CHAPTER 24

CHAPTER 24

SARAH DAYANGHIRANG

"Puwede bang magpahinga muna ako?" hinihingal kong tanong ng makarating kay Atlas.

Nanatili lang siyang nakatayo habang nakahalukipkip. Parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa nang walang emosyon siyang umiling sa akin. Dinaanan ko ulit siya at nagsimulang mag-jogging.

"Keep practicing your breathing, Sarah. Mas madali kang hihingalin kapag mali ang ginagawa mo. breathe in through your nose and breathe out through your mouth," pahabol niya kaya tumigil muna ako saglit para pakinggan siya.

"Let your belly move, not your shoulder. You can try inhaling in 2 steps and exhaling in 2 steps. Kapag hinihingal ka na, try to slow down."

Tumango ako at agad na sinunod ang kan'yang sinabi. Sabi niya kailangan ko raw ng ganito... itong jogging na 'to para mas lalong lumakas ang stamina ko.

Hindi ko na rin mabilang kung nakailang laps na ako... o baka nga hindi pa ako lumalagpas sa sampung laps na pinapagawa ni Atlas. Dahil minsan kapag napapagod na ako, nauuwi na 'yon sa lakad. At kapag napapatingin sa akin si Atlas ay nagsisimula na ulit akong mag-jogging.

"It's been a while since my last jogging."

Kunot noong nilingon ko si Oceanus. Hinihingal na ako at pawisan ang mukha. Sinasabayan niya ang pagjojogging ko kaya nagawa niya akong kausapin. Kung kanina ay madilim pa dahil maaga kaming nag-start, ngayon ay hindi na.

Tumaas na ang araw galing sa dagat kaya pawis na pawis kaming dalawa sa nakakapasong init ng araw. Habang abala kami sa pagjojogging, si Atlas naman ay nakahiga sa beach lounge na may malaking puting payong, pinapanood kaming dalawa ni Oceanus sa ginagawa namin.

Nakababa ang sunglasses niya dahil sa sikat ng araw pero alam kong nakatingin siya sa amin. May mga mangingilan na rin na mga tao rito at turista na rin pero hindi na naman pinansin 'yon.

"Nauuhaw na ako..." nanghihina kong sambit.

Mahinang natawa si Oceanus at bumaba ang tingin sa digital wristwatch. "We're almost done, huwag kang mag-alala."

"Huh—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla akong bumagsak sa buhanginan. Mabuti nga at hindi masakit. Ang ibang turista na nakakasabayan namin na mag-jogging ay napatingin sa akin; para akong nilamon ng hiya. Bigla ba namang nangahina ang tuhod ko. Umangat ang aking kamay at hinilot ang binti ko.

"Hindi ko na yata kaya," ani ko. Umangat ang ulo ko at tiningnan si Oceanus. Nakababa na rin pala ang paningin niya sa akin. "Parang nanginginig yung binti at hita ko."

"It's okay. Let me help you." Kinuha ni Oceanus ang braso ko at madali lang akong naitayo. Inalalayan niya akong maglakad hanggang sa makarating kami kay Atlas.

"That's enough. It's already 6 in the morning. I'll give you a 20 minutes break; after that, Oceanus will teach you hand-to-hand combat," salita niya ng malapitan namin siya.

Tahimik na lang akong tumango at nilingon si Oceanus. Tipid niya akong ningitian at nag-thumbs up pa. Wala ng ibang sinabi si Atlas sa amin at sabay-sabay na kaming bumalik sa bahay nito para makapagpahinga na.

Nakaalalay pa rin sa akin si Oceanus kada hakbang ko. Dahil parang anumang oras matutumba ulit ako dahil sa panghihina ng dalawa kong hita at binti. Isama pa na hinihingal at pagod-pagod pa ako.

Pakiramdam ko parang mawawalan pa ako ng malay dahil doon. Nakakahilo. Umiikot ang paningin ko at nakakasuka.

Sobrang nabigla talaga ang katawan ko ngayon.

݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ

"Again," madiin na sabi ni Atlas.

Tinaas ko ang aking ulo at tiningnan siya. Nakatayo siya sa labas ng boxing ring na hindi masyadong mataas dahil hindi naman 'to yung elevated type na boxing ring. Naiiyak na tumayo ako mula sa pagkakabagsak sa interlocking mat; may nilagay silang ganito para kung sakaling bumagsak man ako ay hindi 'yon sobrang sakit.

