CHAPTER 29
CHAPTER 29
VALENTINA IMARA MEADOWS
Ilang beses akong kumurap habang nakaharap sa salamin ng vanity table dito sa kuwarto ko. Nagsimula na naman kasing manubig ang mga mata ko. My eyes were already swollen when I looked at myself in the mirror.
Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko sa mga nalalaman ko ngayon. Starting from my father's death, sa pagtatatrabaho sa organisasyon, sa pagiging replacement niya, hanggang sa pagtatrabaho rin ni mama rito. Umangat ang aking kamay at napahawak na lang sa dibdib nang maramdamang sumikip 'yon.
Gusto kong kausapin si mama... para tanungin siya tungkol sa mga bagay na 'yon. Pero alam kong hindi puwede dahil baka mapahamak sila. Higit sa lahat alam kong hindi na niya ako makikilala dahil ibang iba na ang hitsura ko pati na rin ang pangalan ko.
Matagal nang patay si Sarah. Halos limang taon na rin 'yon.
It was just crazy to think because all of this was intentional; I wasn't just unlucky or lucky because I found a job. It was planned all along, from my studies until now. Lahat ay konektado simula ng namatay si papa.
Mariin akong napapikit at huminga nang malalim nang maraming beses para ikalma ang sarili. Ang hirap, ang hirap kontrolin ang nararamdaman ko ngayon. Sa kalaunan ay kinuha ko ang cellphone na binigay ni Rafael sa akin; nang mabuksan ko 'yon ay agad na bumungad sa akin ang selfie naming dalawa na ginawa kong wallpaper.
Mapait akong napangiti habang pinagmamasdan 'yon. It eased my feelings somehow when I looked at it. Kahti papaano ay kumalma ang mga nagwawalang emosyon sa dibdib ko.
"You're the only one who can calm me down, Raf." Mahina kong bulong habang nakatingin pa rin sa cellphone. "I still miss you. Nothing has changed..."
"Sarah? Are you there?"
Mabilis akong napalingon sa nakasaradong pinto nang marinig ang boses ni Ria kasabay ng katok na parang nahihirapan pa yata siyang gawin yon sa labas ng kuwarto ko.
"Yes, Ria!"
Nagmamadali akong tumayo dahil natugunan ko sa kan'yang boses na parang kailangan niya ng tulong. Inayos ko muna ang bathrobe na suot ko bago buksan ang pinto.
Bumaba ang tingin ko sa mga bitbit niya. She had a paper bag in her right hand and two boxes of pizza in her left hand. Agad kong kinuha ang bag paper bags sa kan'ya at doon lang siya nakahinga ng maluwag.
"Thank you. Kanina pa kasi 'tong pizza sa living area sa lobby. Mukhang nakalimutan ni Oceanus na dalhin kaya ako na lang nagdala rito. Baka kasi lumamig na 'tong pizza."
I nodded. "Kumaina ka na ba?"
"Oo. may mga sampung box pa doon sa taas para sa amin. Kasya na 'yon doon. Ipapatong ko na lang 'tong pizza sa counter ng kitchen island, ah. Puwedeng niyo namang i-reheat 'yan kasi kumpleto naman na sa mga gamit sa kusina si Atlas. Mauuna na ako sa taas, bye."
"Sige. Thank you so much, Ria. Bye."
"You're welcome."
Nauna na siyang umalis. Dumiretso naman ako sa kusina para ayusin ang naiwang pizza roon at tinabi roon ang paper bag na kinuha ko kay Ria. Agad din akong nagpalit ng damit bago dumiretso sa opisina ni Atlas para sabihin na dumating na ang pagkain.
I know I'm still angry at him, pero ewan ko ba. There was something in my chest that made me closer to him and Oceanus.
Because... maybe in five years, they are the only ones that I am with and also considered as my family. Siguro kaya gano'n na lang din ang nararadmaamn ko dahil doon.
