CHAPTER 3
CHAPTER 3
SARAH DAYANGHIRANG
Lumipas ang ilang araw na hindi kami nakapagusap nang maayos ni Rafael. May isang bagyo na tumama sa baryo namin kaya nag-suspend ang klase sa university.
Higit sa lahat, walang maayos na signal at sunod-sunod ang pagbabrownout sa amin. Kaya kung sakaling susubukan niya akong kontakin ay hindi ko rin naman marereceived 'yon.
Pagkatapos tumama ang bagyo ay bumalik na rin ang pasok sa university. Kaya ngayon, nakangiti akong naglalakad papunta sa school habang nakatingin sa mga nadadaanan kong mga palayan.
Pilit kong kinakalimutan ang memorya ng gabing 'yon pero parang sirang plaka na paulit-ulit kong nakikita sa isipan ko kung paano kami maghalikan ni Rafael. Wala sa sarili na hinawakan ko ang aking labi... bakit hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang malambot niyang labi?
Ano ba 'yan, Sarah! Kung ano-ano na lang talaga ang iniisip mo!
Mabilis akong nagisip ng ibang bagay para makalimutan 'yon. Ang kaso parang ang lakas yata ng epekto ng mga halik niya sa akin!? Walang-wala ang labi kong tuyot sa labi niyang namumula at sobrang lambot. Paniguradong may ginagamit 'yon para mamaintain ang gano'n kalambot na labi.
"Sarah!"
Mabilis kong nilingon kung saan nanggaling ang boses na 'yon. 'Yon ang babae na pinagtatabihan ko ng suman na binibenta ko sa school. Nakaangat ang kamay niya sa akin at sobrang bilis ng pagwawagayway na para bang kinawayan ako.
Awtomatiko akong napangiti at tinaas din ang kamay para kawayan siya. Pero agad na naglaho ang ngiti sa aking labi at kumunot ang noo nang makita ang mata niyang nalalaki habang nakatingin sa akin.
"May bike sa likod mo! Tumabi ka!" sigaw niya.
Mas lalong nanlaki ang mata ko roon. Mabilis akong napalingon at hindi agad nakakilos nang makita ang isang rumaragasang mountain bike papunta sa akin. Hindi agad ako nakaiwas; bumangga ang bike sa akin at napasandal sa wire fence na maraming tusok-tusok sa gilid ng sidewalk bago bumagsak sa sahig.
Naramdaman ko agad na humapdi ang likod ko. Napunit na pala ang suot kong damit. Alam ko na agad na nasugatan na ako sa wire fence dahil ang hapdi na. Pati na rin ang braso at kamay ko ay hindi nakaligtas dahil mukhang nasama pa yata 'yon sa pagsabit kanina.
Nakangiwi ako na tiningnan ang sarili. Hindi ko maiwasan na hindi mapadaing sa tuwing gumagalaw dahil parang mas lalo pa yatang humahapdi 'yon kada galaw ko. Pakiramdam ko parang may binabaon sa sugat ko na maliliit na bagay at pati laman ay nasasama sa pag kirot.
"Sorry po, ate! Sorry po, wala pong brake yung bike ko," paulit-ulit na sabi ng bata. Kitang-kita ko na agad ang mga luha niyang nagbabadyang tumulo.
Wala na akong nagawa kundi tumango. Kahit napaiyak na siya ay tinulungan niya akong tumayo. Dahan-dahan na ang bawat kilos ko pero nasasaktan pa rin ako. Mahina akong napadaing nang ayusin ko ang aking damit at pinulot ang backpack na nahulog.
"It's okay... okay lang ako," mahina kong sagot sa bata. Pakiramdam ko kapag nakita niya pa na sobra akong nasaktan, baka humagulhol na 'to sa takot.
Awtomatikong nilibot ko ang paningin sa paligid. Bumilis ang pintig ng puso ko nang makitang ang ibang tao ay sa amin nakatingin. Para akong nilamon ng hiya, nagsimula akong maglakad papalayo, at para bang walang nangyaring banggaan kanina.
"Manhid yata yung babae."
Naririnig ko ang mga bulungan nila. Ang iba ay sinusubukan akong kausapin pero ningingitian ko lang sila at pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa university.
Habang naglalakad sa sidewalk, hindi ko maiwasan na hindi mapadaing nang maramdaman ang sakit sa sikmura. Napahawak ako roon at napapangiwi dahil para akong sinikmuraan sa lagay na 'to.
Tiniis ko ang sakit at sa kalaunan ay lakad takbo na nag tungo papasok sa gate nang makarating sa university dahil malalate na ako sa klase. May kailangan pa kaming asikasuhin tungkol sa research namin dahil malapit na ang defense namin.
݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ
"Sarah, what happened to your arm? Are you okay?"
Napalingon ako sa kan'ya nang marinig ang malambot niyang boses.
"Hey? Are you okay? Your arm is bleeding."
Hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya o hindi. Maraming nakakarinig sa tanong niya. Kapag pinauli-ulit niya 'yon ay alam kong ang ibang atensyon ng kaklase namin ay malilipat na sa akin para maki-chismis.
Iniwas ko ang tingin sa kan'ya at mariin na pinikit ang mata. Rumihestro agad sa isipan ko ang braso kong duguan. Huminga ako nang malalim, unti-unti naramdaman ang pag-init ng aking ulo.
Ang tanga mo naman kasi, Sarah! Kung umalis ka sana sa kinatatayuan mo kanina. E'di hindi ka sana nabangga! Ang pangit-pangit na nga ng kutis mo tapos ganito pa mangyayari sa 'yo!? Magkakapeklat ka na naman!
Mabilis kong pinunasan ang dugo sa sugat ko para hindi agad mapansin ng iba. Sa bawat punas ko roon ay humahapdi kaya tinitiis ko ang hapdi at kirot. Punong-puno ng dugo ang palad ko at hindi ko alam kung saan ko ipupunas 'yon—
"Here. Take my handkerchief." Hindi na agad ako nakakilos ng kunin sa akin ni Rafael ang kamay ko para mahinang hilain papunta sa kan'ya. Siya na ang naglinis ng sugat ko roon, magaan ang kamay niya sa bawat paglapat ng handkerchief niya sa balat ko.
"Ano ba kasing nangyari, Sarah? Can you please tell me? I'm worried..." nagaalala niyang sabi habang abala pa rin sa kan'yanag ginagawa.
Binalewala ko ang pagaalala niya. Huminga ako nang malalim para ikalma ang sarili. Kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit ako nadisgrasya. Kung hindi lang ako tumingin sa paligi—
"Sarah? Can you please tell me?" mas lalong naging mahinahon ang kan'yang boses.
Marahas akong napabuntong hininga. "Puwede ba, Raf. Ayaw ko muna ng kausap ngayon?"
Parehas kaming natigilan ng 'yon ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam bakit ko nasabi 'yon... hindi ko alam bakit kusang lumabas sa bibig ko ang bagay na 'yon.
Hindi ako mapakali. Hindi ko nakokontrol ang sarili ko ngayon dahil sa nangyari sa akin kanina. Nafufrustrate ako dahil alam kong magiiwan na naman ng peklat ang sugat na 'to at hindi ako natutuwa.
"Narinig mo 'yon? Ang sama ng ugali kay Rafael."
"Feeling ganda naman 'to."
"Feelingera yata? Feeling syota ni Raf. grabe namang pantasya kung gano'n."
"Sila na ba sa tingin mo?"
"Huh? Nagpapatawa ka ba? Sinong taong gusto maging jowa niyan? Puwede pa sana kung bulag. Papatol pa yan sa kan'ya kasi 'di makikita yung mukha."
Pakiramdam ko parang sinasaksak ang puso ko habang naririnig ang bulungan nila. Kahit na sobrang bilis at lakas ng pintig ng puso ko, mas nangingibabaw ang mga masasamang salita na naririnig ko galing sa kanila.
"Can you all stop bullying, Sarah? Do you want me to report you all to the guidance? This is not the first time I have heard you all verbally bullying her. I can request to expel you all if I want. Kung susubukan niyong magsinungaling, you better not do that. I have plenty of evidence to prove that you all are verbally bullying her!" hindi na napigilan ni Rafael na magsalita sa buong klase. Hindi ko napagtuunan ng pansin 'yon dahil parang lumilipad ang utak ko sa malayo.
Napalunok na lang ako at pilit na nilulunok ang bigik sa aking lalamunan. Ilang beses kong ginagawa pero walang epekto. Huwag kang umiyak, Sarah. Huwag kang umiyak. Kinagat ko ang ibaba kong labi nang manginig 'yon. Uminit ang sulok ng mata ko at alam kong nagbabadya nang tumulo ang pinipigilan kong luha.
Hindi ko namamalayan na nakakuyom na pala ang kamay ko. Halos masugatan na rin ang palad dahil sa aking kuko. Pero mas nangingibabaw pa rin ang mga masasakit nilang salita. Parang sinasakal ang puso ko... sumisikip ang dibdib ko sa mga pinagsasabi nila sa akin.
Bakit gano'n sila manghusga? Bakit gano'n sila magsalita na para bang kilala niya ang buong pagkatao ko? Lahat ng mga pangungutya nila sa panlabas kong anyo ay hindi nakaligtas sa akin. Malinaw na malinaw ang lahat ng 'yon sa pandinig ko.