Kanina pa kaming dalawa ni Oceanus na nandito, at hindi ko na rin alam kung ilang oras na kaming nag-eensayo rito. Ang braso ko at buong katawan ay nagsisimula nang manakit. Bago kami magsimula kanina sa hand-to-hand combat ay nakapag-warm-up naman kami, pero dahil nabigla ang katawan ko ngayong araw, expected ko na mananakit talaga ang katawan ko dahil first time ko sa ganitong gawain.

"Fix your foot position, Sarah. Your body position looks stiff," kumento ni Atlas. "And always be alert to your surroundings."

Dahan-dahan akong tumango sa sinabi niya. Inayos ko ang postura ng katawan ko at muling hinarap si Oceanus. Napalunok ako ng makita na naman ang seryosong ekspresyon ng kan'yang mukha. Kanina pa siya ganito, at sa totoo lang ay nakakatakot siya.

Una sa lahat, lalaki siya! At malaman mas malakas siya sa akin. Awtomatiko naman na lugi ako sa kan'ya kapag gano'n.

Bumaba ang tingin ko sa aking paa. Palagi ng naka-position ang paa ko, kanina pa silang ganito. Iniisip ko pa kung paano ko aayusin ang position no'n. Ginaya ko na lang ang position ng paa ni Oceanus, at nang umangat ang paningin ko sa kan'ya ay namilog ang mga mata ko nang sumalubong sa harapan ko ang kamao ni Oceanus na alam kong tatama talaga 'yon sa mukha ko.

Pakiramdam ko bumagal ang ikot ng mundo ko. Nanginig ang tuhod ko sa takot at napaatras na lang. Ang kamay ko ay naibaba ko imbis na isalag 'yon sa suntok ni Oceanus.

Akala ko tatama 'yon sa akin pero hindi. Kaunti na lang ang pagitan ng kamao ni Oceanus sa mukha ko. 

"See? That's what will happen to you if you're not alert to your surroundings," dinig kong sabi ni Atlas.

Napatingin ako sa gilid ko ng makita siyang pumasok sa boxing ring. Hinawakan niya ang aking balikat at dinala sa gilid para siya ang pumalit sa aking puwesto.

"Since you don't know yet how and where to position your hands and arms, I'll teach you the footwork first. Kapag naintindihan mo na sila, puwede na natin pagsabayin ang dalawang 'yon."

Tumango ako at pinanood na lang siya. Ang kaliwa niyang kamay ay nakaposition sa ibaba ng tagiliran nito. Humarap siya sa akin at tinuro ang ginawa niya.

"Always remember not to leave your side open because that's the first thing they will target. You should always defend your side using your forearm or you can block it."

Dumako ang tingin niya kay Oceanus at sumenyas. Mukhang naintindihan naman ni Oceanus ang pinaparating ni Atlas kaya mabilis pa sa alas kuwatro na umigkas ang kamao niya kay Atlas. Sumabay ang katawan niya sa pag suntok nito at sinubukan na tamaan ang tagiliran ni Atlas. Pero hindi rin 'yon nagawa dahil ekspertong naharangan ni Atlas 'yon.

"Did you see it?" tanong ni Atlas bago ako tingnan. 

Tumango ako. "Oo."

"Good. Now that Oceanus' right side is open because he's attempting to punch me. There's a high chance that you can punch him immediately if he doesn't defend it quickly."

Namilog ang mga mata ko ng biglang sumuntok si Atlas kay Oceanus. Tumama ang kamao ni Atlas sa tagiliran niya. Napangiwi ako dahil doon. Mukhang masakit 'yon. Napaatras tuloy si Oceanus habang nakahawak sa kan'yang tagiliran. Halos hindi na rin maipinta ang sakit na bumalatay sa mukha niya dahil sa ginawa sa kan'ya ni Atlas.

"Aray ko, ang sakit no'n, ah. You're just doing a tutorial. Paalala ko lang sa 'yo," reklamo ni Oceanus habang hinihimas ang tagiliran niya.

