CHAPTER 31
CHAPTER 31
VALENTINA IMARA MEADOWS
Mainit pa rin ang ulo ko nang makabalik sa warehouse ni Atlas. Sumilip lang muna ako saglit sa production area—ang mga laboratory. Bago bumaba pa sa isa pang floor kung saan ang kuwarto ko at ni Oceanus. Doon na rin kasi ang parang nagiging tirahan ni Atlas.
Nakaindicate sa elevator na nasa first floor ng basement ang lounge area. Habang second floor naman ang nagiging tirahan ni Atlas. Kumpleto na lahat dito: living area, kitchen, bedroom, at may gym pa. May office na rin si Atlas dito kaya nahahati ang mga ibang papeles sa dalawang office niya. Kaya paminsan-minsan ay umaakyat pa si Atlas sa lounge area para pumunta sa unang office niya.
Mabibigat ang bawat kilos ko ng makarating sa kusina ni Atlas. Iniwan ko lang ang mga pinamili kong mga groceries sa counter ng kitchen island dahil nang makita si Oceanus ay agad ko siyang hinila papunta sa gym area.
"Hey, chill. What's wrong? You look really angry."
I just stared at the gym ceiling, my chest rising and falling rapidly as I was out of breath. Halos wala akong marinig ngayon dahil nangingibabaw ang malakas na pintig ng puso ko. My whole body was sweating; ilan oras din kaming nag-sparring at walang maayos na pahinga.
Paulit-ulit na rumirehistro sa isipan ko ang sinabi ni Helios sa akin kanina. Mas lalo lang din akong nairita. I closed my eyes and took a deep breath to calm myself down, pero hindi man lang 'yon naging epektibo! Mas lalo lang yata akong nawala sa mood dahil kahit na nakapikit ako ngayon ay parang nakikita ko ang hitsura niyang nakangisi sa akin.
"Nakita ko ulit siya," ani ko. Dinilat ko ang aking mga mata at nilingon si Oceanus.
He was sitting on the interlocking mat when I looked at him. Abala siya ngayon sa paglalagay ng bandage sa kamao niya bago sinuot ang boxing gloves.
"Who?" he asked and stood up to go to the punching bag.
"Helios..." sagot ko at nagtungo sa isang punching bag sa tabi niya para suntukin 'yon.
I should be resting right now, pero hindi ko man lang magawa dahil kay Helios. Bakit ba hindi ko matanggap ang sinabi niya!? Naooffend talaga ako! I don't always forget to train here. Para kahit papaano ay hindi mapunta sa basura ang lahat ng mga tinuro sa akin.
Natigilan si Oceanus sa pagsusuntok sa punching bag nang marinig ang sinabi ko. Kunot noo niya akong nilingon.
"Helios? Yung right-hand man ni Perses?"
I nodded. "Yes."
I adjusted my body position and took a deep breath before punching the punching bag. Nilabas ko lahat ng hinanakit at galit ko kay Helios sa pamamagitan ng pagsuntok sa punching bag.
Dinig na dinig ang bawat mabibigat kong suntok doon na para bang si Helios ang sinusuntok ko. Halos manikip sa sobrang sakit ang dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng aking puso; it felt like it was about to burst out of my chest.
"What happened?" Oceanus asked suddenly while punching his own punching bag.
"We tried to kill each other," sagot ko habang hinihingal. "Parehas lang din ang pakay namin sa isa't isa maliban na lang sa gusto niyang malaman ang totoong pangalan ni Atlas."
"They'll never know Atlas' real name," natatawang ani Oceanus. "Even I, who have worked for him for so long, don't know—how much more would you?"
I stopped punching the punching bag and held it to stop before turning to Oceanus.
"All I know is that his code name is just Atlas, right?"
"Yes."
We cleaned up the weapons we used in the gym before heading to our rooms. Pagkatapos no'n, he helped me store the meat in Atlas' large refrigerator. May dalawang double-door refrigerators dito—one for meat, while the other holds a mix of everything else.
"Actually, Atlas' code name is almost becoming his real name. That's why so many people, even from other factions, are chasing him because of his potential. They can use whatever is in Atlas' past against him," bigla niyang sabi habang inaayos ang box ng mga juices at can softdrinks sa ref.
"Saan mo naman narinig 'yan?" kunot noo kong tanong sa kan'ya. I walked around the kitchen island to throw the empty bag in the trash bin.
"Sa website natin. I read it a long time ago; baka nga na-delete na, eh."
Napailing na lang ako dahil doon. Hinila ko ang high chair para roon maupo. "Paano naman ako makakasigurado na totoo 'yang sinasabi mo? Parang majority nga ng rumors sa feed natin sa website parang fake news lang."
I saw him scoff. Napangiti na lang ako. Naupo siya sa isang highchair din na nakatapat sa akin.
"Alam mo, whenever I tell you something, hindi ka naniniwala."
I laughed. "Bakit naman? Wala ka kasing proweba."
Napabuntong hininga na lang siya. "It's the same thing, Hexia. Atlas is hiding so many things that a lot of people are curious about him. Halos si Ismael lang din ang nakakakilala ng tunay sa kan'ya."