"Atlas, nandito na yung pagka—"
Mabilis kong naitakip ang kamay sa aking bibig nang marinig na parang may pinaguusapan sila. I could hear what they were talking about because there was a small gap in the door of Atlas' office. Maingat akong sumandal sa gilid at pinakinggan ang kanilang pinaguusapan.
"What's wrong?" Oceanus asked. "You're not like this, Atlas. Did something happen? You wouldn't leave like that if it wasn't important."
"I just found out something; that's why I came back here."
Kumunot ang noo ko sa naging sagot ni Atlas. Ang baba ng boses at ang lambot no'n. Parang nag dadalawang isip pa siya sa naging sagot niya kay Oceanus.
"What did you find out?"
"It's been years, and I just found out that Rafael is gone. I was too busy with our shipments and meetings with Ismael's business. I know it's rude to leave you and Hexia without saying goodbye. Pero mas kailangan kong unahin ang tungkol doon."
Parang tinambol ang dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog no'n. Rafael? Tama ba ang narinig ko? Pakiramdam ko mabibingi pa yata ako sa sobrang lakas at bilis ng pintig ng puso ko. Napapahingal na humawak ako sa aking dibdib.
Paulit-ulit na rumirehistro sa isipan ko ang sinabi niya. Hanggang sa hindi ko na namamalayan na nanginginig na pala ang kamay ko. Ang mga luha ko ay tumutulo na pala pababa sa aking pisngi habang nakikinig pa rin sa kanilang pinaguusapan.
Why was I so emotional now? Akala ko wala na akong mailuluha pa, pero meron pa pala.
"Rafael? Who's Rafael?" dinig kong tanong ni Oceanus.
Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko. Parang may sariling utak ang mga kamay ko. Natagpuan ko na lang ang sarili na tinulak ang pintuan kahit na nanginginig ang kamay ko para mabuksan 'yon ng tuluyan.
Parehas silang natigilan at napatingin sa direksyon ko.
"D-do you know Raf?" I asked Atlas while crying. I approached him and couldn't help but sob in front of him. "Who is he to you?"
Oceanus stood up from his seat and approached me. "You've been crying for a while, Hexia. Why don't you go to your room and take a rest?"
Umiling ako. "No. I don't want it. Atlas said my best friend's name. Baka naman kilala niya 'yon?"
"There are many people named Rafael in this world, Hexia," pagsingit ni Atlas.
I shook my head. "No. What if it's him?" I asked him tearfully. "What if it's the same—"
Hindi ko na natapos ang dapat kong sasabihin ng magsalita si Atlas.
"Go take Hexia to her room, Oceanus," utos ni Atlas.
Maya-maya rin ay naramdaman ko ang kamay ni Oceanus para dalhin ako sa sarili kong kuwarto. I almost didn't recognize myself because of my crying. I sobbed continuously until I reached my room.
Tahimik lang din akong tinulungan ni Oceanus na mahiga sa kama at nagpaalam na rin na lalabas na dahil alam niyang hindi ako sanay na may ibang tao sa loob ng kuwarto ko.
Why am I feeling like this? It's always Rafael. Alam ko na maraming Rafael sa mundo pero hindi ko alam, sa tuwing naririnig ko ang pangalan na 'yon pakiramdam ko iisang tao lang silang lahat. Sa utak ko siya lang ay may pangalan na gano'n at wala nang iba.
Nanlalabo pa rin ang paningin ko ng mapatingin sa digital clock sa ibabaw ng flatscreen TV. Nandoon ang date at araw sa gilid ng oras. Mas lalo pa yata akong napaluha ng makita ang petsa na nandoon.
It's Rafael's death anniversary.
▄︻デ══━一
A few weeks later, I returned to my usual treatment of Atlas. As usual, wala siya sa warehouse dahil umalis siya kaninang umaga. Kahit kaming dalawa na muna ni Oceanus ang babantay rito at ang dodouble check sa mga ginagawa sa laboratory.