Hindi ko tuloy maiwasan na hindi mag-alala sa kan'ya dahil hindi biro yung suntok sa kan'ya ni Atlas.

"You're overreacting. That punch is not even in my one hundred percent," sagot ni Atlas.

Mas lalo lang yata ako natakot sa kanilang dalawa. Mukhang pinagsawalang bahala na rin agad ni Oceanus ang ginawa sa kan'ya ni Atlas makalipas ng ilang minuto. Nagsimulang magsalita ulit si Atlas habang ako ay hindi maiwasan na tingnan si Oceanus; ginagalaw na niya ngayon ang kan'yang ulo na para bang iniistretching 'yon. Naririnig ko pa ang paglagatok ng mga buto niya dahil. Umangat na rin ang kamay niya at nakaposition, handa nang suntukin si Atlas kung uutusan man siya.

"There are three types of punches, Sarah. First is a jab."

Pinakita niya sa akin ang sinasabi niyang jab. Nakahanda na ang forearm ni Oceanus para depensahan niya ang sarili sa gagawin ni Atlas. Sumuntok na sa kan'ya si Atlas, magaan 'yon pero mukhang mabigat pa rin.

"A jab is a quick and straight punch using your lead hand," paliwanag niya. "Second is the cross; it's just a straight punch, just like a jab, but it needs to be a powerful punch."

Pinakita niya sa akin ang sinasabi niyang cross, pero hindi na niya 'yon ginawa sa harapan ni Oceanus. Sumenyas siya sa akin na sundan ako kaya ginawa ko 'yon. Lumabas na kami sa boxing ring at sumunod sa kan'ya. Nagtungo kami sa isang malaking punching bag nito kung saan nakapuwesto malapit sa gilid ng boxing ring.

Hindi na sumunod sa amin si Oceanus; nang bumalik ang paningin ko sa kan'ya, nakita ko na nag-sha-shadow boxing na siya. Mangha-mangha pa ako dahil sa sobrang bilis at ang liksi ng mga kilos niya. Sunod-sunod ang bawat pag suntok niya sa hangin at minsan naman ay umiiwas pa siya na akala mo ay may kalaban.

"Muay Thai will be the best for you, I think. Small people like you are better at hand-to-hand combat because your bodies are light and fast," sambit ni Atlas na ikanabalik ko ng atensyon sa kan'ya.

Hindi ko alam kung ma-o-offend ba ako sa sinabi niya na dahil maliit ako o ano. Malaking tao kasi si Atlas; parehas silang dalawa ni Oceanus. Kaya s'yempre paniguradong maliit ang mga iba para sa kan'ya. 

"For now, I'll teach you the basic punches before Oceanus trains you in Muay Thai."

Tumango ako at nakinig pa sa mga sinasabi niya. Dahil slow learner pa ako sa mga ganitong bagay, puro suntok lang muna ang tinuro niya sa akin. Kung ano ang tamang way ng pagsuntok at ang mga posisyon ng kamay ko.

"Third is the hook; it's like a curved punch at your enemy's jaw or body," ani Atlas.

"Last one is Uppercut." Tinuro niya ang isang part ng punching bag na katapat ng kan'yang mukha, sa bandang ibaba no'n kaunti bago ako lingunin. "Imagine that this is your enemy's face. An uppercut is like a rising punch that you need to aim at your enemy's chin."

Agad niyang dinemo sa akin ang uppercut na sinasabi niya. Hindi pa siya satisfied sa tinuro niya sa akin kaya nagsimula ulit kami sa jab hanggang sa pinaka last, uppercut. Para madali ko agad 'yon matandaan.

Kaya ngayong araw, imbis na si Oceanus ang magtuturo sa akin, ang nangyari ay si Atlas na. Araw araw na akong tinuturuan ni Atlas ng mga basic na suntok hanggang sa masanay ako. Mas maganda raw 'yon para at least may alam ako tungkol sa tamang pag suntok bukod sa Muay Thai na ituturo nila. Hindi lang din kasi naka-focus ang Muay Thai sa pagsuntok. Kasama roon ang pagsipa, pagtuhod, at lalo na rin ang paggamit ng siko sa kalaban.

