CHAPTER 16
CHAPTER 16
SARAH DAYANGHIRANG
"It's okay, Sarah... there's also another way if you don't want to be killed. You just need to sign the contract and join El Orden Del Abismo."
Nababaliw na ba siya!? Halos hindi ko na mahabol ang sarili kong hininga kakahikbi sa harapan niya. Parang mas lalo akong kinakain ng taranta dahil nanatili pa rin na nasa leeg ko ang hawak niyang baril.
"Now tell me, Sarah. What do you want? Live or die?" seryoso niyang tanong sa akin habang mariin lang na nakatitig. "If you join our organization, you can help your mother pay off her debt. Malaking tulong na 'yon sa kan'ya. Mabibigyan mo sila ng maayos na buhay kapag pumayag ka sa gusto ko."
Muli akong napapikit ng maramdaman na dumiin ang baril sa aking leeg.
"A-Atlas..." natatakot kong wika.
"Think wisely. You graduated with the highest honor, yet you can't choose the right answer?"
Umiling ako at dinilat ang mga mata. "Gusto ko lang na makauwi, Atlas. P-pauwiin mo na ako."
Sobrang basang-basa na ang mukha ko dahil sa luha at hindi ko na nagawang punasan 'yon. Nandito pa rin ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa takot. Pero siya, parang normal lang na may ganitong nangyayari sa kan'ya. Kalmado ang mukha, na para bang hindi nakalapat ang nguso ng baril sa leeg ko.
Napapailing na tinanggal niya ang pagkakatutok ng baril sa aking leeg habang mahinang tumatawa. Para akong nakahinga ng maluwag dahil doon pero nanatili pa rin na mabilis ang pintig ng puso ko.
Nagkaroon ako ng pagkakataon na tumakas sa kan'ya. Buong lakas ko siyang tinulak papalayo sa akin.
Tinalikuran ko siya at mabilis na binuksan ang pintuan pero mukhang minamalas ako. May tatlong lalaki sa harapan ko ngayon na mga nakasuot ng itim na damit, bakat na bakat don ang katawan nila. Malaki ang kanilang katawan at matangkad din. Nakakatakot sila. 'Yon ang unang pumasok sa isipan ko.
Sinubukan kong lumusot sa pagitan nila pero hindi ko magawa. Maski man na itulak sila papalayo sa kanila, ay wala akong palag dahil para tumutulak ako ng pader! Walang emosyon ang mga mukha, at pakiramdam ko parang pinagtatawanan na nila ako sa isip nila.
"N-no... hindi..." nauutal kong sabi habang umiiling. Hindi na ako makakatakas. Hindi na ako makakaalis dito!
Mas lalong namasa ang mata ko at nilingon si Atlas na ngayon ay nakasandal sa gilid ng nakabukas na pintuan. Mahina siyang natawa at tipid lang akong ningitian.
Parang ineexpect niya na gagawin ko na 'to. Kaya ba may tatlong lalaki na nakaabang sa labas ng office niya? Inaasahan niya na tatakas ako dahil alam niya na hindi ako sasang-ayon sa inaalok niya.
"You can't escape, Sarah," aniya at dahan-dahang naglakad papunta sa akin.
Malakas akong napasinghap at napahawak sa gilid nang umikot ang paningin ko. May sinasabi pa si Atlas pero hindi ko na 'yon marinig pa ng maayos. Pakiramdam ko para akong nabibingi na hindi maintindihan. Para akong mawawalan ng ulirat.
"You're trapped here... you're trapped in this organization."
Hindi ko na kaya. Sinubukan kong tumayo ng maayos pero tuluyan nang bumigay ang tuhod ko sa panghihina. Bumagsak na ako sa malamig na marmol na tiles at tuluyan nang nawalan ng malay.
݁
₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ
Hindi ko na nagawa pang magmuni-muni nang magising ako mula sa pagkakawalan ng malay kanina. Napabalikwas ako ng bangon sa isang malambot na kama habang nililibot ang paningin kung nasaan man ako ngayon.
Alam kong wala ako sa bahay, na nandito pa rin ako sa underground basement na pagmamay-ari ni Atlas. Bumaba ang tingin ko sa suot kong damit. Parehas pa rin at hindi pa napapalitan.
Nasa isang maliit na kuwarto lang ako. Puti ang pintura at isang glass window sa tabi ng nakasaradong pintuan. Nakikita ko ang labas dahil nakataas ang itim na blinds.
Kaunti lang ang mga furniture rito, isang kama kung saan ako nakaupo ngayon at isang maliit na lamesa sa gilid no'n kasama ang upuan na kulay puti. May mini digital clock din na nakapatong sa ibabaw no'n.
Halos lumuwa ang mata ko ng makita kung anong oras na ang nakalagay roon. 7 am.
Pakiramdam ko parang sumakit pa yata ang ulo ko ng malaman na inabot na ako ng umaga rito. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad patungo sa glass window. Sinilip ko sa glass window na nasa tapat ng kuwartong okyupado ko ngayon. Isa ring kuwarto, pero walang tao.