Kaya ngayon, nandito kami sa malaking gym area na pinagawa ni Atlas. Maganda siya. It's almost the same as his gym in Mexico, complete with equipment, especially the weapons we can use just in case something happens here.
"Fuck! Let's take a break—shit!"
He blocked the katana he was holding with me when I suddenly attacked him. Mahigpit kong hinawakan ang katana habang sinusubukan man lang na madaplisan siya. I only stopped when I saw that I had cut his cheek and his blood was dripping there.
"I'm done," hinihingal kong ani.
"You just cut me, didn't you?" tanong ni Oceanus at pabagsak na humiga sa interlocking mat.
Mahina akong natawa. Kinuha ko ang isang pares ni Saf galing sa leg holster ko at pinaikot-ikot 'yon sa aking daliri. Pinaglalaruan ko 'yon habang nakatingin kay Oceanus.
"Don't you dare throw that thing at me, Hexia. I'm already tired as fuck."
A chuckle escaped my mouth. "What? I'm just playing with Saf. You're overreacting again."
"The last time you did that, you almost hit me."
"I'm just testing your reflexes. Pinagalitan ka na nga ni Atlas kasi kinakalawang na ang reflexes mo. But don't worry, I'll never do that again. I promise," natatawa kong sambit.
He just snorted at me and stood up to drink water from the water dispenser. I just shook my head and looked carefully at Saf.
It's still sharp when I run my finger along it. Napangiti na lang ako dahil doon, hindi ko na muna siya hahasain. I clicked the small button under it, and it immediately covered Saf's body in a second. I returned Saf to my leg holster and went upstairs to take a shower.
"I'll go ahead now, Oceanus. Bibisitahin ko pa yung mga tao sa laboratory para tingnan kung tapos na nila yung ipapadala sa Mexico."
▄︻デ══━一
"Yung sa kabilang lab, Ria? Yung para sa Serbia, okay na ba 'yon?"
Tumango siya habang tiningnan ang mga ipapadala na naka-packed na ngayon.
"Yes. I think they're already packing it. You can also check them later. Patapos na rin naman na tayo rito."
I nodded. "Thank you. I'll go check on them first."
She just gave me a thumbs up and didn't answer. Dumiretso na agad ako sa kabilang laboratory; ngayon naman ay puro mga cocaine ang nakikita ko. Ang iba ay nakabalot na at pwede nang maiakyat sa warehouse mamaya.
"Hi, okay na ba 'tong mga batch sa shipment mamaya?" bungad ko sa mga nagtatrabaho.
Everyone looked at me. They quickly nodded and pointed to the large box beside me.
"The first batch is ready for shipment to Serbia, Ms. Hexia. Sa ngayon ginagawa pa rin yung sa pangalawa at pangatlong batch. Sinusubukan din namin na matapos 'yan sa katapusan ng buwan na 'to para walang delay."
I nodded. "Okay, thank you for the update. I'll go ahead."
Tipid ko silang inigtian bago lumabas pero napabalik lang din ako nang may maalala na may hindi pa pala ako nasabi sa kanila.
"May nakalimutan pala ako. Please don't forget to tell me how many crates you will send to Serbia when you finish the second and third batches. Hindi ko pa kasi puwedeng ilista rito sa final listing yung first batch at baka may ipapabawas at ipapadagdag pa si Atlas."
"Noted, Ms. Hexia."
"Okay, thank you again."
Nakailang ikot pa ulit ako sa kabuuhan ng ibang laboratory rito bago ako tuluyang makalabas. I took off my lab gown and put it in the labgown bin, ang facemask naman na suot ko ay tinapon ko na rin 'yon bago naupo sa mahabang leather sofa rito sa living area ng lounge.
I heard the sound of the elevator bell and I turned to look. Atlas appeared, and it seemed like the conversation he had was not good. Bumaba ang tingin ko sa duguan niyang mga kamay lalo na rin sa braso nito.
"Hexia, I need to talk to you; let's go to my office."
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top