Kahit naman na hindi si Oceanus ang nagturo sa akin ngayon, nandito pa rin naman siya sa gym kasama namin. Nag-workout na lang siya pagkatapos ng shadowboxing nito. Kumpleto naman ang mga machines ni Atlas dito kaya marami siyang magagawa.

"I think that's all for today. Take a rest and we will do this again tomorrow. Don't forget that every day your training is getting harder and harder."

Awtomatiko akong bumagsak sa mat ng marinig 'yon kay Atlas. Na para bang tuluyan ng  bumigay ang dalawa kong tuhod dahil sa wakas makakapagpahinga na kami. Hinihingal na ako at hinahabol ang sariling hininga habang nakatingala sa kan'ya.

Ang braso ko ay masakit, parang nanginginig pa yata dahil sa ginawa namin ngayon. Mukhang mahihirapan pa yata akong magbitbit ng mabibigat na bagay dahil sa sobrang sakit. Parang namamaga na ewan.

"U-ulit?" pagod kong tanong.

Seryoso ang abo niyang mga mata na tumingin sa akin. "Of course. You're here to train, Sarah. Don't expect us to go sightseeing here."

Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa. Pinanood ko na siyang umalis sa gym basement nito ng talikuran na ako. Wala na akong lakas para umangal pa sa mga gusto niyang gawin kaya hinayaan ko na lang.

Pinili ko 'to, kaya paninindigan ko 'to.

݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ

10 months later...

"Again!" sigaw ni Atlas.

Mabilis akong tumayo sa pagkakasalampak sa interlocking mat at sinugod si Oceanus. Sunod-sunod na mabibigat na suntok ang ginawa ko sa kan'ya habang dinidepensahan niya ang kan'yang sarili sa mga suntok ko. Sa bawat pagtama ng suntok ko ay umaatras ito hanggang sa ma-korner na siya sa sulok ng boxing ring. Hindi agad siya nakakilos dahil sa ginawa ko. Ang braso niya ay nakaharang sa kan'yang mukha bilang depensa.

Malakas akong napasinghap at namilog ang mga mata ng makitang bumaba na ang braso ni Oceanus. Alam ko na ang sunod niyang gagawin, sa ilang buwan kong pagtatraining at siya ang nagiging sparring partner ko, alam ko na ang mga galawan niya.

Mabilis at may bigat ang kamay niyang umigkas at sinubukan akong tamaan sa mga suntok nito. Mabuti na lang at umatras agad ako. Agad kong naiwasan at nadepensahan ang mga mabibigat niyang suntok.

Pinagsawalang bahala ko ang pananakit at kirot sa kamay at braso ko ng doon tumama ang suntok niya. 'Yon ang ginamit kong pangdepensa para hindi mapuruhan ang mukha at sikmura ko. Ako naman ngayon ay napapaatras at natataranta na rin dahil sunod-sunod na tumatama sa akin ang suntok ni Oceanus.

Calm down, Sarah!

Huminga ako ng malalim at mabilis na ginalaw ang sarili sa kabilang puwesto para maiwasan siya. Maliksi ang mga kilos ko, nang makarating ako sa kan'yang likuran ay tumalon ako roon at pinalibot ang braso sa kan'yang leeg. Umangat ang kamay niya at napahawak sa braso ko, alam kong gagawin niya 'yon kaya awtomatikong humawak ang kamay ko sa kan'ya at pinilipit 'yon.

Tinanggal ko ang aking kamay na nakapalibot sa leeg niya at inipit 'yon sa pagitan ng aking hita. Inikot ko ang aking katawan at nilagay ang buong bigat ng aking katawan sa braso ni Oceanus na inipit ko sa pagitan ng aking hita bago ibinagsak ang katawan sa mat kasama siya.

Narinig ko ang mahina niyang daing dahil doon. Awtomatiko akong napangiti at sabay kaming tumayo.

"Hey, that's cheating! Muay Thai ang gagawin mo, hindi wrestling!" reklamo ni Oceanus.

Nakatayo siya sa harapan ko habang nakahawak sa kan'yang likod. Hindi ko pinansin ang reklamo niya, muli ko siyang sinugod. Sunod-sunod na naman ang mga mabibigat na suntok na binigay ko sa kan'ya. Sipa. Siko. Suntok. Hindi alintana ang pananakit ng katawan ko. Sobrang tigas ng katawan ni Oceanus, pakiramdam ko para akong sumusuntok ng pader.