Kinukurot ko ang braso ko para ipaalam sa sarili na huwag umiyak. Na huwag ipakita sa kanila na naaapektuhan ako sa mga pinagsasabi nila.
Konting tiis na lang naman, Sarah. Makakaalis ka na rin naman dito. Konting tiis na lang talaga.
Siguro ang nakakainis lang talaga sa ginagawa nila, nagbubulungan na nga naririnig ko pa?
Tahimik kong nilayo ang upuan ko kay Rafael. Iniwas ko ang paningin sa kan'ya at hindi sinalubong ang kulay abo niyang mga mata na nakatitig sa akin. Nakalingon lang ako sa tabi ng bintana at palihim na pinunasan ang sariling luha na hindi ko na napigilan na tumulo 'yon.
Nang matapos ang first subject ay natagpuan ko na lang ang sarili na kasama si Rafael. Magaan ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko at sabay kaming nagtungo sa garden ng university.
"Why are you crying?" nagaalala niyang tanong sa akin. Pakiramdam ko muli akong naging emosyonal nang marinig ang tanong na 'yon sa kan'ya. "Masakit pa rin ba yung braso mo?"
Napapikit ako nang maramdaman ang hinlalaki niya sa mata ko. Hinahaplos niya 'yon dahil namamaga na dahil sa kakaiyak ko.
"Sorry, Raf. Sorry sa sinabi ko kanina sa room. Naiinis lang ako kasi may peklat na naman a-ako," sagot ko habang umiiyak.
Malaya akong nakakaiyak sa tuwing kasama ko siya. Malaya akong maging mahina at ipakita ang tunay na ako sa tuwing nasasaktan. Basta siya lang... basta si Rafael lang ang kasama.
"It's okay, Sarah. I understand," malumanay niyang sagot habang pinakalma ako.
Inangat ko ang paningin sa kan'ya kahit na nanlalabo dahil sa mga luha.
"Alam ko naman na hindi ako kagandahan. Pero bakit kailangan pa nilang ipamukha sa akin 'yon? Kulang na lang isampal pa sa mukha ko na pangit ako. Alam ko naman... alam ko naman, eh. Nakikita ko sarili ko sa harap ng salamin... hindi nila kailangang gawin 'yon. Hindi nila kailangan ipamukha pa sa akin ang tungkol doon... na pangit ako... na halos bulag lang daw ang magkakagusto sa akin."
"Don't say that, Sarah. You're beautiful," sagot niya habang umiiling bago ako ikulong sa kan'yang bisig. "People tend to do that because they're jealous and insecure. You have something that they don't have."
Napalabi ako dahil doon. Meron ako na wala sila? Ang tanong ano? Naiingit sila? Sinandal ko ang ulo sa dibdib ni Rafael at sinulit ang sarili na magkayakap kaming dalawa.
Naiinggit sila siguro dahil close kami ni Rafael at hindi sila? Wala akong maisip na bagay na kinaiinggitan nila sa akin dahil alam ko naman sa sarili ko na mas lamang sila sa akin kung usapang panlabas na anyo.
"Ako na ang nagsasabi, Sarah. You're really beautiful. You have the most perfect tan skin," mahina niyang bulong at tinulak ang balikat ko para matingnan ako ng maayos. Umangat ang kamay niya at hinaplos ang mukha ko. "You have a cute button nose... your face is small... your lips too but they're plump. You have curly hair, and I like it."
Hindi naman ako maputi pero parang namula yata ako sa sinabi niya? Para akong kakapusan ng hininga nang marinig ang lahat ng sinabi niya. Totoo talaga na bumabagal ang ikot ng mundo kapag kaharap mo yung taong gusto mo.
Gano'n kasi ang nangyayari sa akin ngayon. Pero yung pintig ng puso ko hindi bumabagal. Sobrang bilis at nakakabingi.
Sa kalaunan ay umiwas ako ng tingin pero pinigilan ni Rafael 'yon. "S'yempre sinasabi mo lang 'yan sa akin kasi kaibigan mo 'ko. Pero kung hindi, baka parehas lang din ang sasabihin mo sa akin katulad ng iba." Huminga ako ng malalim at tipid siyang ningitian. "Okay lang, Raf. Hindi mo 'ko kailangan bolahin."
Kumunot ang kan'yang noo dahil doon. "Hey, I'm telling the truth. When have I ever judged you? Kilala mo 'ko, Sarah." naramdaman ko ang mahaba nitong daliri na hinahaplos ang buhok ko. "Masama na tuloy ang loob mo dahil sa kanila. What do you want me to do, hmm? Should I get them kicked out? Expel? I'll do anything you want. Just tell me."