Pilit ko pang sinilip ang gilid at labas ng kuwartong 'to kaso hindi ko makita ang dulo ng hallway. Parang nasa ibang parte ako ng underground basement ni Atlas. Napabuntong hininga na lang at napayakap sa sarili ng maramdamang tumaas ang balahibo ng katawan ko. Sumasabay pa talaga 'tong malamig na hangin na binubuga ng split-type aircon dito.
Hindi ko na alam kung dahil ba sa lamig o kilabot na rin ng pumasok na naman sa isip ko ang nangyari bago ako mawalan ng malay.
Hindi na ba talaga ako makakaalis dito? Ang daming mga katanungan ang pumapasok sa isip ko ngayon dahil sa mga sinasabi ni Atlas sa akin. May nagpasok sa akin sa organisasyon nila? 'Yon ang pagkakaintindi ko.
Pero sino? Sinong gumawa no'n? Atsaka, bakit kailangan na idamay pa ako rito?
Habang malalim ang iniisip ay napagtanto ko na rin na bumibilis na ang paghinga ko. Para akong kakapusan ng hangin sa katawan. Nagiging paranoid na naman ako. Iniisip ko na agad ang mangyayari mamaya. Napayakap na lang ako sa sarili at bumalik sa kama para ikalma ang sarili.
"Gusto ko ng umuwi..." bulong ko sa sarili.
Sa dulo ng kama ako sumuksok. Sinandal ko ang likod sa headboard ng kama pagkatapos ay niyakap ang dalawang tuhod bago isubsob ang mukha roon. Awtomatikong tumulo ang mainit kong luha habang tahimik na umiiyak. Mainit pa rin ang pakiramdam ko. Ang ulo ko ay kumikirot pa rin at medyo masakit; hindi pa ako masyadong magaling sa sakit ko.
Hindi ko alam kung ilang oras ako inabot kakaiyak habang nakasubsob ang mukha sa tuhod. Nanatili na lang akong nakapikit dahil sobrang sakit na ng mata ko, namamaga na at mahapdi.
Saka lang umangat ang ulo ko ng bumukas ang pintuan. Ang seryosong mukha ni Atlas ang bumungad sa akin. Nakasuot siya ng lab gown at nakababa ang face mask sa kan'yang baba.
"You're awake now. Tumayo ka na d'yan. We're not done with the contract we were talking about," utos niya.
Umiling ako. "Ayaw ko."
"Don't be stubborn, Sarah. You're only going to make things harder for yourself. Kung aalis ka ngayon, hindi ka rin makakauwi ng buhay," mabilis niyang sagot.
Hindi na niya hinintay ang magiging sagot ko at pinasok ang kamay sa bulsa ng lab gown. Tinalikuran niya na ako at naunang nagtungo sa nakabukas na pintuan.
"Follow me to my office. Huwag masyadong matigas ang ulo."
Napalunok ako at walang nagawa kundi sundan siya. Alam ko naman sa sarili ko na wala akong laban sa kan'ya. Pero ginagawan ko pa rin ng paraan at nagbabaka sakali na maawa siya sa akin kahit na natatakot ako.
Nang malagpasan namin ang hallway kung saan nakahilera roon ang mga kuwartong walang laman. Pumasok na kami sa isang pamilyar na hallway kung nasaan nakapwesto ang office ni Atlas.
"Sign this, and I have more things to do," ani Atlas pagkapasok namin sa office.
Ang bilis niyang kumilos. Parang may hinahabol na oras na hindi ko maintindihan. Inaasikaso niya ang papel na kailangan kong pirmahan habang may kinakalikot sa drawer sa lamesa niya.
Habang ako ay heto... nangangatal na naman ang labi at nagbabadyang tumulo ang mainit kong mga luha. Konting kibot na lang sa akin ay alam kong tutulo na sila habang nakababa ang tingin ko sa kontratang binigay sa akin ni Atlas.
Nang inangat ko ang paningin sa kan'ya ay kanina pa pala siya nakatingin sa akin, hinihintay ang pagpirma ko. Nakasandal siya ng patagilid sa gilid ng lamesa niya.
Tumaas ang isang kilay niya ng magsalubong ang tingin naming dalawa. Tinuro niya ang kontrata sa ibabaw ng lamesa at inuutusan na pirmahan ko na 'yon para matapos na.
"Don't be stubborn, Sarah. My patience is short right now because we're having a problem at the moment in the laboratory. I don't hurt a woman for no reason, so sign there so we can finish this."
Mas lalong nanginig ang labi ko. Gusto kong umangal. Gusto kong tumanggi, pero pakiramdam ko nawawalan na rin ako ng lakas para gawin 'yon. Tahimik akong lumuluha sa harapan niya habang papalit-palit ang tingin ko sa kan'ya at sa kontrata.
"Your life will be easier if you work here. I know you want to help your family, especially your mother, and give them a comfortable life. Kaya bakit hindi mo pa tanggapin 'tong alok ko? Hindi ba parang nakakahiya kung hindi mo susundin 'tong gusto ko? I'm the one who sponsored your scholarship. Sa tingin mo ba makakapagtapos ka ng pag-aaral kung hindi dahil sa akin?"