Hindi ko alam... sa tagal na naming ginagawa 'to, mas nagugustuhan ko na sumasakit ang katawan ko sa tuwing ginagawa namin ni Oceanus 'to. Nasasatisfied ako kapag nananakit ang katawan ko.

Naririnig ko na parang may sinasabi si Oceanus pero parang hindi pumapasok sa utak ko 'yon. Nang makita na open ang tagiliran niya at nakalimutan depensahan, 'yon ang pinuntirya ko. Buong lakas kong sinuntok 'yon at doon siya napaatras kasabay ang pagdaing niya.

Bago pa siya makarecover sa suntok ko ay malakas kong sinipa ang dibdib niya at tumalon. Hinawakan ko ang kan'yang leeg at tinuhod ng maraming beses ang kan'yang sikmura. Doon siya napahiga kaya nagawa kong patungan siya sa dibdib at pinagsusuntok ang mukha niya.

Sa tingin ko tatlong beses kong nasuntok ang kan'yang mukha bago niya naharangan 'yon gamit ang braso niya. Pero hindi ako tumigil, sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Pakiramdam ko nawala ang pagod sa katawan ko. Parang may apoy na kung anong dumaloy sa ugat ko na parang mas lalong lumakas pa ako.

Nanginginig ang mga kamay ko sa bawat pag suntok sa kan'ya. Halos mabingi ako sa bilis ng tibok ng aking puso. Ang kamao ko ay namamanhid at wala nang maramdamang sakit kaya patuloy pa rin ako sa aking ginagawa.

"Sarah, stop it."

Ilang buwan na ang nakalipas pero kaunti pa lang ang improvement ko rito. Kailangan kong matuto agad sa abot ng makakaya ko. Matagal na ang sampung buwan mahigit dito. Dapat kaya ko na ang iba, kaya habang kaya ko iiwasan ko na maging pabigat sa kanila.

"Sarah."

Nanatili pa rin akong nasa ibabaw ni Oceanus. Nagtaas baba ang dibdib ko habang patuloy pa rin sa pag suntok. Nanginginig na rin ang bawat paghinga ko. Parang may sariling utak ang mga kamay ko, natagpuan ko na lang ang sarili na puwersahang tinanggal ang brasong nakaharang sa mukha ni Oceanus. Nanginginig ang katawan ko na sisikuhin sana ang mukha niya ng may isang brasong pumalibot sa aking baywang at inilayo kay Oceanus.

"That's enough. Nawawala ka na sa sarili mo," pagpigil sa akin ni Atlas habang nakapalibot pa rin sa aking baywang ang braso niya na para bang stuff toy lang kung buhatin.

"H-huh?" nauutal kong tanong sa kan'ya.

Dumako ang tingin ko kay Oceanus ng makitang doon nakatingin si Atlas. Nanlaki ang mata ko ng makitang dumudugo na ang ilong ni Oceanus, nakahawak na siya sa matangos niyang ilong habang nakatayo. Mabilis akong nagpumiglas sa hawak ni Atlas at pinuntahan ang isa.

"S-sorry, Oceanus..." nauutal kong sambit. "Sorry... nawala yata ako s-sarili..."

Mahina siyang natawa at nag-thumbs up lang. "It's okay, Sarah. Our sparring was good. I enjoyed it. Nag-iimprove ka na."

Hindi ko tuloy maiwasan na hindi mapangiti sa sinabi niya. Nag-improve na ako? Ibig sabihin nagbunga nga talaga ang pinaghihirapan kong training dito sa loob ng sampung buwan.

"Go treat your bleeding nose, Oceanus. Let's call it for today; magpahinga na kayong dalawa. I still need to meet Ismael downtown."

Sabay kaming tumango ni Oceanus at nag kanya-kanya na. Nauna nang magpaalam si Oceanus dahil dumudugo pa rin ang kan'yang ilong.

Habang ako naman ay dumiretso na sa aking kuwarto para makapagpahinga at maligo. Nang matapos ay nagtungo sa balkonahe ng aking kuwarto para tingnan ang magandang dagat sa ibaba no'n.

݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ

3 years later...

