito pero hindi ko magawa dahil nakaupo na siya sa bakanteng upuan sa tapat ko.

"I just saw you sitting here by yourself. Do you have someone with you?"

Umiling ako bago sumubo ng ice cream. Ramdam na ramdam ko ang pagkailang dahil nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko mabasa ang emosyon sa mga mata niya nang magsalubong ang tingin naming dalawa.

"May kailangan po ba kayo sa akin? Pasensya na po, pero hindi ako sanay na may nakatingin sa akin habang kumakain ako. Hindi po ako komportable kaya kung wala naman po kayong kailangan sa akin ay makakaalis na po kayo."

Kumunot ang noo ko nang marinig ang mahina nitong tawa at napayuko pa. Pinatong niya ang dalawang siko niya sa lamesa at tiningnan ako; naglalaro pa rin ang mga ngiti sa labi niya.

Maya-maya ay nagsalita ito. Sa gulat ay hindi ko inaasahan na banggitin niya ang buo kong pangalan.

"Ms. Sarah Dayanghirang, it's nice to meet you."

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top