Mabilis akong umiling. "Ayan ka na naman sa gan'yan mo, Rafael. Ayaw ko ng gan'yan. Huwag na huwag mong gagawin 'yan."
Napabuntong hininga na lang siya sa naging sagot ko. Sobrang lapit pa rin namin sa isa't isa. Maya-maya ay parang hindi na siya nakatiis at niyakap na rin ako.
Hindi ko pa nga alam kung ano ang naramdaman kong malambot na bagay na lumapat sa aking noo. Nanatili lang kaming magkayakap at nagtagal sa gano'ng posisyon. Hindi ako nagkakamali nang maalala ang malambot na dumikit sa noo ko kanina.
Alam kong hinalikan niya ang noo ko.
Gawain ba 'to ng isang magkaibigan lang?
"I forgot to ask. What happened to your arm?"
Ako na ang kumalas sa pagkakayakap. "Nabangga ako ng mountain bike habang papunta ako rito sa school." Napabuntong hininga na lang ako. "Nasabit ako sa barbed wire fence... doon ako tumama bago ako natumba sa sahig."
Lalo ko tuloy nakita ang abo niyang mga mata na manlaki 'yon dahil sa sinabi ko.
"What!? Let me check your body. Are you okay? Does anything hurt?" sunod-sunod niyang tanong sa akin.
Tinuro ko ang aking likod. Ang totoo niyan ay kumikirot pa rin siya hanggang ngayon, kaya tinitiis ko na lang siya kanina pa.
Akala ko magtatapong pa ulit siya pero nanlaki ang mata ko sa sunod niyang ginawa. Ang bilis ng pangyayari. Nakatalikod na ako ngayon sa kan'yang harapan habang siya ay tinataas na ang damit ko para matingnan niya ang sugat sa likod ko.
"Hoy! Teka nga! Raf!" nabibigla kong sigaw.
"Tsk. You're still bleeding, Sarah. Let's go change your shirt." Napahilamos na lang siya sa mukha ng harapin ko ito. "Bakit hindi mo rin sinabi sa akin na nasira na pala 'yang damit mo?" seryoso niyang tanong at muli akong pinatalikod para matingnan ulit ang sugat sa likod ko.
"Hindi naman siya halata dahil sa buhok ko."
Umiling siya at hindi sang-ayon sa sinabi ko. "It doesn't matter. There's blood on your shirt. Let's go buy a shirt at the mall and after that, you will get a tetanus shot. It could get worse if we don't take care of it."
Natigilan ako sa pinagsasabi niya ngayon. Huh? Tetanus shot? Bibili ng damit sa mall?
Seryoso ba siya!?
"T-teka! Teka nga! Bakit ka ba nagdedesisyon ng pabigla-bigla?" tanong ko sa kan'ya habang sobrang bilis pa rin ng pintig ng puso ko. Ramdam na ramdam ko pa rin yung panginit ng pisngi ko dahil nagaalala siya sa akin.
Nakatingala ako sa kan'ya ngayon kaya kitang-kita ko kung paano niya hagurin ang buhok niya sa harapan ko. Lalo ko tuloy nakita ng maayos ang mukha niya. Namumula 'yon ng kaunti dahil sa init ng panahon ngayon.
"It's for your own good, Sarah. Delikado kung hindi ka mainjection-nan ng anti-tetanus. So please, just agree—"
"No. Ayaw ko. Una sa lahat wala akong pera. Atsaka, nababaliw ka na ba? Maliit lang 'tong galos ko. Hindi ako mamatay."
Umiling siya. Bakit ba ang tigas ng ulo niya!?
"You're coming with me."
Umatras ako. "No. hindi."
Napabuntong hininga na lang siya bago humakbang papalapit sa akin. Mahina akong napasinghap nang yumuko ito at nilapit ang mukha sa akin. Nanlaki ang mata ko dahil doon. Kaunti na lang ay paniguradong mahahalikan niya ako!
"Are you really not coming? Final answer?"
Tumango ako. "Yes."
Napalunok ako nang makita ang pagtaas ng gilid ng kan'yang labi. Hindi na yata makakalma pa ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok.
"You won't be able to do anything if I do this."
Mahina akong napasigaw nang maramdaman ang kamay niya sa aking binti. Binuhat niya agad ako na pa-bridal style at nagsimulang maglakad papunta sa parking lot ng university habang karga-karga ako!
"Raf, ibaba mo nga ako! Hoy! Baliw ka na ba? Maraming nakatingin sa atin!" pabulong kong sigaw.
"I don't care. Let them watch us," seryoso niyang sagot.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top