Tatlong taon na ang nakalipas, at sa mga taon na 'yon namaster ko na rin ang Muay Thai. Hindi lang naman din 'yon ang pinag popokusan namin sa training ko habang nandito sa Mexico. Bukod doon ay tinuruan din ako ni Atlas kung paano gumamit ng baril. Hindi na rin naman ako nag reklamo ba dahil gusto ko rin matuto no'n.

Sa buong tatlong taon na ginugol namin dito sa Mexico sa pagtatraining ko, lahat ng 'yon ay may fixed na schedule na gawa ni Atlas. Lahat ng 'yon ay sinunod ko. Maski sa pagkain na kinakain ko, may sinusunod akong diet.

Kaya ngayon, ang payat kong katawan ay nagkaroon na rin ng laman. Hindi rin naman laman dahil pati muscle ay nag-gain ako.

Nakaharap ako ngayon sa full-length mirror sa loob ng aking kuwarto habang nakasuot lang ng black cotton triangle bralette at black cotton thong. Kitang-kita ko sa harapan ng salamin ang mangingilang pasa sa katawan ko dahil sa sparring namin kanina ni Oceanus, pero ayos lang. Worth it naman lahat ng naging resulta no'n.

Umangat ang aking kamay sa ere at sa bawat pag galaw no'n ay kapansin-pansin na rin ang muscle ko sa biceps kahit na hindi ko pa 'yon pinapalabas. Mapapansin naman agad 'yon sa tuwing gumagalaw ako. Katamtamaman lang ang muscle ko roon at hindi naman sobrang laki.

Sa tagal ng pagtatraining ko kasama sila, mas naging toned ang katawan ko. Hindi katulad dati na payat lang at malambot ang laman. Sinong hindi mag-aakala na magkakaroon pa ako ng four-pack abs sa ginagawa ko? Sa dami ba naman naming ginagawa na workout at iba pa, sinong hindi magkakaroon ng ganito?

"Sarah?"

Mabilis akong napalingon sa nakasaradong pintuan ng marinig ang boses ni Atlas sa labas no'n. Agad kong dinampot ang black bath robe na nakapatong sa ibabaw ng aking kama at sinuot 'yon bago pagbuksan ng pintuan si Atlas.

"Atlas?" bungad ko ng makita siya.

Awtomatikong bumaba ang mata ko ng makita ang hawak niya. Long black box. Kumunot ang noo ko. Ano 'yon?

"Since you've been doing well in your training for almost 3 years, I want to give this to you." Inabot niya sa akin ang hawak niya.

Tinanggap ko na lang 'yon kahit na naguguluhan pa ako. "Why?"

"It's been almost a decade that I've kept it hidden, and I don't want it to just get ruined by being kept away. I think it would be better if you used it, especially since you've already mastered using stiletto knives. Just take good care of it."

Napatango na lang ako at kunot noong binuksan ang box. Napaawang ang aking labi ng makita 'yon. Isang golden stiletto-type weapon. 'Yon agad ang bumungad sa harapan ko. Halatang inaalagaan pa rin naman ni Atlas kahit na hindi ginagamit dahil makintab pa rin. Kinuha ko 'yon at napatulala sa isang naka-carve na pangalan sa isang handle no'n.

Sienna.

"Sienna..." Umangat ang tingin ko sa kan'ya. "Sinong Sienna, Atlas?"

"Don't ask me some question and just take it," sagot niya at mabilis na umalis sa harapan ko.

Napaismid na lang ako. Palagi na lang talaga siyang pinagsasakluban ng langit at lupa.

Akmang papasok na sana ako pabalik sa kuwarto ng marinig ko ang pagtikhim niya. Alam kong may sasabihin pa siya sa akin kaya muli ko siyang tiningnan.

"I forgot to tell you that we're going back to the Philippines. Pack your things, and our flight tomorrow is in the morning. I want you to be ready exactly at 6 in the morning."

Hindi agad ako nakakilos dahil sa pagkabigla. Naestatwa pa ako sa kinatatayuan ko at pinanood siyang pumasok sa sarili niyang kuwarto habang ako ay nandito, nakatulala sa hawak kong binigay niya, at paulit-ulit na rumirehistro sa isipan ko ang sinabi niya kanina.

Babalik na kami? We're going back to the Philippines?

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top