Namayani ang katahimikan sa buong kusina. Napabuga na lang ako ng hangin at sumubsob sa marmol na lamesa nitong counter ng kitchen island. "Do you think my self-defense skills are getting rusty?"
"Huh? That's random," he replied quickly.
I scoff. "Nagtatanong lang." Inangat ko ang ulo ko at tiningnan siya. Nakakunot ang kan'yang noo na para bang naweweirduhan sa tanong ko kanina.
"I think my movements have slowed down. That jerk Helios. Sabi niya 7 out of 10 daw ako," reklamo ko sa kan'ya. "Not too shabby for a little speed demon!? Honestly, naoffend ako sa sinabi niya. Medyo acceptable pa yata na hindi ko magawa yung pinapagawa ni Atlas sa akin kasi lalaki siya at natural na malakas kayo kaysa sa akin. Hindi ko lang talaga matanggap ang sinabi niya sa akin."
"Little speed d-demon?"
Naningkit ang mga mata ko nang marinig ang tono ng boses ni Oceanus. He was trying to hold back his laughter at what I said.
Siraulo talaga.
"Bakit ka tumatawa?" iritable kong tanong sa kan'ya. "You want me to stab you with Saf?"
Dahil sa sinabi ko hindi na niya napigilan ang sarili na tumawa na. Napairap na lang ako sa ere at hinayaan na humagalpak siya ng tawa na sana ay masamid siya sa sarili niyang laway bilang karma.
I stood up and left him in the kitchen to go inside my room. Wala rin namang point pa na kausap 'tong sintu-sinto na 'to. Mas lalo lang sumasakit ang ulo ko dahil sa kan'ya.
He couldn't help but laugh in front of me, so I just rolled my eyes at him. I stood up and left him in the kitchen to go inside my room. There's no point in talking to Oceanus. He's always acting like he has a headache.
▄︻デ══━一
Hindi ko alam kung ilang beses akong pabalik-balik na tinitingnan ang picture naming dalawa ni Rafael habang umiinom ng wine. I'm leaning against the headboard of my bed now, mapait akong ngumiti ng muli kong nakita ang isang litrato na kinuha ni Rafael.
Hawak ni Rafael ang phone ko. Ang angle no'n ay medyo mataas, at bahagyang nakaangat ang ulo ko dahil doon. We're both grinning in the picture. Wala sa sarili na hinaplos ko ang screen ng phone ko.
I miss him so much.
My gaze was fixated on his arm around my shoulder. Ang tagal kong nakatingin doon. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala sa litratong 'yon. Napasimsim na lang ako sa alak habang nililipad ang utak ko sa malayo.
I wonder if he liked me back then? Narealize ko rin ang placement ng kamay niya sa akin. Ngayon ko lang napansin ang mga 'yon, siguro dahil sobrang komportable ko na sa kan'ya. Pero kasi... it's not the same hand placement of other guys with their female friends.
Napabuntong hininga na lang ako. Kung ano-ano na lang talaga ang pumapasok sa isipan ko. I unconsciously touched my lips, rumehistro sa isipan ko ang pinagsaluhang halik naming dalawa.
Why did I suddenly remember that?! Limang taon ng nakalilipas pero pakiramdam ko hindi ako makamove on. Napabuga ako ng hangin at muling sumimsim sa wine.
Pakiramdam ko hindi na ako makakahanap ng iba pang lalaki bukod sa kan'ya. Nahihirapan akong umusad. Nakakatawang isipin pero hanggang ngayon... nahihirapan pa rin ako na tanggapin na wala na siya. Na patay na siya.
There's still pain in my chest. Alam kong hindi na siya babalik pa kaya nandito pa rin yung sakit. Napailing na ako at inubos ang wine bago mahiga sa malambot kng kama. I've been drinking for a while now; halos maubos ko na rin ang isang bote no'n. I can already feel my vision blurring. I'm tipsy.
To Rafael:
I know it's been five years since I found out you were dead, Raf. And in those five years, nothing has changed because I still miss you so much.
Natigilan ako sa aking ginawa. Did I just drunk text my dead friend? Nababaliw na yata ako. I shook my head and long-pressed my text to select all and delete it, but I couldn't because someone suddenly knocked on my door.
Malakas akong napasinghap dahil doon at aksidente pa talagang naclick ang send button! Nanlaki ang mata ko at napabangon bigla.
"Oh, shit! You're so stupid, Val!"
"Hexia? Are you already sleeping—"
"Hindi." Mabilis akong tumayo at dinampot ang nightgown robe ko.
Nagtungo agad ako sa pintuan at binuksan 'yon. Atlas appeared in front of me, looking like he had just arrived from wherever he went. May hawak-hawak pa siyang susi na alam ko sa kotse niya 'yon habang nakatingin sa akin.
"I just need to tell you something; it'll just be a moment," ani Atlas.
Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang black card. May gold border 'yon sa bawat gilid habang may maliit na calligraphy ang nakasulat doon.
Hyperion.
Umangat ang tingin ko kay Atlas ng mabasa 'yon.
"Let's talk to my office. It won't take long, I promise."
"Okay."
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top