Hindi ko na napigilan ang pagkawala ng hikbi sa aking labi at umiling sa kan'ya.
"H-hindi..."
"You're being ungrateful," malamig niyang bigkas. "I'm not asking for much in return for sponsoring your education. Was signing a big deal? Hindi naman, 'di ba?"
"Pero hindi ko gusto 'to, Atlas," sagot ko sa kan'ya. "Gagawin ko lahat ng gusto mo pero hindi yung ganito. Hindi ako sasali—"
Hindi ko natapos ang dapat kong sasabihin nang sapawan niya ako.
"I have a deal for you, Sarah. If you sign the contract, you'll owe me nothing, kung hindi naman, alam mo na kung anong mangyayari sa 'yon, hindi ba? You probably know what will happen. I don't want to repeat it because I know you're smart enough to understand it."
Malaki ang naitulong ni Atlas sa buong pag-aaral ko sa university. Kung tutuusin ay tama naman siya, eh. Na kung hindi dahil sa kan'ya hindi ako makakapagtapos sa pag-aaral. Kung gusto niya na pagbayarin ko lahat ng 'yon, wala namang problema sa akin. Babayaran ko 'yon.
Pero iba kasi ang bayad na gusto niyang gawin ko.
At 'yon ang sumali ako sa organisasyon nila.
"Ayaw ko, Atlas. Gagawin ko lahat ng gusto mong gawin ko rito sa basement pero hindi ako sasali sa organisasyon niyo—"
"That's all I want, Sarah. Join the El Orden Del Abismo."
Bumagsak ang balikat ko at mas lalong namasa ang mata. "Atlas naman..."
"Sign it," madiin niyang bigkas at tinuro ang papel.
Para akong malulunod sa mga pumapasok sa isipan ko. Nalilito ako kung alin sa kanila ang dapat kong unahin. Nangunguna pa rin naman na gusto kong tumakas pero alam kong hindi ko 'yon magagawa.
Pero ang sinabi sa akin ni Atlas kanina ay parang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig sa isipan ko.
"Just think about your family when you join us. Magiging maayos at komportable na ang buhay nila kapag ginawa mo 'yon, I can guarantee it. 'Yon naman gusto ng mga anak para sa magulang nila, hindi ba?" tanong niya. "So, if I were you, I'd sign it already, and later I'm going to discuss with you what you're going to do once you become a member of El Orden Del Abismo."
Hindi naman siya mali. Tama si Atlas sa sinabi niya, isa na rin talaga sa pangarap ko ang mabigyan ng komportableng buhay si mama kapag nakahanap na ako ng stable na trabaho.
Pangarap ko na mapatayuan sila ng magandang bahay. Mabigyan ng kan'ya-kan'yang kuwarto ang mga kapatid ko at si mama na rin. Gano'n ko sila kamahal.
Pero parang mababaliw na yata ako. Parang sasabog ang utak ko sa mga tumatakbo sa isipan ko. Nagtatalo pa rin ang puso't isipan ko kung pipirma ba ako roon o hindi.
Naririnig ko ang boses ni Atlas, na kapag pumirma ako sa gusto niya sisiguraduhin niyang mangyayari ang gusto kong mangyari sa pamilya ko. Meron naman ang boses ni mama na puro reklamo dahil sa mga maraming bayarin at patong-patong na utang.
'Magiging maayos at komportable na ang buhay nila kapag ginawa mo 'yon, I can guarantee it.'
Nang idinilat ko ang aking mga mata, nanginginig ang kamay ko na dinampot ang ballpen sa gilid ng kontrata at dumiretso sa isang blankong linya sa pangalawang page. Overprinted signature.
Mabilis ang pangyayari.
Napirmahan ko na siya.
"Thank you for signing the contract. Welcome to our organization, Sarah. You're now a member of El Orden Del Abismo."
Hindi ko magawang sumagot kay Atlas. Mas lalong bumuhos ang luha ko habang tahimik na nakatingin sa kan'ya. Ramdam na ramdam ko kung paano sumikip ang dibdib ko.
Muling bumaba ang tingin ko sa kontrata sa huling pagkakataon. Ngayong nandoon na ang pangalan ko at ang pirma sa ibabaw no'n, hindi ko maipaliwanag ang dapat kong mararamdaman ngayon.
Natatakot ako. Natatakot ako sa mga susunod na puwedeng mangyari sa akin. Kung magiging maganda ba ang resulta no'n, masama, o malaking tulong sa buhay ko.
Si Atlas na ang nagsabi sa akin na matutulungan ko talaga si mama kapag sumali ako sa kanila. Pero kahit na gano'n, hindi ko pa rin matanggal ang takot na bumabalot sa puso ko ngayong hindi ko naman alam kung anong pinasok ko.
Ngayong member na ako ng organisasyon nila. Pakiramdam ko parang may malaking magbabago... hindi lang sa pamilya ko.
Kundi sa sarili ko at sa buhay ko ngayong member na ako ng El Orden Del Abismo.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top